Share

Kabanata 5

Kabanata5

Chances

Inaasahan ko nang hindi ito dito matutulog. Pagkatapos namin magtalo tungkol kay Marco ay umalis na ito.

Pakanta-kanta pa ako habang nagluluto ng fried chicken habang namamapak nito.

"Pwes kung ayaw niya ditong kumain 'de huwag."

Matapos kong maghain ng pagkain at uumpisahan na sanang sumubo nang marinig kong bumukas ang pinto.

Napatayo ako sa gulat dahil hindi ko inaasahang babalik siya na may bitbit na groceries. Diretso ito sa cabinet at isa-isang nilabas ang mga iyon.

Nagdalawang isip pa ako kung aayain ko itong kumain at sa huli ay hindi ko ito pinansin.

Who cares? Hindi naman ako mamatay kung hindi niya ako papansinin!

Mabilis kong tinapos ang pagkain at hinugasan ang pinagkainan.

Diretso na ako sa isang silid na katabi ng kaniya. Ni-lock ko ang pinto at nahiga na sa kama. Ngunit alerto akong nakikinig sa mga kilos nito.

Hanggang sa marinig kong sumara ang main door. Indekasyon na lumabas ito.

Dahan-dahan akong bumangon para silipin kung talagang umalis nga ito. Nang mapagtanto kong wala nga ito ay pinasya kong silipin ang mga pinamili nitong groceries na nasa cabinet.

Halos malula ako sa dami ng pinamili nitong canned goods, chips at tinapay na in-stock niya doon. Puno rin ang ref ng bagong lagay niyang fresh milk at prutas. Nakapagtataka na ang hilig niya sa pagkain gayong mukhang fit naman ang katawan nito?

Kumuha lang ako ng chips at pumasok na muli sa aking silid para magbabad sa social media.

"Kung i-stalk ko kaya si pogi?"

Umayos ako ng upo at tinipa ang buo nitong pangalan sa g****e. Kumibot ang aking labi nang siya agad ang lumabas sa resulta.

He's a business tycoon. He's the one who entitled to inherit all of their properties, business and some private schools in the country.

May kapatid itong lalaki na iba naman ang hilig kundi ang sports. He joined the international league for the basketballs and even swimming. Magaling din daw ito sa car racing activity at sumasali rin sa iba't ibang palaro.

Tumaas ang aking kilay habang binabasa ang auto-biography nito na nagkalat sa social media. Sandali akong tumigil nang mapansin ko ang litrato nila ng supposedly bride niyang si Florisse.

Florisse is his childhood sweetheart. Matagal nang mag-business-partners ang kani-kanilang mga magulang at doon palang ay pinagkasundo na sila para magpakasal.

Their relationship started bloom at the age of twenty. They were both from the same school since kindergarten. Hanggang makatapos ng parehong kurso'ng accounting management. Pitong taon na ang relasyon nila when they are decided to get married this year.

Sumandal ako sa head board ng kama matapos mabasa ang huling

"Pitong taon?" I whispered shakily.

Parang kinain ako bigla ng aking konsensya dahil sa nalaman. Sa isang pagkakamali ko lang ay nasira ang lahat ng pangarap nila pati ang relasyon ng kanilang pamilya.

Paano ko pa kaya malulusotan ang problemang ito? Sapo ko ang ulong masakit at tuluyan nang nahiga sa kama.

Kung aminin ko na kaya dito ang lahat at humingi nalang ng tawad sa lahat ng aking nagawa? Tiyak bibigyan pa niya ako ng pagkakataon na itama ang mga mali ko at maaring hindi na niya ako ipakulong.

Binaba ko ang aking cellphone sa nightstanda at hinanda na ang sarili para matulog.

Maaga akong nagising kinabukasan. Para tingnan kung umuwi si Argo. Ngunit walang indekasyon na dito ito natulog kagabi. Naka-lock ang silid nito pero sa tingin ko ay wala ito doon.

Pinili kong magluto na lang ng pancake for breakfast. Plano kong umuwi sa apartment para kunin doon ang tseke para ibalik dito.

