Share

4 - First Day

"Bro, tapatin mo nga ako. Nagtatrabaho ka lang pero bakit parang hirap kang pumili ng damit mo?" Napasulyap ako kay Jhodel na nakaupo sa swivel chair ko.

"Ano bang pakealan mo? Saka bakit ka ba nandito? Ang aga-aga nambubulabog ka!" Inis kong sambit sa kanya bago kinuha ang isa pang damit at tinignan ang sarili sa salamin.

"Mas bagay sayo 'yung puting long-sleeved," sambit nito kaya hinarap ko siya. Kinuha ko ang sinabi niya na nasa kama at pinakita sa kanya.

"Heto?" Tanong ko pa para makita niya.

Imbes na sagutin ako ay kumunot ang noo niya. Sunod ay natawa. Tinignan ko siya ng masama dahil doon, pero imbes na tumigil ay mas lalo p itong natawa. Kinuha ko ang isang hanger at hinagis sa kanya para matigil sa pagtawa, mabilis naman niya itong sinangga.

"I can't believe this. Kailan ka pa naging mapili ng damit? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na dahil iyon sa nagngangalang Carrie. I'm not sure what you and Carrie do when Helly and I are away, but one thing is for sure, nakuha ka niya," sambit nito.

"What are you talking about? I just want to work and be presentable. Hindi naman pwede na magmukha akong yagit kapag magtatrabaho ako? And about that Carrie, I don't care about her. Ano ngayon kung siya yung nakasama ko sa isla? That is just a one night at ang nakasama ko roon ay si Latina, not Carrie," tuloy-tuloy na sambit ko.

I still can't believe that. Na ang kinahuhumalingan ng dalawang pamangkin ko ay nakasama ko sa isang gabi, sa isang mainit na gabi. At saka she looks mature. Nasa tamang lugar na ang kurba ng kanyang katawan kaya hindi ko kailan naisip na ganoon siya kabata. Kahit kailan ay hindi ko naisip na nag-aaral pa siya.

Ang sabi nito ay Latina ang pangalan niya kaya ayaw kong isipin na siya si Carrie.

"She's not Carrie? She's Latina," tumango tango pa ito. "Really? So are you saying na tutupadin mo pa rin ang sinabi mo noon?" Tanong nito habang may ngiti sa labi 

"Tutupadin ang alin?" Tanong ko sa kanya at kinuha na lang ang phone na nasa gilid.

"Na pagsasabihan mo siya dahil pinaglalaruan niya ang dalawa mong pamangkin," sambit nito.

Natigilan ako. Ngayon ko naisip kung paano ko nga ba iyon gagawin nang hindi naaalala ang nangyare.

"I-I will still do that," sambit ko at naglakad papunta sa transparent bathroom. "Alis! Maliligo ako!" Bulyaw ko. 

My bathroom is glass transparent, pero kapag nasa loob ay pwede naman na hindi ako makita roon, depende na lang kung anong gusto ko.

Tumayo ito. "Kapag pinagsabihan mo siya, sabihan mo ako. Gusto kong makita kung paano mo siya pagsabihan," sambit pa nito na para bang hindi ito naniniwala na magagawa ko 'yun. 

To be honest, I really don't know how to do that.

Nang lumabas ito ay hinilot ko ang noo ko. Sa naging usapan namin ay biglang sumakit ang ulo ko. Bakit pa kasi sa dami ng babae ay sa babaeng 'yun pa? Nagdadalawang isip tuloy ako kung papasok ba ako sa unang araw ko bilang professor nila.

****

"Kaya naman pala ang gwa-gwapo ng mga magpinsang Laurente, may pinagmanahan," one of the professors said here in the HCC after I introduced myself as the substitute for Mrs. Sande.

I just smile. Sa tingin ko ay kaedad ko siya.

"I'm Krisha, single and ready to mingle," pakilala pa nito.

"Nice to meet you, Ma'am Krisha;" sambit ko na lang.

Lumapit sa'kin ang isang kaedad ko rin na lalake at nagpakilala. Sa tingin ko ay ito ang makakasundo ko rito. Ang ibang nagpakilala ay matatanda na at ilan pa nga sa kanila ay naging professor ko rin rito sa HCC.

"Dito ang lamesa ni Mrs. Sande at dito rin ang magiging lamesa mo, Sir," sabay turo sa gilid kung nasaan ang malinis na lamesa. "By the way, I'm Kenneth," pakilala niya pa.

I said thank you bago tinungo ang lamesa na tinuro niya. I put my things there. Walang gamit na tinira si Mrs. Sande maliban sa class record at ilang mga papel na kakailanganin ko. Inayos ko lang ang gamit ko bago tinignan ang schedule ko.

"Pupunta ka na sa klase mo? Sabay na tayo, Sir," napasulyap ako kay Miss Krisha nang sabihin niya iyon.

Sabay nga kami na pumunta roon at magkatabing classroom lang pala ang pupuntahan namin. Naging maayos ang unang pagtuturo ko. Naging malaking tulong ang binigay sa'kin na guide ni Mrs. Sande. 

Sa totoo lang, hindi ko gustong tanggapin 'to, pero nakiusap si Mrs. Sande dahil kapag hindi ito nakahanap ng papalit pansamantala sa kanya ay hindi ito makakapag leave agad.

Sa sunod na klaseng pinuntahan ko ay maaga ata akong tatanda.

"Ano bang problema mo ah! Para kang bata!" Sigaw ni Chester at mabilis na lumapit kay Roi para kwelyuhan.

"Galit ka na niyan?" Pang-aasar pa ni Roi.

'Yun ang eksenang nadatnan ko nang pumasok ako sa pangalawang klase ko. Sa klaseng ito ay nandito ang dalawang pamangkin ko.

