Share

Chapter 48.1

Niyakap ni Annie ng mahigpit ang beywang ni Lucas at pagkatapos ay isinandal niya ang kanyang ulo sa likod nito. Nang maramdaman naman ni Lucas ang pagkakadaiti ng kanilang mga katawan ay bigla itong nanigas sa kinatatayuan nito.

Humugot ito ng malalim na buntung-hininga at pagkatapos ay sumagot sa kaniya. “Sige.” mahinang sagot nito sa kaniya.

Bagamat napakaliit na bagay nito ay hindi maiwasang hindi maging masaya ni Annie. Pagkauwi nila ng bahay nila ay mabilis na pinuno nito ang bathtub ng tubig at pagkatapos ay pinaligo na siya nito doon kaya nagbabad din naman siya.

Hanggang sa mga oras na iyon ay malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas at nang makauwi sila ay halos mag-aalas dos na ng hapon. Halos isang oras din yata siyang nagbabad bago tuluyang umahon at pagkatapos niyang maligo ay kaagad niyang naramdaman na uminit na rin sa wakas ang katawan niya at hindi na siya giniginaw pa.

Nang tingnan niya rin ang sarili sa harap ng salamin ay umayos na rin ang itsura nito at hindi na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status