Share

15

Umalis na kami ni Diego sa hospital, naiwan sina Mom at dalawa kong kapatid dahil wala rin namang klase ang dalawa kaya pinaiwan ko muna sila para tulongan si Nanay. Hindi alam kung kailan magigising ang ama ko pero sana umabot siya sa kasal ko. Nag-uusap sina Diego kanina at si mom tungkol sa kasal kung kailan pero wala pa kaming plano ni Diego.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse, wala rin naman akong sasabihin. “I have something to do at night.” Bumaling ako sa kanya nang magsalita siya. Bakit siya nagpapaalam.

“Okay,” I simply replied. I heard him sigh.

“When I came back, we will talk about the marriage.” Anong sasabihin ko? Bakit ba wala akong masabi ngayon? Tama ba talaga ang gagawin ko? Kaso kung aatras ako baka magtaka ang pamilya ko. “We’re here,” he added as we arrived in the house.

“Mag-ingat ka sa biyahe. Pupuntahan ko sina mom mamaya, okay lang ba na magluto dito sa bahay para sa kanila?” Nahihiya kong tanong. Baka kasi bawal ako gumalaw ng mga gamit niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status