Share

Kabanata 02

Hindi na ako magtataka kung maraming nagkakagusto kay Klaviuss dahil sa graduation hairstyle niya na bumagay sa kulay-pilak niyang buhok. Idagdag mo pa rito ang mala-brilyanteng hugis niyang mukha at facial features na minana nya pa daw sa kanyang amang amerikano.

Yung hairstyle niya graduate na pero s’ya mukhang delikado, nakangising usal ko sa akin sarili.

Tinititigan kami ni Klaviuss sa mga mata at nagtanong, “Alam nyo ba kung anong sinabi ni Science kay Mathematics nang magkita sila?”

Padabog na ibinaba ni Cara ang softdrinks nya sa lamesa habang nakataas ang isang kilay at nagbanta, “Ano na naman bang kalokohan ang sasabihin mo sa amin… siguraduhin mo may sense ‘yan ha. Kung hindi sasapukin na lang kita bigla d’yan,”

Hindi na s’ya pinansin ni Viu bagkus humarap lamang ito sa akin at biglang nagsalita, “Ang sabi nya ay may problema ka ba?” Humagalpak siya ng tawa habang hawak-hawak ang kanyang tiyan.

Napatingin naman sa amin ang ibang dumadaan kaya’t agad na bumulong sa akin si Cara, “Alam mo na gagawin natin. Isa, dalawa… takbo!”

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya ngunit bigla s’yang sumigaw at agad akong hinila. Wala akong nagawa kung ‘di tumakbo na lang din at sumunod sa kaniya.

 Naiwan si Viu na nakatingin nang masama sa amin at sumigaw ng napakalakas na may pagrereklamo, “Hoy hindi nyo pa nababayaran ‘yon binili nyo! Ang daya n'yo talaga!”

Natakasan na naman namin si Viu at s’ya na naman ang magbabayad ng binili namin, mautak talaga si Cara, pailing-iling na bulong ko at marahan kaming natawa nang nasa tapat na kami ng silid-aralan.

“Kung ano-ano na naman ikukwento sa atin ni Viu, naalala mo nang nakaraang nakinig tayo sa kanya… nalate tayo dahil hindi nya tayo pinaalis,” kuwento niya habang naglalakad papalapit sa upuan namin.

Kunti pa lang ang nasa silid dahil marahil yung iba’y nasa canteen pa o library.

Naupo ako sa tabi ng upuan niya. “Pero lagi natin s’yang tinatakasan at s’ya ang nagbabayad… sa tingin mo hindi s’ya maghihirap?”

Nakapangalumbaba siya kanyang lamesa at agad na tumugon, “Oo naman! 100 pesos lang naman ‘yon at saka mayaman naman s’ya kaya kering-keri nya ‘yon.”

Sabay kaming napahagalpak sa tawa sa naging turan niya.

Matapos ng tagpong iyon ay agad s’yang dumukdok habang ako’y nagsimulang mag-review para sa susunod na subject namin na ‘Komunikasyon sa Akademyang Filipino.’ Sa kamalas-malasan, hindi ako makapagpatuloy nang maayos sa pagre-review  dahil sa pagdaldal ni Cara tungkol sa Descendants, “Kailan kaya magkakaroon ng Season 2.”

Inikot-ikot niya ang ballpen sa kanyang kamay “Alam mo… nakakaiyak talaga yung ‘Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo’. Habang pinapanood ko ‘yon grabe ang kilig ko tapos binawi sa ending.”

Patuloy lang ako sa pagtango at kunwaring nakikinig sa kaniya dahil gulong-gulo na ang isip ko dahil sa nagbabasa rin ako ng libro.

Ilang saglit pa ay pumasok na ang isang lalaking may suot na khakis at oxford na sapatos. Kaagad kaming nagsiayusan at isinantabi ang mga ginagawa namin dahil narito na ang aming pangalawang guro na si sir Haiden— may paalon na mahabang buhok sa kanyang tutok ng ulunan na bumabagay sa mala-diamond na hugis niyang mukha. Higit na hinahangaan ang kanyang mala-almendras na mga mata, katamtamang tangos ng ilong at manipis na labi.

