Nagmamadaling pumasok si Ciara sa loob DelCas building, limang minuto na lang, male-late na siya. Kahit walang nag-inform sa kanya na umattend ng board meeting, siya na lang ang kusang nag-imbita ng sarili niya.“Isa siyang Ex-Convict, kaya dapat lang na tanggalin siya sa kumpanya!” Nasa tamang timing ang pagbukas niya ng pintuan ng marinig niya ang sigaw ni Chairman Leticia sa loob ng Conference Room. Bakas ang pagkagulat sa mga mata ng lahat habang nakatingin sa kanya ng makapasok na siya at nananatiling nakatayo sa harapan ng mga ito. Si Clarence hindi rin inaasahan ang pagpasok ni Ciara. Naka all black ang suot nitong formal dress na pinatungan ng puting blazer. Nakapusod paitaas ang mahaba at blonde na buhok nito na nababagay sa perfect shape nitong mukha. Light make up lang ang in-apply nito sa mukha, ngunit masasabi niyang, nakuha ni Ciara ang timpla na gusto niya sa isang babae. Parang gusto niya itong buhatin at dalhin sa loob ng pribadong silid upang yakapin. Nanggigigil na n
Matagal na nakatitig si Ciara sa dalawang damit na hawak niya. Hindi siya makapagdecide ng maayos kung aling kulay ng evening dress ang isusuot n’ya mamayang gabi. Pareho kasing magaganda ang pinili niya kaya nahihirapan siyang magdecide. Hanggang sa nagdesisyon na lang siya na bilhin ang dalawa para mas masukat niya ng maayos sa harapan ng salamin mamaya pagdating sa bahay. Kasalukuyan siyang nasa loob ng mamahaling boutique sa loob mismo ng Forbes Ayala Mall-ang pinakasikat na premium mall sa buong bansa. Siya lang mag-isa dahil iniwan niya si Clarence sa loob ng sasakyan nito. Sasama pa sana ito sa kanya kanina, ngunit biglang may tumawag sa phone nito kaya iniwan niya na lang muna. Nakapili na rin siya ng clutch bag, at ito na lang ang dalawang damit ang nahihirapan siyang pumili. Lumapit siya sa counter dala ang mga items na bibilhin niya. “Wow, look who's here!” Napalingon si Ciara sa likuran niya ng marinig ang boses ng babae. Hindi nga siya nagkamali, kay Monica ang boses na n
Mas lalong nakuyom ni Monica ang kamao ng makitang sinalubong ng isang gwapong lalaki si Ciara, at pinulupot ang kamay nito sa baywang ng hilaw na kapatid niya. Kilala niya ang lalaking iyon, dahil nakabalandra ang mukha nito sa kahit saang billboard sa gilid ng daan. Nangungunang business magnate ito sa buong bansa. Laman rin ito ng mga pahayagan. Naalala niya, kaka-announce lang nakaraang linggo na ikakasal na ito sa isang sikat na international model na si Crystal Mendez. Kaya pala ang daming pera ng babaeng iyon, mukhang alam na niya kung kanino galing ang pera nito. Malamang nakahuthot naman ito sa CEO ng DelCas Group. Sumilay ang ngiti sa labi ni Monica dahi sa naisip niya. Mamaya, madagdagan ang dahilan niya kung paano pahiyain si Ciara. Kinuha niya ang invitation sa loob ng bag niya. Naisip niyang padalhan ng imbitasyon si Crystal Mendez. Alam niyang hindi ito aayaw, kapag nalaman nito ang plano niyang pagpapahiya kay Ciara mamaya. Bigla na lang siyang napahagalpak ng tawa.
