3RD POV
NAPATINGIN SI THUNDER kay Grazie nang marinig na naman ang hikbi nito habang hawak ang kamay ni Ayeisha. Wala pa ring malay ang anak nilang si Ayeisha hanggang ngayon, na kung bibilangin ay mahigit isang taon na itong comatose dito sa dating bahay nila sa Bicol dinala.
Ang huli niyang balik sa silid na ito, ay noong si Laura pa na walang malay rin at walang maalala ang nakahiga. Ang ikinakatakot niya ngayon, baka gano’n din ang anak nila base sa mga resulta ng mga test ng doktor nito.
Napapikit siya nang maalala ang nangyari.
Araw ng kasal noon ni King nang makatanggap sila ng tawag sa kakambal nitong si Benrick na naaksidente ito. Binalak pala nitong magpakalayo-layo. At alam niyang dahil iyon sa pagkabigo nito kay King na ang akala niya ay balewala na dito. Hindi na kasi nila napag-usapan ng anak iyon. May iniwan pa itong sulat sa kanila na magpapakalayo muna at babalik kapag naka-move-on na ito pero nauwi lang sa aksidente.
At hindi lang ‘yon, naaksidente itong may sugat sa mukha, at napag-alaman nilang dahil iyon sa asido. Mukhang binuhusan nito ang sarili bago umalis ng bahay nila. Kaya naman sobrang sakit para sa kanila na magulang nito. Isinawalang bahala nila ang anak na nalulungkot na pala nang mga panahong iyon. Dapat hindi nila iniwan ang anak baka sakaling napigilan pa nila ang nais nitong gawin.
Kaya nga wala silang ginawa kung hindi ang bantayan ito, lalo na ng asawa niya.
“Kailan kaya siya magigising, Thart?” ani ni Grazie sa asawa nang lumingon ito kay Thunder.
Hilam na naman ang luha ni Grazie nang mga oras na iyon. Araw-araw na lang ganito ito sa tuwing papasok sa silid ni Ayeisha.
“May awa ang Diyos, sweetheart. Magigising din siya. Narinig mo naman ang sinabi ng doktor niya kahapon, ano mang oras ay magigising siya.”
“Sana nga, Thunder. Gusto kong bumawi sa kan’ya. Hindi ko napansin na nasasaktan na pala siya. Wala akong kwentang ina kung gano’n. Wala ka rin naman kasing sinasabi sa akin. Alam mo namang abala ako sa mga bunso natin nang mga panahong ‘yon.”
“I’m sorry. Ayaw lang niyang mag-worry ka sa kan’ya, kaya sa akin siya naglalabas ng sama ng loob.”
“Hindi ba siya nagtatanong kung bakit hindi pa nakakabalik ang anak natin hanggang ngayon?”
Umiling ang asawa nito.
“Hindi pa. Masyadong abala sa anak niya kaya hindi pa bumibisita sa bahay.”
“Mabuti. Ayoko na ring magkita silang muli oras na magising ang anak natin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita siya. Hindi ko pa siya kayang harapin muli. Wala siyang kasalanan pero siya ang naging dahilan. Kaya tama lang na hindi natin pinaalam sa kanila. Saka na siguro. Hindi ko na hahayaang masaktan ulit si Ayeisha. Baka hindi na niya makaya ang sunod kapag naulit,” ani ni Grazie sabay singhot.
“Ang tanong, tama ba ang ginawa natin?” ani ni Thunder sa asawa sa seryosong himig.
Saglit na natigilan si Grazie. “Naging fair tayo, Thunder, kahit na masakit. Ayoko nang pag-usapan ‘yan dito sa harap ni Ayeisha. Please lang.”
Tumango si Thunder sa asawa. Nagpaalam din muna ito sa kan’ya na may kukunin lang sa malaking bahay.
Akmang tatayo si Grazie nang may humawak sa kamay nito. Dahan-dahang sinundan nito ng tingin ang kamay na humawak sa kan’ya.
