Share

CHAPTER THREE - REVERSE PREDATION

“Leighton Correa.”

Bumaba si Leighton sa sasakyan nito. His hair was neatly tied. He also wore a long white sleeve polo which he folded in ¾ and black baston pants. Lalapitan na sana niya si Ali pero agad itong pumasok sa driver’s seat ng Lexus.

“Alissa!” he approached the window of the driver’s seat giving loud knocks. “Alissa!” called her for the second time.

Napabuntung-hininga si Ali at binaba ang bintana. “What now? Sisirain mo ba ang bintana ng sasakyan ko?” pananaray nito. “Saka paano mo nalaman kung nasa’n ako?” she felt, they switched roles. The hunted became the hunter.

“I got my sources. Can we just f*cking talk?” he hissed. Hindi niya palalampasin na hindi siya pinakinggan ni Ali noong nasa ELYU sila.

“Ano pag-uusapan natin, Mr. Correa – oops, Mr. Buenaventura?”

He was triggered when Ali called him by his legal last name, but he shrugged it off. “Rodic’s?”

Her eyebrows furrowed. “Hmm?”

“Rodic’s. Let’s talk there.” Matapang niyang wika. “It’s on me.” Biglang atras sa huling pangungusap nito.

Naningkit ang mata ni Ali. Paano ding nalaman ni Leighton ang paborito niyang kainan noong nasa hayskul pa siya? “I’ll call Nancy.” Nilabas niya ang kanyang phone para tawagan si Nancy.

“Uy, buntit.” Bati ni Nancy sa kabilang linya. Buti na lang, hindi siya naka-loud speaker.

“Samahan mo ‘ko sa Rodic’s,” sagot ni Ali. Tumingin pa siya kay Leighton.

“R-Rodic’s? `Te, may cases pa ‘ko dito – “

“Doon mo na lang gawin.” Giit niya. “Please…”

“Hay…sige. Mukhang gusto ng baby kumain ng paboritong pagkain ni Mommy, ah?”

“Sira. Hintayin kita sa kotse.” Binaba niya ang tawag. “Happy?” pataray niyang anas kay Leighton.

His smile widened and even pinched her cheek. “Doon na lang kayo sa kotse ko. Hatid ko kayo dito pagkatapos.”

She removed his hand on her cheek. “No need. I can drive.”

Lumabas si Nancy dala ang malaking tote bag at maliit na pack bag. Ngumiti pa siya kay Leighton na nasa harap pa ng driver’s seat. Lingid sa kaalaman ni Ali, nag-uusap na sila. Si Leighton ang unang kumausap sa kanya matapos ang concert nila sa ELYU.

Ang tanging tanong ni Leighton sa kanya ay ano ang lagay ni Ali.

“Dr. Narcissa Melendrez?”

Gulantang si Nancy nang pumasok si Leighton sa clinic niya. Ang kanyang white coat ay nakasabit sa kanyang swivel chair. Katatapos lang ng outpatient duty niya sa clinic. “Oh, Mr. Leighton Correa, maling clinic yata napuntahan mo dahil mga babae lang ang pasyente ko. You should see a Urologist or a General Practitioner.” Pormal niyang tugon. “Maupo ka.”

Pinaunlakan naman siya at naupo sa silyang katapat ng mesa ni Nancy. It was a normal clinic with posters of human female reproductive system and charts of pregnancy – from zygote to fetus.

“Anong maitutulong ko sa batikang musician?” sumimsim pa siya ng kape galing Starbucks. “I still have 30 minutes bago pa ko pumunta ng ospital.”

He breathed heavily. “Alissa Mercado.” Nasamid pa si Nancy. Bakit sa kanya hinahanap si Ali? “I know you’re friends since highschool.”

“So?” tumikhim si Nancy. “Bakit mo siya tinatanong sa ‘kin?”

“I want to know more about her. How was she when she was in high school especially during college.”

Napalumbaba si Nancy at pinagmasdan si Leighton. Despite being normal, stress reeked on him. He had dark circles under his deep-set eyes and stubbles on his chin area. “Hindi ko inaasahan na nai-stress ka sa friendship ko. May nangyari ba?”

“I can’t find nor reach her,” tipid nitong sagot.

