Yay!! Kumusta ang pa buffet? Hahaha! ;)
SabrinaNagising ako dahil sa isang malambot na labi ang marahan na humalik sa aking noo kinabukasan."Hmmm.." Hindi ko mapigilang mapa ungol nang may ngiti sa aking labi, bago mas isiniksik pa ang aking mukha sa unan na nasa aking tabi.Unan na amoy...nevermind. Hindi nga pala unan itong niyayakap ko kundi isang dyosa."You are such an angel.." Rinig kong komento ni Cara dahilan upang mapakagat ako ng aking labi ngunit nananatili paring pikit ang mga mata.Ang sarap niyang yakapin. Nakaka relax. Nakakawala ng stress. Para ngang ayaw ko ng umalis kami sa ganitong posisyon at ganito nalang kami sa maghapon. Parang ayaw ko ng mawalay sa kanyang tabi.Nakakaadik ang kapayapaan sa piling niya."Oh, shut up Ms. Olsen." Saway ko sa kanya.Narinig kong napatawa ito ng mahina. Ngunit sapat upang magbigay ang tawa nito ng kiliti sa aking sikmura. Sa madaling salita, kinikilig ako.Anak ng! Wew! Sa age kong ito, kinikilig parin pala ako.Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang marahan na paghaplos n
Cara"Hey, don't forget, huh?" Muling paalala sa akin ni Audrey habang binabaybay namin ang daan papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Sabrina."Oo na po. Behave lang ako." Parang bata na napapa nguso na sabi ko naman habang napapatingin sa labas ng bintana.Si Audrey na ang mismo ang nagkusang ihatid ako dahil hindi ako pweding gumamit ng sasakyan at mag drive. Napaka higpit naman kasi ng parents ko. Haaay.Kanina pa rin ako kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang excitement na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Ito kasi ang kauna-unahang mag out of town ako kasama si Sabrina. At ang unang beses na makikita at makikila ko ang kaibigan niya."Just be yourself. Ano ka ba, sa dami ng babaeng nahuhumaling sa'yo, ngayon ka pa ba kakabahan? Of course, magugustuhan ka rin ng kaibigan niya kagaya ng iba. Tulad ni Ms. Lopez" Patuloy na pag papagaan ni Audrey sa loob ko.Napatawa naman ako ng may pagkaalanganin."Masyado mo naman akong pinupuri." Wika ko. "Baka mama
Now playing: The only one by Reyne (cover) Cara Iniwan ko na muna sandali si Sabrina sa loob ng guest room kung saan kami mag i-stay for tonight. Hinayaan ko na muna itong mapag-isa at mas minabuti na lamang na hanapin si Lenny. I just wanna to talk to her. Gusto kong sabihin at patunayan sa kanya na safe sa akin si Sabrina. Lalo at hindi ko kayang makita na nasasaktan ang girlfriend ko dahil mayroon silang hindi pagkakaunawaan nang dahil sa akin. Sinubukan kong bumalik sa kitchen para tignan kung nandoon ito, ngunit bigo ako. Hindi ko rin mahagilap si Rooney pati na rin ang mga bata. Marahil ipinasyal na muna nito ang mga iyon dahil sa tensyon na meron dito sa loob ng kanilang bahay. Habang naghahanap kay Lenny, hindi ko mapigilan ang mapakapit sa aking tyan dahil sa biglang pagkulo nito. Oras na kasi sa pananghalian pero heto kami, nagtatagu-taguan. Sinubukan ko ang magtungo sa likod ng kanilang bahay. Hindi ko mapigialan ang mamangha dahil sa napakalawak pala ng space rito
Now playing: When you say nothing at all SabrinaHindi ko mapigilan ang malawak na ngiti sa aking labi habang napapatulala at tahimik na pinagmamasdan si Cara mula dito sa bintana ng aking opisina. Habang masayang nakikipag kwentuhan ito sa kanyang mga kaibigan mula sa isang shed na nasa harap lamang ng aking opisina. Hindi ko kasi mapigilan ang hindi kiligin sa tuwing naaalala ang mga kaganapan noong weekend kasama sina Lenny. Masaya ako dahil kahit papaano ay binigyan kami nito ng pagkakataon mapatunayan kung gaano ba namin kamahal ni Cara ang isa't isa. Alam kong hindi parin ito sumasang-ayon ng tuluyan sa relasyon na meron kami. Pero masaya na ako na kahit papaano ay binuksan nito ang kanyang puso, na makita nito kung gaano ako kasaya sa feeling ng babaeng minamahal ko ngayon. Kagat labi na napasulyap ako sa aking kamay kung saan makikita ang promise ring na ibinigay sa akin ni Cara noong gabi na maging official kami. Napaka payapa na ng puso ko. Iyong feeling na wala na it
