Share

Kabanata 16

Blair Castro

NATAPOS  ang araw ko na hindi nakalapit kay Lira. Bukod kasi sa paghatid at pagsundo ni Lukas ay may nagbantay rin sa bata—si Jeanette Mendoza na tinawag ni Lira na tita. Hindi ko alam kung sino siya pero mahigpit ang pagbabantay niya kay Lira kaya ni hindi ko manlang nakausap ang anak ko kahit gustong-gusto ko.

Wala akong nagawa. Baka tuluyang ilayo ni Lukas ang anak ko sa akin kapag nagmatigas ako. Maaari niya rin akong ipatanggal sa school na ito kung gugustuhin niya gamit ang pag-stalk ko kay Lira o kaya naman ay ituloy ang pagdemanda niya sa akin na hindi lang sa akin makakasira kundi pati na rin kay kuya dahil paniguradong kakampihan ako niyon.

Nakatayo ako ngayon sa may pintuan ng bahay habang hawak ang platong pinaglagyan ni Lira ng pancake kahapon. Nakatanaw ako sa saradong bintana ni Lira habang walang enerhiya sa katawan. Pakiramdam ko'y

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status