Share

CHAPTER 6: RED LINES

SOMETIMES you have to accept the reality that there were certain things that would never return to how they used to be. Napasinghap ako habang hindi ako makapaniwalang nakatingin sa dalawang pulang mga linya sa tatlong pregnancy test kits na nakapatong sa toilet cover.

Hindi ako makapaniwalang mangyayari ito sa akin. Pilit kong kinalilimutan ang pangyayaring iyon pero parang hinahabol ako nito.  

‘Positive. . . Buntis ako. . .’

Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib habang nanginginig sa takot at kaba. Hindi ko rin napigilang lumuha. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. 

‘Hindi pa ako handa maging isang ina. Wala rin sa aking plano ang magkaro’n ng anak. Ngunit bakit ganito ang nangyari sa akin?’

Napasabunot ako sa aking buhok sa inis. Napakatanga ko, ni-hindi ko man lang napansin na walang suot na condom si Don Apollo at hinayaan ko siyang pasukan ako ng semilya.

Bigla kong naalala ang galit at pandidiri ng asawa ni Don Apollo sa akin. Pinagbantaan niya akong papatayin niya ako noon at paniguradong mas magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang nabuntis ako ng kaniyang asawa na si Don Apollo. 

Nakaramdam naman ako ng takot at napahawak ako sa impis kong tiyan. Kahit hindi pa ako handa para maging isang ina ay hindi ko naman kayang mamatay ang aking anak. 

‘Nang namatay si Mama ay sobrang hindi ko kinaya. Paano ko na mismo kung anak ko ang mamatay sa aking harapan? Paniguradong masisiraan na talaga ako ng bait kapag mayro’n na naman akong mahal sa buhay na mamamatay.’

Huminga ako nang malalim at pilit na pinapakalma ang aking sarili. Kailangan kong kumalma para makapag-isip ako nang maayos. Naalala ko ang payo sa akin ni Dr. TJ na kailangang kumalma lang at huwag magpadalus-dalos sa gagawing desisyon.

Ngayon ko lang napagtanto kung bakit ako nakakaramdam ng kakaiba pero hindi ko naman masyadong binibigyan ng pansin. Masyado akong antukin kapag nakakaalis na si Dr. TJ. Minsan nga ay nalilimutan ko pang dalhan siya ng hapunan at mabuti na lang ay hindi siya nagagalit sa akin. Hinahayaan lang niya akong magpahinga. Lagi din akong gutom at panay ang kain ko ng mga matatamis. Minsan pa nga ay naalimpungatan ako tuwing madaling araw para lang kumain lang ng kahit anong flavor ng Cake na lalagyan ko ng Lemon Juice. Pagkatapos ay kapag gigising naman ako ay isusuka ko lahat ng mga kinain ko at magiging maayos na rin ang pakiramdam ko. Ngunit medyo matindi lang ang pagsusuka ko dahil do’n sa Siomai. 

Napaungol ako sa inis dahil sa tuwing naalala ko ang itsura at amoy ng Siomai ay bumabaliktad ang sikmura ko at parang gusto ko ulit na magsuka. Muli kong kinalma ang aking sarili bago ko sinimulan na kunin mula sa ibabaw ng toilet cover ang tatlong pregnancy test kits at inilagay ko sa plastic bago ko itinapon sa loob ng basurahan. 

Kailangan kong magpa-check-up sa OB-Gynecologist para mas makasiguro ako na talagang buntis ako at kung ano rin ang dapat kung gawin kung sakaling buntis nga ako. Hindi pa rin kasi nag-si-sink sa akin at gusto kong makasiguro kaya’t bukas ay magpapaalam ako kay Dr. TJ na mamasyal muna ako pero ang totoo kong gagawin ay pupunta ako sa hospital para mag-check-up.

Umalis na ako sa cubicle at dumiretso na ako sa lababo para maghugas ng aking mga kamay bago ako lumabas ng comfort room para puntahan si Dr. TJ dahil baka hinahanap na niya ako. Nang pagkabukas ko ng pinto sa opisina ni Dr. TJ ay mabilis siyang napabaling sa akin at nakita kong nakahinga siya nang maluwag.