Now playing: Hindi ko kaya - Zack Tabudlo Sabrina Isa hanggang tatlong araw na yata kaming hindi masyadong nakakapag-usap ni Cara. Naiintindihan ko naman ito dahil bukod sa exam week eh, alam kong maraming personal na bagay din itong ginagawa at pinagkaka abalahan sa ngayon. Habang abala kasi ito ay ganoon din ako bilang teacher. Sa totoo lang nga eh wala na yata akong maayos na tulog at pahinga dahil sa inaabot na ako ng umaga minsan sa pag checheck ng mga test paper. Minsan naman eh nakakaligtaan ko na rin ang kumain, kaya madalas akong mahilo ngayon bukod sa puyat na nga palagi ay nalilipasan pa ng gutom. Pagod na pagod na ako ngayon sa araw-araw. Isa lang naman kasing place ang gustong pag pahingahan at iyon ay sa piling ng aking girlfriend. Sobrang namimiss ko na ang mga yakap niya. Iyong nakakatunaw sa puso na boses niya at mga tawa. Iyong nakakakilig nitong mga ngiti at tingin. Lahat. Siya mismo, ay sobrang namimiss ko na. Kaya lang ngayon kasi ang linggo na hindi ako pwed
SabrinaKinakabahan na pumaparoon at parito ako habang naghihintay sa pagdating ni Cara. Alam kong kahit na hindi ako nito nirereply sa mga text message ko eh nababasa niya parin ang mga iyon.Kaya kahit na wala akong natanggap na reply mula sa kanya, eh agad na sumibad parin ako papunta rito sa seaside. Ito lamang kasi ang alam kong ligtas na lugar na pwede naming pag tagpuan, na tanging kami lamang na dalawa ang nakakaalam.Halos nasa kalahating oras na rin yata akong nandito at naghihintay sa kanya, ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ito dumarating. Kaya naman, naghintay parin ako at maghihintay kahit na abutin man ako rito ng maraming oras, makausap ko lamang ito.Hindi na ako makakapayag pa na hindi nito nabibigyan ng kalinawan ang mga nangyayari. Halos dalawang linggo na kaming ganito. Hindi nag-uusap at palaging deadma lamang kapag nagkakasalubong o nagkikita sa school.Sobrang nakakabaliw na ang mga nangyayari. Minsan pa nga iniisip ko, baka naman masyado lamang akong nasan
CaraMadalas, makakasakit talaga tayo ng mga tao na hindi natin inaasahan. Minsan o madalas, by choice. Ngunit meron din naman na, hindi natin sinasadya ngunit kinakailangan.Kailangan, kasi alam nating mayroong mga bagay na mas nakabubuti para sa kanila o maging para sa mga sarili natin.Kailangan, kasi may mga bagay na doon tayo mas sasaya, at hindi sila iyon ang makakabigay sa atin. At hindi rin tayo ang makakabigay ng mga bagay na mas higit na makabubuo sa kanila.Kinakailangan natin sila minsang bitiwan, upang mas makita nila na may mga bagay pa na mas mahalaga at importante sa atin na pwede nilang matagpuan. Mga bagay na hindi nila makita, dahil nakaharang tayo. Mga bagay na mas may halaga sa atin, na mas karapat dapat para sa kanila.Nakakasakit tayo ng mga taong mahal natin, pati na rin ng mga taong mahal tayo dahil kasama iyon sa buhay. Kailangan nating masaktan upang matuto. Ngunit tayo ay nakakasakit din, para matuto. Magkaiba man ang pinagdaan, ang mahalaga parehas na mayr
Now playing: At ang hirap by Angeline QuintoSabrinaMabilis lamang lumipas ang mga araw. It's been three months since Cara Brigette Olsen's engagement was announced and tomorrow, she will marry the son of her parent's best friend.Oo, ganoon kabilis. Maging ako, nagulat din na ganoon kabilis na niyang gustong mag patali sa iba at hindi sa akin.Hindi naging madali sa akin ang araw-araw. At mas lalong hindi madaling tanggapin na basta na lamang nagtapos ng ganoon lamang kabilis ang relasyon namin ni Cara.Well, hindi ko na rin alam kung naging kami ba talaga o isang malaking pagpapanggap at laro lamang sa kanya ang lahat.Hindi na rin ako nagtanong pa dahil alam kung wala namang sasagot ng mga iyon para sa akin. Itinigil ko na ang mga katanungan sa aking isipan at sapat ng nanatili na lang ang mga iyon na walang kasagutan.Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung ano pa ba ang dapat kong maramdaman. Napapagod na akong umasa, kasi alam kong wala naman ng pag-asa. Ni hindi nga niya ako