“Pinagsasasabi mo, Marion? Alam mo, hindi sa’kin tatalab ‘yang acting mo ha.” iritang sabi ni Selene sabay subo sa hipon. “Kumain ka na nga lang!”
Napailing naman ang binata bago ito ngumuso habang nakaturo gilid ng pisngi n’ya.
“Can you stop with that pout, Marion? I’m not gonna kiss you!” pabulong na tugon ng dalaga habang masama pa rin ang tingin n’ya sa kaharap. “Saka ‘wag mo ‘kong i-distract. Ang sarap ng kain ‘ko rito.”
“Sinong may sabing gusto ‘kong magpahalik sa’yo?” ganting tanong naman ni Marion sabay turong muli sa pisngi niya. “May tumalsik na balat ng hipon sa pisngi mo, punasan mo nga at baka isipin nila e ginugutom kita.”
“Are you kidding me? Bakit ba tayo huminto rito?” inis na tanong ni Marion nang ihinito ni Selene ang sasakyan sa tapat ng isang laundry shop.Hinding-hindi n’ya tatanggalin ang pantalon n’ya ‘no, never! Hindi s’ya sanay na magtanggal ng piraso ng damit sa harap ng ibang tao, much worse, sa harap pa ni Selene Garcia. He just can’t do it, hindi s’ya kumportable.“Kasi ho, ipapa-dry clean ‘ko nga ‘yang pantalon mo. ‘Di mo ba ako naririnig o nagbibingi-bingihan ka lang d’yan? Bilisan mo na!” nagmamadali namang tugon ng aktres at nakatingin na ito sa kanya nang masama. “‘Wag kang mag-alala, Mar
“Mukha naman palang nagkakasundo na kayo ni Marion, so, should we discuss the next plan?”Napatunganga si Selene sa sinabing iyon ni Chris, tila hindi rin siya makagalaw sa kinauupuan niya no’ng mga oras na iyon. Anong nagkakasundo? Malayong-malayo iyon sa katotohanan! Napasapo na lamang siya sa kanyang ulo at muling bumalik sa kanyang alaala ang mga kaganapan noong Sabado kung saan kasama nga niya ang aktor sa apartment n’ya buong gabi. Oo, buong gabi.Nagsimula lamang iyon sa paisa-isang bote ng beer hanggang sa naging dalawa, at kalauna’y nasundan pa ng ilang bote ng beer at vodka. Hindi na rin sila nakabalik ni Marion sa laundry shop na ‘yon dahil kapwa na silang
Kung meron man siyang pinagsisisihan noong mga oras na ‘yon, iyon na marahil ang pagpayag na sumama pa rin siya sa date ng dalawang nasa harapan niya. Gusto na lamang niyang umuwi at magpahinga.Naroon pa rin sila sa sandwich place, hinihintay na matapos kumain si Naya. Naparami kasi ang order nito at ngayon ay nahihirapan s’yang ubusin ang dalawang chicken and cheese burger na nasa mesa. Bihira lang daw kasi kumain ng sandwich ang modelo, dahil na rin siguro sa striktong diet plan na sinusunod nito upang mapanatili ang maganda at perpektong hubog ng katawan ng dalaga.“Come on, Marion. Ubusin mo na ‘to for me,” tila nagsusumamong pakiusap ni Naya at nagpout pa ito upang makuha ang atensyon ng aktor. “Hindi ‘ko na kasi kaya. Ple
“Balita ‘ko, nagde-date na sila!”“Ha? Parang kailan lang e kalat na kalat pa ang scandal niyang si Marion kasama si Naya, ‘di ba? Tapos ngayon, kasama naman niya si Selene?”“Malay n’yo naman kaya lang sila magkasama e dahil may teleserye sila?”“Shunga! Kung trabaho pa rin ang dahilan bakit magkasama sila, para saan ‘yang pagho-holding hands nila? Ano ‘yun, kahit tapos na shooting nila, may camera pa rin?”Rinig na rinig ni Selene ang bulungan ng mga nasa kabilang table habang pinipilit ang sariling magfocus na lamang sa pagkaing nasa harapan niya. Hindi na niya kailangang lumingon sa mga ito ngunit alam n’yang abala ang mga ito sa pakikipag-chismisan
“Hindi sa’yo bagay ‘tong dress. Ito isusuot mo?” tanong ni Marion nang muling pasadahan ng tingin ang puting off-shoulder dress na suot-suot ni Selene. “Seryoso ka? Magpapabakuna ka ba at ‘yan ang isusuot mo?”Tumaas naman ang kilay ni Selene sa komentong iyon ng lalaki. Hindi ba pwedeng sabihin na lamang niya na maganda at bagay sa kanya ang damit? Andami pang sinabi! “Dahil naka-off shoulder, magpapabakuna agad? Trying hard ka rin magpatawa ‘no?”“Hindi ako nagpapatawa. Pasasaan pa ang pagsusuot ng off shoulder dresses, aber?” tila naghahamong tanong ng aktor. Nang hindi umimik si Selene ay napaismid ito sabay s
“Anong elopement? Anong pumasok sa mga utak n’yo para maisipang papayag kami sa elopement?” pigil ang inis na tanong ni Johnny sa dalawang artista nang makaharap n’ya ang mga ito—dalawang araw matapos ang pahinga ng mga ito matapos ang huling araw ng shooting.Naro’n sila sa opisina ni Chris no’ng mga oras na iyon at wala itong magawa kundi ang pagmasdan lamang ang dalawa. Hindi ito umiimik, ngunit napako ang tingin nito kay Selene.“Dapat nga ang gawin n’yo e todo arte kayo sa publiko para may maniwala!” pinagbalingan nito si Marion na blanko rin ang ekspresyon. “Ikaw naman, Marion, wala ‘to sa usapan. ‘Di ba ang sabi e magpo-propose ka sa pampublikong lugar? So saan galing ‘tong elopement na ‘to—siguro may nangyari sa inyo ‘no?!”
“Dyusko, Selene, ngumiti ka nga riyan. Constipated ka ba?”Hindi na napigilan ni Selene ang mapairap nang marinig ang komentong ‘yon sa ika-anim na pagkakataon. Magmula kasi nang simulan s’yang ayusan para sa kasal niya ay hindi na nito magawa pang ngumit o tumawa man lang.Nakailang puna na rin si Chris habang binibiro pa nito ang aktres na maging masaya na lamang dahil star-studded at puno ng media ang simbahan—maging ang reception area. Dinaig pa umano ng kasal na ito ang mga politiko kapag nagpapatawag ng press conference.Kasal. Ikakasal na s’ya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na dumating na ang araw na kinatat
Simula pa lang ito, pilit n’yang inuulit ang mga katagang iyon sa isip n’ya. Simula pa lang ito.Naramdaman n'ya ang paghagod ng tingin sa kanya ni Marion mula nang makarating sila sa isang pribadong villa sa Batangas 'kung sa'n ang honeymoon nila. Kanina pa ito walang kibo.Ayaw na sana niyang sumama rito, ngunit dahil na rin sa pangungulit ni Chris at ilang miyembro ng media na tila mas excited pa sa kahahantungan ng honeymoon na ‘yon, wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag na lamang.“Matutunaw na ‘ko sa katitingin mo.” ani Selene nang matanggal na rin n’ya sa wakas ang 4-inc