Napangiti si Dr. TJ habang nakatingin sa akin. “Akala ko ay hindi ka na babalik. Ayos ka lang ba? Nagulat kasi ako na si Miley ang naghatid ng meryenda ko. Sobrang pinag-alala mo ako. Halika, maupo ka muna rito sa sofa, Kate. Tatapusin ko lang itong pagkain ko at pagkatapos ay didiretso na tayo sa restaurant para mag-take out ng dinner natin.” 

Nahihiyang umupo naman ako sofa na nasa gilid ng kaniyang mesa. Napatingin ako sa kaniyang mesa at nando’n ang tupperware na lalagyan ng Maruya na niluto ko para sa kaniya.

“Ahm. . .  Pasensiya na po talaga, Dr. TJ. Biglang sumakit po kasi ang tiyan ko kaya’t nakisuyo muna ako kay Miley,” pagpapalusot ko.

Nakakaunawang tumango naman siya. “Okay, sige. Kung mayro’n ka pang nararamdaman na kakaiba ay sabihin mo para madala kita sa hospital para makapagpa-check-up. Magpahinga ka na muna ngayon. Hindi ka na muna magluluto mamaya hanggang bukas at mag-o-order na lang ako ng mga pagkain natin.”

Napanguso naman ako. Gusto kong umalma kaso nga lang ay wala naman akong magagawa lalo na’t nakapagdesisyon na siya. Naputol lamang ang aming usapan nang bumukas ang pinto at pumasok na para isang modelo si Dra. Sophia Mendel, isang professional psychiatrist at kaibigan ni Dr. TJ. Actually, masasabi kong Mr. Congeniality itong si Dr. TJ lalo na’t sobrang mabait, mapagbigay at matulungin sa kapwa.

Napakaganda talaga ni Dra. Sophia. Ang fierce ng kaniyang dating at sobrang sexy. Para siyang maihahalintulad sa ganda ni Britney Spears ngunit ang kaniyang buhok ay kulay black na naka-shoulder length wolf-cut hairstyle. Maraming nagkakagusto sa kaniyang mga lalaki ngunit wala siyang sinagot sa mga iyon. Padaskol na umupo si Dra. Sophia sa silyang nasa tapat ng mesa ni Dr. TJ habang nakasimangot. 

“Oh, bakit ka napadaan dito? Akala ko ba ay mayro’n kang blind date na na-set up ni Tita Sorene?” natatawang tanong ni Dr. TJ.

Inirapan naman ni Dra. Sophia si Dr. TJ habang nakakrus ang kaniyang mga braso. “Wala akong gana na makipag-blind date sa mga inirereto ni Mommy sa akin. Hindi ko type ang lalaking iyon at masasayang lang ang oras ko kapag pumunta ako ro’n. You knew me well, TJ. And I don’t like to play pretend with those sh*t heads.”

Medyo prangka lang talagang magsalita si Dra. Sophia at nakakatakot. Hindi ko nga alam kung paano sila naging magkaibigan ni Dr. TJ lalo na’t sobrang opposite ng kanilang pag-uugali.

“Language, Pia.” sita ni Dr. TJ. “Bakit kasi hindi mo na lang tapatin si Tita Sorene na ayaw mo sa mga lalaking ka-blind date mo? Puwede mo naman i-suggest sa kaniya ang tipo mo para hindi ka na mahirapan pa. Alam mo naman na gustung-gusto na ni Tita Sorene na magkaro’n ka ng anak, hindi ba?”

Huminga nang malalim si Dra. Sophia. “Iyon na nga, eh. Gusto na ni Mommy na magkaro’n na ako ng anak. But how the f*ck that would happen? Wala akong boyfriend. D*mn it! Hindi naman ako mabubuntis kung ako lang ang mag-isa. Wala naman kayang semilya ang mga daliri ko na kapag nag-finger ako sa aking sarili ay mabubuntis agad ako, ‘no!”

Napakamot naman sa ulo si Dr. TJ at halatang problemado na sa pagiging prangka ni Dra. Sophia. Mahirap pigilan si Dra. Sophia dahil para siyang tigre na nanakmal kapag kumontra ka. Parang ako na lang ang nahiya para kay Dra. Sophia. Pakiramdam ko ay virgin pa ako kahit na hindi na dahil wala akong alam sa finger-finger na iyan. 

