Share

Chapter 18: Zachariah Elliott Montero

Kanina ko pa pinag-iisipan ang sinabing pabor ni Mrs. Montero. Pero kahit humindi ako hindi naman na mababago kasi pumayag na 'ko kanina. Parang nagsisi tuloy ako sa naging desisyon ko. Ipagdarasal ko na lang na sana walang mangyaring problema sa opisina niya para hindi ko siya makita.

"Mommy."

Napalingon kaagad ako sa pinto nang marinig ko ang boses ng anak ko. At nakita ko siyang may dalang bondpaper. Parang alam ko na kung ba't siya nandito.

"Yes, anak? Lapit ka kay mommy," sagot ko at agad naman siyang lumapit sa akin. "Ano bang kailangan ng baby boy ko?" Malambing na sambit ko na ikinatawa niya.

"Mommy, hindi na po ako baby," nakangusong tugon niya. "Big boy na po ako," dugtong pa niya at dahilan para halikan ko siya sa pisnge.

"Alam ko pero ikaw pa rin ang baby boy ni mommy, hmm? Hindi na magbabago 'yon. So, ano ang kailangan mo kay mommy?"

"Pinapabigay po 'to ni teacher tapos sabi po niya kailangan niyo po raw permahan." Aniya sabay abot sa'kin ng bondpaper.

Binasa ko naman aga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status