Inilapag niya ang kanyang gamit sa upuan at nagsalita, “Okay class. Bago tayo magsimula ay tumayo kayo at umpisahan magdasal.” Sa paraan ng pagsasalita niya at mga kilos ay mahahalata mo ng isa itong propesyonal na guro.

Agad kaming nagsitayuan, sabay-sabay na nagsign of the cross at pinagdikit ang palad namin. Nagsimula kaming magdasal sa pangunguna ni sir Haiden at nang matapos ito’y kaagad niya kaming pinaupo sa kani-kaniya naming upuan bago niya sinindihan ang TV sa silid.

“Ang topic na atin idi-discuss ay tungkol sa Baybayin,” panimula niyang wika at nagsimulang ilipat ang slide.

 Agad namang nagtaas ng kamay si Celise upang mapansin s’ya ng aming guro.

“Yes, Celise?”

“Bakit hindi po natin simulan magsalita ng Filipino sa inyong oras para po masanay namin at mapaunlad ang pagsasalita nito?” Marahan na naupo si Celise nang matapos ang kanyang suhestiyon.

Biglaan naman itong nag-isip at nagsalita, “Pumapayag ako. May katanungan pa ba kayo?”

Muli na namang may nagtaas ng kamay at matamis na nagsambit, “Yung topic po nating dalawa sir, kailan niyo po ituturo?” Nagawa pa nitong kumindat.

Si Haley ang aking tinukoy na nagsaad na may matagal ng gusto sa lahat ng guwapong guro at sinasabihan na maharot dahil nag-aral lang daw ito para sa mga guwapong nakikita niya.

 Nagsitilian at nagkantiyawan naman ang mga kaklase ko ngunit may iba naman na nabulong-bulungan sa narinig.

Biglaan naman silang sinaway ni sir Haiden at tumuran kay Haley, “Yung grades mo kaya sa ‘kin… kailan tataas?” Panampal siya sa kanyang mukha.

 Sabay-sabay naman kaming nagtawanan sa inaktong ng aming guro. Nang mahimasmasan kami’y sinimulan na niyang magturo at kagyat nakinig ang mga kaklase ko.

“Ano nga ba ang Baybayin?” pang-unang salita niya.

Ni isa sa amin ay walang nagsalita kaya’t ipinagpatuloy na niya ang buong buhay na pagtuturo.

“Sa Korea ay may Hangul. Sa Japan ay may Kanji, Katakana at Hiragana na bilang sa panulat. Siyempre, sa ating inang bansa ay mayroon ding sariling bersiyon ng pagsusulat at ito ang tinatawag na Baybayin.” Isinusulat niya ang itsura ng mga ito sa blackboard.

“Ngunit, habang tumatagal ay unti-unti itong napapalitan ng modernong alpabetika na mas madaling isulat kumpara sa Baybayin. 28 ang letrang ito kung isasama mo ang Ñ at NG pero mas ginagamit natin ang 26 lamang. Tama ba?” Inilipat niya ang slide na may mga alpabetiko.

“Yes sir!” tugon ng mga kaklase ko.

Hindi nagtagal ay natapos din ang pagtuturo sa amin ni sir Haiden. Malaking tulong din ito para sa amin na history major students dahil mas naintindihan namin ang kultura ng ating bansa.

“We will have a debate,” anunsyo niya.

 Nagsimulang magpabilang siya sa amin upang magkakilanlan ang grupo. Nahati kami sa dalawang pangkat. Isa na sa mga kagrupo ko'y sila Celise, Rhian at Angelica habang nasa kabilang grupo naman si Cara. Napasimangot naman ito nang hindi kami magkagrupo kaya’t marahan akong natawa.

“Ang laban ngayon ay tungkol sa kabilang panig kung dapat pa ba nating gamitin ang Baybayin bilang panulat o hindi… ang panig ng pro ay kila Celise at ang con naman ay mapupunta kila Cara.”

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jenny Chan
I learn so much about Philippinr cilture.
goodnovel comment avatar
Roy
the* omg, nice work btw. It caught my attention in that fast.
goodnovel comment avatar
Roy
I love thre vibe OMG
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status