Share

Kabanata 02

“Ang Ticket sa Basura”

Si Winston ay nagulat sa kaniyang mga narinig,

"Isang tao ang nakakuha ng 406,549,000 Millions Pesos" sabi ng isang lalake na naka tayo sa tabi ng gate,

Nagkagulo ang buong Redholt sa balita na may taong nanalo ng Jockpot Price at ito ay taga Redholt

 

Kaya naman maging ang ibat ibang uri ng mga Ganster at Mafia sa buong Redholt ay nag kaniya kaniyang pag hahanap,

Kung sino ang maswerteng nanalo ng Lotto sa Redholt

Ang Redholt ay may ibat ibang uri ng mga Grupo ng mga Mafia at Ganster

Talamak ang patayan sa ibat ibang uri ng lugar sa Redholt, madalas pa nga sa Bundok ng Basura tinatapon ang ibang mga Bangkay.

 

Ang Lotto Winning Outlet ay ginaganap sa Summerton ang Pinaka mayamang Province sa buong bansa ng Newheaven

 

Dahil ang Redholt ay isa sa kinakatakutan ng lahat ng ibang mga Province sa Buong Newheaven

At ito rin ang pinaka magulong Probinsya sa lahat,

Kaya naman ang lalakeng nanalo ng Lotto na si Joseph, ay hindi nito alam kung anong gagawin nito para makalabas ng Redholt

Dahil sa mismong Daungan ng Bangka nito ay may mga nakabantay para icheck ang bawat dala ng mga pasahero

Kaya naman si Joseph ay nilagay nalang nito sa isang sobre at sabay binalot nito ng Plastik at sabay siningit ito sa isang lumang Notebook

 

Para kahit umulan ay hindi ito mababasa at mapupunit,

Ngunit ang Ticket ay hindi pa nito napipirmahan at nalalagyan ng Pangalan sa Likod, bilang katibayan na ikaw ang nanalo.

 

"Kailangan ko makasakay ng Banka" wika ni Joseph,

 kaya naman sa pag mamadali nito, ibang notebook na walang Sobre ang nailagay nito sa Bag

 

Kaya ng pagkarating nito sa Bangka, bago ito nakapasok, napansin ng isang Security ang isang lalake na may hawak ng isang Bag,

 

Kaya ng ito ay titingnan ng Security agad itong Tumakbo palayo, dahil sa takot ay nataranta ito sa pagtakbo

Kaya ang ilang mga grupo ng Mafia at Ganster

Napansin nila ang isang lalake na tumatakbo, na may Dala-dalang Bag sa kamay nito,

Kaya naman agad naisip ng mga ito, na ito mismo yung nanalo ng Ticket.

Habang si Joseph ay patuloy sa pag takbo, hanggang sa macorner ito ng mga humahabol sa kaniya,

 

Kaya naman si Joseph ay walang nagawa kundi ibigay ang Bag sa kanila, kaya nang tiningnan ito ng isa sa mga Gangster,

Ay Wala palang laman ang Bag, kundi isang lumang Notebook, Kaya ng Chineck ito, na wala din sa Notebook ang Ticket,

Ngunit sinabi ito ni Joseph na "jan ko lang isiningit ang Ticket sa Notebook"

Kaya nang pakiramdam ng isang Gangster na pinagloloko sila nito, ay dito na siya

pinag sasaksak dahil sa hindi agad nito ibinigay ang Bag, at bukod dito wala din pala duon ang Ticket, at pinag loloko lang sila nito,

 

Kaya hindi manlang nag dalawang isip yung sumaksak sa kaniya, dahil iniisip ng taga Gangster Member na ito ay habang hinahabol ito, saka nito itinapon sa ibang Lugar,

 

Kaya dito pinatay ng isang Gangster Boss si Joseph.

Samantala ang Notebook na may lamang Ticket

Ay nakapatong sa isang Lamesa sa loob ng Kwarto ni Joseph,

Kaya nang nabalitaan ng Pamilya  ni Joseph ang nangyari  kay Joseph

Ang siyang kinagagalit ng Pamilya nito

 

Kaya naman sa loob ng ilang Araw, sinubukan nilang linisin ang Kwarto ni Joseph

Kaya naman nang makita nila ang isang Notebook na marumi na at may amoy  pa

Agad itong itinapon ng kaniyang Pamilya sa Basurahan,

 

Kaya ng pagkalipas ng isang Araw, agad kumalat ang isang Balita

Na may isang binata ang Pinatay dahil sa Ticket Lotto na napanalunan nito,

Dahil ang alam ng pamilya ni Joseph, ay nakuha na ito ng ibang Mafia Boss

 

Kaya hinayaan nalang ng Pamilya ni Joseph ang Ticket, dahil ang alam ng mga ito ay nakuha na ito ng mga Mafia

 

Pero hindi nila alam ang Notebook na kanilang itinapon ay isa palang magpapabago ng buhay ng makakakita dito.