“Bakit? Kayo ba? Kung hindi, she decided to cut ties with you.” She hit the point. She wanted to make Leighton realize kung gaanong malaking kawalan si Ali sa kanya. She saw that Leighton grabbed a stick of cigars from his pocket. “Bawal po manigarilyo sa opisina ko.”

“I know, woman.” Hinagod niya ang yosi sa ilalim ng nostrils nito.

She felt insulted. “Dol. Isa akong doktora, Leighton. Paano kitang sasagutin niyan? Ininstulto mo ko dahil sa misogynist mong tawag sa ‘kin.”

“Sorry… I can’t think straight.” Tuloy pa rin ang paghagod ng yosi sa ilong nito. “After our concert in ELYU, I can’t stop thinking about her. At first, she was an annoyance. She even pretended as her twin sister.”

“Ah…si Melai ba? I know her.” her lips are pouted while nodding. “Sayang, mala-Romeo and Juliet ang nangyari sa kanya. Until the end, pinili niyang wakasan ang buhay niya kaysa makasal sa iba.”

“Yeah…” his voice was raspy. “…as time passed, Ali showed her real self to me. She removed from her shadow and realized that they were polar opposites. Due to that – “

“Gets ko na, Mr. Correa.” Nancy interrupted him. “You love her, right?” Leighton blushed and his eyes widened in surprise. “Sayang, late mo nang ma-realize. Minsan, hindi nating napapansin ang mga bagay na abot na natin kasi alam mo na nandiyan lang. Kapag nawala na ang mga bagay na binabalewala na natin, doon lang nating hahanapin.” Nilabas niya ang Vick’s Inhaler at nilagay sa ilong nito. “Hay,” she scoffed. “Nakakapagod din kasi na magbibigay todo ka sa taong hindi talaga interesado sa ‘yo. Naikwento sa ‘kin ni Ali ang nangyari pagkatapos ng concert niyo sa ELYU.” Inabot niya ang isang calling card sa kanya. “That’s my contact details. I can help you to know her whereabouts or happenings to her life, just info that she allowed.”

He grinned bitterly. Is this the end of the line for them? He kept the calling card in his wallet. “T-That’s enough for me. Besides, she doesn’t deserve a sh*t like me.” He left a PhP 1000 bill on her table. Akmang ibabalik ni Nancy ang pera pero mabilis na umalis si Leighton sa kanyang opisina.

“Beshie, hindi mo man lang sinabi na nandito si Leighton Correa,” ani Nancy at sumakay sa shotgun seat. Siya ang nagsabi kay Leighton na dadaan si Ali sa bahay niya. Balak niya sanang pagtagpuin ang dala pero siya ang nasupresa sa kanyang nalaman. Dahil sa hiling ni Ali, wala siyang balak ipaalam kay Leighton – kahit alam niya na ito ang nararapat.

Dumating sila sa Rodic’s Diner. Walang gaanong tao dahil kabubukas lang nang alas-8 ng umaga.

“Ako na o-order, ladies. It’s on me.” Naupo ang dalawa malapit sa ceiling fan. Kung ano ang kinalamig ng klima dahil magpapasko, ganoong kainit ang tensyong nararamdaman ng dalawa.

Luminga-linga si Nancy sa counter kung nakatingin si Leighton sa kanila. Iniabot ni Nancy ang reseta kay Ali. “Jusku, ang drama natin kanina,” pabulong nitong wika. “Nakalimutan ko ang reseta. Dahil low-lying si bibi, may pampakapit akong nilagay diyan saka vitamins na rin.” Tinuro niya ang mga gamot na sinulat niya at pinaliwanag kung kailan ito iinom at ilang beses sa isang araw. “Kapag may spotting, balik ka agad o tawag ka lang. Iwasan mo ang stress, ah?”

Tumango lang si Ali. Binasa niya ang mga nakasulat sa reseta. Maganda ang handwriting ni Nancy – madaling basahin. ‘Di kagaya ng ibang doktor na parang kinalahid ng manok ang sulat. Minsan, stenograph pa. ‘Yung tipong mapapaisip ka kung ano ang naisulat. Ending, lalapit ka pa sa pharmacist para sila ang magbasa sa ‘yo. May mga oras ding nagkakamali sila sa pag-intindi ng reseta kaya maling gamot din ang naibibigay sa pasyente. Dagdag sakit na naman ng ulo. Hindi ko makita ang logic kung bakit kailangang pahirapan ang pasyente sa sulat nila. Kaya nga sila lumalapit sa doktor dahil sa nararamdaman nila pero bibigyan pa sila ng problema sa pagbabasa ng reseta.

