Mas mabilis ang hakbang niya paatras hanggang sa tinalikuran niya si Law at mabilis na tumakbo palayo. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa muntik na siyang mabunggo sa taxi na padaan. At nang makitang wala iyong sakay, mabilis siyang sumakay doon at nagpahatid sa bahay niya. Pakiramdam niya ay lumalayo siya sa nakaraan. Pakiramdam niya ay iyon ang tamang gawin sa ngayon. Ang takbuhan si Law. This night... was a mistake. This whole day is a mistake. Since this morning 'till dawn. Lahat yon isang pagkakamali na ayaw na niyanh balikan pa. She wants to forget everything about Law. She wants to forget every pain she felt because of her scumbag ex-fiance. She wants to forget everything that has happened today. Everything. Malalim na napabuntong-hininga si ng matapos ang pagdaloy ng memorya niya sa nangyari sa kanila ni Law ng gabing iyon na pilit niyang winala sa isip niya. Now that she remembered, she realized, hindi naman niya kaagad nakalimutan si Law. She keeps on thinki
Ngayong araw ay abala si Maxine sa pag-aayos sa sarili para sa photoshoot niya ng tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, nagsalubong ang kilay niya ng makitang unregistered number iyon. Hmm... Pinulot niya ang cellphone na nasa kama saka sinagot ang tawag. "Good morning. Who's this?" Tanong niya sa nasa kabilang linya. "May I speak to Miss Maxine?" "Here I am." "Oh, hello ma'am. This is Duke Hospital Main Branch, we are calling you to inform you that your husband is in the Hospital." Kumunot ang nuo niya. "Husband?" Ulit niya na nagtataka at naguguluhan, "I think you called the wrong number." "Are you Ms. Maxine?" "Yes." "Then you are the person we're looking for. Nandito nakasulat ang pangalan mo sa in case of emergency ng I.D. na nakuha namin sa wallet ng pasyente. Unless, you don't know Law? Law Del fierro" "What?" Kinain ng takot ang puso niya, "a-anong nangyari kay Law? Teka, a-anong... b-bakit siya nandiyan sa Hospital?
"MANANG nasa an si Law?" Tanong ni Maxine sa katulong ni Law ng pagbuksan siya nito ng gate. Kanina pa kasi siya nagdo-doorbell at walang nagbubukas sa kaniya. "Nasa loob po si Sir Law, ma'am." "Puwede ba akong pumasok?" Gaya ng maluwag na pag tanggap sa kaniya ng mga maids ni Law noon ay ganun pa rin siya nito tinggap. "Oo naman ho. Pasok po kayo." Nilakihan nito ang pagkakabukas ng gate at pinapasok siya. Nang makarating siya sa sala, tamang-tama naman na kabababa lang ni Lenzi sa hagdanan mula sa ikalawang palapag. Nang magtama ang mga mata nila, tumikwas pataas ang kilay nito at ngumisi na parang nang-uuyam. "Maiwan ko na ho kayo, ma'am." Paalam nito. "Marami pa kasi akong gagawin." "Sige po, Manang." Aniya. Nang makaalis si na ito, umakyat siya sa hagdan, wala siyang balak na pansinin si Lenzi pero wala talaga itong balak na padaanin siya ng walang gulo dahil hinawakan pa siya nito sa braso para patigilan siya. "At saan ka pupunta?" Mataray nitong tanong.