“A-anak.” anitong hindi makapaniwala sa nakita.
Gising na ito at nakangiti sa kan’ya pero biglang nagbago ang nakarehistro sa mukha nito.
AYEISHA’S POV
“A-ang s-sakit, M-Mom,” ani ko sa dahan-dahang himig sabay turo ko sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang aking sarili bakit gano’n ang nararamdaman ko.
Kita ko ang pagpikit ni Mommy nang mga mata matapos na marinig niya ang sinabi ko. Parang nahihirapan din ito.
Nang imulat ko ang aking mata kanina, 'yon agad ang naramdaman ko, maliban sa pisngi ko na parang ang kapal dahil parang may nakadikit.
Napahawak ako sa lalamunan ko nang nahirapan akong lumunok.
"I want water, Mom," ani ko.
"S-sandali, anak," ani ni Mommy na biglang nataranta.
Lumapit ang ina sa kahon na naroon. Kumuha siya ng isang bote ng minerall water at bumalik sa tabi ko. Inalalayan niya akong maupo.
"Baka bawal sa 'yo ang malamig, anak, kaya ito muna ang inumin mo." Tumango ako at ibinuka ko ang aking bibig nang ilapit niya ang bunganga ng bote na may lamang tubig.
Tumingin ako kay Mommy pagkatapos kong uminom.
"A-ano po bang nangyari? B-bakit ako narito?" ani ko.
Inilinga ko rin ang aking paningin. Pamilyar ako sa silid na ito. Kinapa ko rin ang pisngi ko mayamaya. "B-bakit po sobrang bigat nang dibdib ko? At bakit po ang gaspang din ng aking pisngi, Mommy?" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya.
Imbes na sagutin ako ni Mommy, humagulhol lang siya sa aking harapan sabay usal ng 'I'm Sorry.
"Ano po ba kasing nangyari?"
"H-hindi ko alam kung paano sasabihin anak." Nagbaba ng tingin si Mommy sa kamay niya at tumayo din kalaunan.
Napakunot ako ng noo nang lumapit siya sa drawer at at may kinuha doon. Inabot niya sa akin ang isang sulat– sulat ko pala. Nakita ko kasi ang pangalan ko sa harapan kasi. Galing iyon sa akin at para pala sa magulang iyon.
Dahan-dahan kong binuklat ang sulat na iyon.
"B-bago ka maaksidente, anak, iniwan mo 'yan sa amin," ani ni Mommy na hirap ang kalooban.
Nag-angat ako ng tingin kay Mommy dahil humikbi na siya.
"I'm sorry, anak. Wala ako sa tabi mo nang mga oras na 'yon… Patawad, anak."
Hindi ko maalala ang dahilan kung bakit ako naglayas, pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Mommy. Masakit at mabigat din kasi nararamdaman ko ngayon, at hindi ko pa rin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan nang ganito. Malapit ko ng isipin na may sakit ako sa puso.
Nagbaba ako ng tingin sa sulat na hawak ko para basahin iyon.
Hindi ko maiwasang mapatampal sa dibdib habang binabasa ang sulat ko na iniwan ko kila Mommy bago ako maaksidente. Nasa kalahatian pa lang ako, pero ramdam ko na ang pighati na nararamdaman ko noon habang sinusulat iyon.
Hanggang sa matapos ay kapa ko ang aking dibdib dahil sa kirot at sakit.
Ang hindi ko maintindihan, bakit wala akong mabasa na pangalan na naging dahilan kung bakit ako umalis sa amin.
Napahawak ako sa sintido ko nang pilit kong alalahanin pero sumakit lang ang aking ulo na ikinataranta na naman ni Mommy.
"S-sino ba ang tinutukoy ko dito sa sulat, Mom?" ani ko na ikinakunot niya ng noo.
"W-wala kang maalala, anak?"
Umiling ako. "H-hindi ko po maalala."
Tinuto ni Mommy ang sarili. "Pero ako, ang Daddy, at mga kapatid mo, naaalala mo?" ani ni Mommy.
