Share

Chapter 16

Pagkabalik ko sa company ay agad akong sumakay sa elevator. Nang bumukas ang elevator ay bumungad naman sa akin si Mrs. Apostol na may hawak na mga folders.

“Nandiyan na pala kayo, Ma’am. Kanina pa kayo hinahanap ni Sir Kyle,” bungad nito sa akin.

Tumango naman ako at hindi na nagsalita pa. Lumabas na ako ng elevator at si Mrs. Apostol naman ang sumakay nun. Naglakad na ako sa  tapat ng office namin ni Kyle. Huminga pa muna ako ng malalim bago kumatok. Bakit ba ako kinakabahan? Tumuloy pa din ako kahit wala akong narinig na boses sa loob.

Nang makapasok ako ay nakita ko siyang kunot ang noong nagbabasa ng isang folder na hawak nito. Napatingin naman siya sa akin ng maramdaman ang aking presensya. Tinigil nito ang ginagawa niya at matiim akong pinanood maglakad hanggang sa makalapit ako sa kanya. Napalunok naman ako sa paraan ng tingin nito.

“Saan ka nanggaling?” tanong niya ng makalapit na ako ng husto sa harapan niya.

“Sa kaibigan ko,” t

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status