Share

Kabanata 2

Blair Castro

5 years later...

“HUWAG!!” mabilis akong bumangon kasabay ng paghiyaw ko sa kalagitnaan ng hikbi. Isinubsob ko ang mukha ko sa aking mga palad at doon umiyak ng umiyak.

“Blair, hija.”

Nilingon ko ang matandang babaeng yumakap sa akin. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok habang mahigpit ang yakap sa akin. Mas lalo akong napaiyak.

“Shh! Tahan na, anak. Tahan na. Panaginip lang iyon.”

Humikbi ako at umiling-iling. “Hindi po iyon basta panaginip, mom. Alaala ko iyon. Ang huling alaala ko kasama ang mga anak ko.”

“Oh, sweetie!”

Yumakap ako ng mahigpit sa kaniya. Ilang saglit pa ay bumukas ang ilaw sa kwarto ko. Pumasok ang isang matandang lalaki at isang lalaking mas matanda lang ng ilang taon sa akin.

“Honey, ano ba iyan? Bakit sumisigaw si Blair?” tanong ng matandang lalaki saka lumapit sa amin. Hinawakan niya ang kamay ko. “Bakit umiiyak ka, hija? Panaginip ba ulit?”

Muli akong humikbi kasabay ng pagtango. Sila ang mag-asawang Mcbride. Sila ang dahilan kung bakit nakaligtas ako sa tiyak na kamatayan. Kasagsagan ng ulan noong pasukin ng hired killer ang apartment ko matapos kong mabigo sa plano kong kunin kay Alicia ang triplets ko.

Bumayad siya ng tao para ipapatay ako pero nakatakbo ako. Hinabol niya ako sa kalsada, sa gitna ng ulanan hanggang sa mabundol ako ng sasakyan nina Mr. & Mrs. Mcbride. Iyon lang ang huling naaalala ko bago ako nagising sa isang hospital at nalaman ko sa mag-asawang kumupkop sa akin na isang buwan akong comatose. Pagkatapos kong magpagaling ay dinala nila ako sa ibang bansa para ipatheraphy matapos nilang malaman ang nangyari sa akin. And now after five long years, hindi pa rin nabubura sa puso ko ang sakit na pinagdaanan ko sa kamay ng itinuring kong matalik na kaibigan.

“Sa tingin ko, kailangan mo nang harapin ang nakaraan mo, Blair. Hindi sapat na pinahahanap mo lang ang mga anak mo. Dapat ay ikaw mismo ang maghanap sa kanila.” mahabang litanya ni kuya Cloud habang nakasandal sa pintuan.

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya! Kailangan ay ako mismo ang humanap sa mga anak ko. Hindi sapat na naghire ako ng private investigator para hanapin ang kambal kong ipinamigay ni Alicia na ngayon ay masayang naninirahan sa mansion ni Lukas de Marco kasama ang anak kong babae.

“Tama ang kuya mo, hija. Sa tingin ko rin ay hinaharang ng Alicia na iyon ang private investigator na kinuha mo. Nasabi mong mayaman ang pamilya niya, hindi ba? Maaaring siya mismo ang dahilan kung bakit hindi mahanap ang kambal mo.” pagsang-ayon ni dad.

Marahan akong tumango at pinunasan ang luha sa pisngi ko. “Papayagan niyo po ba akong umuwi sa Pilipinas?”

Ngumiti si mom, “Of course, hija. Iyon ay kung kasama mo ang kuya Cloud mo.”

Tiningnan ko si kuya Cloud. Ngumiti siya sa akin at kumindat. “Ako ang bahala sayo, bunso. Bubugbugin ko ang de Marco na iyon para sayo.”

Ngumuso ako. “Kuya, wala naman siyang kasalanan sa akin.”

“Malaki ang kasalanan niya, bunso. Hindi niya nakilala ang babaeng pinakialaman niya.”

Napaiwas ako ng tingin kasabay ng pag-iinit ng mukha. Lasing naman si Lukas noong gabing iyon saka sigurado ako na nilagyan ni Alicia ng kung anong gamot ang alak na ininom nito.

Tumayo si mom at dad. Hinaplos ni dad ang pisngi ko at hinalikan ni mom ang noo ko dahilan para muling mangilid ang luha ko. Nawalan ako ng mama pero may pumalit sa kaniya, tatlong taong minahal ako ng sobra pa at itinuring na tunay na pamilya. Alam kong hindi maaaring palitan ang ina pero masaya ako na may pumupuno sa pagmamahal na hindi naibigay ni mama dahil maaga siyang binawi ng langit.

“Matulog ka na, anak. Bukas ay ipaaasikaso ko kay Cloud ang plane ticket ninyong dalawa pauwi ng Pilipinas.” nakangiting sabi ni dad saka hinalikan ang aking noo.

Kinumutan naman ako ni mama. Si kuya ang nagpatay sa ilaw at sabay-sabay silang lumabas sa kwarto ko.

Napangiti ako habang nakatitig sa kawalan. May masasandalan na ako para maging matatag kaya dapat lang na maging matapang ako dahil mga anak ko ang nakasalalay dito.

