“Si Yael ba? Hindi kakain?” tanong ko kay Isles nang matanaw ko si Yael nang patungo na kami sa restaurant ng hotel para makapag-dinner. Nakapagbihis na rin ako. I wore a simple dress that falls under my knees. “Hmm?” Tiningnan ni Isles ang tinitingnan ko, si Yael sa lobby at nagbabasa ng magazine. Yael is probably younger than him. Tingin ko nga kaedad ko lang iyon o mas matanda lang ng isa o dalawang taon sa ‘kin. Kaedad ni Isles si Kuya Cielo. He’s six years older than me. “Sinabihan ko na. Kumain na raw.” Tumango na lamang ako. Nang makarating sa pandalawahang mesa ay pinaghatak niya ako ng upuan. Naupo si Isles sa tapat ko. “Good evening, sir,” ngiting-ngiti na bati ng waitress habang hinihintay na mapunta sa kaniya ang atensyon ni Isles. Umangat ang kilay ko ngunit hindi nagsalita. Kinuha ko ang menu. Isles picked it up too, at nagsimulang basahin ang pwedeng i-order. Imbes na gawin din iyon ay napunta sa kaniya tingin ko. I looked at him as if he’s the food I’m going to o
“Good morning, Miss Sandoval,” bati ni Yael nang makita ako.Patungo na ako sa restaurant ng hotel. Kakain muna ako ng umagahan bago umuwi. I have a class in a few hours at nakibalita na rin ako kina Esekia ng ilang tungkol sa mga na-miss ko sa klase.“Good morning,” sagot ko.Sumunod agad si Yael na ilang hakbang mula sa likod ko. Maaga pa ngunit ayos na ayos na ito agad. He’s too formal and he acts like a real bodyguard.But I’m sure... there must be something about Yael. Sigurado akong hindi siya basta lamang bodyguard ni Isles. He must be a part of that brotherhood. Baka siya na ang sagot sa lahat ng tanong ko tungkol kay Isles. Dahil kahit na sinong tanungin ko ay walang alam tungkol sa kaniya.“Anong oras umalis si Isles?” pagtatanong ko kay Yael.“Hindi pa sumisikat ang araw, Miss Sandoval,” sagot niya. Napatingin ako sa aking wrist watch. Lagpas alas-sais na ngayon. Napabuntonghininga ako. Maaga pala talagang umalis si Isles.Naupo na ako sa isang mesa at nagsimulang um-order
Hindi ko na hinintay pa si Isles. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ay nauna na akong bumaba sa kaniya at halos magmartsa sa bermuda grass ng kaniyang bahay.Papalubog pa lang ang araw ngunit halos hindi ko mapansin ang ganda nito dahil sa iritasyon. He was talking to me inside his car, pero halos hindi ko siya kausapin at hindi ako lumipat sa passenger seat.Bakit kasi ayaw niyang sumunod sa ‘kin? Kung sumunod lang siya ay hindi siya maaabutan ni Esekia sa labas at hindi siya mabibigyan ng invitation card! Siguradong mag-e-expect na iyon na pupunta siya sa party!Naramdaman ko ang kaniyang pagsunod sa ‘kin matapos mai-park ang kotse, ngunit tuloy-tuloy akong pumasok sa entrada ng bahay.“Nathalia,” tawag ni Isles nang makapasok kami.“What? I’m tired,” giit ko sa kaniya at hindi siya nilingon. Pumanhik na ako agad sa mataas na hagdan para makapasok na sa kwarto ko. Dala-dala ko pa ang school bag ko!“Mag-usap muna tayo,” mahinahong sabi niya.“Can’t we do that tomorrow? Marami pa
“Isles...”“Hmm?” pilyo niyang tanong.Halos mapatili ako nang buhatin niya ako at ipinatong sa malapit na counter. Binuhat niya ako nang walang kahirap-hirap at dahil matangkad ay niyuko niya pa rin ang labi ko kahit nasa ibabaw na ako ng counter.“Binasura mo na talaga ang kontrata natin, you assh*le,” bulong ko habang nalulunod din sa mga halik niya.Hindi iyon sinagot ni Isles. Mahinang tawa lamang na tila nakakalokong bagay lang ang sinabi ko.“Sinabi ko na sa iyo, Miss Nathalia, your contract is no good for us,” pabulong niyang sinabi. “I don’t like everything that’s written on it in the first place.”I don’t... either.Tama nga siguro siya na dapat hindi ko na lang iyon ginawa tutal naramdaman ko rin namang wala sa mga iyon ang masusunod, but hey! At least I tried! I tried so hard!Kung hindi ko iyon ginawa, baka unang gabi na nasa iisang bubong kami ay may nangyari na ulit sa ‘min! But... I tried... to resist him. At least.“Huwag kang magpapaligaw sa kahit sinong kaklase mo..
