Mabilis na naglakad si Liam patungo sa amin. Hinila niya ako palapit sa kaniya. Napalunok ako nang tiningnan niya ang pisngi ko.“Sino ang sumampal sa kaniya?” tanong ni Liam sa kanila. “Daddy!” Nabitawan ni Liam ang pisngi ko nang biglang yumakap sa mga binti niya ang anak ni Celine. Nasilayan ko ang ngiti sa labi ni Celine nang buhatin ni Liam ang bata. Wala namang problema sa akin kung iniisip ng bata na si Liam ang totoong ama niya. Hindi ko siya kailangang idamay kung ano man ang namamagitan sa amin ni Celine. Labas siya sa problema ng mga magulang niya. Nag-angat ako ng tingin kay Liam nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay namin. Bumaba ang mga paningin nila sa kamay namin ni Liam. Bakas sa mukha ng babae ang pagkagulat. Agad napalitan ng galit ang ekspresiyon sa mukha ni Celine.“Sino ang sumampal kay Francine?” tanong niya ulit. “Wait, wait. She’s Francine?” hindi makapaniwalang tanong ng babae. “Bakit magkahawak kamay kayo?”“She’s my fiancé, Vivian
Padabog na lumabas ng opisina sina Celine at Vivian. Nagtutulakan pa silang dalawa kung sino ang mauunang lumabas. Nakahinga ako ng maluwag nang tuloyan na silang nakaalis. Sinulyapan ko si Liam, nakapikit ang mga mata niya habang nakahawak ang isang kamay niya sa noo. Agad akong nag-iwas ng tingin nang nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “I thought si Celine lang ang babaeng baliw na baliw sa ‘yo,” panimula ko. Umupo ako sa couch. “Sino ang babaeng ‘yon?” “She’s Vivian Lacsamana. Magkapatid silang dalawa ni Vanessa sa ina,” sagot niya. Tumabi siya sa akin. Umusog ako palayo sa kaniya. “Are you mad?” Kinuha niya ang mga kamay ko. “I’m not mad. Lumayo ka nga sa akin. Ang init-init tapos dikit ka nang dikit sa akin!” bulyaw ko. He let out a heavy sighed. “Walang namamagitan sa amin. Hindi ko alam na pupunta pala siya ngayon pagkatapos ko siyang i-reject bilang investor ng kompanya.”“Ang lakas talaga ng karisma mo. Magkakapatid pa talaga ang nagkakagusto sa ‘yo.” I rolled my eyes
Madilim at tahimik ang buong paligid nang magising ako. Wala akong naririnig na kahit anong kaluskos. Iginalaw ko ang aking mga paa at kamay nang maalala ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay. "Max? Liam?" Luminga-linga ako sa buong paligid. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan nila habang naglalakad ako sa hall way. "Mommy, I'm here!" "Max!" sigaw ko. Tumakbo ako patungo sa kinaroroonan ng boses niya. Gusto kong umiyak sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. May nakita akong ilaw na nakabukas sa isang kwarto. Tumakbo ako patungo roon upang i-check kung nandoon ba ang anak ko. Nang hawakan ko ang doorknob, nakabukas ito. Pagpasok ko sa loob ng kwarto isa-isang bumukas ang mga ilaw ng buong paligid. Napaigtad ako nang biglang may yumakap sa likod ko. Para akong nakunan ng tinik sa dibdib nang makita ko sina Max at Liam. "Tumingin ka sa loob ng kwarto," nakangiting utos ni Liam sa akin. Binuhat niya si Max at ipinagsiklop ang mga kamay namin. "Nanay Belinda?" sambit ko
Lumapit ako sa kanilang dalawa. Nangingilid na rin ang mga luha ni Liam habang hinihintay ang sagot ko. "Kahit mag-propose pa siya ng ilang beses, papakasalan at papakasalan ko ang Daddy mo, Max," sagot ko. "Is that a yes, Mommy?" Max asked me. Tumango ako. "Yes, Max. I'll marry him." Tumayo si Max at lumapit sa akin. Siya mismo ang nagsuot ng singsing sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit bago ako lumapit kay Liam. "Gusto kong mag-propose na nandiyan ang mga pamilya at kaibigan natin. Gusto kong iparanas at iparamdam sa 'yo na hinding-hindi ka na mag-iisa," sabi ni Liam habang hinahawakan ang kamay ko. Dalawang engagement ring na ang naibigay niya sa akin. "Thank you for loving me kahit sobrang gulo ng mga nangyayari sa buhay natin. Maraming salamat dahil binalikan mo ako." "I love you," bulong ko bago siya hinalikan sa labi. Napangiti kaming dalawa nang naramdaman namin ang mahigpit na pagyakap ni Max sa mga binti namin. Ito na siguro ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko.
