PAGBALIK NG OFFICE ay panay lang ang irap ni Roxan kay Alyson. Ni hindi siya nito magawang lapitan at awayin hindi dahil sa takot siya. Ayaw na lang niyang bigyan ng panahon si Alyson na mas asarin siya. Palaban na ito. Nagbago na. Hindi na lang niya basta-basta mabu-bully ang babae. Saka na lang niya ito ulit bu-buwisitin. Hindi rin naman nagtagal ng araw na iyon at nakatanggap si Alyson ng text message mula kay Augusto. Nagpakilala ito kaya naman alam niyang numero nga ito ng lalake. Hindi naman sa kanya interesado ang lalake, hinihingi lang nito ang number ni Loraine at saka address. Bagay na nagbigay na naman ng dumi sa isip ni Alyson.“Hmmn, ibibigay ko ba o hindi?” tanong ni Alyson sa sarili habang matamang pinag-iisipan 'yun.Tapos na ang office hour nila at ang karamihan sa kanila ay handa ng umalis ng opisina. Ready na rin siya. Katunayan ay naka-pack na ang mga gamit niya. Tatayo na lang at lalabas upang umuwi ng bahay pagdating ng tamang oras.“Ibigay ko na lang siguro, tut
MULING KINABIG ni Augusto si Loraine palapit sa kanya. Mahigpit at puno ng pananabik na itong niyakap. Hinaplos-haplos ang buhok ni Loraine na lalo pang bumuhos ang masaganang luha. Aminin man ni Loraine o hindi, apektado pa rin siya, ang damdamin niya ng tunay na ama ng batang dinadala niya. Iba pa rin ang pakiramdam kapag ito ang kayakap at kausap tungkol sa bata.“I’m sorry, Loraine. I’m sorry. Hindi ko alam. Wala akong alam. Bakit kasi hindi mo sinabi sa akin ang totoo ng maaga? Kung nalaman ko 'yun agad, kung sinabi mo sa akin agad na buntis ka. Hindi mo sana pinagdaanan ng mag-isa ang lahat. Tutulungan kita, dadamayan kita. Alam mo naman 'yun di ba? Ganun kita kamahal, Loraine.”Patuloy na inalo ni Augusto ang babae. Isinandal pa nito sa dibdib niya ang mukha ng babae.“Huwag kang mag-alala. Ngayong alam ko na at narito na ako, hindi ko hahayaang pagdaanan mo ang lahat ng ikaw lang. Sasamahan na kita.”“Hindi, Augusto!” bayolenteng reaksyon ni Loraine na ikinagulat ng lalake, “H
BAGO UMUWI NG BAHAY after ng work ng araw na iyon ay nakatanggap si Alyson ng tawag mula kay Rowan. Inaaya siya nitong kumain sila sa labas ng hapunan upang makibalita na rin sa nangyari. Pinagbigyan naman ni Alyson ang kaibigan tutal ay maaga pa naman. Isa pa, hindi pa rin naman siya pagod. Nagkita silang dalawa sa labas at doon na nag-decide kung saan silang dalawa magkakasundong kakain ng dinner.“Nakakulong sila? Seryoso ka? Hindi mo lang ako ini-echos?” sunod-sunod na tanong ni Rowan.“Oo nga, ilang beses mo bang gustong marinig na sabihin kong oo? Bakit di ka naniniwala?” sagot ni Alyson na may pag-irap pa sa kaibigang nakangisi na. “Sinampahan na namin sila ng kaso. Magkasama kami ni Geoff na pumunta doon sa police station kinabukasan ng araw na 'yun.”“Mabuti naman kung ganun nang alam nila ang kalalagyan nila oras na maging masama sila. Deserve nila 'yun. Dapat nga pagbayarin n'yo pa.”Doon na rin sinamantala ni Alyson na ipahayag sa kaibigan ang nakalimutan niyang ibilin dit
KINABUKASAN AY NAPILIT ni Geoff na gumamit ng isa sa mga sasakyan niya si Alyson. Excited naman na sinang-ayunan ‘yun ng babae. Syempre, gusto rin niyang maranasan ang magmaneho ng mamahaling sasakyan. At ng umagang iyon na ini-offer na naman ito ni Geoff sa kanya ay hindi na lang niya pinalagpas at tinanggihan pa. Buong puso na tinanggap niya ang susi ng sasakyang inabot sa kanya ni Geoff.“Seryoso ka? Pwede kong gamitin?”“Oo nga, ayaw mo naman sa aking magpahatid eh. Mag-drive ka na lang ng isa sa mga sasakyan ko. Basta mag-iingat ka lang sa pagmamaneho, Alyson. Sa tamang speed at linya ka lang.”“Okay.”Excited pa rin na pumasok sa loob ng sasakyan si Alyson. Binuhay ang makina nito. Binuksan niya rin ang bintana upang kumaway lang kay Geoff.“Mauuna na akong umalis, Geoff! Salamat!”“Sige, iyong bilin ko. Mag-iingat sa pagda-drive!”“Of course!” tugon ni Alyson at inapakan na ang silinyador ng kotse upang umalis na doon. Sakto lang ang bilis ng takbo niya kung kaya naman ay wala
