Share

Chapter 1

Labag sa kalooban ni Assy ang pag-iimpaki ng kaniyang mga gamit pero kailangan makaalis na siya sa mas lalong madaling panahon. Nang matapos ay naupo siya sa kama at muling tumulo ang mga luha sa mata. Napatingin siya sa malaking picture frame sa mesa na nasa gilid ng kama niya. Kinuha niya ito at tinititigan.

Ang saya nilang tingnan sa picture wedding—parang totoo. Pero kabaliktaran sa totoong buhay.

Paano niya nga ba natagalan ng mahigit isang taon ang kasal nila? Ginawa niya lahat ang tungkulin ng isang asawa maliban lang sa iisang bagay; ang magsama sila sa iisang kuwarto at ang magbigay ligaya bilang asawa.

Kailan man ay hindi talaga iyon nangyari dahil mismong si Clavier ay walang pakialam sa lahat ng bagay na nangyayari sa kanila—iyon ang masaklap. Siya lang yata ang nagmahal. Lihim na pagmamahal na kailan man ay hindi pinapansin.

Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya habang yakap ang litrato nila. Pagkagising niya ay ala-singko y medya na ng umaga kaya bumangon siya at naligo. Hinanda niya na ang lahat ng dadalhin at inilabas sa sala saka dumiretso sa kusina.

Six thirty nang matapos siyang magluto. Napangiti siya habang hinahanda ang agahan ni Vier. Sa huling pagkakataon ay ipinagluto niya ang lalaki dahil alam niyang ito na ang huling pagkakataon na makapagluto siya sa paborito nitong pagkain. Ala-siyete ang alis niya kaya nagtungo siya sa kuwarto nito at kumatok pero walang sumagot o nagbukas ng pinto. Pinihit niya ang siradora at hindi naman pala ito naka-lock kaya binuksan na lamang ang pinto.

"Good morn---" natigilan siya dahil walang tao.

Nagpunta siya sa banyo pero wala rin doon ang lalaki. Imposible namang umalis nang hindi niya napapansin.

Hindi naman iyon umaalis ng maaga dahil 7:30 iyon madalas gumising. 

Lumabas siya at kinuha ang cellphone. Tinatawagan niya ito pero hindi sinasagot. Napabuntonghininga siyang naupo sa sofa. Wala talaga itong pakialam sa kaniya. Alam naman nito na aalis siya ngayon pero wala ang presensiya ng lalaki.

Mapakla siyang ngumiti. Bakit nga ba niya inaasahan na gagawin iyon ni Vier? Dati pa naman iyong gano'n.

Naramdaman niya na naman ang bigat sa damdamin at luha sa mga mata na gustong kumakawala. Ang sakit-sakit sa damdamin na ang taong mahal niya ay hindi siya kayang mahalin pabalik.

"Pero kahit ngayon lang sana, Vier. Sana'y hinintay mo muna akong makaalis, at sana nakapagpaalam man lang tayo sa isa't isa." Tumayo na lang siya dahil oras na para umalis. Pinunasan niya ang luha at sinimulang inilabas ang mga gamit at ikinarga sa sasakyan.

Sandali siyang napatingin sa kabuuan ng bahay bago pumasok sa kotse.

“Paalam,” pipi niyang usal.

Pinaandar niya na ang makina at pinatakbo at habang nasa biyahe ay hindi niya mapigilan ang muling pagpatak ng mga luha.

"I hope one day if I'll see you again, the feelings has gone already," dalangin niya, "Lalayo ako hindi para kalimutan ka, kung hindi lalayo ako para kalimutan kung ano man ang nararamdaman ko para sa iyo, Vier."

Matiwasay niyang narating ang airport. Tinawagan niya rin si Kiko upang ipakuha ang sasakyan niya at dalhin sa bahay ng kaniyang mga magulang. Alam niya na tatadtarin nila siya ng mga tanong kapag nalaman nila na umalis siya ng bansa. Pero may nakahanda na siyang sagot para sa kanila.

Tulala siyang umupo sa waiting area habang hinihintay na tawagin ang flight to Canada. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan kung may tawag o mensahe mula kay Vier, pero wala.

Napangiti na lamang siya habang nakatingin sa wallpaper ng cellphone niya. Ito iyong picture na kuha noong nasa Batangas sila. Masaya naman sila t'wing nagbabakasyon kahit saan pero biglang nag-iiba t'wing makauwi na galing sa bakasyon. Iyon ang hindi niya maintindihan. Isang malaking palaisipan sa kaniya hanggang ngayon kung bakit gano'n.

"Miss!"

Bahagya siyang nagulat nang may kumalabit sa balikat niya. Napatingala siya sa lalaking nakatayo sa kaliwang gilid niya. Nakaitim ito ng jacket at may sunglass sa ulo at tanging bag lamang ang dala nito. 

"Yes?" aniya.

"To Canada ka, right?" tanong nito. 

"Oo, bakit?"

"Kanina pa tinawag ang flight natin, tara na!" Nakangiti nitong paanyaya sa kaniya. 

Nilingon niya ang mga kasamahan na naghintay kanina pero wala na ang mga ito kaya agad siyang tumayo.