I already made up my mind. Aaminin ko nang hindi talaga ako buntis at nagkamali lang ng simbahang pinasukan.

Ngunit nakapislot ako habang nagluluto nang marinig kong pumihit pabukas ang pinto ng kaniyang silid.

"Ay palakang kokak!" Hindi ako agad nakakilos habang hawak sa kamay ang platito na naglalaman ng pancake. Dahil sa itsura niton bumungad sa bukana ng kusina.

He's half naked. Tanging boxer short lang ang suot nito habang pumapasok sa loob ng kusina.

Shit na malagkit, Natalia. Kulang nalang ay ilabas ko ang bacon at cheese para kumpleto na ang almusal.

"What do you cook for breakfast?"

Dahan-dahan ko naman binaba sa lamesa ang hawak na platito.

"Pandesal-este pancake, pala!" I bite my lower lip and shut my eyes.

Dumiretso ito sa lababo at doon naghilamos matapos ay pumasok sa banyo at nagtagal ng ilang minuto bago lumabas.

I rested my back against the chair as he headed straight to the chair in front of me.

"Where's my coffee?" Tumaas kilay nito sa akin, habang ako naman ay napapantastikuhan.

"Coffee? Ah, wait. I will make you one."

Kulang nalang ay sumubsob ako sa coffee maker dahil sa pagmamadali.

I shut my eyes again firmly, bakit nandito siya? Akala ko ba hidden place lang niya itong condo unit niya, pero bakit dito siya natulog kagabi?

"Here's your coffee.." Marahan kong nilapag dito ang tasa ng kape.

"Is this all you cooked for breakfast?" Bumaba ang tingin niya sa dalawang pirasong pancake.

"Akala ko kasi hindi ka dito natulog kagabi." Nahihiyang yumuko dito.

Humigop ito ng kape, matapos ay biglang tumayo. Diretso sa fridge at naglabas ng bacon at hotdogs. Tumungo din ito sa oven toaster at naglagay doon ng breadpan.

Habang nagluluto ito ay hindi ko mapigilang titigan ang kaniyang likuran. Deym, Natalia, is he for real? Para kasi akong nasa bench body fashion show kung pakitaan niya ng abs at masel. Kanina ko pa rin pinipigilang 'wag mapalingon sa kaniya boxer short dahil paniguradong tutulo na ang laway ko kapag nagkataon.

Kumurap lang ako nang ilapag nito sa mismong harapan ko ang kaniyang mga niluto.

"What do you usually drink for breakfast?" he asks.

"Kape lang din ako," sagot ko.

But intsead a cup of coffee, he make me a glass of milk.

Kagat labi akong yumuko, alam ko kung bakit niya ito ginagawa at parang hindi ko na kayang lunokin pa ang lahat ng nangyayari. So I decided to open up a conversation.

"Ah, about sa baby.."

Tumaas ang tingin nito sa akin habang humihigop ng kape.

"H-Hindi ako..."

Naputol ang dapat sanay sasabihin ko nang tumunog ang buzzer.

I swallowed my words, mabilis hinigop ang gatas sa baso nang tumayo ito para pagbuksan ang kumakatok.

"Dude! Whats up?!"

Lumingon ako sa mga bagong dating. Isa na roon 'yong nagngangalang Christof, but this time hindi ito nag-iisa may kasama pa itong isang lalaki na pamilyar sa akin.

"Kuya!" Tinapik nito ang balikat ni Argo at diretso nang sumilip sa kusina kung saan ako naroon.

Binisita muna niya ako ng tingin bago sulyapan si Argo na bumalik sa kaniyang pwesto.

"What are you two doing here?" aniya na tinuloy muli ang pagkain.

"We actually ask you the same question, big bro. Don't tell us you were now living in together?"

"Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para gawin ko 'yon." Tahimik niyang sagot, parang wala ako mismo sa harapan niya kung magsalita.

I saw Christof shaking his head while the smile appeared on his lips.

