Shanra
CraigGalit na naibagsak ko ang dalawa kong kamao sa ibabaw ng aking mesa. Nasalubong ko na ang assassin ngunit pinakawalan ko pa. Nasa harap ko na siya ngunit wala akong kaalam-alam na siya na pala si Silent Assassin na matagal ko nang hinahanap. Siguro ay pinagtatawanan na niya ako ngayon dahil sa aking katangahan. At ang ideyang ito ang lalong nagpapagalit sa akin.Kanina ay pinuntahan ko ang pinsan kong babae na naka-check in sa Grand Hotel na pag-aari ni James Mondragon. May tsismis kasi na rapist ang may-ari ng hotel kaya nag-alala ang aking tito na baka kung ano ang mangyari sa aking pinsan kong si Tiffany kaya niya ako pinapunta sa Grand Hotel para kausapin at kumbinsihin ang pinsan ko na lumipat ng hotel. Malakas lamang ang kapit sa mga pulis kaya ito nakakalusot at nanatiling tsismis lamang ang kumakalat na balita tungkol kay James. At habang naglalakad ako kanina ay hindi sinasadyang bumangga sa akin ang isang lalaking naka-jacket at nakasuot ng sumbrero. Bahagya kasi itong nakayuko kaya hindi niya nakitang papasok ako sa elevator. Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil bigla na lamang niyang hinablot ang bag niya na pinulot ko sa sahig dahil nalaglag nang bumangga siya sa akin at pagkatapos ay nagmamadaling tinalikuran ako bago ko pa nakita ang mukha niya. Saka ko lamang nalaman na may naganap na assassinayion sa loob ng hotel nang mag-alarm ang buong building.Naisip ko na nagpanggap na maid ang assassin bago pinatay si James Mondragon dahil may nakitang hubad na babae sa ilalim ng kama at walang malay ang isang cleaning lady na maglilinis sana sa kuwartong kinaroroonan ng babae. At ayon sa babae nang magising na isa rin palang cleaning lady ay may tumawag daw sa kanya ngunit paglingon niya ay basta na lamang nagdilim ang kanyang paningin at nawalan ng malay. Malamang ay tinurukan ng pampatulog ng assassin ang babae at pagkatapos ay hinubad ang mga damit nito at nagpanggap bilang maid nang pumasok sa loob ng kuwarto ni James. Naroon pa kasi sa ibabaw ng kama nv biktima ang uniform ng cleaning lady na isinuot ng assassin sa pagpapanggap.Talagang malinis magtrabaho si Silent Assassin at akma lamang sa kanya ang kanyang palayaw. Masyadong tahimik kasi ito kung pumatay. Wala man lang bakas na nagpambuno ang dalawa sa loob ng kuwarto ni James at tila ba inatake lamang ito sa puso. Ngunit nang ipa-autopsy ng ama ni James ang katawan nito ay saka lamang nalaman ng mga pulis na may matinding lason ang ini-inject sa katawan ng biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito. Matindi ang lason na gamit ni Silent Assassin dahil kayang pumatay ng lason nito sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong segundo.Nang pina-review niya ang CCTV camera ay natuklasan niyang na-hack ang mga CCTV kung saan dumaan ang assassin. Talagang sinadya ang lahat para hindi ito makilala at makita ang mukha dahil maraming mga CCTV sa paligid. Ngunit kahit ang mga CCTV na iyon ay walang silbi katulad ko. Dahil para din akong CCTV na pinanuod lamang ang pagtakas ng assassin. At ang lalaking bumangga sa akin ang pinaghihinalaan kong assassin dahil ito lamang ang kahina-hinala ang kilos sa lahat ng mga taong naroon sa hotel. Kaya pala ito nakayuko para hindi gaanong makita ang mukha at maging ang guard ng hotel ay hindi rin nakita ang mukha ng assassin."Nasa harap ko na siya