Lizabeth's POV
Pagkatapos ng klase ko ay pumunta muna ako saglit sa ospital para bisitahin si Mama. Nag-aabang ako ngayon ng taxi papuntang café. Nagdadalawang isip pa ako kung sisipot ba ako o i-indianin ko na lang si Kenzo.
Pero, kasi naman 5 million na 'yon girl, tapos magbubuhay reyna pa ako sa loob ng tatlong buwan, choosy pa ba? At saka si Kenzo Navarro ang magiging asawa ko! But honestly I'm not interested in that man, but also think about all the benefits I can get.
Nang may huminto ang taxi ay kaagad akong sumakay doon. Ito na talaga, wala ng atrasan.
Nang makarating sa tapat ng café ay nagbayad na ako sa driver.
Pagkababa ay nakita ko na agad ang pigura ng isang lalaking akala mo back up dancer ni kamatayan. Naka all black ba naman from head to toes.
Humugot muna 'ko ng malalim na hininga bago pumasok. This is it pansit.
—————
"Sign this contract and you'll be living as a queen in 3 months," wika niya sa aking harapan.
I was dumb founded while looking at the piece of paper na may nakasulat na kontrata. Pipirmahan ko ba? Kapag pinirmahan ko ito ay mapapagamot ko na si Mama, pero kapalit naman nito ay pagbebenta ko sa sarili ko sa isang artista. Well nah, hindi naman siguro benta, parang renta lang kasi tatlong buwan lang naman, pero kahit na!
Nag-aalinlangan man ay kaagad kong kinuha ang ballpen at pinirmahan ang kontrata sa lamesa. Sa pagkakataong ito, mas matimbang ang buhay ni mama kaysa sa delikadesa ko. Mahal ko siya at gusto ko pa siyang mabuhay ng matagal.
Matapos kong pirmahan ay ibinigay ko na ito sa kanya. He was just looking at the contract with a playful smile na kinabubwisitan ko.
"Very well, so tomorrow we will start. Pack your things up and starting tomorrow, you will be known as..." Sandali siyang tumigil sa at tinitigan ako sa mga mata.
"Lizabeth Villanueva Navarro."
Nagtaas ako ng kilay habang nakatingin sa kanya. Wow ha! So, pati pala pangalan ko may balak siyang pekeen. Humalukipkip ako saka sumandal sa upuan.
"Bakit pati epilyido mo kailangan kong gamitin, aber?" sabi ko habang pinagmamasdan siyang ilagay ang contract sa isang envelop.
"Para mas makatotohanan, bakit, may mag-asawa bang magkaiba ang surname?" pamimilosopo niya.
"Okay fine. So, sa mansyon mo ba ako titira?" I asked.
"Yup," tipid na sagot niya.
Napaisip ako, kung sa kanya ako mags-stay ng tatlong buwan baka hanapin ako ni Ate sa bahay. Anong pwede kong idahilan? Mag-stay muna ako kay Irene ng tatlong buwan? G*go ba me? Para naman akong pinalayas 'non. Hala bahala na nga.
"This is your order Sir, Madam." Nilapag ng isang waitress ang dalawang tasa ng kape sa lamesa.
Om-order na pala siya bago pa ako makarating. Aba inferness alam niya ang favorite coffee ko.
"So gusto ko lang iklaro Kenzo. Sabihin na nating napaniwala natin sila na mag-asawa talaga tayo, paano iyon? Pagkatapos ng tatlong buwan, imposibleng hindi sila magtanong." I watch him how he sip in his coffee then look at me while smirking and shaking his head.
"Edi sabihin natin nag-divorce tayo," simple niyang sagot na parang ang dali lang ng sinabi niya.
"Wow ha! Gano'nn lang ba kadali 'yon? Kenzo artista ka, hindi isang simpleng tao—" He cut my words.
"Shh... you're too loud, nasa public tayo." I shut my mouth then linga-linga sa paligid kung may nakarinig ba. Pero parang wala naman.
"Don't worry, bago ko pa simulan ang kasunduang ito meron na akong plano. Just go with the flow and in the end pareho tayong makikinabang," he said.
Ang dami namang cheche bureche ng lalaking ito. Ang pinagtataka ko lang, bakit sa dami ng babae sa mundong ibabaw ay ako pa? Gano'n na ba ako kaganda para maging asawa ng artista?
"Aish! Sige sige. Kailan mo ibibigay yung pera?" Napailing ako sa mga walang kwentang bagay na naiisip ko.
"First thing in the morning, tomorrow you will get what you want. And I'll give you a warning Lizabeth, kung hindi ka sumunod sa kasunduan, I will make you suffer. Mark my words." Napalunok ako sa mga huli niyang sinabi.
Wala na talaga akong kawala, mahal ko ang buhay ko kaya gagawin ko na lang ang gusto niya kaysa maagang pumanaw. Marami pa akong pangarap sa buhay ko 'no. Tumayo na ako agad.
"Uuwi na ako. Gabi na din eh." Mahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko.
"Hatid na kita—" I cut his words.