“Tago mo na agad.” Bulong ni Nancy sabay tapik sa kanya. Muli siyang lumingon kay Leighton, nakikipag-selfie pa sa mga staff. “Sikat na sikat talaga, pinuntahan ka pa. Saan ka pa?”

Umirap si Ali. “Paano niya nalaman na nandito ako sa Teacher’s Village?”

“Tagu-taguan lang?”

Her eyebrows furrowed. “Tagu-taguan?”

“`To naman. Parang hindi ka naglaro no’n.” Sabay hampas sa braso nito.

“Ikaw, ah. Nakakarami ka na. Pumapatol ako sa doktor.” Ali hissed with tiger eyes on her.

“From the name of the game. No’ng una, ikaw ang naghahanap at naghahabol kay Leighton. Tapos ngayon, siya na ang naghahanap at naghahabol sa ‘yo. Haba ng hair, ah? Anong gayuma ‘yan? Share mo naman. Magamit ko sa cursh ko sa Neuro Department.”

Tinaas ni Ali ang gitnang daliri nito. “Ginamit ko lang kalandian at tahong ko,” she smirked. “Tahong na bilasa.”

Nagtawanan silang dalawa.

“Saya niyong dalawa diyan.” Dumating si Leighton at nilatag ang tatlong order ng Tapsilog. Naglaway si Ali habang kinukuha ang kanyang portion. Ito kasi ang comfort food ni Ali. Mukhang nakikiayon pa ang little worm sa loob ng kanyang sinapupunan. Nakalimutan pa niyang magdasal bago kumain.

“Sorry, ah. I’ve been wanting this forever.” Agad sumubo ng kanin at ulam.

His lips arched. Kailan ba niya huling nakitang nagtakaw nang ganito si Ali? He’s now appreciating her small gesture. “As I was saying…” he breathed heavily. “…hindi mo ko pinagsalita noong nasa ELYU tayo.” Tuloy pa rin si Ali sa pagkain animo’y siya lang ang naroroon. “A-Ali-bog…I-I’m sorry…I-I’m sorry if I rejected you…”

Huminto si Ali sa pagkain. “Okay lang,” mahinang tugon nito. Halos maubos niya ang tapsing kinakain niya. “At least, natauhan na ko.”

His heart was torn into pieces when he heard it. Albeit rejecting her, he was still longing for her.

“Alam mo, ang dami kong sinayang na panahon.” Nasimot niya ang plato. “Wait lang, o-order pa ‘ko.”

“Ako na.” he volunteered. Tumayo siya para pumunta sa counter. “Isa pang order ng Tapsilog.” Sabi niya sa cashier na kinikilig pa. Baka Leighton Correa ‘yan.

“Sir, kung may o-order-in ka pa after, tawagin mo lang ako o mga staff namin,” sweet na reply ng cashier na halos maglandi na sa kanya. Tipid na ngiti lang ang ginawad ni Leighton. Para sa kanya, normal na pagkikita lang ‘to ng mga fans. “Serve na lang po namin ang order niyo.” Sabay kindat.

“Thank you.” Bumalik na si Leighton sa pwesto nila. “Ali…please, don’t say that. Because of your efforts, I met my son. I know Melissa didn’t cheat on me…” he held her hand, but she evaded it.

“Kasi deserve mo ‘yun. Kaya ko namang ginawa ‘yun dahil gusto kong alalahanin mo ang kakambal ko.” tumikhim siya. “Ang tanging pagkakamali ko, nahulog na rin ako sa ‘yo. That’s all in the past.”

Umiling si Leighton. “No, Ali. Please…” pagmamakaawa niya. Muli siyang humawak sa kamay ni Ali.

“No. Tama na. Tapusin na natin ang kahibangang ito. Magkanya-kanya na tayo. Minahal kita, oo. I gave my trump card, but I was defeated by your Joker.” She scoffed, “Oo nga pala, you are the Joker. The most powerful and conniving card.”

Wala nang nasabi si Leighton. Every word she said was true. He even declined her advances before. She was the storm in his nirvana. Right now, he is chasing that storm to rock his world again.