 

 

Kaya naman si Winston na nakikinig sa isang Balita  sa Radio ay bigla nalang nagsalita sa kaniyang Sarili

 

"Kahit pala ikaw ang manalo sa lotto, kung marami naman naghahanap sayo para kunin ang ticket tapos papatayin kalang"

Sabay lunok ng laway ni Winston, at sabay nag bugtong hininga ito

 

Pagkalipas ng Tatlong (3) Araw, si Winston Lawrence ay nag hahanap ng mga Basura para maghanap ng Plastic Bottle

Isang Truck ng Basura ang biglang dumating,

At ito ay ina-abangan na ng mga Basorero para mag paunahan sila sa mga Kalakal na makikita nila dito,

Bago pa makarating si Winston sa baba nang bundok na Basura

Nakuha na nang lahat ng mga basorero ang mga kalakal dito,

 

Samantala si Winston Lawrence ay may nakita itong isang Lumang Notebook,

 

Kaya nang tiningnan niya ito, halos wala pang nakasulat dito, kaya naman agad nitong iniuwi sa kanilang bahay ang Notebook,

 

Sabay paglapag ni Winston Lawrence ng Notebook sa lamesa, para Kunin lang nito ang wala pang Sulat

Para magamit pa ng isa nitong Kapatid,

Ngunit isang sobre na naka plastic ang makikitang lumabas sa pinaka likod ng Cover ng Notebook na naka singit dito,

 

Nang hinawakan ito ni Winston Lawrence, at inilabas niya ito sa isang Plastic

Agad nitong nabasa ang mga salitang "Lotto Ticket"

At ng kaniya tiningnan ang bawat number ng Ticket Number sa Una hanggang sa Tatlong number nito ay Saktong sakto ang number na nakita nito sa TV nung isang Araw

Biglang nanlaki ang mga Mata ni Winston sa sobrang pagka gulat nito,

 

Kaya nang sumunod na nangyari sa sumunod na Number nito, ay dahandahan nitong tiningnan ang numero na siyang kinabilis ng tibok ng puso nito

 

At sa pag bukas ng ika limang (5) numerong nito, ang siyang kinalaki ng mga mata ni Winston Lawrence

Kaya nang buksan nito ang huling numero sa Ticket lotto bigla nalang itong napatayo at napasigaw sa tuwa

Ngunit nang marinig ito ng kaniyang ina, dahil nagising ito sa kaniyang pagkakatulog, dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni Winston Lawrence,

 

"Ano yun anak, bakit ka naman sumisigaw," sabi ni Janeth Lawrence ang Ina ni Winston

 

"Ah wala po yun Ina, naglalaro lang po ako dito sa kusina" sabay sambit ni Winston sa kaniyang Ina

 

Kayanaman si Winston Lawrence ay ka agad itong Tumakbo sa Bentahan ng mga TV

Ngunit hindi para bumili ng TV, kundi para maconfirm nito ang Ticket Jackpot Lotto  na tumama nung isang araw

Kaya nang makita ni Winston Lawrence ang mga numero sa TV at sa kaniyang palad na kaniyang isinulat dito

 

Ang lahat ng bawat numero ay Tama at tugma,

 Habang naglalakad lakad si Winston, nakita nito ang napaka raming mga Mafia na nakatambay sa Gilid ng Kalsada

 

Kaya naman si Winston ay unti unting binibilisan nito ang kaniyang paglalakad

 

Kaya ng nakarating ito sa kanila,. Agad itinabi ni Winston ang Notebook na nakasingit ang isang Ticket sa Loob

 

Sinilid niya ito sa kaniyang Bag, at sabay inilagay niya ito sa taas ng kanilang Aparador

 

At maya maya naka uwi na si Mandy at Daisy na galing sa School

Kaya naman agad nag sabi si Winston sa kaniyang mga kapatid na

"Tulad ng pangako ko, aalis tayo sa lugar na ito, at duon tayo maninirahan sa Summerton"

sambit ni Winston sa kaniyang mga kapatid

"Wow Talaga kuya"  sigaw ni Daisy kay Winston

"Basta tapusin ninyo ang pag aaral ninyo huh, at gagalingan ninyo sa bawat Exam"

Sabay sagot ni Winston na may condition sa dalawang magkapatid.

 

Sabay nag paalam si Winston sa kaniyang Ina

 

"Inay, aalis muna ako, pupunta ako ng Summerton para mag trabaho", sabi ni Winston sa kaniyang Ina

 

"Mga isang buwan lang ako mawawala Inay, babalik agad ako Inay,"

 

Dahil ang talagang plano ni Winston Lawrence ay para kunin muna nito ang Price ng Ticket Lotto

At para makapag hanap siya ng magandang Bahay na kanilang ititirahan ng kaniyang Pamilya,

 

Kaya naman sinabi ni Winston kila Mandy at Daisy

"Mandy habang wala ang kuya, ikaw muna ang tutulong kay Inay huh, at ikaw Daizy samahan mo din ang iyong Ate, mag tulungan kayong dalawa

At kapag hindi ninyo nagawa ito, wala kayong pasalubong sa akin sa pag balik ko"

Sambit ni Winston sa kaniyang mga kapatid

Kaya naman ang dalawang kapatid ni Winston ay agad din naman nag salita,

 

"opo kuya, sige po kuya"

 

Excited na sagot ng dalawa, dahil sa pasalubong na ipinangako ni Winston Lawrence.