"Hindi, hindi 'wag na! Mag je-jeep na lang ako." Bago pa man siya makapagsalita ulit ay tumakbo na ako palabas.
Parang di ko na kayang kausapin si Kenzo. Nabubwisit na 'ko sa pagmumukha niya.
—————
Pag-uwi ko ay pinagmasdan ko ang bahay mula sa labas. Malungkot na ito ngayon at wala ng maingay na babaeng nagbubunganga mula sa loob.
Wala nang nagdidilig ng halaman sa labas sa hapon, nakikipag chismisan sa may gate. At babaeng naka curl ang buhok na nagwawalis ng bakuran.
Ilang araw pa lang na wala si mama, parang nawalan na ng buhay ang bahay namin. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa gate at pagbukas ng pinto ay napaka tahimik sa loob.
Nilibot ko ang paningin sa buong kabahayan namin. Huling gabi ko na ito na matutulog dito at pagkatapos n'on ay tatlong buwan na ulit bago ako makapasok dito.
Mami-miss ko ang lahat. Sala na puro alikabok ang sofa, lababo na puno ng hugasing plato, bintanang kulang na ang bubog ng jalosy, cr na makapigil hininga ang amoy, ref na puro tubig ang laman, ang kwarto ko na iba na ang amoy dahil hindi napapalitan ang mga punda ng unan at kumot, at syempre ang kisame naming naging bahay na ng gagamba.
Nagluto na ako ng hapunan at naligo bago na ako natulog, buti na lang walang pasok bukas dahil may gagawing program sa school. Hindi ako absent. Wala namang assignment pakokopyahin na lang daw ako ni Weslynn ng notes dahil wala talaga ako sa sarili kanina habang nagtuturo ang prof namin.
Natulog na ako pagkatapos mag empake, bukas magbabago na ang takbo ng lahat ng bagay. Maraming maaaring mangyari pero pinagdadasal ko na sana... sana makaya ko lahat.
Lizabeth's POV "Let's go." Pagkabukas ko pa lang ng gate ay bumungad na sa akin ang kotse ni Kenzo. Hawak ko na ang maleta ko at ang backpack ko. "Tss, bakit ba atat ka?" sabi ko habang sinasara ang gate na kalawangin na at kahit anong oras ay pwede ng makatetano. "I have a work today!" Ang aga-aga para nang binuhusan ng suka ang mukha niya. "Oh, edi sana hindi mo na ako sinundo, kasalanan ko pa ngayon na baka ma-late ka?!" sigaw ko sa kanya. Ke aga-aga nasisira na agad ang araw ko. "Hindi ka na lang magpasalamat dahil sinundo pa kita. Aish! Sumakay ka na nga lang. Ilagay mo 'yang mga gamit mo sa compartment." My mouth formed to O shape in annoyance. Humalukipkip ako habang kinakalma ang sarili. "Hindi ka man lang ba bababa para tulungan akong maglagay? Anong klaseng asawa ka pala kung gano
Lizabeths POV Pagkatapos ng paglilibot namin sa unang palapag ng mansyon ay umakyat na kami sa itaas, mayroon lamang doong dalawang guestroom, kwarto ng parents niya, office niya, kwarto niya, at kwarto ng kapatid niya. Sa hitsura ng mansyon nila Kenzo hindi na nakapagtatakhang maswerte ang mapapangasawa nito sa hinaharap. “Raens room is your temporary room. Katabi lang nito ang kwarto ko, so kung may kailangan ka, nandoon lang ako kabila,” sabi niya habang naglalakad kami at tumigil sa isang pinto. Tumango-tango na lamang ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Pagbukas 'non ay bumungad sa akin ang pink theme na kwarto. Punong-puno ito ng mga stuff toys na unicorn sa isang sulok nito. Mayroon itong pink carpet din sa loob at maging ang kisame nito ay color pink din. Sa harapan ng kama ay may isang salamin na may lamesang punong-puno
Lizabeth’s POV Our face is only an inch apart and I can smell his breath that smells like some kind of wine. Hindi ko alam, pero hindi ko din mapaliwanag ang kakaiba kong nararamdaman sa mga oras na ito ngunit ang tanging sigurado ako ay gusto ko nang mahagkan ang mga labi niya. “Ang tagal niyo namang mag kiss.” Para akong napaso sa pagtulak ko sa kanya. Parehas kaming napatingin sa nagsalita and there we saw a boy with a malicious smile habang nakatingin sa aming dalawa ni Kenzo. Nakasandal siya sa gilid ng pinto habang nakahalukipkip. Pakiramdam ko ay namumula na ako sa kahihiyan. “Oh, bakit hindi niyo tinuloy?” parang nanghihinayang pa niyang tanong. Naglakad siya papunta sa couch at ibinagsak ang katawan doon at nagdekwatro. Nakita ko si Kenzo na naglakad papunta sa lamesa niya at naglagay ng wine sa baso. Ako ay nanatiling nakatayo doon at hindi ko alam kung anong gagawing kilos.
