Share

Chapter 05

Tapos na kaming kumain lahat.

Nang mapansin ni Tita yung bitbit kong bulaklak ngumiti sya sa akin at lumapit. Nandito ako sa balcony nila at nakiupo sa upuan.

Ang lakas kasi ng hangin dito!

"Mabango ba ija?"-Tanong ni Tita wendy

Tumabi sya sa akin sa katabing upuan malapit sa akin.

"Opo tita."-Sagot ko.

"Alam mo bang binili at tinanim ng anak kong si Austin ang mga bulaklak na yan."-Paliwanag ni tita.

Nagtataka ako ilan ba anak ni tita Wendy akala ko si henry lang anak nila kaya nagtanong ako kay Tita.

"Tita ilan po ba sila?"-Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo pa pala sila kilala ako na magpakilala sa kanila para sayo bale anim silang lalaki si Austin Xavier Takahashi ang panganay namin yung ayaw bumaba, ang sunod si Wilver Russ Takahashi yung parang inaantok pa, sunod naman si Gunner Dylan Takahashi yung may hikaw sa tenga, sumunod naman sa kanya si Dash Wilder Takahashi yung chinito ang mata sunod si Vincent Parker Takahashi yung may silver sa leeg at ang bunso sa kanila ay si Henry Tyler Takahashi kilala mo naman na sya diba yung palangiti."-Mahabang pakilala ni Tita Wendy sa mga anak nya.

Grabe! Naloka ako sa pangalan nila.

Bunso pala si Henry!

"Ang gwapo ng mga anakers ko, sobrang gwapo kasi ng tatay nila"-Sabi ni tita.

"Opo Tita."-Sagot ko.

Biglang nagtanong sa akin si Tita Wendy.

"Sino type mo sa kanila tilly?"-Tanong ni Tita.

Hala! Ano isasagot ko kay tita?

"Tita wag po kayo magagalit sa akin wala po sorry."-Pag-amin kong sabi.

Si Asher Liam Smith ang type ko gusto ko sana sabihin.

"Ano ka ba ija binibiro lang kita, alam kong wala sa kanila."-Misteryosong sabi ni Tita.

Paanong alam nya?

Maloloka na ako sa kanila promise!

Grabe role ko dito sa kwento na ito

Pero ayos lang ako naman ang bida dito.

Dumating si mom at lumapit sa amin ni tita wendy.

"Kumare kami ay aalis na salamat pala sa pag-imbita sa amin dito tara na anak."-Pasasalamat na sabi ni mom.

"Wala yun kumare! kayo pa ba ni Zachary at anak nyong si Marissa ano pa at magiging buo na tayo na pamilya soon."-Masayang sabi ni Tita Wendy.

"Kumare alis na kami."-Sabi ni mom.

Nagbeso-beso silang dalawa at hinawakan ni mom yung kamay ko. Nakangiti si Tita Wendy at kumaway sa amin.

"Bye ingat kayo!"-Rinig kong sabi ni Tita.

Bumaba na kami ni mom nang may nakita akong isang lalaki na tahimik na nakatingin sa amin ni mom. Ay Mali! sa akin lang sya nakatingin.

Medyo malayo sya sa kinaroroonan nya hindi ko makita itsura nya dahil nandon sya sa madilim pero kita ko yung maskuladong katawan nya dahil na rin siguro sa siwang ng liwanag sa bintana nila dito.

Sino naman yun!

Hila na ako palabas ni mom dito sa main door nila Henry.

Lumingon ako doon sa lalaking nakatayo kanina wala na sya doon.

Nasaan na sya? Saan nagpunta yun?

Bakit ko ba hinahanap naloloka na talaga ako sa mga nangyayari sa paligid ko.

Dami kong tanong wala naman sumasagot sa akin. Nandito na kami ni mom sa labas.

Hingal na hingal na ako para kaming tumakbo sa sport complex nito

"Hintayin natin ang tatay mo dito sa labas sabay na tayong uuwi"-Sabi ni mom. Hinintay namin si Dad.

Mga ilang minuto dumating na sya.

"Let's go nandyan na si Oscar."-Sabi ni dad.

Dumating na yung van namin at lumabas na si Manong Oscar at pinagbuksan kami ng pinto.

Pumasok na kami sa van nasa passenger seat si dad kami naman ni mom dito sa pangalawang upuan sinarado na ni mom yung pintuan ng van handa na kami sa pag-alis ng may kumatok sa window ng van pinabukas ni dad kay Manong Oscar yung bintana.

