Share

CHAPTER 16

CHAPTER 16

Pagdating namin sa school at pagbaba ko ay nakita kong nanlalaki ang mga mata ng iba kong kamag-aral sa akin at sa aming sasakyan. Parang hindi sila makapaniwalang amin iyon at Daddy ko ang guwapo, matagkad at maskuladong kasama ko. Ganito ba talaga sa probinsiya? Sa Manila kasi, normal na lang sa aming magkakaklase ang ihatid ng kanilang mga magulang gamit ang sarili nilang sasakyan. Bakit dito iba ang kanilang mga tingin.

Pagkatapos naming makipag-usap at nagkaliwanagan tungkol sa pagbibigay ng financial support kay Dindo ay umalis na si Daddy. Nag-iwan siya ng pera sa adviser namin na ibibigay naman kay Dindo. Nang araw na iyon namataan ko ang pagdating ni Dindo ngunit umalis din pagkatapos nilang mag-usap ng aming adviser. Sinilip ko siya sa bintana nang dumaan.

"Pssssttt!" pagpapapansin ko.

Nilingon niya ako.

Kumindat.

Ngumiti ako.

Hindi siya ngumiti ngunit hindi naman salubong ang mga kilay.

Nakaramdam ako ng excitement sa sumunod na araw. Nagpabango ako, nagpolbo,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status