Tumango ako sa kan’ya.
"Oh, God!" bulalas ng ina ko. "Thunder!" biglang sigaw ni Mommy sabay labas ng silid na kinaroroonan ko.
Doon lang ako nakatingin ng matagal. Pilit ko pa ring inaalala ang nawawalang alaala ko pero gano’n pa rin, sumakit lang ang ulo ko.
Kung labis akong nasaktan noon, parang tama lang na hindi ko siya maalala. Pero nandito pa rin ang kirot sa dibdib ko kaya napapikit ako.
Ilang sandali lang ay bumalik si Mommy kasama ang Daddy ko na sobrang saya ang nakarehistro sa mukha niya. Marahil dahil sa paggising ko.
Wala ang doktor ko na tumitingin sa akin kaya video call lang ang ginawa namin. Mamayang gabi pa raw ako mapupuntahan ayon sa kan'ya. Naikunsulta na rin ang aking nararamdaman maging ang pagkawala ng ilang alaala ko. At base sa aking mga sinabi sa doktor, selective amnesia ang nangyari sa akin. Ang tanging bagay na nagdulot sa akin ng masakit ang nakalimutan ko kasama ng taong iyon.
Maghapon akong nagpahinga sa silid na iyon bago pumayag ang doktor na ilipat ako.
"Sigurado ka bang 'wag na naming sabihin sa 'yo kung sino siya, anak?" ani ni Daddy nang sumapit ang hapunan.
Dinala na nila ako sa malaking bahay namin para doon na magpagaling. Minsan kasi may bisita sila Mommy kaya sa maliit na bahay nila ako pina-stay ng isang taon.
Inilihim pala ng magulang ko ang nangyari sa akin dahil na rin sa naiwan kong negosyo. Baka biglang mawala ang mga investor ko ayon kila Daddy. Buti na lang may mga disenyo akong naiwan sa aking draft at iyon ang paisa-isang ni-launch nila Daddy kasama ni Mommy.
Balik tayo sa sinabi ko kanina, isang taon pala akong nakahiga sa silid na iyon. May mga medical tools na raw kasi, kaya doon na nila ako inilagay. Hindi naman daw ako iniwan ni Mommy habang nakaratay maging ni Daddy. Lagi ring bumibisita ang mga kapatid ko kapag walang pasok sa opisina at sa eskwelahan.
Binitawan ko ang kutsara ko at tumingin kay Daddy. Tanging soup lang ang nasa harapan ko nang mga sandaling iyon. Mahirap na raw baka mabigla ang aking sarili pagdating sa pagkain. Bukas pa raw pala makakabalik ang doktor ko.
"Thart, nag-usap na tayo tungkol dito." Pabagsak na inilapag ni Mommy ang kutsara sa pinggan niya.
"Mom, Dad. Sigurado po ako. At nakapagdesisyon na rin po ako na muling magpakalayo."
"Ayeisha!"
Magkasabay pa na sambit ng aking magulang.
Marahil hindi nila akalaing maiisip ko pa ang bagay na iyon. Sa totoo lang, maghapon ko siyang pinag-isipan. At ‘yon talaga ang sinasabi ng aking isipan, alam kong gano’n rin ang aking puso.
"Hindi ako makakapayag, anak. Sabi ko , ‘di ba, babawi ako sa 'yo. At hindi na ako aalis sa tabi mo."
Hinawakan ko ang kamay ni Mommy.
"Salamat, Mom. Pero ilang beses kong binasa ang sulat ko, at ito talaga ang nais ko, ang magpakalayo. Hanggang ngayon, ramdam ko ang sakit. Pakiramdam ko, pinipiga ang puso ko. Ang sakit-sakit po," ani ko habang humihikbi. "Please, payagan niyo po ako. Pangako, magiging safe ako this time." Kinapa ko pa ang pisngi kong may peklat na mula sa asidong binuhos ko pala noon.
