SIMULA noong makatanggap si Calley ng sulat at bulaklak sa hindi nakikilalang lalaki, naging regular na ang pagpapadala nito ng kung anu-ano sa kaniya. Nagsimula na tuloy siyang ma-curious sa kanyang secret admirer.
Naging malaking palaisipan sa kaniya kung sino ang lalaking nasa likod niyon. Bukod pa roon, hindi rin niya maiwasang mag-asam na baka galing iyon sa ama ni Callyx. Sapagkat ang inisyal na “Z” na nakalagay sa mga sulat ay kapareho ng pangalan na ipinakilala ng ama ni Callyx nang gabing ipinagkaloob niya ang kanyang sarili rito.
Ngunit posible nga kaya? Iyon nga kaya ang ama ni Callyx? Pero bakit kailangan pa nitong idaan sa ganoon ang lahat? Bakit hindi na lang ito magpakita sa kaniya at magpakilala? Alam kaya nito na nagkaroon sila ng anak?
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Calley
IT WAS already ten o'clock in the evening, but Zack was still on the beach. Nakasandal ang likod sa wooden bench at tahimik na tinatanaw ang payapa at madilim na dagat. May mangilan-ngilang bituwin sa kalangitan pero hindi niya makita ang buwan. Siguro ay nagtatago sa likod ng makakapal na ulap.He loves darkness. He also loves to be alone. Ayaw niya ng destructions kaya sa Palawan niya napiling manirahan five years ago, kahit nasa Manila ang main office niya. Well, that was okay. Consistent naman ang pagre-report ni Zayne sa kaniya about the company status, etcetera.Aside from that, kaya niya napiling manirahan sa Coron ay dahil gusto niya ng payapa at simpleng buhay—malayo sa kanyang Daddy—malayo sa frustrations niya sa buhay. Iyon nga lang, sa kamalas-malasan, doon din mismo ipinadala ng kanyang magaling na ama ang stepbrother niya.Alam niya
MASAKIT ang ulo ni Calley kinabukasan at mabigat ang kanyang pakiramdam. Pero kahit ganoon, pinilit pa rin niyang bumangon sa kama at mag-asikaso na sa pagpasok.Kailangan niyang pumasok kahit araw iyon ng kanyang day-off. Nagtext kasi sa kaniya ang kanilang manager na si Ms. Debby na kailangan niyang pumasok dahil kulang ang tauhan ng hotel para sa araw na iyon.Alas-cinco pa lang ng umaga-iyon ang karaniwang oras niya ng gising kahit alas-otso pa ang kanyang pasok. Maaga kasi siyang naghahanda ng agahan nilang mag-ina. Matapos niyon, mga bandang ala-sais ay maliligo na siya, at pagdating ng ala-siyete impunto saka niya gigisingin ang anak para maligo at mag-almusal.Ganoon ang everyday routine nilang mag-ina at aaminin niyang doble ang kanyang pagod araw-araw. Totoong napakahirap pagsab
“A-ANO kasi...”Hindi maipaliwanag ni Calley kung bakit ganoon na lang ka-weird ang pakiramdam niya habang malapit sila sa isa’t isa ng lalaki. Kinakabahan siya nang husto pero alam niyang hindi dahil sa takot. Pero para saan naman kaya?“What?” Inis na talaga ang tinig ni Zack nang sabihin iyon. Napaatras tuloy siya ng mga isang metro mula rito. At kahit hindi niya masyadong nabibistahan ang mukha ng gwapong boss, alam niyang nakakunot-noo ito habang nakatunghay sa kaniya.“I-Ibibigay ko lang po sana ito, Sir Zack,” utal-utal niyang sabi sabay lahad ng kahon ng kanyang freshly baked cookies. “What