Madiin kong tinusok ang hotdog at walang pakundangan iyon sinubo. Wala na akong pakialam sa usapan nila, basta kakain ako at aalis na dito!

"Kung ganon anong ginagawa mo dito? Mom and dad are worried about you. What will gonna happened to your company? Our schools? Si Florisse, ano nalang ang gusto mong isipin niya pagkatapos ng nangyari?"

Argo remained silent, wala itong sinagot ni isang sa mga sinabi ng kapatid.

"Naka-leave si Argo sa trabaho for two weeks, I think that's enough para makapag-isip-isip." Si Christof ang nagsalita.

"And how about that woman? Is she really pregnant? Paano ka nakakasiguro na saiyo nga ang dinadala niyang bata, for pete sake, kuya!"

Tumayo ako at tangka na sanang tatalikuran ang mga ito nang magsalita ito sa akin.

"Where are you going? Hindi pa tayo tapos mag-usap."

I bite my tongue. Pinipigilang 'wag makapagsalita ng hindi maganda dito.

"Mamaya nalang natin ituloy ang usapan, pag-uwi ko galing apartment."

Wala na akong narinig mula dito kaya tumuloy na ako sa aking silid para magbihis.

"Tss, 'wag kayong mag-alala. Aalis na ako dito para hindi na kayong lahat napa-paranoid." Padabog kong nilapag ang lipstick sa tokador at tumayo na.

Lumabas ako bitbit ang sling bag na binili ni Argo para sa akin at ilang plastic para naman kay Rosario. Sabay-sabay silang lumingon sa banda ko.

Christof cleared his throat matapos ay siniko si Argo na nasa kaniyang tabi.

Lumipat ang tingin ko dito, eyes looks so dark and vicious. Naglaban sandali ang panga nito bago alisin ang tingin sa akin.

"Aalis na ako.." Iyon lamang ang tangi kong nasabi bago pihitin pabukas ang pinto.

Habang naglalakad patungong elevator ay hindi ko mapigilang mapabuga ng mabigat na paghinga. Kailangan ko na talagang tigilan ang kalokohang ito dahil kung hindi ay mas lalo lang madaragdagan ang problema ko.

"Natalia!"

Lumingon ako sa lalaking humahabol sa'kin.

"Marco, ikaw pala."

Tumigil ako sa tapat ng elevator at hinintay itong bumukas. Sumulyap ako dito nang tumabi ito sa akin ng tayo.

"Saan ang punta mo?" he asks smoothly at me. Hindi ko naman mapigilang bisitahin ito ng tingin.

Nakapang-office-attire ito at may bitbit na attaché case. He's so neat and damn attractive. Kung hindi nga lang siguro iniisip nito na may relasyon kami ni Argo ay baka pinakitaan ko na ito ng alindog ko, este-charming ko.

"Uuwi ako sa apartment namin, ikaw, papasok sa office?"

Bahagya nitont itinaas ang hawak na suitcase bago ngumiti ng bahagya, "Yes, sa isang local firm ako nagta-trabaho. What do you mean apartment? May iba ka pabang tinutuluyan?" Bahagyang kumunot ang noo nito sa akin.

"Ah-Oo, apartment ko dati." Dahan-dahan akong umiwas ng tingin para taposin na ang usapan.

Mabuti ay hindi na ito nagtanong pa ng kung ano. Marahil ay napansin niyang hindi ako komportable sa usapan.

"Paano, see you around." Paalam nito sa akin bago kami maghiwalay.

Diretso na akong sumakay ng jeep patungong Tondo kung saan ako nakatira. Pagbaba palang ng heels ko sa tricycle na inupahan papasok sa eskinita ay naka-agaw agad ako ng pansin ng mga tsismosa naming kapitbahay.

"Aba, Natalia, mukhang asensado ka na ngayon ha? Wala bang pa-ambon d'yan?" Bati sa akin ng mga ginang na nakatambay sa tapat ng tindahan ni Aling Mareng.

Isang tipid na ngiti lamang ang ginanti ko sa mga ito nang malampasan.