NATAPOS ANG EARLY meeting nila nang walang naiintindihan si Alyson kahit isa tungkol saan 'yun dahil sa pangbu-buwisit ng maaga ni Roxan. Kada titingnan niya ang babae ay kumukulo ang dugo niya. Ilang beses na niyang pinag-planuhang patayin ang gaga sa isipan niya. Mukhang sinusubok na naman nito ang haba ng pasensiya niya. Akala yata nito uurungan niya. Hanggang sa matapos ang meeting ay nanatiling masama ang tingin niya sa babae. Gigil na gigil sa hitsura nito. ‘Tsk, kala mo sinong magaling at maganda.’Akala ni Alyson ay natapos na ang lahat doon, ngunit hindi. Mali siya. Nang makabalik na sila sa department ay ikinalat pa ni Roxan ang tungkol sa kanya sa mga ka-trabaho nila. Hindi tahasan pero dahil sa labas na ulit ang table niya ng office ni Kevin, ay dinig na dinig na naman niya ang mga bulungan ng mga ka-trabaho patungkol dito. “Wow! Ang kapal naman ng mukha.”“Oo nga eh, ang lakas ng loob mag-drive papunta dito gamit ang sasakyan na kabayaran ng puri n’ya.” sagot ni Roxan n
PADABOG NA SUMUNOD si Roxan, habang si Alyson naman ay chill lang dahil alam niyang sa kanilang dalawa ni Roxan siya ang tama at mananalo kahit saan pa sila abutin at pagharapin ni Kevin. Siya lang naman itong galit na galit sa nakita niya.“Roxan, ano na naman itong issue mo kay Alyson? Kakabalik mo lang sa trabaho tapos heto ka na naman? Hindi ka pa rin ba magtitino ha?!”Humalukipkip si Kevin at naupo sa gilid ng kanyang working table. Pinag-ekis pa nito ang dalawang binti habang nakaharap sa dalawa na nakatayo lang at hindi magawang maupo.“Sir, ang gusto ko lang namang ipaintindi dito kay Alyson ay hindi niya dapat dalhin dito sa opisina ang anumang kalandian na ginagawa niya sa buhay niya. Business partner natin si Mr. Carreon tapos itong si Alyson tahasan niyang ginagamit ang taong ‘yun. Tumanggap pa siya ng sasakyan. Iyong paghahatid nga lang sa kanya dito ay issue na. Tapos, tumanggap pa siya ng sasakyan? Hello, anong klaseng kalapastanganan na iyon?”“Sa lahat ng ka-trabaho
ILANG SANDALI PA ay bumalik na rin si Alyson sa upuan niya matapos na magtungo muna ng banyo. At kagaya kanina, panay sulyap na naman ang mga ka-trabaho niya sa kanya. Sinubukan niyang huwag silang pansinin. Sapat na sa kanya ang marinig mula kay Kevin na walang sinuman ang pwedeng magpaalis sa kanya at pwede siyang manatili sa kumpanya hanggang kailan niya gusto. At papanindigan niya iyon kahit anong sabihin ni Roxan at ng mga ka-trabaho nila. “Grabe, sobrang kapal talaga ng mukha. Gusto pa yatang ipahiya ang sarili kaya ayaw magkusang umalis ng kumpanya. Nakakahiya na nga ang mga ginagawa, proud pa siya.” parinig ni Roxan na alam ni Alyson na siya pa rin ang tinutumbok. “Pabayaan mo na, baka naman after ilang araw ay makaramdam na at siya na ang magkusang mag-resign. Alam mo na, baka hindi pa naman bumabaon sa kokote niya ngayon.” sumulyap pa ito sa banda ni Alyson, pinapa-obvious pa na siya talaga ang pinag-uusapan ng dalawa.“Oo nga, baka tablan na ng hiya.”Ipinaikot lang ni Al
BINALOT NG NAKAKABINGING KATAHIMIKAN ang mag-asawa. Kinagat-kagat ni Alyson ang labi sabay wala sa sariling sinubo ang daliri at kinagat ang kuko niya. Matamang nag-iisip ng sasabihin niya. Nakaburo naman ang mga mata ni Geoff sa mukha ni Alyson. Ngayon na lang ulit ito natitigan nang malapitan. Aliw na aliw na siya sa reaction.“Sorry talaga Geoff, hindi ko naman suka't akalain na mangyayari ‘yun ngayon eh. Kung alam ko lang sana ay mas pinili ko na lang na mag-taxi papasok at hindi piniling e-drive ang isa sa mga kotse mo. Masyado akong naging ambisyosa.”Batid ni Alyson na sobrang mahal ng sasakyang ‘yun. Kung tutuusin ay wala lang naman iyon kay Geoff dahil sa yaman nito, pero dahil mahilig itong mangolekta ng mga sasakyan para sa lalake ay iba ang halaga nito sa buhay niya. Kagaya ng isang babae na pinapahalagahan ang mga make up niya, mga bags at mga damit. Ganundin ang mga lalake sa mga gamit nila. At walang ibang rason si Alyson para mangatwiran sa asawa. “Hanap ka na lang ng