"S-Salamat ha." Kinuha niya ang maleta at lumakad na. Napansin niyang humabol ang lalaki sa kaniya. 

"Tulungan na kita, Miss," presenta nito.

"Hindi na, salamat na lang," nakangiti niyang tugon dito.

Pagkasakay sa eroplano'y hindi niya inaasahan na makakatabi ng upuan iyong lalaki kanina. May iilan itong mga katanungan ngunit tipid lamang ang mga isinagot niya, marahil ay wala siya sa mood at masyadong lutang kaya pinili niya na lamang matulog sa buong biyahe. 

Pagkarating niya sa Canada ay sinalubong siya ni Moneith Baker, best friend niya since high school. Isang taon din silang hindi nagkita dahil simula no'ng namatay ang Canadian na ama ni Moneith ay hindi pa ito nakabalik sa Pinas.

"Babe!" Bulalas ng kaibigan nang makita siya palabas ng airport. Nakasuot ito ng makapal na creamy jacket at itim na pantalon. Nakasintipid ang blonde na buhok at idinunghay sa kaliwang dibdib.

"Babe!" Binilisan niya ang paglalakad. Pero kahit anong sigla ang gawin niya sa sarili ay hindi talaga umipekto. Nangingibabaw pa rin ang lungkot sa kaniyang puso.

"How are you? I miss you so much, babe!" Nakalabing sambit ni Moneith at niyakap siya ng mahigpit.

"T-Teka! Hindi ako makahinga, oy!" Reklamo niya at natatawa naman itong bumitaw.

"Sorry, I'm just really missed you!" ngiti nitong sagot.

"Me too," sagot niya naman. Nakangiti niyang hinawakan ang pisngi nito at tinitigan ang asul na matang namana sa ama.

Kumunot ang noo ng kaibigan at tumaas pa ang isang kilay. Iyan si Moneith, matalas ang paningin.

"Iyon lang?" tanong nitong namaywang kaya natawa siya ng sapilitan.

"What do you expected, huh?" balik tanong niya sa kaibigan.

"Ays! Diyan ako malulugi sa sagot mong balik tanong, e!" Asik nito at padabog na kinuha ang maleta niya at isinakay sa compartment saka sila sumakay. Bago pa man nakaalis ang sasakyan ay nakita niya iyong lalaking katabi kanina. Nakatayo ito na parang naghihintay ng sundo at kumaway-kaway pa ito sa kaniya bago sila nakalayo.

"How's Vier? Bakit hindi mo isinama?" tanong ni Moneith nang nasa biyahe na sila. Natahimik lang siya habang nakatingin sa labas, "Hoy! Tatahimik ka lang ba?" untag pa nito sa kaniya. 

"Wala na kami," sagot niyang hindi tumingin sa kaibigan. "Ah!" hiyaw niya nang bigla itong nag-break. Muntik na mauntog ang ulo niya sa harap kaya sinamaan niya ito ng tingin pero hindi man lang natinag. Ito na talaga hindi na ito titigil sa katatanong.

"What did you say?" tanong nito. Halatang hindi naniniwala.

"I say it clearly, no need to repeat." Walang gana niyang sabi at sininyas na magpatuloy na sa pagmaneho.

"Okay, alam kong pagod ka, kaya ihahatid kita sa bahay mo. Pero kailangan ekuwento mo sa akin ang lahat," sabi nito't nagpatuloy na. Mabuti at hindi na nangulit pa dahil pagod talaga siya. Pati puso niya'y napagod din. Kapag labis palang nasasaktan ay halos buong katawan ay napapagod. Pati bibig ay halos hindi niya kayang ibuka. Para bang gusto na lang niyang manahimik at magmukmok sa isang sulok.

Nakarating sila sa Subdivision hanggang huminto sa bahay niya. Bumaba siya at hindi man lang nag-abalang tingnan ang paligid. Dire-diretso lang siyang pumasok at umakyat sa hagdan. Pagdating sa kuwarto ay pabagsak niyang inihiga ang sarili. Si Moneith ay nakasunod habang hinihila ang maleta. Sinabihan siyang magbihis muna ngunit pumikit lang siya hanggang nakatulog.

Pagkagising niya ay nandoon si Moneith sa paanan ng kama, nakaupo sa sofa at nanghalukipkip. Ngayon niya lang napansin na nagbago na pala ang desenyo sa loob ng kuwarto. Ang kama na dating nakapuwesto malapit sa veranda ay nasa gitna na. Sa bukana ng veranda ay may hello kitty single couch bawat gilid at puti ang manipis na kurtinang ginamit doon. Huling tinapunan niya ng tingin ay ang divider sa kanang bahagi ng kama. Nakadikit doon ang mga litrato nilang dalawa ni Clavier noong kabataan pa nila.

