Share

CHAPTER 11: RAINBOW

EURUS' POV

Ngayon lang umaraw uli, kaya naman naging busy na ang lahat sa kaniya-kaniya nilang gawain. Ako naman ay nasa room lang nag papahinga. Masakit pa rin kasi ang ulo ko kaya hindi na muna ako hinayaang makisali sa mga activities namin ngayon. Baka raw kasi lumala at mahilo pa ako, binigyan naman nila ako ng tubig at gamot. Naisipan ko na lang na manood sa kanila kaysa bagutin ko ang sarili ko sa loob ng room namin. 

Nag lagay ako ng upuan sa harapan ng room namin, kitang-kita ko ang mga students na abala sa iba't ibang gawain. Maya-maya rin ay nag simula na ang ibang activities. Pinagsabay sabay na nila dahil hindi namin nagawa kahapon ang iba. Bali mahahati sa iba't ibang grupo ang iisang section para sa ibang activities, depende 'yon sa dami ng activities sa umaga. 

Ang saya pa rin pala kahit nanonood lang ako dito. nakakatuwa kasi lahat ng students ay nag eenjoy sa mga games. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit. Pinanood ko sila Loki habang nag lalaro ng patintero, hindi ko maiwasang matawa dahil palagi na lang nahuhuli team nila. Makikita mo talaga sa mukha nila ang pagkakasar. Nakahanap din ng katapat, buti nga.

Habang pinapanood lang sila napansin ko ang napakagandang rainbow. Agad din naman nilang napansin 'to kaya napatigil sila sa pag lalaro sabay tingin sa kalangitan. May iba pa nga na nag picture pa kasama ang rainbow. Manghang-mangha sila dito, kahit ako rin. Ngayon na lang din kasi ako nakakita ng rainbow simula nong pumasok ako sa Castillio de Academia. 

Bukod kasi sa 'di kami nakakalabas masyado, natatakpan din kasi halos ng lugar ng mga naglalakihang puno. Hindi naman sa ayaw ko sa mga puno, dahil nga sa kanila kaya malaya kaming nakakatambay or nakaklakad nang hindi naiinitan. unti-onti na rin nawawala ang rainbow kaya pinagpatuloy na nila ginagawa nila. 

Hindi na rin ako nakapagtiis kaya tumayo na ako at naisipang maglibot-libot na lang muna. Hindi naman siguro bawal sa'kin ang maglibot ano? Una kong pinuntahan ang nasa likuran ng isang building --  ang mga gulayan. Nakakamanghang tignan mga gulay nila, it looks healthy kasi. And kung may mga oud or soething man sabi nila nakaktulong daw ito mag fertilize ng gulay. Hindi nga ako sue kung nakakatulong ba talaga, ayon kasi sabi sa'kin ni Loki nabasa niya raw kasi. 

Masaya akong naglilibot sa boung campus, may mga nakakasalubong akong papunta sa mga games. Sobrang busy nga talaga nila, last kong pinuntahan ay ang canteen nila. Gawa ito sa bamboo and wood, pero mukhang matibay naman. Habang papalapit ako, napansin ko ang isang babae na nakaupo habang nakasandal sa haligi. Nagbabasa siya ng makapal na libro, hindi ko siya mamukhaan dahil nakaharang ang libro sa mukha niya. Nahihiya na tuloy akong tumuloy sa canteen dahil baka maistorbo ko siya, pero tumuloy pa rin ako dahil ito naman talaga ang ipinunta ko dito. 

Sa may left side ako pumunta kung saan may mga chairs na nakatambak lang, umupo ako doon para sana umidlip. Ilang minuto pa ang nakalipas hindi man lang ako makatulog, pinilit ko pa pero hindi talaga. Tumayo na lang ako at babalik na lang sa room, baka doon makapagpahinga pa ako. Hindi ko na rin pinansin ang babaeng nasa dulo, hindi ko rin naman kasi kilala. Naglakad na ako pabalik, sa may harapan na ako dumaan para makinood na rin. 

Last game na pala, saka ko lang naalala na last day na pala namin nagyon kaya wala ng games sa hapon. Kaya palalahat ng games ay nilaro na ngayong umaga. Nakitayo na lang din ako don para manood, basketball ang laro. Sinabipa ng announcer na friendly game lang ang laro dahil baka raw may magsasapakan. Kung sino man ang mamimisikal out na sa game with guidance office pa pag nakabalik sa school. 

Masaya naman ang naging flow ng basketball, nag eenjoy ang nasa labas habang nag cheheer pa sa mga kaklase nila. Mas nagiging intense ang labanan dahil both teams ay magagaling. Score dito, score doon. Halos nga mag tie na score nila. Sa game na 'to walang quater, score lang na hanggang 50 para saglit lang. Wala namang umangal dahil mamayang hapon na kami uuwi, walang may gustong uuwi ng pagod lalo na't may dadaanan daw kami mamaya. 

Habang nawiwili ako, nakaramdam akong bagay na humawak sa kamay ko kaya agad akong napalayo ako sa pagkabigla. Napatingin ako sa humawak sa kamay ko, si Dion lang pala, nakangisi ito sakin na tila nangaasar. Baliw talaga. 

"Anong trip mo ba?" tanong ko. Hindi naman 'to sumagot at naikinood na lang din. Hinayaan ko na lang dahil baka nantitrip lang.

Napapalingon ako sa iba't ibang direction dahil feeling ko may nakatingin sa'kin. Hindi sa pagiging paranoid pero kasi feeling ko talaga. Simula nong hawakan ako sa kamay ni Dion nagiging ganito na pakiramdam ko. Oh baka naman dahil  lang a sakit ng ulo ko 'to. 

Natapos na ang game, tuwang-tuwa naman ang team na nanalo sa basketball. Hindi na rin ako nakapag focus sa game dahil napapraning na nga ata ako. Sumabay na ako kay Dion pabalik sa room namin, nag ayos na rin ako ng gamit at nilinis na rin namin ang boung room. Hindi kami nagtira ng kahit anong kalat dahil malinis 'to nong dumating kami dito. 

Nang matapos na naming linisin lahat, agad naman kaming lumabas na para makasakay na sa bus. may kaniya-kaniyang pila uli ang bawat section, ilang minutes muna kami nag hintay bago umakyat sa bus. 

"Attention students." sabi ng isang teacher, agad namang nanahimik ang mga kaklase ko. nag aagaw pa kasi ang iba ng upuan. "May vacant ba kayong kahit 6 seats lang?"tanong nito. 

"Yes ma'am. Apat po sa pinakalikuran tas may dalawang vacant po na magkahiwalay." sagot ng president namin. Nag okay naman si ma'am at pinaakyat ang students ng ibang section. Nagulat at natuwa ang iba nang malaman nilang kasama doon si Odin. 

Hindi ko na pinansin ang mga umakyat sa bus dahil nag aayos ako ng gamit ko. Gusto ko na rin kasi makatulog na dahil sobrang sakit na rin ng ulo ko. Pagkatapos kong mag ayos naupo na ako sa may bintana, si Helios naman ay lumipat ng seat. Hindi niya sinabi sa'kin kung bakit, hinayaan ko na lang din, mas maganda ang solo ang upuan. 

Maya-maya ay nakaramdam akong ng pag bigat sa kabilang seat, hindi ko matignan dahil ang ganda na ng pikit ko. Tsaka inaantok na rin kasi ako. Hinayaan ko na lang kung sino man ang umupo sa tabi ko. Hindi naman siya nag iingay kaya ayos na rin. Agad din akong nakatulog sa byahe. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status