Share

Chapter 12

Napatingin ako sa loob ng kotse para hanapin si Wesley pero mukhang wala naman siya sa loob kaya naman iginala ko ang paningin ko sa buong paligid dahil nagbabakasakali akong nandito lang siya. Hindi naman niya ako ite-text kung wala siya rito.

Muli akong napatingin sa text message niya.

Pinapasakay niya ako sa kotseng 'to? Ibig ba niyang sabihin mag papanggap ako na kotse ko 'to?

Napatingin ako kay Manong driver na kanina pa ako hinihintay na sumakay. Lumabas na rin siya para pag buksan ako kaya naman napatingin ako kay Zaiden.

Ayoko sanang gawin 'to pero wala na kasi akong maisip na dahilan.

"Uhm. Kailangan ko na mauna, nandito na kasi ang sundo ko." pagsisinungaling ko.

Tiningnan ni Zaiden 'yong driver ng maigi. Kinabahan ako dahil baka kilala pala niya 'tong driver ni Wesley at baka mabisto pa niya ako.

Muli siyang napatingin sakin at nawala 'yong kaba ko no'ng ngumiti siya.

"Okay sige. Mag ingat ka." sabi niya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status