Napahawak ang Daddy ko sa sintido niya. "Paano ang mukha mo? Paano natin mapapaayos 'yan kung aalis ka na naman?"
Ngumiti ako kay Daddy. "Gagamitin ko ito sa panibagong buhay ko, Dad. Bagong mukha at bagong katauhan."
"Paano kung i-bully ka ng mga tao dahil sa nangyari sa 'yo? Masakit 'yon, anak sa parte namin."
Umiling ako sa kan'ya. "Hindi naman lahat ng tao mapanghusga, Dad. Sa tingin ko naman, hindi gano'n kalupit ang mundo para sa mga kagaya ko. 'Wag po kayong mag-alala, kapag nakalimutan ko na ang sakit, ako mismo ang lalapit sa doktor para ipaayos ito. Sa ngayon, gagamitin ko ito sa panibagong buhay."
Nagpakawala nang marahas na buntong hininga ang aking ama bago tumayo. Sinundan siya ng aking ina. Alam kong hindi siya sa sang-ayon dahil nag-iisang babae lang ako na anak nila, tapos mawawala pa sa piling nila.
Ilang sandali pa ay narinig ko na silang nag-uusap. At pilit na pinapaliwanag ni Mommy, na makakabuti nga raw sa akin ang magpakalayo. Babalik din naman ako, kapag handa na akong harapin ang lahat– kahit ang lalaking kinalimutan ko.
Hindi ko kilala ang lalaking naging dahilan ng aking kabiguan, pero ramdam kong malapit lang siya sa amin, kaya gano'n na lang ang kagustuhan kong magpakalayo-layo.
Daily update na po ito simula ngayon. Salamat po sa mga matiyagang nag-abang. Ava Nah / Boszbroken
-AYEISHA’S POV 6 YEARS LATER…. Napamulat ako nang mata nang marinig ang tunog ng alarm clock sa aking uluhan. Mabilis na iginiya ko ang aking sarili para bumangon. Napangiwi ako nang marinig ang paglangitngit ng papag na kinahihigaan ko. Sinilip ko pa tuloy ang taas kung nagising ba ang nasa taas niyon. Double deck iyon na gawa sa kawayan. Ako at ang apo ni Aling Precing ang natutulog doon. Kaagad na iginiya ko ang aking sarili sa maliit na kusina at nag-toothbrush. Alas kuwatro pa lang ng umaga kaya may oras pa ako para mag-jogging. Pagkatapos no’n, magluluto na ako para sa almusal namin, at maghahanda para pumasok. Saglit na nag-warm up ako sa labas ng pintuan namin bago ako nagsimulang tumakbo palabas ng bakuran. Anim na taon ko na itong routine. Nakasanayan ko na. Malayo ang gym dito kaya ganito na ang gawa ko tuwing umaga. Tinatapat kong madilim pa talaga dahil wala akong takip sa mukha kapag ganitong oras. Pero may bitbit akong scarf na nakatali sa beywang ko, pero maluwa
“HOY! KANINA KA pa wala sa sarili,” ani ni Owen sa akin. Hawak nito ang isang plato na mula yata sa labas.Mapaklang ngumiti ako sa kan’ya. “Napapadalas kasi ang pagkirot ng dibdib ko nitong mga nakaraan. Hindi na mawala-wala sa isipan ko.”“Ganoo’n ba. Aba’y ipa-check up mo na ‘yan. Baka iba na ‘yan.” Hinugasan niya ang platong hawak saka inilagay sa tray.“Balak ko ngang magpaalam bukas. No’ng Sabado sana, kaso walang clinic yata kapag gano’ng araw, noh?”“Parang. Mas maganda na iyong weekdays. O siya, mauna na ako sa ‘yo. Walang bantay sa mga kapatid ko, e.”“Sige, Owen, alas otso pa ako, e. Wala kasing kasama si Banjo.” Dalawa na lang kami matitira ni Banjo sa kainan dahil nakipagpalit sa akin si Nilda, kailangan daw maagang umuwi. “O sige, ingat na lang.” Magkaiba kaming purok na inuuwian, pero iisang barangay lang kami ni Owen. Magkaiba rin kami minsan ng shift kaya hindi kami nagsasabay ng oras ng pagpasok at pag-uwi.Naglalakad na ako papasok ng barangay namin nang maramdama