Dumating ang pangalawang order ng Tapsilog. “O-order pa ko ng isa.” Tumango ang server. “Thanks!” May kinuha si Ali sa pitaka nito. “Ito, PhP 500. Bayad ko ‘to sa order mo.” inabot niya kay Leighton ang dilaw na perang papel at iniwan siya sa table para pumunta sa counter dala ang bagong dating na order. Te-takeout na lang niya iyon at magdadagdag pa ng isa para kainin sa bahay.

Tinapik ni Nancy ang lugmok na Leighton. “Galit pa rin,” bulong nitong anas.

Bumuntung-hininga si Leighton. “Hindi ko na alam, Doc Melendrez. H-How can I tell her?”

“Mr. Correa, even storms can get tired easily. Lalo na kapag malakas ang defenses ng lugar na sinasalanta niya. Kaya liliit ang bagyo, maging low pressure area at lilipat sa iba.” Paliwanag ni Nancy. “Hindi ako meteorologist pero ginawa kong halimbawa ang bagyo. Let it pass for now. Kung talagang kayo hanggang dulo, let the fate do its work.”

He nodded. “Alis na ‘ko. Thanks again, Doc Melendrez.”

She raised and descended her brows. “You bet. Don’t worry, I’ll keep you posted.”

Except for your baby, dummy.

Kinakabahan si Ali habang pinaparada ang kanyang Lexus sa bahay nila. Alas-11 na ng umaga. Agad sumalubong si Marisol para kunin ang mga takeaways galing Rodic’s.

“Aba, late ng uwi Nag-OT ka ulit?” usisa ni Marisol sa kanya.

“Hindi po. May dinaanan lang.” pinindot niya ang lock button sa susi ng Lexus. “Sina mommy at daddy?”

“Nandiyan pa. As usual, nagbabasa ng plano.” Pumasok sila sa loob ng bahay.

Hindi ito ang totoong magulang ni Ali na nagtatrabaho bilang architects. Inampon siya nito dahil hindi sila biniyayaan ng anak. Maswerte si Ali dahil tinuring siyang totoong anak ng mag-asawa.

Datnan ni Ali na nagbubutingting ng iPad ang kanyang mommy na si Belen Mercado. Nagbabasa naman ng plano ang kanyang daddy na si Arnold Mercado. Si Ajax naman ay nakapasok sa eskwelahan. Siya ang anak ni Leighton at ang kakambal niya na si Melissa. Buhat nang nagpakamatay si Melissa, inampon din ito nina Belen at Arnold dahil tinuring siyang salot ng totoong magulang ni Alissa at Melissa.

Agad nagmano si Ali sa kanyang magulang.

“Kaawaan ka ng Diyos,” ani Belen. Ang mga mata nito ay nasa iPad pa. Naglalaro ng Candy Crush.

“Aba, daming in-order sa Rodic’s. Hulaan ko, Tapsilog ‘yan.” puna ni Arnold sa kanya at bumaling sa kanya.

Umupo si Ali sa tapat nila. Kasalukuyang nasa dining table sila, gumagawa ng kani-kanilang trabaho. Tumikhim muna si Ali at nagsilingunan ang mag-asawa sa kanya. “M-May sasabihin po ako.” utal niyang panimula.

Nagtinginan lang ang mag-asawa. Tila alam na ang sasabihin ni Ali.

Ngumisi si Belen sa kanya, “Alam mo na ba?”

Umarko ang kilay ni Ali, naguguluhan. “A-Ano pong alam ko?”

Suminghap si Belen, “Napapansin namin ang mood swings mo saka parang lumalapad ang balakang mo.”

Bumilog ang mata ni Ali. Paano nila alam?

“Hija, nagdaan kami sa ganyan. Malungkot nga lang dahil ilang beses na kaming nawalan ng anak,” lahad ni Belen. Bago pa nilang iampon si Ali, ilang beses na siyang nalaglagan ng anak.

“Ali, anak, totoo ba?” seryosong tanong ni Arnold na nakatingin sa kanya.

She pursed her lips biting her lower lip. “Y-Yes, D-Dad…” yumuko ito out of shame.

“Hallelujah!” Belen exclaimed. She stood up out of emotions while raising her both hands. “Magkakaapo na kami!”

Hindi inaasahan ni Ali ang reaksyon ni Belen sa kanya. Imbes na magalit na nagpabuntis ito, masayang-masaya pa dahil magkakaapo na sila.

