Alas nuwebe na ng gabi at tulog na si Tina sa tabi ni Ruth, hanggang ngayon ay nakaupo parin siya sa kama, bakit kaya hindi parin nagpapakita si Austin sa kaniya magmula kanina.
Galit kaya ito?
Inalis niya ang mga iniisip ng utak, ano naman ngayon kung galit nga ito. Isipin na nila lahat ng gusto nilang isipin, isa pa may Vicky naman na ito na makakausap, hindi na siya nito kailangan. Ayos narin ito, walang mangungulit sa kanya, walang maingay na palaging magkukwento ng tungkol sa mga kasiyahang napuntahan nito. Kaya magalit lang ito hanggang kailan nito gusto.
Sa pag-iisip ni Ruth ay hindi niya namalayan na kanina pa pala siya pinagmamasdan ni Austin mula sa bintana.
"Hinihintay mo ako?" tanong niya. Napabaling sa kanya si Ruth, muntik na niyang makalimutan na nagtatampo siya rito.
G
Bumalik sila sa room nang wala pa si Mr. Banerra, nilibot nila ang tingin sa klase. Nag-init kaagad ang ulo ni Ruth nang hindi niya makita si Daniel at ang dalawa pa. Nagkatinginan silang tatlo, mukhang wala silang magagawa.Ilang sandali pa ay pumasok narin si Mr. banerra sa klase, nagpasita silang maupo na sa kaniya kaniya nilang mga upuan."Nag-away ba sila?" Sa kalagitnaan ng klase ay naitanong iyon ni Tina. Hindi alam ni Ruth kung sino ang tinutukoy nito, kaya sinundan niya ito ng tingin. Si Reese.Kanina pa nga ito tulala lang mula sa labas ng bintana, wala parin si Gino. Siguro nga ay nag-away silang dalawa. Natapos ang klase ni Mr. Banerra at nagsilabasan narin ang mga kaklase niya para kumain. Hindi na sana siya kakain pa pero hinatak silang dalawa ni Ja
Napamulat ng mata si Ruth, unti-unting naging malinaw ang paligid para sa kanya. Tanging nakikita niya lang ay mga puno at halaman. Napaaray siya ng maramdaman ang sakit ng katawan, doon lamang bumalik sa alaala niya ang mga nagyari kanina. Madilim na ang paligid at tanging buwan na lamang ang nagsisilbing liwanag sa daan."Austin," tawag niya nang mapagtantong nakasakay siya sa likod nito. Hindi sumagot ang binata, nagpatuloy lamang ito sa paglalakad, pakiramdam niya ay galit ito."Austin ibaba mo ako, kaya ko," mahinang sabi niya. Tinapik niya ng marahan ang balikat ng binata subalit nanatiling walang sagot si Austin. Nagpatuloy ito sa paglalakad, napaaray ito nang maramadaman ang pagpingot ni Ruth sa tenga niya."A-Aray, oo na eto na." Maingat siya nitong Ibinaba sa malaking tipak ng bato, pinilit ni Ruth na iayos ang kat
Mula sa Rooftop ay natatanaw ni Ruth ang malawak na probinsyang hindi niya kailanman nakitaan ng kagandahan. Puro pasakit lamang ang dala sa kaniya ng lugar na iyon. Napabuntong-hininga siya saka hinayaang yakapin ng malamig na hangin mula roon. Pinagmasdan nya ang kalmadong kalangitan, para bang sa pagkakataong iyon ay nawala ang lahat ng pisikal na sakit sa katawan niya.Alam niyang kanina pa siya pinagmamasdan lang ni Austin, hindi siya nagsasalita. Hindi niya hiniling sa rito ang katahimikan na iyon, subalit alam nito kung kailan iyon ibibigay. 'I'm sorry' paulit ulit lamang ang mga salitang namumutawi sa bibig ni Reese, nakatayo lamang si Ruth sa harap nito, hindi niya noon nais magsalita kahit napakarami niyang tanong. Hindi niya magawang tignan ang mukha ni Reese habang pinagtatapat sa kanya ang nangyari, walang tig