-KINGNapangiti ako nang makita ang blueprint ng mall na itatayo dito sa bayan ng San Remigio. Almost half na ang natatapos. Talagang mabibilis ang construction company na nakuha ko. Isa pa, nakatutok ako. Kailangan, dahil isang taon lang kami dito.Matagal na itong nasimulan pero nabagalan kami sa unang nakuha naming contractor kaya nagpalit ako, at tinutukan ko para hindi na kumain ng maraming taon. Ang target namin dito ay mabuksan na sa susunod na taon. Ito ang pinakamalaking mall dito kung sakali. At nasisiguro kong malaki ang kikitain ng mall na ito.Napatingin ako sa telepono ko nang makita ang mensahe mula kay Asha. Pictures ni Kalei na naglalaro kasama ang pamangkin niyang si Halina.Ilang araw nang nagre-report sa akin si Asha. Kahit hindi ko sinabi na mag-send, ginagawa niya para malaman ko raw ang mga ginagawa ng anak ko. Natutuwa naman ako kasi hindi ko naisip ang mga bagay na ‘yan noon. Dati, sapat na sa akin na may nagbabantay sa kan’ya pag-alis ko. Nakakatuwa pala. La
-AYEISHA-NAPAPIKIT ako nang marinig ang sinabi ng operator sa kabilang linya. Paulit-ulit na niyang sinasabi iyon na ikinakainis ko. Nakaraming tawag na ako sa anak ni Aling Precing pero out of coverage pa rin. Napahawak ako sa noo sabay upo ng padaskol. Naiinis na ako anak ni Aling Precing sa totoo lang.Tumingin ako sa kabaong niya. Isang linggo lang ang itatagal niya dito, dahil kapag hindi ko pa makontak ang ina ni Halina, mapipilitan akong ipalibing na siya agad, kagaya ng sabi ng mga kapitbahay namin. Magastos dahil ipapa-embalsamo daw ulit kung mag-e-extend pa. Magbabayad pa. Kaya ko naman bayaran, pero si Asha ako ngayon, hindi si Ayeisha Santillan.“Nakikiramay ako sa pamilya niyo, Asha.” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses.“S-sir… Magandang gabi po,” bati ko sa kan’ya. “Si Kalei po kasama mo?”Naupo siya sa tabi ko kapagkuwan. “Kalaro ni Kalei si Halina sa kalsada.”Tumingin ako sa kalsada. Kita ko na nga sila doon nagtatakbuhan. Saktong maliwanag
-AYEISHA MABILIS kong pinindot ang alarm clock sa tagiliran ko. Mahirap na baka magising si Halina sa tabi ko. Alas kuwatro na ng umaga at kailangan ko ng mag-jogging. Kahit sa iba na ako nakatira kailangan ko pa ring ipagpatuloy ito. Hindi naman ‘to kagaya sa bahay namin sa Maynila na may sariling gym sa loob nh bahay. Kaya kahit anong oras ay p’wedeng mag-exercise. Buti na lang may sariling banyo ang silid na tinutulugan namin ni Halina. Hindi ko na maistorbo ang iba kapag bumaba ako. Mabilis na nagbihis ako ng outfit ko na pang-jogging. Dapat makabalik agad ako. Bitbit ko ang tumbler nang lumabas ako sa silid na inuukopa namin ni Halina. Tulog pa naman yata ang mag-ama. Saka nitong mga nakaraan daw, inaabot ng alas otso sa higaan ang dalawa ayon sa kasambahay. Dahan-dahan ang ginagawa kong hakbang makarating lang sa hagdan. Madadaanan ko kasi ang silid ng mag-ama. Napangiti ako nang makarating ako sa hagdan. Akmang hahakbang ako nang may nagsalita sa likuran ko. “So, ikaw pala