(Continuation of chapter 7) Lizabeth's POV That endearment... why I felt something in my stomach everytime he say that word to me? Pero I try to look normal. This is just pretend Beth okay, 'wag ka umasa. “Palagi ka kasing nakasimangot, eh,” I said. “Tss, just be thankful that I am nice to you.” Inirapan ko na lang siya at saka tumayo at nagtingin-tingin ng damit na nakaayos sa mga sabitan. Habang abala ako sa pagsusuri ng mga damit ay 'di ko namalayang tapos na palang ayusan at magbihis si Kenzo. He was so handsome in his black tuxedo. “Let’s go.” We walk while holding hands habang papalapit sa mga tao sa labas. Pumunta kami sa pwesto ni Lloyd kung saan ay kumakain ng tsitsirya. “Stay with Lloyd, just wait until we finish the taping.” Binitawan na niya ako at ako naman ay naupo sa katabing upuan niya.  
Lizabeth’s POV “Wake up.” Nagising ako sa tapik sa pisngi ko at pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang isang anghel. Este half anghel, half evil. Charot, si Kenzungit lang naman iyon. Inilibot ko ang paningin at napansing nasa mansyon na kami. Nauna siyang lumabas at inalalayan ako sa pagbaba ng sasakyan. Pagkasara ng pinto ay bumaba ang bintana sa driver’s seat kung saan nandoon si Lloyd. “Paano ba 'yan? Kitakits na lang ulit bukas Sir Ken, Ma’am Liza,” wika niya at mukhang pagod na din sa maghapon niyang trabaho. Kumaway pa ako at saka na siya nagmaneho paalis. Curious lang ako kung gaano kalayo ang tinitirahan niya dito. Baka mamaya ay sa isang barangay pa pala edi paniguradong bagsak na sa higaan ‘yon pagdating sa bahay nila. Pinagbuksan kami ng mga katulong ng malaking pintuan. Ang iba sa kanila ay mukhang pagod na at ang iba
(Continuation of Chapter 8) Lizabeth's POV Kung wala lang kami sa harap ng pagkain ay sinaksak ko na ‘to ng kutsilyo at ipinakain ko na ang buong manok sa kanya. Gawin ba naman akong aso na sunod-sunuran sa kanya. Napaka lakas talaga ng apog ng lalaking ito! Maghintay ka lang talaga Kenzo, may araw ka din sa 'kin. May kasama pang buwan. Pagkatapos namin kumain ay binigay ko na ang phone number ko sa kanya at saka na ako nagkulong sa kwarto. Doon pa lang ako nakapag bukas ng phone ko at sunod-sunod na text messages na ang lumabas. From: Ate Lucy [Nasaan ka? Bakit wala ka pa sa bahay?] Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nabasa. Lagot, paano ko ipapaliwanag kay Ate? From: Ate Lucy [Beth! Bakit hindi ka man lang bumisita ng ospital pagkatapos ng klase mo? Sabi ng mga kapitbahay ay ang tahimik ng bahay at mukhang
Lizabeth’s POV Headline: Kenzo Navarro, Kasal na? “Kilalang-kilala nating lahat ang sikat na actor na si Kenzo Navarro at kamakailan lamang ay nakuhanan ng letrato ang actor kasama ang isang hindi pamilyar na babae sa set ng taping ng ginagawa nilang pelikula. At ang kapansin-pansin din ay ang mga singsing na pareho nilang suot habang magkasama. Totoo ba? O haka-haka?” Pinatay ko ang TV at tumingin sa kanya. “So, what’s the problem about the news?” kalmadong sabi ni Kenzo habang umiinom ng gatas niya at nanonood sa TV. Pagkatapos kong mapanood ito ay kaagad akong tumakbo papunta sa kwarto niya at pinabukas ang TV niya. Kanina nga ay gusto ko nang painumin ng coke na may biogesic itong si Kenzo. Paano ba naman ay pachill-chill pa ang gago. Edi siya na ang kalmado! “Ken! Hindi mo ba napanood? The news is about us!” sigaw ko sa kanya habang iniliyad ang kamay sa TV.
Lizabeth’s POV Diretso akong nakatayo ngayon dito sa harap ng pintuan ng kwarto ni Mama. Nandito na ako sa ospital at humuhugot ng lakas ng loob bago pumasok. May dala akong mga prutas na naka basket para kay Mama. Nag-withdraw ako kanina ng pera para may maibigay ako sa kanila mamaya. Pinihit ko na ang seradura ng pinto at bumungad sa akin si Ate na pinapakain si Mama. Pareho silang napatingin sa akin nang marinig ang pagbukas ng pintuan. “Beth!” wika ni Ate Lucy na ibinaba muna ang mangkok ng lugaw sa isang lamesa sa tabi ng higaan ni Mama. Naglakad ako palapit sa kanilang dalawa at inilapag ang basket sa may lamesa at nagmano ako kay Mama bago umupo sa tabi niya. “Kamusta na po ang pakiramdam niyo?” tanong ko at hinawakan ang kanang kamay niya. “Heto at lumalakas na ako. Ang sabi ng doktor, makakalabas na ako bukas, anak.”&nbs