SERAYA HOTEL “We’re here.” saad ni Clarence ng makarating na sila sa harapan ng hotel. Nagbuga ng hangin si Ciara habang nakatingin sa kumikislap na liwanag ng Serayah. Hindi siya takot sa maaring mangyari ngayong gabi sa kanya, kundi sa muling pagkikita nila ng kanyang ama. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng paligid. Marami na ang nagsidatingan na mga bisita. Halos lahat sa kanila ay hindi niya kilala. May mangilan-ngilan na nakilala na niya noon pa, dahil business partner ito ng kanyang ama na ngayon ang tiyuhin na niya. Nakita niyang halos lahat ng mga bisita ay mga socialites, kung hindi siya nagkakamali mga kilala ang mga iyon ni Monica. Binalingan niya si Clarence. Umarko ang isang kilay niya ng makita ang klase ng mga titig nito sa kanya. Kapag mga ganito na ang mga titig ni Clarence sa kanya , napapalakas na ang kabog sa dibdib niya lalo pa at bumaba na naman ang mga tingin nito sa mga labi niya. Hinawakan nito ang kamay niya at dinala muli sa labi nito. “You look stunn
Nagkadikit ang dalawang kilay ni Ciara ng marinig ang pagtawag ng host. Kasalukuyan siyang nakaupo sa itaas ng stage. Ayon sa nabasa niyang program, ang kanyang ama dapat ang magbibigay ng welcoming Remarks, ngunit bakit si Crystal ang tinawag ng host gayung hindi naman ito kasapi ng pamilya."Monica, paanong si Crystal Mendez ang nagsasalita ng Welcome Remarks?" Hindi maipinta ang mukha ni Ignacio na binalingan si Monica. Matagal na niyang kinakabisado ang sasabihin sana para kay Ciara sa pag akalang siya ang magsasalita sa opening ngunit hindi niya inaasahan na mag-iba ang flow ng program."Daddy, inimbitahan ko si Crystal Mendez, nakakahiya naman na hindi siya mabigyan ng pagkakataon na makapagsalita sa harapan. Sa ginawa ko, mas lalo tayong hahangaan ng mga kakilala natin sa negosyo dahil nagawa kong imbitahan ang international model. Hindi biro ang TF ni Crystal, Dad. Ngunit tayo, hinayaan niyan pumunta sa event natin ng libre. Kaya dapat lang na ilagay natin siya sa pinaka spotli
Sa kabilang banda, galit na sinalubong ni Monica si Ciara ng makita niyang pababa ito ng stage. Nahalata niya mula sa mga mata nito ang tuwa dahil sa pagpapahiya nito sa kanya. Slap! Napa baling bigla ang pisngi ni Ciara sa kabila dahil sa lakas ng pagsampal sa kanya ni Monica. Tumigas ang anyo niya na humarap sa hilaw na kapatid. Slap! Slap! Dalawang sampal ang iginanti niya kay Monica at sinigurado niyang magmamarka ang palad niya sa pisngi nito. Umarko ang labi niya na sinabihan ito. “Gandang-ganda ako sa palabas mo, Monica. Oh, ano? Nagustuhan mo rin ba ang sorpresa na hinanda ko para sa ‘yo?” “Fuck You!” “Same to you!” Ganting sigaw niya rin sa pagmura nito sa kanya. “Tandaan mo, Monica. Kung dati, hinayaan kong maging tanga ako sa paningin ninyong lahat, ngayon, hinding-hindi na iyon mangyayari. Kaya pag-isipan mo munang mabuti bago mo ‘ko ipahiya, dahil hindi mo magugustuhan ang ibabalik ko sa’yo!” “Ciara, bakit ang lupit mo sa akin? Hindi mo man lang na appreciate a
“Sandali, cr lang muna ako.” Paalam niya kay Clarence after nilang kumain. Kasalukuyan silang palabas na sana ng hotel ng makaramdam siya ng naiihi. Tumango lang si Clarence sa kanya at hinintay siya sa lobby. Limang minuto ang nakalipas, matapos siyang umihi ay agad na rin siyang lumabas ng cr. Hindi na siya nag aksaya pa na ayusin ang itsura niya dahil pauwi naman na sila. Isa pa sa inaalala niya ang mga anak niya na alam niyang naghihintay na sa kanila. “Ciara, sandali.” Hinawakan siya ni Lorenz sa braso ngunit tinabig niya ang kamay nito. Galit niya itong tiningnan habang nakasalubong ang kilay. “What do you want?” iritado niyang tanong sa lalaki. “Ciara, please, patawarin mo na ako, pinagsisihan ko na ang lahat ng mga ginawa ko sa’yo noon.” nagmmamakaawa ito sa kanya.“Lorenz, ilang beses ko bang sabihin sa’yo na tapos na tayo. Kasal ka na kay Monica, ano pa bang hinahabol mo sa akin?” singhal n’ya rito at saka tinalikuran. “Nakipaghiwalay na ako sa kanya,” sagot nito habang h
Matagal na nakatitig si Clarence sa kawalan, iniisip niya ang tungkol kay Red Phoenix. Hindi na niya namalayan kung ilang oras na siya sa labas. Bumalik siya sa loob ng silid ng maalala si Ciara. Hindi man lang siya nito sinabihan kung tapos na ito sa paggamit ng banyo. Natigilan siya ng makita ito na nakahiga sa couch. Umabot ba siya ng maraming oras sa pagmumuni-muni sa labas? Bakit natulog ito kaagad? Dahan-dahan ang kanyang paghakbang papunta rito, nakapikit na ang mga mata nito. “Tulog na kaagad siya?” tanong niya sa sarili. "Damn, mukhang tinulugan na siya nito. Hindi na lang niya ito ginising. Nagpasya na lang siyang mag shower na muna. Mabilis lang ang kanyang pag half bath, after ten minutes agad din naman siyang lumabas ng banyo. Nakapamewang na tinitigan niya ng matagal si Ciara habang nakahiga sa couch at nakatalikod sa kanya. Natapos na siyang magbihis ngunit nasa couch pa rin nakahiga ang asawa niya. Hindi niya alam kung paano niya ito gigisingin. Kahit nakapikit ang mg