Share

Kabanata 11

Natawa ako. Paulit-ulit ang pagkiling ko sa ulo ko. Hindi... mali ang naiisip ko. Arte-arte ko nga raw, tapos gagamutin niya ang sugat ko. Imposible! Paulit-ulit akong umiling kasabay ang mahinang tawa. Para na nga akong tanga. Nahawa na yata ako sa pagkabuang ng boss ko, o dahil sa wala pa akong tamang tulog kaya kung ano-ano na lang naiisip ko. Pinilit kong burahin sa isipan ang walang basehan na naisip ko.

Napabuntong-hininga ako pagkatapos magamot ang sarili. Naisip ko kasi... kung sakali ba na tinulungan ko si Sir Danny noong unang gabi na nagkita kami. Hindi niya ba ako pag-iinitan ng ganito? Magiging maayos kaya ang pakikitungo niya akin? Ayoko kasi ng ganitong feeling. Ang bigat kasi sa pakiramdam na may taong galit o ayaw sa akin.

Gusto ko naman talaga sanang tumulong nang gabing 'yon. Pero naisip ko rin ang bilin ni Nanay. Nakakainis lang, dahil sa gabing iyon, naging miserable ang pamamalagi ko rito. Ang laki ng epekto sa trabaho ko ang nangyari.

Kung iisipin hindi ako ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status