“Belen, mahal, kailangang makasal muna sila ni Leighton.” Seryosong anas ni Arnold habang inaayos ang salamin sa mata.

Tila nabalutan ng hiya si Belen at umupo. “A-Alam ba ni Leighton ‘to? Saka kayo na ba?”

“`Yun nga po, eh…” pakiramdam niya ay napipipi siya na parang latang tinatapakan. “…hindi po ako mahal ni Leighton saka…wala po siyang alam.” Gumaralgal na ang boses niya.

Suminghap si Belen. “Anong plano mo? Sasabihin mo ba?”

Umiling si Ali. Naisip niya na ito ang makakabuti sa kanila tutal tapos na ang lahat sa kanila – kahit walang label.

“Hindi pwede ‘to. Tatawagan ko si Correa.” Nilabas ni Arnold ang selpon.

“`Wag po!” pigil ni Ali. Buti na lang hindi na nai-dial ang number ni Leighton sa cellphone ng daddy niya. “H-Hindi na niya po kailangang malaman. Mas lalong ayokong makasal sa kanya.”

Nagtiim bagang si Arnold. “Alissa, binuntis ka niya. Natural, kailangan niyang panagutan! Ano ‘yun, hahayaan mo siyang magsaya at magpakasasa sa ibang babae? Tapos ikaw, ikaw ang mahihirapang dalhin ‘yan ng siyam na buwan?”

“Hindi po gano’ng tao si Leighton!” tumaas na ang tono ng pananalita niya. “Alam ko po na may malasakit po kayo sa ‘kin pero hindi po siya nakikipagharot sa ibang babae.”

“Anong tawag sa ginagawa mo noong binigay mo ang sarili mo, huh?” uyam ni Arnold na napatayo na sa kinauupuan sa galit.

“Tama na ‘yan.” Pigil ni Belen sa mag-ama. “Alam ko may dahilan si Ali kung bakit ayaw niya. Paano nga kung ikasal sila pero hindi nila mahal ang isa’t-isa? Mahirap ‘yun!”

“Matutunan naman nila ‘yun,” saad ni Arnold. Mahinahon na siyang magsalita.

“Kahit na! Paano kung hindi mag-work? Mahihirapan ang anak at apo natin. Mahal ang annulment. Isa pa, anumang naipundar ni Alissa, kahati siya.”

Napakamot na lang sa batok ang asawa. “Bahala kayo!” Umalis siya sa dining para lumabas ng bahay.

Hinintay muna ni Belen na makalabas ng bahay si Arnold. “Anak, pupunta dito si Leighton next week.” Inaayos na ni Leighton ang adoption papers para sa custody ni Ajax. “Sigurado ka na ba sa balak mo?”

Tumango si Ali. Desidido na siyang hindi sabihin ang tungkol sa pinagbubuntis niya.

“Naiintindihan ko.” tumayo si Belen at may kinuha sa kwarto nilang mag-asawa. Nasa unang palapag lang ang kwarto nila ngayon na dating maid’s quarters. Dahil matatanda na at hindi na nakakaakyat ng hagdan nang maayos, nilipat nila ang kwarto doon. “Ito, hija.” Isang bundle ng susi ang binigay niya. “Susi ito ng condo ko sa Commonwealth. Pang-AirBnB business ko sana kaso papagamit ko na lang sa ‘yo. Fully furnished na ‘yan. Pwede mo na ring lipatan.”

Nag-alpasan ang luha ni Ali sa kanyang mata. “T-Thank you dito, Mommy.” Yumakap siya kay Belen mula sa likuran nito. “Sana po ‘wag po sabihin ni Daddy sa kanya,” anas niya.

“Subukan lang niya,” asik ni Belen. “Sabihan ko rin si Marisol. Daldal pa man din no’n.”

Lumakas na ang hikbi ni Ali na parang bata. Sa edad na 30 ay nagawa niyang umiyak na parang bata.

“Naku, Alissa. Ikaw pa rin ang baby namin.” Hinagod niya ang braso na nakayakap sa leeg niya. “Tawagan mo kami parati, ah? Saka dumalaw ka sa ‘min.” sumisibi na siya dahil ito ang unang pagkakataon na bubukod si Ali sa kanila.

Nakakatawang isipin na pinabubukod na si Ali sa kanila dahil matanda na ito. Hindi niya inaasahan na sobrang sakit pala kapag nasa sitwasyon ka na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status