I took a shower and came out ready for dinner. Patungo pa lang ako sa sala ay naririnig ko na si Alfred na nagtatanong na naman kay Isles kung okay lang ito.At bakit narito pa ito? Hindi ba dapat umuwi na?“Sure po kayo, Sir Isles? Talagang ayos lang ho kayo?” dinig kong tanong ni Alfred habang tila sinisigurado ang kalagayan nito.“Yeah,” tanging sagot ni Isles. Nang makarating ako roon ay nakita kong nakahain na nga ang mga pagkain. Isles is reading something habang tanong nang tanong sa kaniya si Alfred.Nang maagaw ko ang atensyon ni Isles sa pagdating ko sa kusina ay dahan-dahan niyang sinara na ang kaniyang binabasang libro, para bang hinihintay lang ako para makapag-dinner nang sabay.He’s already wearing his lounge clothes. Pinasadahan ko siya ng tingin habang papalapit ako at bago maghatak ng upuan pero wala namang kakaiba kay Isles. Ano bang problema nito ni Alfred?“Mauuna na po ako, Ma’am Nathalia, Sir Isles,” paalam ni Alfred nang dumating na ako, mukhang hinihintay niya
“Sino ba ang nagka-allergy noong nakaraan? Ikaw ba? Patingin nga!” tanong ni Mauve nang magkita kami sa campus para sabay na mag-lunch at napag-usapan ang tungkol sa itinanong ko sa kaniya.“Well, I’m fine. Nagka-allergy lang iyong, uhm... driver ko,” sabi ko kay Mauve nang akma niyang titingnan ang braso at leeg ko habang si Jade ay kumakain nang prente habang nangingisi lamang.“Driver mo? Kuya Bobs?” curious na tanong ni Mauve. I sighed and side-eyed Jade who just raised her brow.“Y-Yeah. Kuya Bobs! I tried to cook adobo with laurel. Hindi ko maubos kaya ko siya binigyan. Turns out he’s allergic to it!” pagsisinungaling ko sabay tawa na lamang.“Hindi mo sure...” Jade teased. Halos patayin ko siya sa sama ng tingin. Nalaman niya ang tungkol kay Isles all because of the allergy incident! Dahil kaibigan pala ng crush niyang si Eros Costalejo si Isles!I didn’t know about that. Bukod pa roon ay walang masiyadong link sa kanilang dalawa. They’re both in a different circle of friends.
Sa halip na dumiretso sa baba para sa sinabi kong dinner ay nagtungo na ako sa aking kwarto.Binuksan ko ang closet at naghanap ng night robe na pamalit pagtapos maligo, but then I saw my white satin night dress. Mahaba iyon at medyo hapit sa katawan, hanggang tuhod ko. Iyon na ang kinuha ko bago ako dumiretso sa shower.Nagtagal ako nang kaunti sa loob habang nag-iisip. I applied my favorite body scent after all my bath rituals. Pagtapos ay hinarap ko ang sarili sa salamin.Hinayaan kong nakaladlad ang aking buhok habang pinupunasan ko iyon ng towel, nang mapagtanto na sa loob ng suot kong roba ay wala pa pala akong underwear at wala akong nadala rito sa loob! Napasapo ako sa aking noo bago tinali nang maayos ang robe.Hindi ko na muna pinatay ang shower at hinayaan ang tubig na umagos. I went outside my bathroom. Pagbukas ko pa lamang sa pinto ay natigilan ako nang makita si Isles na nasa loob na ng aking kwarto.I wasn’t expecting his presence, kaya naman napasinghap ako noong bumu
Nakatulog ako sa kaniyang braso. Paminsan-minsan ay naaalimpungatan ngunit kada angat ko ng tingin ay nasa tabi ko pa rin si Isles, mahimbing na natutulog.This isn’t the first time he slept on my bed, pero namamangha pa rin ako kapag nangyayari ‘yon. Kapag tinatabihan niya ako at hindi siya umaalis sa kwarto ko para bumalik sa kwarto niya kahit tulog na ako.I got tired from everything we did that I fell asleep quickly.Sa gitna ng pagpapahinga ay naalimpungatan ako. Nag-angat ako ng tingin kay Isles na nasa tabi ko pa rin. I can’t help but stare at every details of his face. His chiseled jaw looked like it could cut through my skin. Para siyang anghel na natutulog at hindi kayang gawin ang mga ginawa niya... just a few hours ago.Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha noong maalala ang nangyari!Inangat ko ang aking palad. I am so tempted to caress Isles’ face while he’s sleeping! Pinigilan ko lamang ang sarili ko dahil ayaw ko siyang gambalain sa pagtulog.Dahan-dahan kong binawi an