ngunit pinabayaan ko pa siyang umalis," gigil na sabi ko sa aking sarili. Napahawak ako sa aking sentido dahil bigla itong sumakit. Talagang sobrang pinapasakit ng assassin na ito ang aking ulo."Relax ka lang, Craig. Hindi mo naman alam na assassin pala ang taong iyon na bumangga sa'yo kaya normal lamang na hayaan mo siyang makalayo," pagbibigay katwiran ng best friend kong si Carlo sa kapalpakang nagawa ko.Marahas na napahugot ako ng malalim na buntong-hininga. Tama si Carlo. Hindi ko naman alam na assassin pala ang nakabangga sa akin. Ang ikinagagalit ko ay nagmukha akong tanga dahil sa nangyari. Ngunit sa susunod na magkita kami ay ipinapangako ko na hinding-hindi ko na siya paliligtasin pa.Malalim na napahugot na lamang ako ng buntong-hininga at naupo sa aking swivel chair. Mayamaya ay bigla akong tumayo at bitbit ang aking jacket na naglakad ako palabas sa pintuan."Saan ka na naman pupunta, Craig?" tanong sa akin ni Carlo na biglang napatayo at napasunod sa akin."Magpa-patrol lang ako sa kakalsadahan at malay natin makahanap ako ng clue sa mga lugar na hindi natin inaasahang pinupuntahan pala ni Silent Assassin," mabilis kong sagot sa kanya. At bago pa man siya makatutol ay mabilis na akong nakalabas sa aking opisina. Sumakay ako sa aking kotse at basta na lang nagmaneho ng walang direksiyon. Kung saan ako dalhin ng aking instinct ay doon ako pumupunta.Naisipan kong magpunta sa isang night club sa pagbabakasaling makakita ako ng clue na mapagkakakilanlan ko kay Silent Assassin. Ngunit nasa may bukana pa nga lang ako ng club nang bigla akong bumalik sa tamang pag-iisip. Paano ko naman mahahanap ang isang taong hindi ko pa nakikita ang mukha? At kahit suyurin ko pa ang lahat ng night club ay tiyak na wala akong makukuhang clue tungkol sa taong hinahanap ko. Para akong naghahanap ng karayom sa tambak ng dayami. Kung hindi lamang kaaway ng batas ay papalakpakan ko na sana ang Silent Assassin na ito. Ang bilis kumilos na parang palos. Malinis ding magtrabaho at higit sa lahat ay puro salot sa lipunan ang pinapatay nito. Para itong si Robinhood sa makabagong panahon. Iyon nga lang ay hindi ito katulad ni Robinhood na nagnanakaw sa mga mayayaman at ipinamimigay sa mga mahihirap na tao. Si Silent Assassin ay pumapatay ng mga mayayaman na salot sa lipunan at nagpapahirap sa mga tao na hindi kayang harapin ng batas dahil sa pera.Dahil sa tingin ko ay wala naman akong mapapala sa kakaikot ko ngayong gabi ay mabuti pang umuwi na lamang ako at ipahinga ang aking isipan. Bukas ay mag-uumpisa na naman ako sa pangangalap ng data tungkol sa madulas na assassin. Siguro kapag mahuli ko ang matinik na assassin na ito ay ang laking accomplisment ang mararamdaman ko. Because Silent Assassin is one of a kind. Para siyang isang sikat na ligaw na halamang-gamot na marami ang humahanga at naghahangad ngunit wala namang nakakakita. Kung ang ibang mga tao ay tinatawag siyang Silent Assassin ang iba naman ay tinatawag siyang Ghost Hero. Dahil pinapatay niya ang mga salot ng lipunan pero hindi siya nagpapakita na tulad ng isang multo. Ngunit para sa akin ay isa pa rin siyang kriminal na dapat arestuhin. Dahil hindi niya dapat na inilalagay niya ang batas sa kanyang mga kamay. Kaya kailangan kong mahuli ang Silent Assassin na ito para mabuwag ang pinakakilabot na organisasyon ng mga mamamatay-tao, ang BAS o Black Squad