AMBER POV"Mukhang seryoso talaga ang isang iyan, ah," sabi ni Ate Alma sa tabi ko.Nakasilip kasi kami sa bintana ng bahay namin habang tinitingnan si Zeus na nakikigulo sa mga pinsan at Tiyuhin namin na nag-iinuman.Halos dalawang oras na itong nakikigulo sa pamilya ko. Nangingibabaw ang tawa nito sa inuman, mukhang bentang-benta rito ang mga padali ng mga pinsan ko."Gusto mo na rin ba siya?" Rinig kong tanong ni Ate Alma sa tabi ko."Hindi ko alam, natatakot ako, Ate," sagot ko habang nakatutok pa rin kay Zeus ang mga mata ko.Hindi ko kasi mapaniwalaan na tototohanin nitong ligawan ako. It's been two months nang magsimula siyang manligaw. At aaminin kong may pagkakataon na natutukso akong sagutin na ito.Ngunit sa tuwing gagawin ko iyon ay biglang papasok sa isip ko na hindi kami bagay. Na hindi ako nababagay para sa isang kagaya nitong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig."Ambs," untag ni Ate. Lumingon naman ako rito. "Mahal mo na siya, hindi ba?"Nahihiya man ay nagawa
PRESENT TIMEAMBER POV KINABUKASAN ay pumasok pa rin ako at nagpanggap na tila walang nangyari. Matapos kong sariwain ang mga magagandang nangyari sa amin ni Zeus noon ay bigla akong umasa, umasa na baka kahit papaano may bahid pa rin ng dating Zeus sa pagkatao nito. Ngunit unti-unting nawala ang munting pag-asa sa puso ko dahil makalipas ang isang linggo ay wala pa rin itong ipinagbago. Mas lalong naging mainit ang dugo nito sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa lalaking iyon dahil napakasama na nang ugali nito. Na dati naman ay sobrang bait at hindi mapanghusga. Pero ngayon, kulang na lang ay singhalan at lait-laitin ako nito sa tuwing magkikita kami sa opisina.Naisip ko na nga na mag-resign na lang para matapos na pero hindi ko puwedeng gawin dahil dalawang araw nang pabalik-balik ng hospital si Nanay. Lagi raw kasi itong nahihilo at sumasakit ang tiyan sabi ni Aldrin, ang bunso kong kapatid. At para hindi na ako mas'yadong masaktan sa kung paano ako itrato ni Zeus ay
AMBER POV "Anong nangyari, Ambs?" tanong ni Agnes sa akin. Hindi naman ako nag-angat ng tingin, nanatili akong nakatungo sa ginagawa ko. Ayaw ko rin naman na makita n'ya na halos magang-maga ang mga mata ko sa kakaiyak kanina. "Amber, anong nangyari?!" galit na ulit nito. Wala akong nagawa nang hawakan nito ang panga ko at itaas ang mukha ko. "Amber---" "Wala," paiwas na sagot ko at muling ibinalik ang tingin sa ginagawa ko. "Amber nakarating sa akin ang nangyari rito kanina! Usap-usapan ang ginawang pamamahiya ni Sir Zeus sa 'yo! Ano ba talagang problema at gano'n s'ya ka-harsh sa 'yo?" "Bumalik ka na sa trabaho mo, Agnes, baka madamay ka pa." Nagulat ako nang malakas nitong pukpukin ang ibabaw ng mesa ko. Mabilis akong napa-angat ng tingin dito. At nakita kong salubong na salubong ang mga kilay nito. "Agnes, sige na bumalik ka na sa trabaho mo. Mamaya na tayo mag-usap baka madamay---" "Wala akong pakialam! Kung gusto n'ya akong idamay so be it! Pero gusto kong malaman kun
Chapter 12 AMBER POV DUMATING Ang hapon at uwian na pero sa halip na makaramdam ng tuwa ay kaba at takot ang nararamdaman ko.Mamayang gabi na kasi ang punta namin sa party na sinasabi ni Sir Zeus.Alas singko pa lang ng hapon at mamaya pang alas siyete ng gabi ang party. Pero kanina bago ako umalis sa kumpanya ay sinabi ni Sir Zeus na dapat alas sais pa lang ay naroon na ako sa Vallarta Hotel.Oh, 'di ba ang galing isasama ako pero pupunta akong mag-isa. Magko-commute ako! Napakawalang puso talaga ng tukmol na iyon.Mabigat ang dibdib na sumakay ako ng jeep papauwi sa apartment ko.Kapag nabuwisit ako, hindi ako pupunta bahala siyang mamatay sa kakahintay, nyeta siya!Pero wala, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaharap sa salamin habang tinitingnan ang sariling ayos ko. Nakasuot ako ng isang kulay itim na bestida. Wala eh, ito na ang pinakamaayos na damit na mayro'n ako. Sinuot ko pa ito noong college graduation ko. Nang makitang presentable naman ang ayos ko ay bumiyahe