Napasulyap sa'kin ang mga kaklase nila, pero ang dalawang pamangkin ko ay wala atang pakealam sa paligid nila. 

Imbes na suwayin ay tuloy tuloy ako sa pagpasok at prenteng naupo na lang sa upuan na para sa mga guro. 

Tahimik ang paligid. Akala ko nga ay aawatin nila ang dalawang kaunti na lang ay magsusuntukan na, pero mali ako dahil tahimik lang talaga sila at walang naglakas loob na magsalita o sabihin man lang na nandito ako.

Alam nila na ngayon ang simula ko sa pagtuturo rito, pero nagawa pa nilang mag-away. Huwag nilang sasabihin na dahil nanaman ito sa Carrie na 'yun?

"Binutasan mo ang gulong ng kotse ko, at tatanungin mo ako kung galit na ba ako? Oo! You bastard!" Isang suntok ang binigay ni Chester kay Roi.

Sa kanilang dalawa ay palaging si Chester ang nakakapagtimpi, pero ngayon ay hindi na ito nakapagtimpi.

I saw blood on Roi's lips. Pinanood ko ulit ang ginawang pagkwelyo ni Chester. Mabilis namang iyong tinanggal ni Roi at nakitaan ko na siya ng galit sa mukha.

"Bakit hindi ka lumaban ng patas? Nalaman mo na lang na lalabas kami mamaya ni Carrie, binutasan mo na ang gulong ng kotse ko. Can you act like a man, Roi? Hindi iyong para kang bata--" Napatayo na ako nang makita ang pagtadyak ni Roi kay Chester sa Tyan.

"Act like a man? Coming from you? Alam mong nililigawan ko si Carrie at binaan na kita na huwag na huwag mo siyang liligawan, pero anong ginawa mo? Asan ang respeto mong gago ka--"

"Heto ba ang pang welcome niyo sa'kin bilang bagong professor niyo?" Seryosong tanong ko.

Pareho silang natigilan nang marinig ako. Nag-iwas sila ng tingin at sabay pang lumayo sa isa't isa at naupo sa upuan nila.

It's about that Carrie again. Ano pa nga ba?

Tinignan ko sila ng seryoso. "Pagkatapos ng klase natin ay pumunta kayo sa office," sambit ko sa kanila.

Hindi sila sumagot, pero alam ko na pupunta sila. Bumuntong hininga ako at tinignan silang lahat. Hindi ko alam, pero nakahinga ako nang maluwag nang makita kong wala si Latina rito. Hindi ko pa rin alam kung paano siya haharapin. 

Ang alam ko ay kaklase nila si Latina, pero mukhang hindi nila ito kaklase ngayon.

"I'm your new professor for the subject Architectural Design II. Dalawang buwan niyo lang akong magiging prof sa subject na 'to dahil babalik rin naman si Mrs. Sande," tumigil ako at hinarap ang white board.

Isinulat ko roon ang pangalan ko. Habang nagsusulat ay natigilan ako nang mapansin ko sa gilid ng mata ko ang babaeng nakayuko at dahan-dahang pumapasok. Late? It's already 10, but she's late. 

"Hindi ba nakakabastos na basta ka na lang pumapasok nang hindi man lang humihingi ng pasensya dahil late ka, Miss?" Sambit ko at tinapos ang pagsusulat ng pangalan ko, hindi ko na nilagay ang surname ko para mapagsabihan na ang istudyanteng late sa unang araw ko bilang professor nila.

Nang humarap ako ay nabitawan ko ang marker na hawak. Mabilis ko ulit na hinarap ang white board. Napakurap-kurap ako at napalunok. Bigla akong nanlamig. Siya dapat ang matakot dahil late siya at papagalitan ko siya, pero bakit parang ako 'yung natakot?

Saka ko lang napagtanto na para pala akong tanga na bigla-bigla na lang na humarap sa whiteboard.

Pinulot ko muna ang nahulog na marker bago siya harapin. I saw her beautiful eyes and just like me, gulat na gulat din ito na nakita ako. Akala ko ba naman ay wala siya rito, pero na late lang pala siya.

"You!" Bulyaw ko sa kanya, pero pasimple kung iniwas ang tingin ko nang hindi ko matagalan ang gulat na titig nito. "Why are you late?" Dapat ay pagalit 'yun para ipakitang galit ako, pero bakit parang feeling ko ay malumanay iyon?

"Bakit nga ba? Edi dahil nakipag date nanaman," sambit ng babaeng nasa unahan.

"Shut up, Nicole," saway ni Roi sa babaeng nagsalita. Kung ganoon ay Nicole ang pangalan nito 

"Bakit? Inggit ka? Gusto mo ba ng isa? Bibigyan kita." Umigting ang panga ko nang marinig iyon galing kay Latina.

Nakipagdate? Hindi nito itinanggi kaya siguro ay tama ang kaklase niya sa sinabi. I can't believe this! Nililigawan siya ng dalawa kung pamangkin at nagagawa pa nitong makipagdate sa iba? 

What about me? There's something happen between us! I got her first. Ni hindi ako makatulog kakaisip sa kanya pagkatapos ng nangyare at pagkatapos kung malaman na siya ang kinahuhumalingan ng dalawa kung pamangkin tapos nagagawa pa niyang makipagdate? What's with her?!

"We have quiz today at ang hindi makakaperfect ay maglilinis ng CR," seryosong sambit ko at naupo na lamang.

Narinig ko ang singhaban nila. Narinig ko pa ang hindi pagsang-ayob nila sa sinabi ko. Nang sulyapan ko si Latina nang seryoso ay sinimangutan niya ako bago siya tumalikot at nagpatuloy sa pagpunta sa bakanteng upuan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status