NAGISING ako mula sa mahimbing na pagkakatulog nang kumalam ang sikmura ko. Sa pagmulat ko pa lang ng mga mata ko ay mukha na ni Xence ang nasilayan ko kaya napangiti ako. Mahimbing na rin ang pagkakatulog nito habang yakap-yakap ako. Kaagad namula ang parehong pisngi ko nang maalala kong ginawa na naman namin ang ‘bagay’ na 'yon ngunit ang pinagkaiba ngayon ay pareho kaming nasa tamang pag-iisip at wala sa buong sistema namin ang alak.Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap ni Xence sa akin nang magreklamo na naman ang sikmura ko dahil gutom na gutom na 'ko. Kumuha na lang ako ng isang roba para takpan ang buong katawan ko bago ako marahang lumabas ng kuwarto upang hindi magising si Xence at nagtungo kaagad sa kusina para maghanap ng makakain. Sinuri ko ang loob ng refrigerator kung mayroon bang makakain at labis kong ipinagpasalamat na may isang balot pa ng tinapay at bote ng palamang tsokolate ang nandoon. Inilabas ko ang mga 'yon at nagtimpla na ri
“ANONG BALITA?”“Sa radyo at tv?”Dugtong ko sa tanong ni Khloe sa akin kaya sumama na naman ang tingin nito sa akin. “Anong nangyari at bakit hindi ka pumasok kahapon? Hindi ko rin nakita sa office niya o dumaan man lang si Sir Maxence kahapon. Magkasama ba kayo?!"Pagsususpetya ni Jenniecah sa akin kaya napabuntong hininga na lamang ako.Kaibigan ko naman sila at alam kong mapagkakatiwalaan silang dalawa. Bakit nga ba hindi ko pa sinasabi sa kanila? Hindi naman siguro masama kung sabihin ko kung ano ba talagang namamagitan sa amin at kung ano nga ba talaga kami ni Xence ngayon.“Huwag kayong maingay. Nakatira ako ngayon sa condo ni Xence.”Pagsisiwalat ko at para na namang megaphone ang parehong bunganga nina Khloe at Jenniecah. “Ano?!”"Condo?!"Exaggerated na sabi nilang dalawa. Napangiwi naman ako dahil napatingin ang mga ka-trabaho namin maging ang inspector na nandito pala pa
"SURE ka ba talagang para sa ating dalawa lang itong mga pagkain? Bakit parang catering na yata ‘to?! Sobrang dami naman, Xence!”Gulat na turan ko dahil halos maging buffet na sa loob ng opisina ang mga pina-deliver na mga pagkain ni Xence kay Torn. Ultimo si Torn ay natatawa at namamangha sa mga pagkaing nakahain sa harapan namin sa sobrang dami nito. Baka akala ni Xence ay bibitayin na kami pagkatapos ng tanghaliang ‘to?"Oo naman, hindi ko gustong nagugutom ka at saka maganda na yung maraming choices para hindi ka mahirapang pumili ng gusto mong kainin—""Torn, umupo ka rito. Kumain ka rin."Ipinagpag ko ang katabing upuan ko at kaagad namang umiling si Torn sa paanyaya ko kaya nairita ko rito. "Umupo ka sabi rito. Hindi namin kayang dalawa ubusin 'to. Sumabay ka na sa aming kumain para lahat tayo busog dito."Matigas na sabi ko at napakamot naman ito sa ulo habang napapasilip kay Xence kaya sinamaan ko ito ng ting
NAKARATING kami nang matiwasay sa condo at tahimik lang si Torn at Xence buong biyahe. Bumaba na lang ako at hindi na inantay pa na pagbuksan ako ni Xence ng pinto pero pinabalik lang ako nito sa loob ng sasakyan. Kaagad namang tumaas ang kaliwang kilay ko at pinag-krus ang mga braso ko sa aking dibdib. Ano na namang kailangan nito sa akin? “Anong problema mo?”Inis na tanong ko rito pero sinara lang ulit nito ang pinto ng sasakyan. Magrereklamo na sana ako sa ginawa nito pero napakunot ang noo ko nang buksan ulit nito ang pinto at ilahad ang kamay niya sa akin. Nasisira na yata utak ni Xence. “Ano bang trip mo?”"Pinagbubuksan lang kita ng pintuan.""Ang lakas ng trip mo. Kita mong binuksan ko na, sinara mo pa ulit."Tawa naman nang tawa si Torn sa amin kaya sinamaan ko ito ng tingin. Napaayos ito ng tayo at itinikom ang kaniyang bibig. Inis kong inabot at hinawakan ang kamay ni Xence at inalalayan ako nito sa pagbaba ng sasakyan. Akala mo naman ay ang taas ng hahakbangin ko para al
