Share

Fate 3

Nagngingitngit ang kalooban ni Rome matapos makausap ang Administrator ng bahay-ampunan na pinuntahan niya ng gabing iyon. Kaagad niyang idinayal ang numero ng asawa habang pababa sa hagdanan.

"Tell them to find her, now!" nagpipigil sa galit na utos ni Rome sa asawa.

He went there to look for someone. Isang mahalagang tao na dapat ay kinakausap niya na ngayon. Ngunit nagulat na lamang siya nang malaman nga mula sa Administrator ng nasabing ampunan na mayroon umanong umampon sa batang iniwan nila roon. Halos murahin niya kanina ang kausap kung wala lang siyang iniingatang reputasyon. Malinaw kasi nilang sinabi noon sa ampunan na doon hahayaang lumaki ang sanggol na iniwan nila. Kaya naman laking galit niya nang malamang namatay na umano ang sinasabing nakausap niya at hindi naman naibilin ang tungkol doon kaya hindi rin alam ng mga ito kung sino na sa mga naipaampon ang hinahanap nila.

"Let's go home," ani Rome sa kaniyang driver pagkasakay niya sa sasakyan. Madilim na madilim na rin noon ang kalangitan lalo na at may paparating na bagyo.

Habang nasa loob ay sinusubukan niyang kalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pagpapaputok ng kaniyang mga dali. Mayamaya ay tumunog ang kaniyang cellphone.

"What?" kaagad niyang tanong sa asawa.

"They can't find her scent..." pagbuntonghininga ni Desa sa kabilang linya.

Naibato ni Rome ang cellphone sa windshield ng kotse na bahagyang ikinagulat ng driver.

"Make it fast," may panlilisik ang mga matang wika ni Rome sa driver.

"Traffic-"

"Itabi mo," tila lalong umiinit ang ulo ni Rome sa mga nangyayari.

Kaagad namang sumunod ang driver kahit pa nga nasa kahabaan pa sila ng kalsada. Sunod-sunod na pagbusina ang maririnig sa likuran nila dahil hindi nga tama ang tumabi sa tinatahak nilang kalsada.

Mabilis na bumaba si Rome at naglakad papunta sa kadiliman sa gilid ng kalsadang iyon. Doon naman na kaagad na pinaandar muli ng driver ang sasakyan.

Mula naman sa kadiliman ay unti-unting nagbago ang anyo ni Rome sa isang kulay itim na lobo. Tanging ang puting mga mata nito ang makikita sa kadilimang iyon habang tumatakbo siya. Kailangan niya ng makauwi kaagad at makausap ang asawa at kaniyang nasasakupan tungkol sa taong hinahanap niya sa ampunan.

Ilang sandali lang nga ng pagtakbo ni Rome at nakarating na ito sa kanilang mansiyon o tahanan.

"Rome," salubong naman kaagad dito ni Desa.

Mabilis muling bumalik sa dating anyo si Rome at nang maging tao na itong muli ay kaagad na may dalawang babaeng lumapit dito at inabutan siya ng kulay itim na balabal o bathrobe.

"Why can't they find her scent?" lukot ang mukhang ani Rome nang maayos na nito ang sarili.

Nilingon ni Desa ang ilan nilang kasamahan na naroon. Iyon ang mga inutusan niyang maghanap sa sanggol na dinala nila noon sa ampunan.

"I don't know... Siguro dahil hindi pa tuluyang lumalabas ang lakas niya," sagot naman ni Desa.

"She'll turn eighteen this month, Desa... You should know that," hindi nagbabago ang reaksiyong sagot ni Rome.

"Can we just find her instead of arguing? Walang mangyayari kung pagtatalunan lang natin ito. Ipahanap lang natin lahat ng batang inampon mula nang mamatay iyong walang kuwentang pinagbilinan natin," malakas na sabi ni Desa.

"Kung sinunod mo lang sana ang sinabi ko sa 'yo noon na pabantayan na lamang siya sa bahay-ampunan, wala na sanang problema," asik ni Rome.

"Is it my fault?" Nanlalaki ang mga matang sambit ni Desa. "Nag-iingat lang naman ako noon. Kapag pinabantayan pa natin, maraming magtataka. Baka makarating pa sa kalaban at mapaghinalaan pa tayo, 'di ba?" Pagtatanggol nito sa sarili.

"Just find her!" huling turan ni Rome bago ito tuluyang iwan doon si Desa.

BAHAGYANG tiningala ni Desa ang pangalan ng building bago nito tuluyang dalhin ang kotse sa parking lot.

Rome Bank. Iyon ang pangalan ng building at pag-aari nila iyon. They're one of the top corporations in the Philippines. Isa iyon sa mga nakuha nilang tagumpay mula nang baguhin ni Rome ang nakasulat sa libro ng tadhana.

"Good morning, Mrs. Thompson," bati ng lahat ng makasalubong ni Desa at simpleng ngiti lang ang itinutugon niya sa mga ito.