"Ate, Natalia! Na d'yan na si Ate Natalia!" Sigaw ni Buknoy, nakatira ito sa tapat mismo ng aming apartment.

"Kamusta, Buknoy? Si Ate Rosario mo nasa taas ba?"

"Opo, kakauwi nga lang din ni ate." sagot nito sa akin.

Ginulo ko ang buhok nito matapos ay umakyat na sa ikatlong palapag ng building. Bago pa man makarating sa aking apartment ay panay na ang tukso sa akin ng mga kapitbahay ko, lalo at kinukulit ako tungkol kay Argo.

"Hayaan n'yo ho, pagbalik non dito, Iimbitahan kong umakyat dito!" Masigla kong sagot, kahit ang totoo ay wala naman talaga akong balak na papuntahin pa dito si Argo.

"Natalia! My God friend, ibang-iba ang datingan natin ngayon ha?" Bungad sa akin ni Rosario.

"Saan ka galing? Kakauwi mo lang daw?" tanong ko matapos ilapag ang plastic bag na pasalubong ko sa kanya.

Mabilis itong umiwas ng tingin sa akin, "Nag-night-bar kami nila Phoebe." Tumalikod ito sa akin at humila ng baso para lagyan ng malamig na tubig.

"May mga pasalubong ako saiyo," wika ko dito.

Inilabas ko ang mga damit, sapataos at bag na pinili ko talaga para sa kanya.

"Naku, nag-abala kapa friend."

"Pinamili kasi ako ni Argo ng damit kahapon kaya dinamay na kita. Ito pa oh? Mukhang bagay saiyo ito?" Itinaas ko ang isang dress dito at sling bag na para talaga sa kanya.

Hindi ito sumagot, sumandal sa sofang naroon at pumikit.

"Mukhang napuyat ka ha?" Mabilis naman itong dumilat at umayos ng upo.

"Bakit ka nga pala nandito? Akala ko na sa condo ka na ni Argo titira?"

Kumunot ang noo ko dito matapos ay tumayo para pumasok sa aking kwarto.

"Ah-hindi pa ako nakakapagligpit d'yan!" aniya at mabilis sumunod sa akin nang buksan ko ang pinto ng aking silid.

Nagtaka ako dahil magulo ang aking silid, pati aparador at ilang drawers na hindi naibalik sa dati. Nasa ibabaw rin ng kama ko ang maletang pinaglalagyan ng mga importante kong gamit at ang mga labahin ko ay nagkalat.

"A-Anong nangyari dito? Nilooban ba tayo?!" Bakas ang kaba sa puso nang humarap dito.

Hindi naman ito makapagsalita. Tila natulala sa aking harapan.

"Rosario anong-?"

My heart thumping so hard. Mabilis akong humarap sa aking maleta kung saan ko tandang nilagay ang tseke na binigay sa akin ni Argo.

Binuksan ko ang zipper kung saan naroon ang passport ko at mahahalagang dokumento ngunit wala na doon ang tseke.

"Oh God!" Tutop ko ang noo at mabilis inikot ang maleta, itinaas at pinagpag ngunit wala doon ang tseke.

"Tell me, nanakawan ba tayo?!" I asks in my sharp breathe.

Yumuko ito sa akin at hindi makasagot.

Mabilis akong tumalikod dito at hinalughog ang aking buong silid, baka sakaling makita ko pa ang tseke ngunit wala. Bagsak ang balikat na napa-upo ako sa kama na tila hindi makapaniwala sa nangyari.

"Natalia..." mahina nitong bigkas sa aking pangalan.

"Sabihin mo? Nanakawan ba tayo? Paanong mawawala ang tseke na iyon? Wala namang nakakaalam na may tseke dito?!"

Napaatras ako nang bigla itong lumuhod sa akin, humawak sa dalawang kamay ko at inumpisahang umiyak.

"I'm sorry, Natalia. I-in-cash ko 'yong tseke!"

