Share

KABANATA 6

                                          I DON'T LIKE YOU

Lacey's Pov

“Oh , ba’t kunti lang nakain mo?” tanong ni mom sa akin nang napansin na parang hindi pa ako nangahalati sa pagkain.

“Mom, was father your first crush?” wala sa sarili kong tanong. My dad then looks at me na tila na a-amused.

“Is this about the guy you told us who doesn’t like you back?” tanong ni mom sa akin.

“Never mind, mom” malumanay kong sabi. Tila hindi namn ito kumbinsi.

“What’s his complete name, sweety?” tanong ni dad sa akin na tila curious na curious kay Kurt.

“Kurt Uriel la Pierre, dad.” simple kong sagot.

“Why, hon? “baling ni mom kay dad.

“Just curious, itong anak natin kasi mukhang tulad mo rin pag nagkagusto sa isang lalaki, naalala kita dati.”  balik-tanaw nitong sabi. Parang na interesado ako tuloy na alamin ang love story ng dalawa.

“Bakit, dad? Tell me, bakit ano ba si mom dati?” natatawa kong sabi sabay tingin kay mom na tila pa ring kinikilig.

“Ay naku, sweety huwag mo na alamin.” saway ni mom sa akin.

“Ako lang ang tanging lalaking minahal ng mama mo, sweety. Ayaw tumingin sa iba kahit pinagtatabuyan ko na. “may lakas na loob na sabi ni dad pero may himig panunukso.

Tawang tawa ako sa narinig. Hindi ko akalain na ganun pala si mom kasi mukha naming hindi.

“Akala ko ba dad, ikaw tong habol nang habol kay mom?” may pag usisa kong tanong.

“Yeah, after nung nalaman ko na pilit pala siyang ipakasal sa dad niya dun sa lalaking gusto nila para sa kanya.

“Oh wow! Grabe, ang tindi pala ng pagmamahalan niyo ha! “sabi ko na kinikilig sa nalalaman.

“Yeah, pero hindi naman talaga ako mapipilit ng mga parents ko na pakasalan si Dave, sweety! I love your dad, at sadyang matigas ang ulo ko, just like you!” paliwanag ni mom.

Tawang tawa kaming tatlo sa pinag-uusapan. I really love how my parents have loved each other. Dahil sa kanila naniniwala ako na Love truly exists.

Naghahanda ako sa pagtulog nang maisipan kong e text uli si Kurt. Bahala siya sa buhay niya. Guluhin ko siya sa ayaw at sa gusto niya. Iniisip ko nang masinsinan kung anong dapat e text ko sa kanya. Yung parang hindi kahiya hiya ang dating.

Nagtipa na lang ako ng “Hi” muna at sinent ko nang nakapikit na parang tinantiya ko kung sasagot ba ito o hindi.

Mga ilang minuto na wala akong natanggap na sagot. Doon ko na nararamdaman ang kunti ang hiya .Baka hindi naman hindi ito sanay mag text, kumbinsi ko sa sarili kong kagagahan. Eh, kasi hindi ko naman ito laging nakikita na ginagamit ang phone niya. Hindi ko nga alam kung lagi ba niya itong dala dala.

Naisipan ko nang matulog nang biglang tumunog ang cellphone ko. Ayaw kong tingnan. Takot ako. Ayaw kong mag assume na galing iyon kay Kurt. Madidismaya lang ako kung galing ito sa iba. Pero wala na akong ibang pwedeng magawa kundi tiningnan ko na lang kung kanino galling. Oh my God! Galing sa taong di ko inaasahang sumagot. Kurt.

How the hell that you got my number?” ang text. Nagtipa ako ng sagot.

Di na importante iyon.

Agad naman itong nagreply.

For me it is.

Hays! Kahit sa text kakainlab ang laking ito. Bakit iba ang dating mo Kurt? Nag reply ako sa kanya.

We can talk about it personally.

Ilang Segundo ay sumagot ito.

 I don’t want any confrontation with you again.

Kahit suplado kay di pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa’yo. Kausap lang kita sa text kahit labag sa kalooban mo ay masayang masaya na ako. Mukhang magiging matiwasay ang tulog ko ngayon.

Naisipan kong magmessage nang nakakagulat sa kanya. Ewan ko lang kung magugulat pa ba ito sa sasabihin ko.

I really like you a lot.

Sent.

There. I finally have said it.

Para akong nagbibilang ng butiki sa bubong kahit wala naman akong nakikita habang naghintay sa reply niya .

Lumipas ang limang minuto. Wala pa rin.

Sampung minuto. Walang reply galing sa kanya.

Siguro nga'y sapat na iyong malalaman niya na galing mismo sa akin na gustong gusto ko siya. Iba pa rin yung galing sa akin mismo kumpara kung sa iba lang niya nalalaman at naririnig. Hindi ko alam kung kailan ito kumalat o kailan ito nakarating kay Kurt. Basta ang alam ko lang wala akong pakialam. 

Pinikit ko na sana ang mata ko nang biglang tumunog na naman ang celphone ko hudyat na dagli ko itong kinuha at binasa ang mensaheng syempre galing na naman kay Kurt. Hndi pa ba ito natutulog? Anong oras na ba? Alas dyes na nang gabi.

I don't like you and I won't like you.

Masakit. Alam ko na naman iyon. Pero kung paulit ulit niyang sasabihin ay medyo parang nakakalungkot na. Unang beses kong nagkagusto sa isang lalaki at ito rin ang unang beses na may ayaw sa akin na lalaki. Yun sa pagkakaalam ko lang.

Pero hindi iyon ibig sabihin na susuko ako. Gagawa pa rin ako ng paraan para magkalapit kaming dalawa. Naisip ko si Sheena. Tama. Sisimulan kong makipaglapit kay Sheena parang sa ganun malimit yung pagkikita namin kasi alam ko namang laging magkasama ang dalawang ito. Paano kaya? Sana tutulungan naman ako ng pagkakataon this time.

Makatulog akong may ngiting tagumpay sa labi ko. Bukas sisimulan ko kay Sheena.At least kahit paano naman ay nagkausap na kami sa phone ni Kurt. Isa na iyong malaking improvement sa relasyon namin. Wow! big word. Relasyon. Coming soon pa nga lang.

Naisipan kong mag good night para sweet ang relasyon naming coming soon.

"Goodnight, babe!

Sent.

Alam ko namang tulog na ito sa ganitong oras. Pero umaasa pa rin ako na nabasa niya ang text ko bago matulog. Kilig na kilig ako sa "babe " na endearment. Ang saya siguro sa pakiramdam pag mismo galing kay Kurt maririnig ko iyon.

Biglang tumunog ang phone ko sa di ko inaasahan.Kinabahan ako.

 Goodnight BFF. 

Galing kay Shai ang text. Jusmiyo akala ko galing kay Kurt. Sobrang umasa girl? Malamang tulog na iyon o malamang nabasa ang text mo pero tinawanan lang kasi nga he will never like someone like you.

Well, Only time will tell.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status