Bumuntonghininga siyang bumangon at naupo sa kama. Tumingala siya sa mga litrato bago sinimulang magkuwento; walang labis, walang kulang. Detalyado ang buong kuwento simula no'ng unang araw matapos ang kanilang kasal ni Clavier. Walang alam ang pamilya niya maging Moneith. Tanging alam ng mga ito ay masaya silang dalawa ni Clavier dahil iyon ang kuwento niya tuwing nagkakausap sila sa telepono. Ginagawa niya iyon dahil ayaw niyang maging masama ang tingin ng mga ito sa asawa. Ayaw niyang paghiwalayin silang dalawa. Ngunit humantong pa rin siya sa desisyon na pakawalan ang pinakamamahal niyang lalaki. Lumuluha siya habang nagkukuwento kaya naaawang lumapit sa kaniya si Moneith.

"Sshhh... huwag ka nang umiyak, babe. Nagmahal ka lang at tama ang ginawa mong paglayo dahil kung magtatagal ay lalo ka lang masasaktan. Mabuti habang maaga pa'y kaya pang gamutin ang kaunting sugat sa puso mo." Hinagud-hagod nito ang likod niya.

Yumakap siya kay Moneith at umiyak nang umiyak. Gusto niyang ibuhos lahat ito ngayon para bukas ay gagaan na ang dibdib niya't haharapin ang panibagong buhay na mag-isa.

Nagdaan ang mga araw at buwan... Pasko na at mag-iisang taon na siya sa Canada.

Binuksan niya ang social media accounts niya at maraming pagbati mula sa pamilya at mga kaibigan mula Pinas. But only one person she've waited to send her a greetings but... Nothing, even a simple word. Tiniklop niya'ng laptop at bumaba. She went to her mini bar and get some wine to drink.

"Celebrating christmas alone at twelve midnight," saad niya habang nakatitig sa hawak na baso. Wala si Moneith dahil kasama nito ang pamilya. Inanyayahan siyang pumaroon ngunit mas pinili niyang mag-isa.

Naalala niya, ganito rin ang eksena noong last Christmas. Mag-isang nag-celebrate ng pasko dahil madaling araw na noong umuwi si Vier galing sa barkada.

Nakahanda na ang lahat ng pagkain sa mesa pati ang ereregalo niya sa asawa. Tiningnan niya ang relos at mag-alas-onse na. Dali siyang nagbihis; suot niya'y cocktail dress at paulit-ulit na sinipat ang sarili sa salamin. Nang makontento saka pa lumabas para abangan ang pagdating ni Vier. Alam niyang uuwi ito dahil hinabilin niyang before twelve midnight ay umuwi na. Pero lampas alas-dose na hanggang alas-dos ay wala pa ang asawa. Nang mag-alas-kuwatro ay saka pa ito nakauwi.

"Beb, bakit ngayon ka lang?" nagtatampo niyang tanong.

Ngumiti lang ito't naupo sa sofa. "Sobrang naaliw kasi kami ng mga barkada, Beb!" sagot nitong sumandal saka pumikit.

Nanlumo siya. Gusto niya itong talikuran pero kabastusan iyon. "Kumain ka muna, marami akong niluto," sabi niya at pilit ngumiti.

"Busog ako, Beb. Matutulog na lang ako." Tumayo ito't tinalikuran siya.

"Beb?" tawag niya at huminto naman ito saka lumingon.

"M-Merry Christmas," nahihiya niyang bati sa asawa.

"Merry Christmas." Tugon nito bago pumasok sa kuwarto.

Nakagat niya ang labi nang may nagbabadyang luha sabay tiningnan ang mga pagkain na nakahanda sa mesa. Bumuntonghininga siya at pumasok na lang sa kuwarto.

Until now, the pain was still there—never gone...

Gusto niyang hilingin sa langit na sana ibalik na lang sa dati ang lahat. Iyong panahon na okay na okay sila sa pagiging magkaibigan. Kaysa ganitong sobrang layo na nila sa isa't isa. Halos nawala ang mga pinagsamahan nila simula nong sila ay naikasal. Sana'y mayroon time machine para bumalik sa dati na libre at masaya silang magkasama. Niyayakap ang bawat isa kahit walang sapat na dahilan at nagpalitan ng mga ngiti dahil nakikita't nakakasama ang isa't isa. 

She heaved a sigh. Her tears started falling again. She bite her lower lip to stop crying. “There's no reason to cry, Assy, it's all your fault. If you didn't intend to lose the game, maybe…” Hindi niya itinuloy ang panenermon sa sarili at umiling-iling. Tinunga niya ang laman ng baso saka muling nagsalin.

Sinisisi niya ang sarili dahil hinayaan niyang malunod sa katangahan.

“Merry Christmas!” dinig niya mula sa labas. Napatingin siya sa veranda nang magsimula ang paglipad ng mga paputok mula sa mga kapitbahay.

Tumayo siya at binitbit ang baso saka nagtungo sa veranda. Mula roon ay makikita ang iilang pamilya sa labas ng kani-kanilang bahay at masasayang sinindihan ang mga fireworks.

Tumingala siya sa makulay na kalangitan at mapait na ngumiti. Naihiling niya na sana ganito rin kakulay ang kaniyang buhay sa hinaharap.

“Merry Christmas!” bati ng pamilyar na lalaki sa tapat ng bahay niya kaya nagbaba siya ng tingin. Kagaya niya ay nasa veranda rin ito at nag-iisa lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status