Sa kabilang kama ay bahagyang hinawi ng isang naka confine na babae ang kurtina upang silipin ang puwesto ni Ruth. Napakunot ang noo nito, nagsasalita ng mag-isa ang dalagang iyon, sa isip-isip niya."Ruth?"Nadatnan ni Mrs.Perez na bakante ang kama ni Ruth ng umaga ding iyon, ang mga gamit nito ay nasa side table parin. Nakahinga siya ng maluwag, mabuti at hindi naisipan ng dalaga na tumakas."Alas sais palang bumangon na ang babae d'yan, hindi parin bumabalik. Hinahanap na nga siya ng mga nurse."Napabaling si Mrs. Perez sa nagsalita, hindi niya ito kilala subalit katabing kama lamang ito ni Ruth. Siguro ay nasa forty o fifty years old na ito, kaedad niya batay sa tantya ni Mrs.Perez"Ganoon ba," aniya."Sa tingin ko hindi a
Nadatnan ni Mrs. Perez na bakante na ang kama ni Ruth, naayos na ng mga nurse ang kama. Inaasahan narin iyon ng guro, kaya naman inagahan niya ang pagpunta ng ospital subalit mas maaga pa pala itong nakaalis.Lumapit ang nurse sa kanya, may iniabot itong sketch pad."Naiwan niya po siguro, nasa ilalim kasi ng unan nya. Malamang ay hindi na niya naalala bago siya umalis," palagay nito.Nagpaalam ang nurse bago ito umalis, nagpasalamat naman sa kanya si Mrs.Perez. Nakasulat ang pangalan ni Ruth sa cover noon kaya sigurado ang babae na sa kanya ito. Binuklat niya isa-isa ang mga pahina noon, namangha siya nang makita ang mga larawan ng estraktura na nakaguhit doon.Ang iba ay magagarang sasakyan, mga natural na pangarap ng mga batang kagaya ni Ruth. Paulit-ulit lamang ang mga iyon, nagbabago lamang ang mga disenyo.
Dala-dala ang can beer sa magkabilang kamay na inakayat ni Warren ang deck ng sinasakyang private boat na pagmamayari ng kompanya ng mga Manchester. Nadatnan niya ang kaibigan na nakatanaw sa halos walang hangganan at banayad na dagat.Tinatangay ng kasalubong na hangin ang buhok nila maging ang mga suot na polo."Liam," Initsa niya ang isang beer na hawak, saka lumapit sa kaibigan."Bakit ba kasi sa Nueva Ecija mo pa naisipang magtayo ng bahay? Puwede namang sa Maynila nalang." Hindi siya tinapunan ng tingin ni Liam, nilagok nito ang beer na hawak. Malamig iyon at tila humagod sa lalamunan."Hindi ko alam," sagot ng binata.Iyon lang naman palagi ang sagot ni Liam sa kanya sa tuwing may gagawin itong nakakapagtaka, nasanay narin siya dito, sa tingin naman ni Warre
"Vicky, hello," bati ni Tina ng makita ang dalagang si Vicky, suot ng kapareho nilang uniporme. Doon na nag-aaral si Vicky, magkaiba nga lang sila ng section.Nagkasabay sila sa tapat ng gate ng school, tinulungan siya ni Tina sa pamamagitan nang paghawak nito sa kamay ng dalaha upang alalayan sa paglalakad."Hi Ruth," bati ni Vicky.Ang walang ganang si Ruth ay tinapunan lamang siya ng tingin saka nauna nang maglakad papaasok ng eskwelahan."Pasensya ka na," nahihiyang paumanhin ni Tina, napangiti lamang si Vicky."Sanay na ako sa kanya, isa pa. Ramdam ko na ang lalim ng mga buntong-hinga niya, nalulungkot parin siya," ani ng dalaga.Napabuntong-hininga naman si Tina, pinagmasdan nila ang papalayong si Ruth.&
Napabuntong hinunga si Ruth, pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ng binata."Nasisiraan na ata talaga ako ng ulo," wika niya. Magsasalita sana ito subalit naunahan na siya ng dalaga."Bakit ba... hindi parin kita makalimutan?" tanong ni Ruth sa sarili habang pinagmamasdan ang imahe ng binata.Kumunot ang noo si Austin, para bang nagtatanong lamang siya sa sarili niya. Mabilis na umalis sa lugar na iyon si Ruth, hindi na niya naisabay si Tina sa pag-uwi.Madalas siyang maloko ng isipa, hindi na niya minsan alam kung ano pa ang totoo sa hindi. Pumasok siya ng bahay at hindi inabalang makiusyoso sa pakikipagsagutan ni Ester sa kapitbahay nila. Umakyat siya ng kuwarto at pagbukas pa lamang niya ng pinto ay bumungad sa kanya roon si Austin."Ang sabi ko miss na kita," anito.