MAGKAHALONG excitement at takot ang nararamdaman ko nang sandaling tumapak ako sa airport ng Pilipinas. Lumunok ako at napahawak ng mahigpit sa maleta ko nang may umakbay sa akin. Nilingon ko ito at sinalubong ako ng nakangiting mukha ni kuya. “Doon tayo sa condo ko titira, bunso.”

Tumango lang ako sa kaniya. Hinawakan naman niya ang pisngi ko saka ito pinisil. Agad kong tinulak ang kamay niya. “Kuya, masakit!”

Sumimangot ako. Natawa naman siya at nilamukos ang mukha ko na lalo kong ikinainis. Palagi nalang niya akong ginagawang bata.

“Ayusin mo nga iyang mukha mo. Dapat masaya ka ngayon kasi pwede mo nang makita ng personal ang anak mo.”

Muli akong nakaramdam ng lungkot. Natatakot rin ako sa posibleng mangyari at natatakot ako lalo dahil alam kong hindi ako kilala ng mga anak ko.

“Oh! Anong mukha iyan?” pailing-iling na tanong ni kuya Cloud.

“Kuya, natatakot ako.” nakayukong pag-amin ko.

Bumuntong-hininga siya saka ako hinila at niyakap. “'Wag kang matakot, bunso. Hindi ka na masasaktan ng hilaw mong kaibigan. Ako ang bahala sa kaniya.”

Hindi ko alam. Natatakot pa rin kasi ako sa mga kaya niyang gawin. Kung nagawa niya akong ipapatay noon, maaari niya ulit gawin sa akin iyon o mas malala ay sa mga anak ko.

Pinauna ko si kuya sa condo niya. Susunduin nalang daw niya ako since may kotse siya dito sa Pilipinas. Dumiretso naman ako sa apartment ko at nalaman ko na may nakatira na ngayon doon.

Habang pinagmamasdan ko ang dati kong tirahan ay bumalik sa alaala ko ang mga nangyari noon. Kung gaano ako kasaya habang ipinagbubuntis ang mga anak ko. Kung gaano kalakas ang iyak ko sa kwarto nang bawian ng buhay ang mama ko at kung gaano kalakas ang sigaw ko sa paghingi ng tulong nang pasukin ng hired killer ang tinitirhan ko. Walang tumulong sa akin noon, takot na madamay at isa iyon sa dahilan kung bakit nahirapan ako noon na magtiwala kina mom. Natakot ako na baka hindi totoo ang tulong at pagmamalasakit nila.

“Bakit po, ate?”

Bumalik ako sa realidad nang tanungin ako ng isang dalagita. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Sa tantiya ko ay disi-otso na siya, hindi nalalayo sa edad kong bente-uno nang makipagkasundo ako kay Alicia.

Nginitian ko siya saka ako umiling. Muli kong sinulyapan ang dati kong apartment saka ako tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.

Habang naglalakad ako ay niyakap ko ang sarili ko. Pakiramdam ko'y kinikilabutan ako sa pwedeng mangyari sa oras na magkita ulit kami ni Alicia. Sa totoo lang, hindi ko pa napapaghandaan ang posibilidad ng pagkikita naming dalawa. Natatakot ako sa kaya niyang gawin pero karapatan kong makasama ang mga anak ko kaya ipaglalaban ko sila kahit hanggang sa kamatayan.

Tumigil ako sa isang parke. Naupo ako sa bleacher saka pinagmasdan ang mga tao. May ilang mag-anak na namamasyal. Ang iba ay nagpipicnic at naiinggit ako. Sobrang naiinggit ako dahil gusto ko ring makasama ang mga anak ko na ipinagkait sa akin ng taong itinuring kong kaibigan.

Ilang saglit pa ay nagvibrate ang cellphone ko sa loob ng dala kong sling bag. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag ni kuya Cloud. “Hello?”

[Nasaan ka? Susunduin na ba kita?]

Saglit akong natigilan saka tiningnan ang mga batang naglalaro sa paligid. Gusto ko pa silang pagmasdan kaya gusto kong manatili muna ng ilang oras dito.

[Blair, nariyan ka pa ba?]

Marahan akong tumango at nang marealize na nasa cellphone lang siya at hindi niya ako nakikita ay agad akong sumagot. “Nasa park ako, kuya. Dito muna ako.”

[Okay, sige. Pupunta lang ako sa supermarket para mamili ng pang-konsumo natin. Dadaanan nalang ba kita riyan sa park?]

“Hindi na kuya. Itext mo nalang kung nasaang supermarket ka at pupunta nalang ako.”

[Alright. Ingat ha!]

Ngumiti ako at tumango nalang. Nang patayin niya ang tawag ay agad kong isinilid sa sling bag. Umayos ako ng upo at muling pinagmasdan ang mga batang naglalaro. Tumatawa ako sa tuwing tumatawa sila pero may hatid iyong kirot sa puso ko dahil nangungulila ako sa mga anak ko na hindi ko manlang nahawakan dahil ipinagkait sila sa akin ni Alicia.