Biglang sumagi sa aking isipan ang malaking halimaw ni Don Apollo na nakasaludo sa akin at nagwasak sa aking kaselanan nang paulit-ulit. Napasigaw ako sa sakit no’ng una ngunit habang tumatagal ay napalitan ito ng sarap. 

Napayuko na lang ako at pinaglaruan ang aking mga daliri at baka madamay pa ako para itago ang matinding pagpula ng aking mukha lalo na’t kung anu-anong kababalaghan ang naiisip ko.

“Ang bastos naman ng bibig mo, Pia. Para kang hindi babae magsalita. Kung wala kang magandang sasabihin ay tumahimik ka na lang at nawawalan ako ng gana sa pagkain ko ng meryenda nang dahil sa walang preno mong bibig,” sita ni Dr. TJ. 

Kung pakikinggan ay parang hindi siya doktor kung magbitaw ng mga salita at daig pa ang gangster o sanggano. 

“What the f*ck? Wala namang masama sa sinabi ko, ha? We were all adults, and we knew how to pleasure ourselves and also the term of sex. Huwag kang pa-virgin d’yan, TJ. Ikaw ang unang kinasal sa ating dalawa. Paniguradong hindi naman kayo nagtitigan no’ng honeymoon ninyo ni Beverly at sa mga sumunod na mga araw at gabi na magkasama kayo,” sarkastikong turan ni Dra. Sophia. 

Nahiya naman ako dahil do’n. Ni-hindi ko nga alam ang pag-pleasure sa sarili at sex. Kung hindi nga lang ako nabili sa auction ni Don Apollo ay paniguradong hanggang ngayon ay wala akong muwang sa sex.

Huminga nang malalim si Dr. TJ. “Please, zip your mouth, Pia. . . You were telling too much. Nakakahiya at naririnig ni Kate ang mga ipinagsasabi mo.”

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ko ang pag-irap ni Dra. Sophia at saka bumaling sa akin kaya’t muli akong yumuko. “Bakit ka naman mahihiya kay Kate? Wala namang masama sa sinabi ko, hindi ba? Don’t tell me, both of you were having a secret affair? Tapatin ninyo ako, mayro’n bang namamagitan sa inyong dalawa kaya’t nahihiya kayo sa akin?”

Nanlaki ang aking mga mata at mabilis akong napaangat. Umiling-iling ako at nanginig sa takot dahil mabalasik ang tingin sa akin ni Dra. Sophia na parang gusto niya akong sunggaban at sakalin hanggang sa mawalan ako ng hangin sa katawan.  

“N-Naku! W-Wala pong namamagitan sa aming dalawa ni Dr. TJ. . . M-Malaki po ang utang na loob ko po sa kaniya dahil tinulungan niya po ako noon at sobrang mataas ang tingin ko po sa kaniya, Dra. Sophia. A-At saka gusto ko pong bumawi sa  kaniya sa pamamagitan ng pagluluto at paglilinis po sa kaniyang bahay pero kapag maayos na po ang lahat ay aalis din po ako,” nauutal kong paliwanag kay Dra. Sophia.

Nakatitig lang sa akin si Dra. Sophia habang nakataas ang kaniyang kilay. Nakakatakot iyon at parang gusto kong tumakbo at magtago. 

“Huwag mo namang pag-isipan nang masama si Kate, Pia. I’m just helping her to heal, and giving her shelter to live for a meanwhile. Nag-ti-trigger kasi sa depression at anxiety niya ang dating bahay nila ng kaniyang namayapang ina. Sa totoo lang ay kahit na hindi na maglinis at magluto si Kate ay ayos lang sa akin dahil mayro’n naman akong on-call maids. But how could I resist her, especially that she really cooked delicious home cooked meals for me? Overall, I’m just treating her like my little sister, and there’s nothing more with that, so stop thinking stupid things,” singit ni Dr. TJ.

Umismid si Dra. Sophia. “Ewan ko sa iyo, TJ. Sa sobrang bait mo ay kulang na lang ay patirahin mo na lahat ng mga natutulungan mo. Mapapahamak ka sa ginagawa mong iyan. Last na iyan si Kate, ha? Kapag mayro’n ka na namang idadagdag na patirahin sa bahay mo ay pakakasalan mo ako o kaya naman ay bibigyan ng baby.”

