Share

Chapter 7: Rumors

Isang linggo na ang nakalipas simula no'ng may nangyari sa pagitan naming dalawa ng lalaking 'yon. At mag-iisang linggo na rin akong pinagtsitsismisan ng mga tao rito sa amin. Mga tsismis na hindi naman totoo pero nakakasira ng pagkatao.

Dahil sa pangyayaring 'yon, akala ng lahat nagtatrabaho ako sa bar para ibenta ang katawan ko, sa madaling salita p*okpok. Ewan ko kung bakit humantong sa gano'n. Tanging si tiya Rosa at Vanessa lang ang sinabihan ko pero paanong umabot sa buong barangay namin? Wala namang pinagsabihan si tiya Rosa o maging si Vanessa pero nagkalat ang gano'ng tsismis.

"Anak, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni tiya Rosa nang makita ako nitong pababa ng hagdan mula sa kwarto ko.

"Gano'n pa rin po, tiya, pero ayos lang po ako. Huwag na po kayong mag-alala sa'kin," tugon ko

Kakagising ko lang dahil sa masama ang pakiramdam ko. Ewan ko ba kung bakit pero sa tingin ko dahil lang 'to sa pagod at puyat.

"Mabuti naman kung gano'n pero mamaya 'wag ka munang uminom ng gamot,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status