MATAPOS matanggap ni Calley ang sulat na iyon, kung anu-anong katanungan na ang naglalaro sa kanyang isipan.Sino kaya ang nagpadala niyon? Ang big boss ba ng Sancho Group of Companies na si Zack? Ang lalaki lang naman kasi ang kanyang nakaalitan noong nakaraang gabi.Pero bakit inisyal na “Z” ang nakasulat na pangalan ng sender niyon, kapareho ng inisyal ng kanyang misteryosong secret admirer? Maaari kayang iisa lang ang mga ito?Ayaw niyang mag-assume na maaaring kay Zack nga nanggaling iyon. Dahil unang-una, mainit ang dugo ng lalaki sa kaniya. Patunay niyon ay ang ilang beses na nitong pag-aakusa sa kaniya bilang iresponsableng ina.Pangalawa, for her, hindi ang ‘tulad nito ang gagawa ang ganoong bagay. Si Zack ay ang tipo ng lalaki na pinapangarap ng lahat— gwapo, mayaman,
Dear My Dearest Calley, I hope I have a chance to dance with you tonight. Love,ZMATAPOS mabasa ni Calley ang nilalaman ng sulat na iyon mula sa misteryosong admirer niya, kaagad niyang naisip si Sir Zack. Bagaman may agam-agam siya kung ito nga ba ang lalaking nagpapadala ng mga iyon sa kan’ya, hindi niya maikakailang magkahalong kaba at saya ang kanyang nararamdaman. Posible nga kayang ikaw ang Z na&n
“CAN I dance with you, Calley Trinidad?”Magkahalong kaba at curiosity ang nadarama ni Calley para sa lalaking kaharap. Nang magsalita ito, tinig ni Zack ang kanyang narinig. Ikaw nga kaya si Zack? clueless niyang tanong sa isipan. Ang posibilidad na baka nga iyon ang lalaking iniisip niya, ay nakapagdulot sa kan'ya ng kakaibang kilig.Bakit naman ako kinikilig? Wala naman akong gusto sa kan'ya...Wala nga ba? sabat naman ng munting tinig sa kanyang isipan.Hindi siya makaapuhap ng isasagot sa tanong na iyon. Paan
"MAMA, I'm thirsty po..."Ibinaling ni Calley ang paningin sa anak nang kalabitin siya nito at sabihin iyon. Kasalukuyan silang nasa wildlife park ng mga sandaling 'yon at pinanonood ang mga naglalakihang giraffe.Mistulang tour guide ang CEO ng Paradise Island nang araw na iyon. Kung saan-saang tourist attractions sa Coron sila ipinasyal ni Zayne. At ngayon nga, nasa Calauit Safari park sila matapos manggaling sa Malbato Church na kilala sa isla ng Coron."Ako na'ng bibili ng water, Calley. Just stay here," saad ni Zayne sa sinabi ng kanyang anak at saka ngumiti sa kan'ya.Pero naalaerto siya nang marinig iyon. Sobra-sobra na ang mga nagawa nito nang araw na 'yon para kay Callyx. Kaya naman ayaw na niyang i-asa pa ang ganoong bagay sa lalaki.Besides, h
PASADO alas-dos na ngunit hindi pa rin makatulog si Calley. Maya't maya kasi niyang tsini-check ang lagay ni Zack na noon ay namamaluktot sa maliit na sofa sa sala habang nangangaligkig sa lamig.Binigyan naman n'ya ito ng blanket ngunit marahil ay hindi 'yon sapat kaya patuloy pa rin ang panginginig ng katawan nito. Nang huli niyang ch-in-eck ang temperatura ng lalaki, naglalaro iyon sa 37.5 hanggang 38 degree Celsius. Mataas iyon kaya labis siyang nag-aalala at 'di mapakali o ni makatulog.Nasa oras din kung gisingin ito ni Calley para uminom ng gamot. Aside from that, maya't maya rin ang punas niya rito ng basang towel upang kahit papaano ay bumaba ang lagnat nito.At nakakahiya mang aminin, habang ginagawa n'ya ang mga bagay na 'yon sa lalaki, hindi rin niya kayang sawayin ang sarilin