ZEUS POV "You look like you're waiting for someone," sabi ni Xander sa tabi ko. Kababata ko ito, bale apat sila na itinuturin kong best friend, si Seth, David, Jeff, at ito. "Are you waiting for someone?" muling tanong nito. "Paano mo naman nasabi?" "Dude, kanina ka pa nakatingin sa entrance. Kanina pa kita niyaya na kumain at uminom pero parang wala kang naririnig, nasa entrance ang atensyon mo mula pa kanina." "Tssk!" paiwas na sabi ko. "Sino ba'ng hinihintay mo, Dude?" Umiling lang naman ako at saka minsan pang tumingin sa entrance. Nagulat pa ako nang malakas ako nitong batukan. "What was that for?" angil ko. Ngumisi lang naman ito sa akin. "Para magising ka! Para kang gago kanina pa, parang mababali na ang leeg mo sa kakatingin sa entrance eh. Sino ba kasing hinihintay mo rito?""Wala nga!" "Gago! Hindi ako bulag, ano? Sino nga?" pangungulit pa nito. Sa halip na patulan ang pangungulit nito ay tinalikuran ko na lang ito at pumasok na sa loob. Mukhang hindi na yata da
ZEUS POV "Where's my secretary?!"Papasok pa lang ako sa opisina ko nang makasalubong ko si Agnes, ang malapit na kaibigan ni Amber dito sa kumpanya ko."Good morning po, Sir Zeus," sa halip ay sagot nito."Where's my secretary? Did you see her?""H-Hindi pa po, Sir. Kanina ko pa po siya inaabangan sa entrance pero hindi pa po siya dumarating," sabi nito.Lalo namang uminit ang bungo ko dahil ang aga-aga tapos wala pa pala ang babaeng iyon. Kagabi pa ako gigil na gigil kay Amber pero mukhang balak ako nitong taguan."Tinawagan mo ba siya?" tanong ko.Umiling lang naman ito bilang sagot sa akin. "Are you sure?""Y-Yes po, tatawagan ko pa lang po sana kapag nasa opisina na ako," sagot ni Agnes sa akin.Mukhang natatakot na ito sa akin dahil talagang galit na galit na naman ako."Call her, now.""P-Po?""I said, call her now, Miss Agnes," sagot ko.Tila aligaga namang kinuha nito ang cell phone sa bag at nag-dial.Nakatatlong ring pa muna iyon bago may sumagot."Hello! Ambs, nasaan ka n
AMBER POV "MISS AGUSTIN, pinapasabi po ni Mr. San Diego na umuwi na raw po muna kayo."Nag-angat ako ng mukha mula sa pagkakayupyop ko sa mga tuhod ko. Kanina pa ako tumigil sa kakaiyak pero wala akong lakas para simulan ang trabaho ko.Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako at nasasaktan dahil wala man lang pakialam si Zeus kahit nalaman nito ang nangyari sa akin.Masakit para sa akin na wala na talaga itong pakialam sa akin. Matapos ko kasi itong palayuin sa akin kanina ay iniwan ako nito sa opisina na mag-isa at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik."Pinapauwi na po kayo ni Mr. San Diego. Nasa labas na po ang kotse na maghahatid sa inyo pauwi," anang babae."Hindi na po kailangan, kaya ko na pong umuwi na mag-isa," sagot ko. Dahan-dahan akong tumayo at saka kinuha ang bag ko.Inalalayan ako nitong makalabas ng opisina."Ayos lang po kayo, Ma'am?" may pag-aalalang tanong ng babae habang hawak ang siko ko."Medyo nanginginig lang po ang tuhod ko, pero ayos lang po ako, sala
AMBER POV DALAWANG araw akong hindi pumasok pagkatapos ng insidente na iyon. At walang kaalam-alam ang pamilya ko tungkol sa bagay na iyon at wala na akong balak pang sabihin. Mag-aalala lang sila at iyon ang iniiwasan kong mangyari. Baka bigla pa akong pauwiin ng mga magulang ko kapag nagkataon.Papasok pa lang ako sa ZSD Tower nang makita ko si Agnes. Kahit magkahiwalay na kami nito ng opisina ay nanatili ang friendship na nabuo sa pagitan namin.At alam ko rin na gusto na nitong magtanong tungkol sa ginagawang pagtrato sa akin ni Sir Zeus. Pero alam ko na naiintindihan nito kung bakit hindi ko pa rin magawang sabihin o ikuwento rito ang totoo.Hangga't maaari kasi ay gusto ko na lang na itago ang tunay na kaugnayan ko noon kay Zeus.Iniiwasan ko na lalo itong magalit kapag nalaman na sinabi ko sa iba ang nakaraan namin. At isa pa, nakaraan naman na iyon eh.Naglakad ako papalapit kay Agnes. "Hey, okay ka na?" ngiting bungad nito sa akin. Feeling sosyal na beneso ako nito. "Okay