Ilang oras pa ang iginugol ko sa pagmamasid sa mga batang naglalaro hanggang sa napagpasyahan ko nang umuwi. Tiyak na wala na sa supermarket si kuya Cloud dahil kanina pa siya nagtext sa akin kaya naman sumakay nalang ako ng taxi pauwi sa condo niya dahil alam ko naman kung saan ang address na iyon.

Naabutan ko si kuya na nagluluto ng pananghalian nang dumating ako sa condo. Hindi ko alam ang passcode kaya siya na ang nagbukas ng pinto para sa akin habang may hawak na spatula at nakasuot ng aphron. Gusto ko siyang pagtawanan sa hitsura niya. Wala kasi talaga sa mukha niya na magaling siyang chef dahil mukha talaga siyang barumbado at tambay.

“Saan ka pumunta? Sabi ko susunduin nalang kita e.” pag-uusisa niya habang pinanunuod ko siyang magluto.

Nakaupo ako sa stool ng island counter na nasa likuran niya habang umiinom ng tubig.

Saglit niya akong nilingon nang hindi ako sumagot.

Natawa ako at nagkibit-balikat. “Nagliwaliw lang ako.”

Tumango siya at pinatay ang kalan. Humarap siya sa akin. “Ano nang plano mo? Narito na tayo sa Pilipinas, Blair. Imposibleng hindi kayo magkita ng Alicia na iyon.”

Bumuntong-hininga ako. “Hindi ko na muna siya poproblemahin, kuya. Ang uunahin kong isipin ay kung paano mapapalapit sa anak ko nang hindi niya nalalaman. Isa pa ay kailangan ko nang simulan ang paghahanap sa kambal ko.”

Tinitigan niya ako, bakas sa mukha ang pag-aalala at pangamba. “Tandaan mo ang palaging sinasabi ko sayo, Blair. 'Wag mong hahayaang pangunahan ng emosyon ang mga desisyon mo. Piliin mo palagi ang tuwid at patas na desisyon.”

Yumuko ako. “Hindi ko alam, kuya. Hindi ko alam kung kaya kong maging rational pagkatapos ng mga nangyari sakin. Sobrang paghihirap ang dinanas ko dahil sa ginawa sa akin ni Alicia at desperada na akong mabawi ang mga anak ko kaya lahat ay gagawin at hahamakin ko.”

“Paano si Lukas de Marco?”

Doon ako natigilan. Hindi ko alam kung ako ang isasagot ko kay kuya. Alam niya ang totoong nararamdaman ko kay Lukas. Hindi ko iyon tinago sa kanila nina mommy, wala akong itinago ni katiting na impormasyon sa kanila. Kahit na ang kasunduan namin ni Alicia ay alam nila.

“Anak rin ni Lukas ang mga anak niyo, Blair. May karapatan siya sa mga bata kaya hindi pwedeng basta mo nalang kunin si Lira sa kaniya lalo na at si Alicia ang kinikilalang ina ng bata at kasal sina Alicia at Lukas.”

Tuluyan akong napipilan. Si Lukas lang naman ang kailangan ni Alicia pero dahil hindi niya gustong magkaanak ay ginamit niya ako para makuha ang gusto niya na ngayon ay pinagpapasasaan niya. Ikinasal sila ni Lukas matapos niyang ilantad si Lira bilang bunga ng isang gabing gawa gawa lamang niya. Oo, nangyari ang gabing iyon pero sa aming dalawa ni Lukas—hindi sa kanila.

Bumuntong-hininga akong muli. Ano nga bang gagawin ko kapag hinarang ni Lukas ang mga plano ko? Hindi ko rin alam! Bahala na. Basta babawiin ko ang mga anak ko at ilalantad ang totoong kulay ni Alicia. Hindi ako papayag na lalaki si Lira sa poder ni Alicia na isang manloloko at manggagamit dahil ayokong matulad sa kaniya ang anak ko. Ayokong mahawaan niya ng kasamaan ng ugali si Lira. Hindi ko iyon mapapayagan.

“Kung kailanganin mo ang tulong ko, nandito lang ako palagi para sayo, bunso. Aalalayan kita sa laban mo.”

Nag-angat ako ng mukha para salubungin ang titig ni kuya. Unti-unti akong napangiti dahil kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala at concern sa akin at sa mga anak ko.

“Ako na rin ang bahala sa paghahanap sa kambal. Magfocus ka sa pagbawi kay Lira.” dugtong pa ni kuya.

Tumayo ako at agad siyang sinugod ng yakap. “Thank you, kuya.”

Mahina siyang tumawa at ginulo ang buhok ko. “Basta para sayo at sa mga pamangkin ko, bunso.”

Hindi ko napigilan na mapaluha. Ngayon ay may nagmamahal at nagmamalasakit na sa akin ay kaya agad akong nakarecover sa impyernong nasanasan ko sa kamay ni Alicia. Salamat talaga sa pamilya McBride.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status