“MATUTULOG ka na ba?”“Yup, why? Ipa-prank mo na naman ba ako?”Mataray na tanong ko rito kaya napatawa naman ito at kaagad na umiling."No, hindi kita ipa-prank...""Eh, ano?"“C-can I... Can I sleep beside you?”Nahihiyang tanong ni Xence kaya lihim akong napangiti. Tumango ako at saka naunang pumasok sa loob ng kuwarto. Umakyat ako sa kama at saka inayos ang puwesto kung saan ako mahihiga dahil tatabi sa akin si Xence ngayong gabi.“S-should I turn off the lights?”“Teka, bakit ka nauutal diyaan?” Natatawang tanong ko at namumulang umiwas ng tingin ito. “Sige, patay mo na lang. Mahirap kasi makatulog kapag bukas ang ilaw. Masiyadong maliwanag.” Sagot ko na lang dahil mukhang hindi na komportable si Xence. Kaagad naman nitong pinatay ang ilaw sa kuwarto.Humiga na ako sa kama at tumalikod sa gawi ni Xence. Naramdaman ko ang paglubog ng kama kaya alam kong humiga na rin ito sa tabi ko. Tanging liwanag lamang galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa kuwarto. Pareho kaming walang im
KINABUKASAN, nagising ako dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana kaya kaagad akong naupo ngunit napangiwi nang maramdaman ang sakit sa buong bewang ko.Ikaw ba naman ratratin buong gabi hanggang madaling araw, eh. Parang hindi ko na nga maramdaman ang bewang ko nung matapos kami.“Oh, you're awake now…”Nakangiting bati ni Xence sa akin ngunit kumunot lang ang noo ko bilang sagot sa kaniya. “Naka-ilang rounds ba tayo kagabi? Ang sakit ng katawan ko, sh*t.”Seryosong tanong ko at nasamid sa sarili niyang laway si Xence habang manghang nakatitig sa akin.“Pardon, Bellissima?”“Naka-ilang rounds ba tayo kagabi?”Namumulang napaisip naman ito habang nagbibilang pa sa kamay niya kung naka-ilan nga ba kami kagabi. “I t-think 9 rounds? I'm not pretty sure, Bellissima…”Napatango naman ako at saka tumayo sa kama para mag-ayos ng sarili kahit paika-ika.“Kaya pala parang nabugbog ako ngayon. Ang lakas natin kagabi, ha. Sinulit mo talaga ko..."Mapang-inis na sabi
ITINAGO ko sa aking likuran ang mga nanlalamig kong kamay habang pumapasok sa gate namin. Naririnig ko na ang boses nila mama dahil tinawagan ako ni Ate Lhayzel na nakauwi na raw sila. Huminga muna ako nang malalim bago naglakad patungo sa loob ng bahay. Kaagad na sumalubong sa akin ang mga masasayang mukha nila papa. "Oh, Tajiana. Alam mo palang uuwi kami ngayong araw?" Masiglang salubong ni papa sa akin sabay tayo nito at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Yumakap naman ako pabalik dito dahil na-miss ko rin ito. "Itinawag po sa akin ni Ate Lhayzel na nakauwi na po kayo ngayong araw.""Kumusta ka naman?" Pangangamusta ni mama ngunit naka-pokus ang mga mata nito sa mga bagahe nila. Seryoso ang mukha nito habang ginagawa ‘yon."Maayos naman po ako. Kayo po? Kumusta naman po ang naging bakasyon ninyo?""Hay nako, little sis. Sobrang boring lang at puro mga matatanda na ang mga nandoon."Pabirong sabi ni ate Lhayzel kaya natawa kaming lahat sa tinuran nito."Mabuti na lang at naghand
MAKALIPAS ang isang linggo, ang mga sugat at pasa ko sa katawan ay mabilis na naghilom dahil sa pag-aalaga sa akin ni Xence.Tatlong buwan na rin ang tiyan ko. Medyo nagkakaroon na ako ng baby bumps kaya natutuwa ako lalo na kapag kinakausap ni Xence ang nabubuo na naming baby sa tiyan ko. Kada gising ko sa umaga ay tinititigan ko ang repleksyon ko sa salamin habang hinahaplos ang tiyan ko. Anim na buwan na lamang ay masisilayan ko na ang anak namin ni Xence na itinuturing naming isang biyaya.Tuwing magkakaroon ng tiyansa si Xence ay hinihimas at kinakausap niya rin ang tiyan ko na para bang nagkakaintindihan na silang dalawa ng anak niya.Ang araw na ito ay mahalaga sa amin dahil ngayon napagpasiyahan ng pamilya ko at pamilya ni Xence na muling magharap at magkausap tungkol sa magiging pamilya namin ni Xence. Nakatayo kami ni Xence ngayon sa harapan ng gate ng aming bahay upang muling makausap sila mama't papa dahil desidido ang pamilya ni Xence na pag-usapan ang tungkol sa amin at