Assassin na ilang taon na ring nasa most wanted list ng PNP o Philippine National Police.Naudlot ang pag-iisip ko sa BAS at kay Silent Assassin nang makarinig ako ng malakas na pagsabog ng gulong. Agad kong inihimpil sa gilid ng kalsada ang aking kotse at lumabas para tingnan kung ano ang nangyari. Napamura na lamang ako nang makita kong may malaki at matulis na spike ang nakatusok sa gulong ng aking kotse. Inis na natadyakan ko na lamang ang gulong ng aking kotse na may tama ng spike."Bakit ba minalas ako ngayong na ito," hindi ko napigilang himutok ko sa aking sarili. Wala akong choice kundi ang tumawag ng tow truck para ipahila ang kotse ko dahil wala akong extra tire sa aking kotse. Pagkatapos kong tawagan sa cellphone ko ang kakilala kong may tow-truck ay naglakad ako papunta sa sakayan ng bus. Magbu-bus na lang muna ako pauwi sa bahay ko.Nang huminto ang isang bus ay agad akong sumakay at masuwerteng sa likuran ng driver lamang ako nakaupo. Hindi nagtagal ay may dalawang lalaking sumakay na nakasuot ng sumbrero ang umupo sa aking tabi samantalang dumiretso naman papasok sa loob ng bus ang isa. Parehong naka-sumbrero ang dalawa na iisa lamang ang design kaya naisip ko na magkasama sialng dalawa. Hindi ko alam ngunit malakas ang kutob ko na masamang tao ang dalawang ito na mga bagong sakay kaya inihanda ko na ang aking sarili sa posibleng mangyari. Mayamaya nga ay hindi ako nagkamali sa pag-iisip na masamang tao ang mga ito dahil biglang naglabas ng baril ang katabi kong lalaki at itinutok sa driver ng bus."Huwag kayong kikilos ng masama kung ninyong masaktan! Holdap ito! Ilabas ninyo ang inyong mga alahas, celphone at wallet!" deklara ng lalaking holdaper sa aking tabi.Napapikit na lamang ako at nagbilang sa aking isip. Bakit ba ang malas ko ngayong araw na ito? Una ay nasa harapan ko na ang hinihinalang assassin ngunit pinakawalan ko pa and worst ay hindi ko nakita ang mukha, pangalawa ay nasiraan ako ng gulong, and then maho-holdap pa ako? These is too much. At malas ng holdaper na ito dahil siya ang mapagbubuntunan ko ng aking init ng ulo.ShanraNapapikit ako at lihim na napamura nang marinig ko ang malakas na sinabi ng katabi kong lalaki. Holdaper pala ito. Hindi ko nahalata dahil nakatingin ako sa labas ng bintana nang may umupo sa tabi ko. Tapos hindi pa nga umiinit ang puwit niya sa upuan ay nagdeklara na agad ng holdap. Ang malas lamang niya dahil sa tabi ko pa pinili niyang maupo. Tinatamad akong magmaneho ng sasakyan kaya pinili kong mag-bus pauwi sa bahay ko. Kagagaling ko pa lamang sa BAS Headquarter dahil doon agad ako dumiretso pagkatapos kong matagumpay na na-accomplished ang aking misyon. Dumiretso agad ako sa headquarter ibalitang mission accomplish ang aking ginawa at para personal na tanggapin ang tseke na nagkakahalaga ng ilang milyones. At hawak ko pa ngayon ang tseke dahil tinatamad akong magpunta sa bangko na nasa ilalim din ng pamahahala ng BAS. Ang suwerte naman ng dalawang holdaper na ito sakaling makuha nila sa akin ito."Huwag ninyo kaming sasaktan. Ibibigay namin ang gusto ninyo," narinig ko