WELCOME BACK, HONEY! Isang malaking tarpaulin ang sumalubong sa akin pagdating ko sa airport. Abot tenga ang ngiti ng aking mag-ama habang tumatakbo si Max patungo sa akin habang naglalakad naman si Liam. May bitbit siyang bulaklak. "Mommy!" masayang sambit ni Max. Muntik na siyang masubsob sa sahig nang bigla siyang tumalon patungo sa akin. "I missed you!" "Namimiss din kita!" Hinalikan ko si Max sa noo. Mahigit tatlong buwan akong nanatili sa America. Hindi ko siya isinama dahil dito na siya nag-aaral sa Pilipinas. Mahirap ang mawalay sa kaniya ng matagal lalo na't nasanay ako na araw-araw ko siyang nakikita at nakakasama. Pero ngayon, hindi masyadong naging mahirap sa akin nang nasa America ako dahil araw-araw ko silang kausap pagkatapos ng mga ginagawa kong trabaho. Ayaw rin ni Liam na hindi niya ako nakikita. Natatakot siya na baka raw isang araw hindi na nila ako makontak. "How's your flight?" Ibinigay ni Liam sa akin ang bulaklak. "I miss you so much," bulong niya saka ako
Third Person's POV Nagmulat ng mata si Liam nang naramdaman niya ang malamig na kamay na humahaplos sa pisngi niya. Umigting ang panga niya nang nakita niya si Celine, nakasuot ito ng wedding gown. "Good evening, Scoth Liam Smith!" masayang bati ni Celine gamit ang malambing niyang boses. Sinubokang igalaw ni Liam ang kaniyang mga kamay at paa ngunit hindi niya ito maigalaw dahil naka-kadena ang mga ito. Luminga-linga siya sa paligid, hinahanap niya ang kaniyang mag-ina. "Nasaan ako? Nasaan ang mag-ina ko? Saan mo sila dinala?!" pasigaw na tanong ni Liam kay Celine. Pinasadahan niya ng tingin ang madilim at tahimik na paligid. "Bakit ko naman sasabihin sa 'yo?" sarkastikong tanong ni Celine. Umupo siya sa isang bakanteng silya para maka-level si Liam. Muli niyang hinawakan ang mukha nito ngunit mabilis na iniwas ni Liam ang mukha niya. "Ang taray. Ayaw magpahawak," nakangising komento ni Celine. Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan ito. "Pakawalan mo ako rito! Ilabas mo ang pa
Nang nakaalis na ang mga tauhan ni Celine, gumapang si Francine patungo kay Liam. Ginamit niya ang natitirang lakas sa katawan niya para makalapit. Nawalan siya ng malay matapos mahawakan ang kamay ni Liam. "F-Francine! Gumising ka!" sigaw ni Liam habang nagpupumiglas. Hindi siya basta-bastang makatakas dahil nakakadena ang mga kamay ay paa niya. Kailangan niya ng susi para matanggal ang mga kadena. "Huwag mo akong iwan. Lumaban ka. Mahal na mahal kita..." Nakaupo sa malaking mesa sina Angeline, Alexa, at Celine habang pinaplano kung papaano nila papatayin si Francine at ang anak nito. Nag-aaway silang tatlo dahil gusto ni Angeline na patayin pati si Liam pero tutol si Celine sa kagustohan ng ina. Pinaninindigan niya ang sinabi ni Liam na sasama ito sa kaniya. "Kung hindi natin papatayin si Liam, mapapahamak tayo, Celine!" Nagsalin ng wine si Alexa sa mga baso nila. "No, Alexa! Papatayin natin ang mag-ina. Hindi pwedeng idamay si Liam!" galit na singhal ni Celine pagkatapos niyang
Binuhosan ng gasolina ang mga katawan nina Francine, Liam, at Max bago sila iniwan ng mga tauhan ni Celine. Makalipas ang ilang minuto mula nang nakalabas na sa underground ang mga tauhan ni Celine ay nagkamalay si Francine. Napahawak siya sa dibdib niya habang umubo at hinahabol ang paghinga niya. Agad na umalalay ang anak nila para makatayo siya. "Are you okay, Mommy?" nag-aalalang tanong ng anak nila habang nagpupunas ito ng mga luha. "A-Ayos l-lang a-ko, Max," sagot niya at pilit na pinapakalma ang sarili. Tumayo siya at nilapitan si Liam. Nagdurugo na ang mga paa at kamay nito. "H-Honey..." sambit ni Liam. Namumutla na ang labi niya dahil sa pagod, uhaw, at gutom. Napatingin silang lahat sa paligid nang may naamoy silang nasusunog. Nanlaki ang mga mata ni Francine nang nakita ang isang tauhan na may hawak na lighter. May sinusunog itong papel sa malaking lata. Nakangisi itong nakatingin sa kanila. "Naiinip na ako. Gusto ko ng sunogin ang buong lugar!" nakangising sabi ng lal