AYEISHA-“S-Sir,” ani ko na nauutal sabay hagod ng kabuohan niya.May suot pa siyang pantalon pero sa itaas wala na. At oo, nakakaakit siya talaga. Alam ko namang kahit nakadamit siya lagi sa harap ko, maganda ang pangangatawan niya at talagang maglalaway ka. Pero hindi pa ako handa. Napangiwi ako dahil sa naisip ko.Napalunok ako nang sunod-sunod. Nahawakan ko pa ng mahigpit ang damit ko nang mga sandaling iyon.Pero paano kung lumapit siya tapos hubaran niya rin ako? OMG!Anong ipapagawa niya sa akin? Kasama ba ‘yon sa serbisyo ko? Hindi pa ba sapat ang trabaho ko sa bahay na ito? Sa pag-aalaga sa anak niya?“It's not what you think.”“Oh,” ani ko na ang bibig ay nanatiling nakaporma ng o.Ang totoo niyan, bigla akong nanghinayang. Pero nang maalala ang mukha ko ay nalungkot ako bigla.Tumalikod siya sa akin mayamaya na ikinasunod ko. Napaawang ako nang labi nang makita ang likod niyang may sugat. May dugo rin kaya napalapit ako sa kan'ya sabay hawak doon. Napaigtad pa siya sa gi
AYEISHA - “TAPOS KO NANG pigain, Ate,” ani ko sa isang kasambahay namin matapos kong pigain ang niyog. Magluluto kasi kami ngayon ng bilo-bilo. May bagong kuha kasi ang driver sa likurang bahagi ng bahay ni King, bigla kaming naglaway ng bilo-bilo kaya naisipan naming gawing miryenda. Pero may tinira kaming ipapahinog na saging dahil miss ko na rin kumain ng turon at banana cue. Lagi kasi naming miryenda ‘yan noon sa farm namin sa Bicol. Kahit nga kamote. Ah, basta mga root crops! Ah, kamoteng kahoy pa pala! Meron naman dito, pero mas masarap yong sa amin. Malungkot na napabuntonghininga ako nang maalala ko ang magulang ko. “O sige, palagay na lang diyan. Ako na bahala, hanap ka na yata doon ng dalawang bata,” sagot niya sa akin. Dumaan muna ako sa silid ko at kinuha ang ab-Pad ko kung saan ako nagdedesinyo ng mga bagong ire-release ng kompanya ko. Ilang araw na akong hindi nakakapag-design. Sabagay, alam naman nila Mommy ang nangyari kaya hindi ako nakakagawa. Kaagad na iginiy
AYEISHA - KASALUKUYAN AKONG NAGHUHUGAS noon nang may humawak sa beywang ko. Bahagya pa akong nagulat dahil sa init ng kamay niya. “K-King,” ani ko nang malingunan siya. “Yeah, it’s me. May iba pa ba?” Sabagay, uwian na ng dalawang kasamahan ko pa. Tapos nagpapahinga na ang driver namin. Hinugasan ko lang ang ginamit ni Halina at Kalei na naiwan sa silid ng huli. “Saka tulog na ang mga bata,” dugtong niya. “M-may kailangan po ba kayo?” ani ko imbes na magkomento sa sasabihin niya. “Po na naman?” “I’m sorry. Hindi ko lang maiwasang sabihin, nasanay kasi ako dahil sa trabaho ko noon.” “Okay.” “May kailangan ka ba?” Ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko. “Hindi ako makatulog, e.” Bumaling ako sa kan’ya. Nakasandal na siya sa lababo. “Ipagtimpla kita ng gatas, gusto mo?” alok ko. “Sige. Pakidala na lang sa kwarto.” Sabay talikod niya. Hindi ko maiwasang magsalubong ng kilay. Nandito na, e ipapaakyat pa? Napailing tuloy ako. Binilisan ko ang paghugas at nagtimpla ng gata