Share

Kabanata 6 : Part 1 (M)

*Flashback*

"ELLIE, kung sakali mang mahulog ako sa 'yo? Will you let me step closer?"

Napahinto si Eselle sa pagsusulat sa assignment nang marinig ang tanong ni Mark na ngayon ay nakapangalumbaba sa harap niya.

Nag-angat siya ng tingin dito. "Of course not, Mark. I won't let you."

Nakita niyang ngumiwi ito at napakamot sa batok. "Joke lang 'yon, Ellie. Ang seryoso mo naman."

"But I'm serious, Marky. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Dapat peksman walang talo-talo pa rin. Promise me, Marky. Promise me that you won't fall for me, and I would do the same."

"O-okay..." Saglit itong natigilan na ipinagtaka niya. Mayamaya ay napangiti na ito kaya hindi na siya umusisa. "I prom—"

Bago pa man nito masabi ang sasabihin, umugong na ang nakakairitang tunog ng school bell.

Nagmadaling dinampot niya ang mga gamit at tinapik ito sa braso. "Basta, pangako na natin yan."

*End of flashback*

Siya mismo ang gumawa ng pangakong iyon, batid ni Eselle. Pero sa tuwing maglalapit sila ni Mark ay tila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status