Share

Kabanata IV

“Anak kamusta kana?” Napahinto ako sa pagkain ng magtanong si Mommy, kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

Ang daming naganap sa buhay ko, inakala kong pababayaan na ako ng Panginoon ngunit nagbigay parin ito ng awa sa akin. Matapos kong umalis sa amin ay ilang araw akong nagpalaboy laboy sa kalye. Nagawa kong mamalimos upang may makain.

Sinubukan kong lumapit kay Theo noong una ngunit paulit-ulit niya akong tinataboy kasama ng masasakit na salitang binabato niya sa akin. Alam kong galit siya ngunit hindi ko matanggap na kaya niya akong husgahan ng ganon, ang akala ko mahal niya ako ngunit tila mali ang lahat ng akala ko. Gaya ng inakala kong pagmamahal sa akin ng nakagisnan kong ama.

Halos tatlong linggo na ang nakakalipas simula ng iwan ako ng lahat. Laking pasasalamat ko ng hinanap ako ni Anie at pansamantalang pinatuloy sa bahay nila. Isang araw ay binalita nito na gusto akong makausap ng Mommy ko kayat pasikreto kaming nagkita.

“Mom, hindi mo ba ko tunay na anak? Ampon lang po ba talaga ako?”  Sa halip na sumagot ay mahigpit na hinawakan ni Mommy ang kamay ko, pumatak ang mga luha niya na sinundan naman ng akin.

“Patawarin mo ako anak, hindi ko gustong sabihin iyon. Iyon lang ang paraan para mailigtas kita. Anak, ako ang mommy mo, sa akin ka nang galing,” Nakangiti akong humagulgol sa harap ni Mommy, masaya ako dahil kahit paano ay may totoo sa mga kinagisnan ko noon. Mawala na ang lahat sa akin, wag lang ang Mommy ko.

“Ako lang ang paniwalaan mo anak, napilitan lang akong sabihin iyon dahil iyon ang gusto ni Greg,”

“Salamat po, sapat na sa akin na malamang ikaw talaga ang Mommy ko,” Niyakap ako ni Mommy, bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Sa kabila ng pinagdadaanan ko, ang yakap ng isang Ina ang higit kong kailangan ngayon.

“Sige na anak kumain kanang mabuti, bilisan mo lamang dahil madami akong sasabihin sayo,” Kapansin pansin ang magkabalisa ni Mommy, kanina pa ito hindi mapakali at panay ang tingin sa paligid na tila may binabantayan.

Habang kumakain ay bigla akong nakaramdam ng pagbaliktad ng sikmura ko, naisuka ko lahat ng kinain ko. Sumasakit na naman ang ulo ko, at nanghihina na naman ako. Ilang araw ko na itong nararamdaman, pakiramdam ko ay may sakit ako.

“Anak, buntis kaba?” gulat akong napatingin sa Mommy ko, inakala kong nagbibiro ito ngunit seryoso ang muka niya.

“Baka nabigla lang ako sa pagkain Mommy, ngayon na lang kase ako nakakain ng masarap,” Pinilit kong ngumiti upang wag na mag alala ang Mommy ko ngunit pag-aalala ang nakita ko sa muka niya.

“Anak, wala na tayong oras kayat makinig kang mabuti. Malaki ang galit ni Greg sayo dahil sa iskandalong kinasasangkutan mo, kayat hindi ka niya maaaring makita. Sinusulsulan pa siya ni Sarah kayat nanganganib ang buhay nyo,”

“Buhay po namin?” nagtatakang tanong ko ngunit sa halip na sagutin ay binigay ni Mommy sa akin ang isang bag na itim at isang envelop.

“Ara, nasa envelop na iyan  ang address at picture ng pinsan ko. Magtungo ka sa kanila ngayon din, baguhin mo ang pangalan mo, itago mo ang pagkatao mo. Lumayo kana muna anak, sa ngayon ay hindi pa kita kayang protektahan, kayat kinakailangan mong magpakatatag, ingatan mong mabuti ang sarili mo. May ilang damit sa bag, may kaunting pera din at mga alahas na maaari mong magamit panimula. Pasensya kana anak iyan lang ang nakuha ko, pero pinapangako ko sayo mababawe natin ang lahat ng para sa atin,”

“Mommy ano ba yang sinasabi mo? Bakit hindi ka nalang sumama sa akin, tumakas tayong dalawa,” Nakaramdam na ako ng takot dahil sa mga sinasabi ni Mommy, panay narin ang iyak nito kayat hndi ko na napigil ang sarili ko.

“May kailangan pa akong asikasuhin, kung aalis ako sa puder ni Greg hindi ko mababawe ang kinuha niya sa atin. Hindi ito ang tamang oras para ipaliwanag ko ang lahat. Ara tandaan mo ito, masamang tao si Greg, lahat ng pinakita niya sayo ay hindi totoo. Patawad anak inakala ko na totoo ka niyang minahal bilang anak,”

Paulit ulit na hinaplos ni Mommy ang muka ko, tila kinakabisado ito. Niyakap ko siya ng mahigpit, pakiramdam ko ay iyon na ang huling mayayakap ko siya.

“Anak, mangako kang magpapakatatag ka, kahit anong mangyare ay lumaban ka. Kaya mo iyan dahil noon pa man matapang kana, hindi ka basta sumusuko sa kahit anong hirap. Anak ingatan mo ang sarili mo, ingatan  mo lalo na ang magiging anak mo,”

“Mommy, hindi po ako buntis,” Ngumiti si Mommy sa akin, kay ganda ng ngiti niya ngunit naroon ang sakit.

“Anak, kapag naging babae ang anak mo, Elise ang ipangalan mo, Kael naman kapag lalaki,” tango na lamang ang naisagot ko dahil hindi ko na magawang tumahan sa pag-iyak.

“Sige na umalis kana, baka nahanap na ako ng mga tauhan ni Greg. Ara kalimutan mo na si Theo, hindi siya ang lalaking para sayo. Sige anak, umalis kana,”

“Mom,”

“Bilisan mo na Ara, baka abutan ka pa nila,” natatakot niyang sambit.

Napilitan akong humakbang ng pilit akong pinagtulakan ni Mommy. Masakit man ay pinili kong sundin ang utos niya, alam kong makakabuti sa akin kung susunod ako sa nais niya. Agad akong nagtungo sa sakayan ng bus matapos tingnan ang address ng probinsyang sinasabi ni Mommy.

Habang nakasakay sa bus ay hindi ko maiwasang maiyak, matapos makita ang ilang alahas ng mommy ko at pati na ang pera. Hindi ko alam kung ano ang mangyayare sa kanya sa oras na makalayo ako pero tunay ngang gagawin ng Ina ang lahat para sa kanyang anak.

Mabilis kong pinahid ang luha ko matapos makita sa TV ang balita, kilalang kilala ko ang muka ng dalawang taong kinakasal ngayon. Naikuyom ko ang mga kamay ko dahil sa labis na galit. Ang kapal ng muka nila na magpakasal pagkatapos ng ginawa sa akin ni Sarah.

“Theo and Sarah, pagbabayaran nyo ang ginawa nyo sa akin. Darating ang araw na hindi niyo na ako pwedeng saktan, lalo na ang anak ko,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status