Nagulat naman ako ro’n habang si Dr. TJ ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniyang kaibigan. Ngunit isa lang ang naglalaro sa isipan ko. 

‘Mayro’n bang gusto si Dra. Sophia kay Dr. TJ?’

“All I needed was two red lines in the pregnancy test kits, and everything would be alright. Let’s just have sex, so that my problems would be finally end,” pagpapatuloy ni Dra. Sophia na parang balewala lang.

Napahampas tuloy sa mesa si Dr. TJ. “What the? Nasisiraan ka na ba ng bait, Pia? Bakit naman kita pakakasalan at bibigyan ng baby? I’m a married man, and faithful to my wife! Stop talking nonsense!”

“No, you were already a widowed man, TJ. Beverly was already dead for many years. Wala namang masama kung magpapakasal ka ulit at magkakaro’n ng anak, hindi ba?” kontra ni Dra. Sophia kay Dr. TJ. “At saka hindi ka lugi sa akin dahil paniguradong mabibigyan kita ng magaganda at maraming anak. Tell me, how many kids do you want to have, and I’m willing to carry it inside my womb. Kahit hindi mo na ako mahalin ay ayos lang sa akin basta ikaw na lang lalaking pakakasalan ko at magbibigay ng anak sa akin.”

Huminga nang malalim si Dr. TJ na parang kinakalma ang kaniyang sarili. “Pia, stop talking nonsense. Alam mo naman na best friends lang tayo at hindi ko nakikita ang sarili ko na magiging asawa ka. Hindi na puwedeng lumagpas pa sa pagkakaibigan ang relasyon nating dalawa.  I don't want to make everything awkward. Ibang lalaki na lang ang mahalin mo at hindi ako dahil deserved mong magkaro’n ng asawa na mamahalin ka at bibigyan ka ng mga anak at masayang pamilya.”

Napatingin ako kay Dra. Sophia at medyo nasaktan ako para sa kaniya dahil harap-harapan siyang ni-reject ni Dr. TJ. Hindi naman ako manhid dahil nararamdaman kong mayro’ng lihim na pagtingin si Dra. Sophia kay Dr. TJ. Ngunit ito nga lang ay one-sided love lang dahil mayro’n ibang mahal ang lalaking gusto niya.

Akala ko ay iiyak at masasaktan si Dra. Sophia pero tumawa lang siya nang malakas habang pumapalakpak na ikinagulat naming dalawa ni Dr. TJ.

“You looked stupid, TJ! It was just a prank. Bakit naman ako magpapakasal sa iyo at magpapaanak? Gusto ko lang buwisitin ang araw mo kasi medyo boring. Asa ka naman na papatulan kita. Mayro’n akong taste sa lalaki at hindi ka papasa sa standards ko, ‘no!” bulalas ni Dra. Sophia.

‘Ha? Prank lang ba iyon? Akala ko kasi ay mayro’ng lihim na pagtingin si Dra. Sophia kay Dr. TJ pero wala naman pala.’

Hindi ako makapaniwala dahil do’n lalo na’t sobrang dalang-dala ako kanina. 

Malakas na napalatak si Dr. TJ habang masamang nakatingin kay Dra. Sophia. “Ewan ko sa iyo, Pia. Masisiraan talaga ako ng bait sa iyo. Minsan nga ay tinatanong ko ang aking sarili kung bakit kita naging kaibigan.”

Ngumisi naman si Dra. Sophia. “Don’t worry, I would heal you if ever that happened. At saka ikaw nga ang suwerte na naging kaibigan ko, ‘no! Nag-iisa ka lang at walang kahati sa oras at atensyon ko. You should feel privileged, especially that it was a once in a lifetime opportunity, TJ.”

Umiling-iling naman si Dr. TJ at ipinagpatuloy lang ang pagkain ng Maruya. Parang gusto ko nang umuwi dahil sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa. 

Mga Comments (106)
goodnovel comment avatar
John Santos
ganoon ba dito,dapat magbayad ganoon.
goodnovel comment avatar
Anjzel Ica
Thank you po sa love and support ninyo sa Carrying The Mafia Lord's Babies. Abangan at suportahan po ninyo ang mga susunod na stories sa Goodnovel.
goodnovel comment avatar
Honey Cris Perez Alejado
9.hindi k9 kasi makukuha ang pus9 ni Dr. Tj ano
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status