 

Kaya naman agad narin nag dala si Winston ng ilang mga damit at pajama nito, at sa pinaka ilalim nito ay ang Notebook ni Winston na may Ticket Lotto

 

Kinabukasan Maaga itong nagising 4am palang, agad na rin itong  bumangon at umalis para maka habol ito sa unang Byahe ng Banka Papunta sa Lightdell

Pagkarating nito sa mismong sakayan ng Banka, isang dosenang (12) mga Mafia ang nagkalat sa Labas

At isa-isa nilang tinitingnan ang bawat sumasakay dito, maging ang mga dala-dala ng mga pasahero ay isa-isa nitong tinitingnan

Kaya dito na kinabahan si Winston sa kaniyang Dala-dala, "ito siguro ang naging pakiramdam nang taong nanalo ng Lotto", bulong ni Winston sa kaniyang Sarili

 

Ngunit nang biglang isang lalake ang tumawag sa kaniya, habang….

"Hoy ikaw, isang pulubi", at sabay tumawa ito ng malakas

Dahil ang taong ito ay madalas laging nakatambay sa isang Bar ng Monroo

Kung saan dito mismo dumadaan si Winston papunta sa Junck Shop

Kaya itong lakakeng ito ang madalas na kaniyang nakita na laging lasing,

At isang araw nakasagutan nito ang lakakeng ito, dahil itinapon nito ang dala-dala ni Winston na Sako na puno ng Plastic Bottle

Kaya naman sinabi ni Winston sa Lalakeng ito na, Balang araw pag ako yumaman isa ka sa taong babalikan ko para turuan ng Leksyon,

 

Matapang na sigaw ni Winston sa Taong ito,

Kaya ng makita siya ng Lalakeng Mafia na laging naka tambay sa Monroo,

Pinag tawanan lang siya nito

At dahil parang Pamilyar kay Winston ang Boses nito, kaya agad siyang napalingon dito

At dito niya napansin ang lalakeng Monroo, dahil dito lagi nakikitang umiinom sa Bar ng Monroo

Kaya tinawag nalang nitong Boy Monroo.

Tahimik lang si Winston, habang may kaba sa kaniyang Dibdib, dahil naisip nito

Paano kung pagtripan siya nito, lalo na ang Bag na hawak hawak nito, kung saan nasa loob mismo ang Ticket ng Lotto,

 

Kaya ng lumapit ang lalakeng Monroo, ay agad nitong sinabi kay Winston,

"Ano Bata aalis kaba ng Redholt para sa kabilang Syudad ka mag trabaho,

Kahit anong gawin mo bata hindi mo ako kayang higitan, pero syempre pagbibigyan kita

Basta siguraduhin mong sa pagbabalik mo ay mas mataas na ang posisyon mo sa akin batang pulubi", at sabay tawa nito ng malakas

At sabay sumigaw ito sa kasamahan nito na….

"Papasukin ninyo na ito at hayaan ninyo makasakay ito ng Banka,"

Dito na nakahinga ng maluwag si Winston, dahil maswerte siyang makakasakay at makaka alis ng Redholt ng walang magiging abala

Sabay lunok ng laway nito sa sobrang Takot

 

Pagkalipas ng Dalawang (2) Oras na Byahe sa Bangka, masayang masaya si Winston dahil sa wakas ay nakarating na ito sa ibang lugar

 

Kaya nang paglabas ni Winston ng Bangka, hindi ito lubos makapaniwala,

At nang sumakay na ito ng buss papunta sa Summerton kung saan dito talaga siya pupunta

Dahil nasa Summerton ang Outlet Ticket ng Lotto, pagkalipas ng ilang oras

Dito nakita ni Winston isang napakagandang Town na ngayon nya lang makikita sa kaniyang Buhay,

 

Dahil ang Bayan nang Redholt na kaniyang kinalakihan ay puro mga Building na hanggang 3 – 4 Foloor lang ang taas ang makikita mo

 

At bukod dito, sobrang napaka Dugyot ng Bayan ng Redholt, dahil sa sobrang masangsang ang Amoy

At puro Bar ang makikita mo dito dahil sa puro mga Mafia at Ganster ang Probinsya ng Redholt

 

Kaya nang makita ni Winston ang ganda ng Bayan ng Summerton

Dito na nagsimulang nangarap si Winston para sa kaniyang Pamilya.

 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status