NAGISING si Maxine sa isang maputing kapaligiran at amoy ng gamot ang nanunuot sa ilong niya. Mukhang nasa isa siyang Hospital. Sinusuri siya ng Doctor ng magmulat ang mga mata niya. "Mabuti naman ang gising ka na." Anang Doctor. Umupo siya at luminga-linga. "P-paano ako napunta rito?" Ang huli niyang naaalala ay bumunggo sang kotse niya. "May tumawag ng ambulansya dito sa Romero's Hospital Main. Mabuti nga at may nakakita sayo at may nag magandang loob." Anang Doctor at itinuro ang shoulder bag niya na nasa uluhan niya. "Yan ang mga gamit mo na nakuha ng staff namin dito sa Hospital." Ngumiti ito. "Sana walang nawawala sa gamit mo. Anyway, hindi naman masyadong malakas ang pagkakabunggo mo sa poste ng ilaw kaya huwag kang mag-alala. Nasugatan ka lang sa nuo kasi tumama iyon sa gilid ng kotse mo. Mukhang hindi mo suot ang iyong seatbelt. May nararamdaman ka bang kakaiba bukod sa sakit ng katawan iha?" "Hindi ko po alam. Wala akong maalala. Ang naalala ko lang ay ng
Para naman ma libang ang sarili, pumunta sa Mall si Maxine at nag pa-ikot-ikot. Wala naman siyang bibilhin na nasa isip niya pero dinala siya ng mga paa niya sa Department Store kung saan naroon ang mga damit pambata. Hinaplos niya ang pambinyag na damit na nasa harapan niya saka napangiti. Kung babae ang anak niya, tiyak babagay dito ang damit na 'to. Napapangiti si Maxine tuwing maiisip ang iluluwal niyang bata na dadalhin niya ng ilang buwan. Imbis na mainis ito at ipalaglag ang bata. Pakiramdam niya ay isang kabaliwan iyon. Kaya naman niyang buhayin ang bata ng magisa. Wala sa sariling hinaplos niya ang tiyan niya. "Magugustuhan din kaya ng Daddy mo ang damit na 'to?" Tanong niya at may nahulog na luha sa pisngi niya. Napapatanong siya sa sarili niya kung bakit na iisip niya pa rin si Law. Kahit na iniwan na siya nito. Mabilis niya iyong pinahid at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Ayaw na muna niyang isipin si Law. Kagabi pa siya umiiyak. Mugtong-mugto
"HINDI KA okay, Maxine." Sabi ni Hera sa kaniya ng bisitahin siya nito isang araw sa condo niya habang nakaupo sila sa mahabang sofa sa sala. "Hindi ka puwedeng maging ganito, buntis ka, kung hindi pa ako bumisita hindi ka pa kakain." Tinuyo niya ang ilang butil ng luha na nalaglag sa pisngi niya. "Ayos lang ako, Hera." Huminga siya ng malalim. "I'd been trying to be okay. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na dapat matanggap ko na si Law pagkatapos ng paliwanag niya nuong isang araw kasi nga magkakaanak na kami, pero sa tuwing kumakatok siya sa labas ng pinto ng condo ko, sa tuwing naririnig ko ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko, ang sakit-sakit pa rin. Hindi ko pa rin siya kayang harapin." Napahikbi siya. "I'm trying so hard to forget everything and forgive, pero kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi ko magawa. Ang sakit-sakit pa rin at naiinis na ako sa sarili ko kasi hindi ko magawang burahin yong sakit sa puso ko." Bumuntong-hininga si Hera saka pinisil a
Tinuyo niya ang ang luha sa pisngi niya, "just give me this one and i'll give you a chance when i get back. Huwag lang ngayon, sobrang sakit pa e. Pagpahingahin mo muna yong puso ko. Alam mong minsan na akong nasaktan dahil sa kabaro mo, tapos sinaktan mo rin ako ngayon, kaya masyadong masakit kasi pinaniwala mo ako na hindi ka katulad nila." Tumiim ang bagang ni Law kapagkuwan ay hinaplos ang pisngi niya saka umatras ito. "Fine. I'll give you your space, just promise me, hindi mo ako iiwan, na babalik ka. Kasi hindi ko alam kung ano pa yung magiging rason kung bakit ako mabubuhay. Maxine." Tumango siya hanang namamalisbis ang luha sa pisngi niya. "Promise. I just neeed space, Law." Nag-iwas ng tingin si Law pero hindi nakatakas sa tingin niya ang panunubig ng mga mata nito. "Maghihintay ako, Maxine." Wika nito bago umalis ng nakakuyom ang kamao. Siya naman ay pumasok sa condo niya at isinara ang pinto saka napasandal do'n at napadaosdos ng upo sa sahig habang yakap niy
Ang isa ay nadurog dahil siguro sa pagkaipit ng maaksidente siya. Kailangan pa natin siyang obserbahan kapag nagising siya. Hopefully, magising siya in forty eight hours, or else, baka mag slip siya into a coma. And it would be very difficult for Mr. Del Fierro to walk again, but if he will be patient, regular therapy can help him. Pero hindi ko masasabi kong hanggang kailan aabutin ng therapy bago siya makalakad." Bumagsak ang balikat niya. "Pero okay lang siya diba?" Tumango ito. "If okay means being alive in a wheelcheer, then yes, he'll be okay." Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. "S-salamat po, Doc." "Sige, aalis na ako. May kailangan pa akong puntahang ibang pasyente. Kung gusto mong makita si Mr. Del Fierro, nasa ICU siya ngayon." Nakahinga ng maluwag kahit papaano si Maxine. Alam nitong mahihirapan si Law sa sitwasyon sa oras na magising ito. Pero ipinangako niya na aalagaan at hindi na niya ito iiwan kailanman. Tumango siya saka mabigat ang dibdib n