Shanra"Good afternoon, Ma'am," bati sa akin ng guard pagpasok ko sa BAS buidling. Ninong Eddie called me again. I guess, he will give me another mission. Pabor iyan sa akin. This will be my fifth mission. And I only need five people to assassinates so I could finally speaks with the BAS leader. Gustong-gusto ko nang makausap ang pinaka-head ng BAS para makapaghiganti na ako sa mga taong pumatay sa pamilya ko. At kapag nabigyan ko na ng justice ang kanilang pagkamatay ay magre-resign na ako bilang assassin at maninirahan na lamang sa malayong probinsiya."Good afternoon," tugon ko sa kanya pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na akong umakyat sa office ng BAS. Pasalamat ako na hindi ko nakasalubong si Henry. May mission kasi ito kaya wala dito ngayon.Akmang kakatok na ako sa pintuan ng office ni Ninong Eddie nang biglang may nagsalita sa likuran ko na walang iba kundi si Ninong pala na mula sa labas ng opisina nito."Come in, Shanra," sabi niya sa akin. Pinauna ko muna siyang makapasok sa lo
ShanraHindi ko mapigilang mapa-ismid habang pinapanuod si Alejandro Alegri na maganda ang pagkakangiti at tuwang-tuwa habang kalaro ang mga sa loob ng bahay ampunan. Masayang-masaya siya hindi dahil kalaro niya ang mga bata kundi dahil marami na naman siyang maki-kidnap na mga bata.Pangatlong araw ko sa pagsubaybay sa taong ito ngunit hindi ako makahanap ng chance para patayin siya. Lagi kasing mga bata ang kasama niya kaya kung lalapit ako para maturukan siya ng aking karayom na may lason ay mahahalata ng mga bodyguard niya ang kilos ko. Hindi pa man ako nakakalapit kay Alegri ay maaalerto ko na ang mga guard niya. Ngunit hindi ako naniniwala na sa araw-araw na pagsunod-sunod ko sa kanya ay hindi ako makakahanap ng chance to assassinate him. Pagkatapos makipaglaro ni Alegri sa mga bata ay lumapit siya sa isang babae na nakatingin sa kanila at sa tingin ko ay isa sa mga head ng orphanage ang babae. Inabutan ito ni Alegri ng isang sobre na sigurado akong pera ang laman. Nagbibigay k
ShanraIbinaba ko ang hanggang sa tungki ng aking ilong ang suot kong salamin. Mula sa kinalalagyan ko ay tanaw na tanaw ko ang ginagawang pakikipaglaro ni Alejandro Alegri sa mga batang squatters na nakapalibot dito. Nakangiti ito at mukhang tuwang-tuwa sa mga bata ngunit alam ko na sa loob nito ay nandidiri ito sa mga kaharap na bata. Mukhang sa mga batang squatters nito binabalak na mangidnap ng bata.Umalis ako mula sa pagkakasandal sa aking hubby. Ang tinutukoy kong "hubby" ay ang aking motorsiklo na ipinarada ko lamang sa tapat ng park kung saan naroon si Alejandro Alegri at nagpapakain ng mga batang squatters. Maganda sana ang ginagawa nito kung wala lamang itong masamang agenda sa mga bata. Ang mga katulad nitong nagpapanggap na mabait na tao ngunit isa palang demonyo ay dapat lamang na mawala sa lipunan.Nang makita ko na nakikipagkamay sa mga nanay ng mga batang naroroon si Alegri ay mabilis akong tumawid sa kalsada at lumapit sa likuran ng isang nanay na nakangiti habang n
Shanra"Congratulations, Shanra! Kahit kailan ay hindi mo ako binigo."Papasok pa lamang ako sa loob ng opisina ni Ninong Eddie ay agad na niya akong sinalubong ng malakas na pagbati. Hindi ako ngumiti o nagpakita ng pagkatuwa dahil wala namang dapat ikatuwa sa ginawa ko. Although all the people that I killed deserves to die I'm still a killer. Isang killer na pinaghahahanap ng mga alagad ng batas lalong-lalo na ni Craig De Silva."I just did my job, Ninong. Amd you know na may kapalit ang mga ginagawa ko," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya bago ako naupo sa upuan na laging kong inuupuan kapag pumapasok ako sa loob ng opisina niya."I never forget that, Shanra," sagot ng ninong ko na biglang naglaho ang magandang ngiti sa mga labi. Para bang hindi niya nagustuhan na madalas kong ipinaaalala sa kanya ang dahilan kung bakit ako pumapatay. Kung bakit ako naging isang assassin. "Anyway, here's your payment."Iniabot ko ang tseke na may nakasulat na malaking halaga without checking if