Dumeretso siya sa kaniyang pribadong opisina at saka pinapunta roon ang isa sa mga nagtatrabaho roon na kagaya rin nilang lobo.

"Are you sure about this?" pag-angat ng tingin ni Desa sa kapapasok na lalaki habang pinapasadahan niya ng tingin ang ilang papel na nasa kaniyang mesa.

"Yes, Luna Desa... Natagpuan na lamang daw na patay ang mga magulang sa bahay nila at nawawala na ang kanilang anak," sagot naman ng lalaki.

Nasa kaniyang sariling opisina noon si Desa habang kausap ang lalaki. Natatandaan pa nga nito ang balitang iyon. Ganoon naman kasi ang mga krimen, puro patayan at hindi nahuhuli ang mga salarin. Minsan ay dahil sa pera o di kaya naman ay sa droga.

"Sigurado ka bang hindi lang ito isa sa mga patayang nangyayari rito?" tanong niya sa kausap.

"Hindi po. Ang anak nilang nawawala ay isa sa mga batang inampon noon sa ampunang pinagdalhan kay Niah," sagot ng lalaki.

"Did you check the year?" paniniyak ni Desa. "Alam mong hindi tayo maaaring magkamali sa mga galaw natin ngayon, Doro."

Tumango ang lalaking tinawag na Doro. "Isang taon pa lamang noon si Niah nang mamatay ang pinagbilinan ninyo sa kaniya sa bahay-ampunan kaya rin siguro hindi na naipasa ang ibinilin niyong huwag ipapaampon si Niah. Makalipas pa ang isang taon, dumating ang mag-asawang iyan at naghanap ng maampon na sanggol pa o kung sinumang pinakabata noon sa ampunan. Ayon sa kalkulasyon ko, si Niah ang maaaring pinakabata noon dahil magdadalawang taon pa lamang siya sa taong iyon," mahabang paliwanag nito.

"Sigurado kang siya lang ang pinakabata noon?" paniniyak muli ni Desa.

Muling tumango si Doro.

"Kung ganoon ay magsimula ka ng hanapin ang nawawalang anak ng mag-asawang ito upang masiguro na natin kung siya ba si Niah. Gamitin mo ang mga koneksiyon natin upang makuha ang mga impormasyon sa mga pulis," utos na ni Desa.

"Ipapakalat ko ba ulit ang mukha ng inampon ng mag-asawang iyan at palalagyan ng malaking pabuya upang mas mabilis siyang mahanap?" tanong ni Doro.

"No, huwag muna..." sumandal si Desa sa swivel chair nito. "Nais ko munang matiyak kung si Niah ba talaga ang batang inampon nila noon," aniya habang tinititigan ang larawan ng sinasabing ampon ng mag-asawang pinatay. Walang iba kundi ang larawan ni Shanella.

TAHIMIK lang na naglalakad si Shanella kasama si Kai. Mula nang sabihin niya nga kay Gara na tinatanggap niya na ang sinasabing kapalaran niya ay palagi na silang pinagsasama ni Kai sa kahit ba anong bagay.

"Tell me you're bored without telling me you're bored," malamig ang boses na untag ni Kai.

Napaikot naman ang mga mata ni Shanella. Natatandaan niyang madalas niyang marinig iyon sa kaklase niyang bruhilda sa tuwing lilitaw na siya sa pintuan.

"Mahirap kapag hindi mo talaga gusto ang ginagawa mo. Lalo na kung ang kapalaran ang pinag-uusapan," wika muli ni Kai habang patuloy sila sa paglalakad.

Nakaramdam naman ng lungkot siya ng lungkot sa sinabing iyon ni Kai.

"Why do you have to talk about it?" baling niya kay Kai.

"Dahil wala naman tayong ibang mapag-uusapan. You're not even opening your mouth since my mother told me you've accepted your fate," mabilis na sagot ni Kai.

Napahinto sa paglalakad si Shanella at tumitig sa mga antuking mata ni Kai.

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Na excited na akong dumating ang araw na ikasal tayo at magsiping na pagkatapos? Na excited akong ibigay na ang virginity ko sa taong hindi ko naman talaga kilala at hindi ko naman mahal?" walang prenong saad niya kay Kai.

Hindi naman kinakitaan ng sindak si Kai sa pagkatabil ng dila ni Shanella. Sa halip ay sinakyan nito ang babae.

"Oo, pwede naman," sagot ni Kai na ikinalaki ng mga mata ni Shanella.

"Y-you..." tila nahuli si Shanella ng sarili niyang bitag.

"Pwede naman nating pag-usapan kung ano ang una kong tatanggalin. Kung iyang pang-taas mo ba, o iyang pambaba mo ba, o kung iyang sapatos mo muna," ngisi pa ni Kai.

Bigla naman napatingin si Shanella sa suot niyang sapatos. "May problema ka ba sa sapatos ko?" asik niya rito. Tila ba mas inintindi niya pa iyon kaysa sa mga mas maselang sinabi ni Kai.

