Share

Chapter Five

VENIXE

Nagulat ako sa kamay na pumulupot sa baywang ko. Kasalukuyan akong lumalangoy. Halos madilim pa ang paligid dahil alas singko pa lang ng madaling araw. Maaga ako nagising dahil nagkukundisyon ako. Magkikita kami ni Cloud mamaya dahil aalis kasi si Angel papuntang bayan, kaya may pagkakataon akong umalis na hindi hahanapin ni Angel.

Mabilis akong umahon para tingnan kung sino ang taong iyon na bastos na basta na lang lumapit sa 'kin. Masyado akong nakafocus sa pag-iisip kaya hindi ko naramdaman ang presensiya niya.

"Damn you!" I cursed him when I realized, it's Alexander. Nakangisi itong lumapit pa lalo sa 'kin.

Hindi ko maintindihan kung bakit mabilis ang kabog ng dibdib ko sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Ni hindi nga ako kinakabahan tuwing may bago akong assignment sa Balzi. Napaatras ako ngunit nasa dulo na ako ng swimming pool. Hinapit niya ako sa baywang palapit sa kanyang katawan. Hindi ko alam kung bakit tila nanigas ang katawan ko sa ginawa niyang iyon. Malamig ang tubig pero nararamdaman ko ang mainit niyang katawan na tumama sa aking balat. Napasinghap ako at napahawak sa kanyang matipunong dibdib.

He smirked. Walang pasabi nang bumaba ang kanyang mukha at hinalikan ako sa labi! Sa gulat ko ay hindi agad ako nakahuma sa kanyang ginawa. Kinagat niya ang pang-ibabang labi ko para tuluyang makapasok ang dila niya sa labi ko. Pilit ko siyang tinutulak palayo sa akin ngunit mas malakas siya. Halos nakayakap na ang dalawang braso niya sa likuran ko para hindi ako makawala sa kanya.

"Mmmm..."

Hindi ko alam kung bakit tinutugon ko ang bawat halik niya. I moaned in between our kisses. Bigla siyang tumigil kaya napadilat ako. Pakiramdam ko nag-iinit ang magkabila kong pisngi sa kahihiyan. Pinagkanulo ako ng sarili kong katawan. Damn him!

"You're not interested, huh?" Sarcastic nitong saad bago ako binitawan.

Nag-init ang magkabila kong pisngi sa narinig. "Fuck you!" Mura ko sa kanya at tinulak siya palayo sa katawan ko.

Malakas siyang humalakhak sa ginawa ko. Nakakainis! Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Bastos! Wala ka bang magawa kaya ka nambibwisit ng ganito ka-aga?" Saad ko sa kanya just to save my pride.

"I'm just curious. I just want to know if you're not really interested in me." He grinned.

I just heaved a sigh. Napapailing na lang ako na lumangoy palayo sa kanya. Pero ang mokong na 'to, sumunod pa sa akin. Muli akong umahon at matalim siyang tiningnan.

"Pwede ba? 'Wag mo akong susundan. Malawak ang pool." I said in my irritating tone of voice.

And once again, he leaned closer to me. I loudly gasped when he held my waist once again. Bakit ba ganito ang epekto niya sa 'kin? Nakatingin siya sa labi ko. Hahalikan ba niya ulit ako?

"B-ita-wan mo ako!"

"I know you want me. You can't resist my charm, babe." A mischievous smile emerged from his lips. Unti-unti niyang binaba ang kanyang mukha sa mukha ko.

"W-hat a-re you doing?" I stammered.

Napapikit ako nang tumama na ang matangos niyang ilong sa ilong ko sa lapit ng mukha niya sa 'kin.

Imbes na halikan ako, isang pinong halik ang ginawad niya sa bandang tainga ko at binulungan ako. Pakiramdam ko, tumaas ang balahibo ko sa ginawa niya.

"Next time, hindi lang ito ang gagawin ko sa 'yo, babe." Bulong niya sa tainga  ko. Hindi ako makahinga sa lakas nang pintig ng puso ko.

Napapikit ako sa inis sa sarili ko. Bakit gano'n ang epekto niya sa 'kin? Naramdaman ko na lamang ang paglangoy niya palayo sa 'kin. Ngumiti pa ito sa 'kin pagka-ahon sa pool bago tuluyang lumakad palayo. Hindi na ako nakaalis sa pwesto ko.

"He is just a distractio." Isang seryosong boses ang biglang nagsalita sa bandang likuran ko.

Nilingon ko ito at nakita ko si Cloud na nakatayo at nakatingin sa akin, habang nasa pool ako. Nagsquat ito at tinukod ang isang tuhod sa semento habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa 'kin.

"What are you doing here?" Inis kong tanong dahil baka bumalik si Alexander at makita siya. Nilingon ko rin ang side ni Alexander kung nakalayo na ito nang tuluyan.

Ano naman kung bumalik si Alexander?

"Nag-aalala ka ba kung makikita niya ako?" Nakangising tanong nito. Sinundan niya rin ng tingin ang tinitingnan ko.

Humarap na ako sa kanya habang kampay-kampay ko ang kamay ko ang kamay ko tubig. "Mamaya pa tayo magkikita, Cloud. Paano ka nakapasok dito?"

He shrugged his shoulders at saka tumayo. Naglakad papuntang lounger chair at humiga roon at ginawang unan ang magkabilang braso.

Umahon na rin ako.

"Why? Wala na ba akong karapatan na makapasok sa ganitong lugar?" Tanong niya sa akin habang nakatitig sa katawan ko.

Kinuha ko ang tuwalya na nasa kabilang lounger chair at tinuyo ang buhok ko. Mayamya ay pinunasan ko naman ang basang katawan ko. Kinuha ko na rin ang roba ko at sinuot bago ako umupo paharap sa kanya.

"That's not what I mean, Cloud. Mamaya pa ang usapan natin. Baka makita ka rito nina Angel. I'm just worried. Hindi ka niya kilala."

Patagilid siyang humiga upang makaharap sa 'kin at nanatiling nakaunan ang isang braso niya sa kanyang ulo.

"Eh, di magpapakilala ako."

"Cloud..." It's a warning tone of my voice. I hate his idea. Kung nagbibiro lang siya ay hindi ko sasakyan.

"Relax... Masyadong kang seryoso. O baka naman nag-aalala ka sa lalaking kahalikan mo kanina, baka kung ano ang isipin sa 'tin, gano'n ba?" Nang-aasar niyang saad. Nakangiti rin siya.

Humiga ako at pinagmasdan ang nagsisimulang papaliwanag na kalangitan.

Tumayo na rin ito kaya nasundan ko siya ng tingin.

"Pinapaalala ko lang sa 'yo, Venixe. Hindi ka dapat magpapadistract sa plano natin. Pangalawa, kung gusto mong manatiling buhay ang taong 'yon, stay away from him. Alam mo ang mangyayari kung hahayaan mong mahulog ka sa lalaking iyon."

I sarcastically smiled. "Don't worry, hindi siya magiging sagabal sa mga plano ko. At lalong wala akong balak na maging kaibigan ang taong iyon. He's just flirting."

"Make sure,  or else... Pagsisihan mo ito." Makahulugang saad niya sa akin bago tuluyang lumayo sa kinaroroonan ko.

I heaved a sigh. Sigurado naman akong hanggang dito lang ang magiging koneksyon namin ng lalaking iyon. Baka nga, may asawa na ito o girlfriend na naiwan sa Maynila. Hindi ko siya magiging problema, panigurado ko sa sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status