CraigMag-isa akong umiinom ng alak sa loob ng bar para kahit paano ay makalimutan ko si Shanra. I was hurt the she treated me. Parang hindi niya ako kilala. I'm sure naman na kilala niya ako dahil ilang beses din naman kaming nakapag-usap noon bago ito biglang naglaho pagkatapos ng trahedyang sinapit ng pamilya nito. Nalungkot ako noon nang hindi ko na siya makita at umasa na lamang ako na balang-araw ay magtatagpong muli ang mga landas namin. At ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ko na siya hahayaang lumayo sa oras na magkita kaming muli. Na sasabihin ko na sa kanya ang damdamin ko na dapat ay noon ko pa sinabi sa kanya. May wish granted because I really met her again. Ngunit ibang-iba na siya. Pero kahit nag-iba na siya ng ugali my feelings for her didn't change. At natuklasan ko ngayon na sa halip na mawala ang nararamdaman ko sa kanya dahil ilang taon din kaming hindi nagkita ay mas lalo lamang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. And I know that what I'm feelin
ShanraNapamura ako ng mahina nang magising ako na nasa loob ng ibang kuwarto at hindi na ako magtatanong kung kaninong kuwarto ang kinaroroonan ko dahil naroon si Craig masarap ang tulog habang katabi ako sa higaan. Maingat akong bumaba sa kama para hindi siya magising. Kapag magising siya ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis ako sa ibaba ng kama at hindi siya nagising. Agad kong kinuha ang aking shoulder bag na nakalapag sa maliit na mesa na nasa gilid ng kama pati na rin ang sapatos ko na nasa ibaba ng kama. Maingat ako akong lumabas sa kuwarto para hindi siya magising. Paglabas ko sa kuwarto niya ay saka ko natuklasan na nasa isang condo unit pala kami na malamang ay condo unit ni Craig. Agad kong isinuot ang aking sapatos at nagmamadaling bumaba sa condo. Sumakay na lamang ako ng taxi at nagpahatid sa bar na pinuntahan ko kagabi. Naroon kasi ang kotse ko dahil sa kotse ni Craig ako sumakay.Mabuti na lamang at may bantay sa p
ShanraI am bored inside my room so I decided to walk around inside a mall to erase my boredom. Ilang araw na akong nagkukulong sa kuwarto ko at walang ginawa kundi ang matulog. Wala pa akong bagong misyon kaya hindi pa ako nagpupunta sa headquarter ng BAS. Wala nang pasok ang school kung saan ako nagtuturo self-defense sa mga bata because they are having a field trip. Sa Friday pa ulit ang pasok ko. Isang simpleng white sleeveless dress na may mga silver beads na nakakalat sa may bandang dibdib ang aking suot. Umabot lamang sa aking mga tuhod ang suot kong dress kaya na-exposed ang mga binti kong mapuputi at maganda ang hugis pagkatapos ay sumakay na ako sa kotse ko para magpunta sa mall. I always wore long pants kaya mas madalas ay nakatago ang binti ko. Dahil sa klase ng trabaho ko ay mas maraming pa akong long pants kaysa sa mga formal dress. I think I should buy some dress para kapag kailangan kong magpanggap sa kahit anong role ay hindi na ako nagmamadali pang maghanap ng maisu