Tila nanlamig ako sa narinig. Mariin kong kinagat ang aking labi matapos ay tumingala.

"Nilagay ko ang pangalan ko doon saka ko pinamalit sa bangko-tapos, tapos-"

Hindi na nito natuloy ang dapat sabihin dahil bumagsak na ang mga luha ko sa mataz

"Anong ginawa mo sa pera?" I asks in my shaking voice.

"Nag-aya kasi sila Phoebe na mag-casino kagabi matapos namin mag-night-bar.

Pumikit ako ng mariin. Agad na pumasok sa isip ko si Argo at ang mga sasabihin nito sa akin pagnagkataon. Maaring ituloy na niya ang pagpapakulong sa akin kapag inamin ko ngayon na nagsinungaling ako at wala na ang pera.

"Akala ko kasi, itutuloy mo ang pakikipagrelasyon sa businessman na 'yon kaya ayos lang na gastosin ko na ang tseke, kasi barya lang naman iyon sakanila."

Mabilis kong hinila ang kamay ko dito matapos ay pinahid ang mga luhang naglandas sa aking pisngi.

"Alam mo kung gaano kahalaga para sa akin ang tseke na iyon, Rosario! doon nakasalalay ang kapalaran ko! Alam mo ba kung ano magiging kapalit ng ginawa mo?!"

"I'm sorry na friend!" Tuluyan na niya akong niyakap. Pero pakiramdam ko ay wala akong lakas para ibalik dito ang yakap na iyon.

"I'm sorry, Natalia. Ibabalik ko ang kulang pag naka-raket ako!"

Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko at kumalas dito. Alam ko naman na imposible iyon mangyari. Kahit siguro ilang taon niyang gugolin ang sa pa-raket-raket ang ibabayad niya ay hindi pa rin magiging sapat.

"Nasaan ang natirang pera?" Nilahad ko dito ang aking kamay, baka sakaling magawan pa namin ng paraan para punan ang nabawas niyang pera.

"Three million nalang ang natitira." Yuko ang ulo nitong sagot.

"What?!" Nanlaki ang mata ko sa nalaman, kulang nalang ay himatayin ako sa sobrang sama ng loob.

"Putang ina naman, Rosario!" Doon na ako humagulgol ng iyak.

Paano na ngayon? Paano na ang plano kong pag-amin kay Argo mamaya? Tiyak na sa kulongan ang bagsak ko kung aamin ako't sasabihing napulbos na ang perang binigay niya.

Tiyak na hindi niya ako mapapatawad lalo na sa pagsira ng relasyon nila ni Florisse.

Wala na akong pagpipilian kundi ang bumalik sa condo unit nito. Mababaliw lang ako kung patuloy kong makikita ang mukha ni Rosario sa apartment at magpapangap na walang nangyari.

Hindi na ako nagpaalam dito matapos niyang ibigay ang tatlong milyong natira sa pera ay kinuha ko na ang mga gamit ko. Gusto ko munang umiwas dito kahit sandali at para makapag-isip din ng plano kung paano ba lulusotan ang problemang ito.

➿➿➿

Hapon na nang maka-balik ako sa condo unit ni Argo, ngunit hindi ako makapasok dahil wala naman akong susi nito.

Sumalampak ako ng upo sa tapat ng kaniyang pinto at doon yumukyok gamit ang tuhod at braso. Until my shoulders shaking violently because of my heartbreaking emotion.

Kung pwedeng tumalon nalang ako sa building ay ginawa ko na para matapos na ang lahay ng problema ko.

"Anong ginagawa mo d'yan?"

Mabilis akong tumingala sa boses na nagsalita. My heart beat almost died as I looked at his frowning face.

Damn, he looks so gorgeously perfect in his royal blue suit. Ganoon pa rin ang tabas ng buhok nito at kahit hindi gumagamit ng lipstick ay parang pumapak ito ng papel-de-hapon dahil sa sobrang pula.

"Argo.." Hindi ko na napigilang yumakap dito at doon umiyak ng umiyak sa kaniyang malaking dibdib.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status