"Oo. Palagi ka kasing nakasapatos kahit nandito ka lang," sagot ni Kai at tinalikuran na si Shanella upang ipagpatuloy ang paglalakad.

Mabilis namang humabol si Shanella at saka ito tumikhim. "Pwede bang magtanong?"

"Okay lang ba sa 'yo kahit anong maging sagot ko?" pilyo namang balik-tanong ni Kai.

Bigla naman siyang namula sa sagot na iyon ng lalaki.

"Bakit kailangan mong mamula? Ano bang iniisip mo?" patay-malisyang tanong pa ni Kai.

Tila naman mas nag-init at namula pa lalo si Shanella sa mga sinabi ni Kai.

"Magtatanong ka ba o hindi?" kunot-noong untag ni Kai sa hindi na pagsasalita ni Shanella.

"W-where a-are w-we..." sinubukan niya na huwag mautal ngunit hindi niya naman nagawa.

"Sa tinitirhan namin," seryoso namang sagot ni Kai.

"What?" may inis niyang reaksiyon.

"Ang cute mo. You can change your mood easily. From being rude to nice, and from nice to rude again," komento ni Kai.

"At ako pa talaga ang rude rito?" hindi makapaniwalang itinuro pa ni Shanella ang sarili.

"Of course I'm pertaining to you. May iba pa ba tayong kasama rito?" kunwari nga ay nagpalinga-linga pa si Kai.

"Ewan ko sa 'yo!" nagmamartsang naglakad pabalik si Shanella. Tutal naman ay parang walang katapusan ang nilalakaran nila. Carpet grass lang kasi ang nilalakaran nila kaya walang problema pero ang kasama niyang naglalakad ang problema niya. Ang bilis magpa-highblood!

"Nasa malapit lang tayo sa pinagsunduan namin sa 'yo. Gusto mo bang dalawin ang puntod ng mga magulang mo?"

Natigil sa pagmartsa si Shanella at kaagad na napalingon kay Kai.

"I'm sorry about what happened to them..." mahinang sambit ni Kai.

Pinigil ni Shanella ang mapaluha. "No. Hindi ko sila kailangang dalawin. Hindi ko sila tunay na mga magulang, 'di ba?" anito at tumalikod ng muli.

"Then can you come with me? I want to visit them," saad ni Kai na ikinahinto muli ni Shanella.

"What are you talking about?" nangungunot ang noong tanong niya kay Kai.

"I just want to thank them for taking care of you. Kahit sa malayo ka lang tutal ay considered missing ka pa rin at baka may makakilala sa 'yo. Gusto ko lang may kasamang papunta roon," sagot ni Kai.

Napatitig siya nang matagal kay Kai. Hindi niya mabasa ang nasa isipan ng lalaki ngunit may nakikita siyang sinseridad sa mga mata nito.

"Sige..." pagpayag na lamang niya. Tutal ay gusto niya rin naman talagang madalaw ang puntod ng mga magulang kahit isang beses lang. Hindi niya alam kung mapipigilan niya ang emosyon lalo pa at ang kasama niya ay anak ng taong pumatay sa kinilala niyang mga magulang...

NAKATITIG lang si Shanella sa pagbabagong anyo ni Kai. Kita at dinig niya kung paano mapunit ang kasuotan ng lalaki habang unti-unti itong nagiging kulay puting lobo. His tail wiggled a little. She saw his eyes turned red but she finds it beautiful. Kai's werewolf appearance is very handsome.

"Sasakay ka ba o bahala ka ng humabol sa akin?"

Napabalik sa huwisiyo si Shanella nang marinig ang boses ni Kai. Malamig pa rin iyon ngunit mas malalim dahil siguro sa nasa anyong lobo ito.

"S-sasakay?" gulat niyang tanong.

"Anong gusto mo? Lakarin na lang natin papunta roon?" kahit na nasa anyong lobo ay hindi nabago ang paraan ng pagsagot ni Kai.

"Wala ka bang sasakyan?" napahalukipkip na tugon niya sa lalaki.

"They'll see us," maikling tugon naman ni Kai.

"Hindi nila alam itong gagawin natin?!" Bulalas niya sa narinig.

"Sumakay ka na lang, pwede?"

Umirap lang si Shanella.

"Sasakay ka ba o sisipain na lang kita para mauna ka na roon?"

Muling nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ni Kai.

"Hindi ba ako pwedeng mag-transform na lang din?!" pagalit niyang sabi.

"Clearly, no. Not until you turn eighteen," sagot ng lobong si Kai.

"Baka may ibang paraan para magtransform ako," pagpupumilit niya naman kay Kai.

"Pwede naman. Subukan mong punitin iyang suot mong damit hanggang sa wala ng matira. Ganoon kasi kapag nagtatransform," sagot ni Kai na naghikab pa at bahagyang ibinagsak ang malaking katawang lobo na akala mo'y inaantok talaga.

Napaawang ang mga labi niya sa narinig. Bakit nga ba nakalimutan niya kung gaano kapilyo at kaarogante ang Kai na magiging ama ng mga anak niya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status