Si Henry at may dalawa sa likod nya alalay nya ata!

"Tito pinapabigay ni kuya kay Tilly."-Sabi ni Henry at inabot yung box na hawak nya.

Sa akin? Bakit? Ang sweet naman? Teka sinong kuya ang sinasabi nya?

Inabot kay Dad yung box na pahaba ang sukat.

"Sabihin mo sa kuya mo henry salamat aalis na kami."-Nakangiting sabi ni Dad.

Ipapaandar na sana ni dad kay manong oscar itong van nang magsalita ulit si henry.

"Tito meron pa siya pinapabigay sa inyo."-Habol na sabi ni henry.

"Ano yun hijo?"-Tanong ni dad.

Ang bait naman ng kuya nya sa amin.

"Mga bulaklak Tito nagustuhan po kasi ni Tilly."-Sagot ni henry.

Lumingon si dad kay Manong Oscar.

"Oscar, kunin mo yung mga bulaklak at ilagay mo sa likod."-Utos ni dad.

"Sige po Sir."-Sabi ni Manong Oscar at lumabas.

Kinuha doon sa dalawang alalay ni henry yung mga bulaklak at nilagay sa likuran.

"Sabihin mo ulit sa kuya mo salamat sa binigay nya sa anak ko."-Masayang sabi ni dad.

Wow ang daming bulaklak!

"Sasabihin ko po tito sa kanya."-nakangiting sabi ni henry.

Ang bait nila sa akin hindi pa nga nila ako gaano kakilala.

"Iho kami ay aalis na."-Sabi ni dad.

"Sige po tito bye ingat kayo."-Sabi ni henry.

Pagkatapos na pagpasok ni Manong Oscar yung mga bulaklak bumalik na sya sa unahan.

Pinaandar na nya ang sasakyan nang magsalita si mom.

"Anak, wag ka sana magalit sa amin."-Sabi ni mom.

Ano ibig nya sabihin? Magagalit? Sa kanila?

"Katherine!"-Sabi ni Dad kay Mom.

Sumasakit na yung utak ko kaya sinandal ko na lang yung ulo ko sa bintana nitong van.

"Sorry."-Sabi ni mom.

Tumahimik na ang paligid. Nang magsalita si Dad.

"Anak ito na yung binigay ni Henry."-Sabi ni dad.

Inabot sa akin ni dad yung box at hinawakan ko ito.

Sa bahay ko na lang ito bubuksan.

Inaantok na ako!

Natulog na lang ako pahinga ko muna yung utak ko atska ko na iisipin yung mga iba na gumugulo pa sakin.

Miss ko na si Asher hindi na ako makapaghintay na sagutin sya sa lalong madaling panahon.

"Anak gising na."-Sabi ni mom.

Dinilat ko yung mga mata ko at nandito na kami sa mansion namin.

Lumabas na ako at naglakad.

Back to home!

Nakikita kong pinapasok na ng mga tauhan ni dad yung bulaklak na bigay sa akin.

Lumakad na ako at pumasok sa loob ng mansion namin.

Kumpleto lahat ng mga bagay at medyo malaki sya ng konti.

Basta yun na lang hirap I-describe!

Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto diretso higa agad ako sa may queen size bed ko.

Kapagod ang araw ko ngayon kamusta na kaya si Autumn?

Teka may nakalimutan ako yung bigay sa akin ng kuya ni henry.

Pupunta sana ako para hanapin yung box na pahaba yung sukat.

Nang makita ko sa nilalagyan ko ng mga bulaklak sa banda ng flat screen tv ko.

Teka paanong nandito hawak ko ito kanina sa Van?

Kinuha ko ito at pinagmasdan kahon na pink sya na may ribbon sa gitna.

Binuksan ko ito at nakita ko ang kwintas na nakinang sa ganda. Hinawakan ko ito at pinagmasdan maigi. Heart yung pendant nya ang ganda nya sobra.

Lumapit ako sa human size mirror ko

at sinuot ko ito.

Bagay sa akin yung kwintas!

Hawakan ko yung pendant na heart nang may napansin akong nakasulat doon.

AXT

Yan ang nakalagay sa gilid ng heart na pendant na bigay sa akin.

Ano naman ibig sabibin ng AXT?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status