Share

Chapter 12

Transactions

Mira's POV

Naestatwa ako saaking kinatatayuan nang makita ang napakaraming kahon na drugs. Tama nga ang hinala namin. Tama kami ng napuntahan na lugar!

Mahigpit ang hawak ko sa aking baril upang maging handa sa ano mang pwedeng mangyari.

Tinignan ko si Nate na nasa kabilang dulo ng warehouse. Chine-check n'ya ang mga kahon na nakatambak dito.

"They're here!" Pagbibigay alam ko kay Nate.

Dali-dali s'yang tumakbo upang mag tago at ganon din ako. Binaba ko ang aking sarili upang hindi nila ako makita na mag-lakad papunta sa isang malaking kahon sa likod.

Rinig ko ang mga yapak ng mga lalaki na may dalang malalaking baril. May kausap ang isa sa telepono at ang isa ay sinasabihan ang isa pang lalaki na kasama nila.

"Hindi daw tayo tuloy ngayong gabi sa pakikipagkita sa bibili pero ililipat daw natin lahat sa isang warehouse malapit sa port." Seryosong sabi ng lalaki.

Malapit sa port? Saan naman ang port sa lugar na ito? May isa pa silang warehouse malapit doon?

Dapat ay malaman namin ang mga possible na daan papunta doon para nang sa gano'n ay malaman namin kung saan sila haharangin kung sakali!

"Halika na! Bakit pa kayo nakatunganga d'yan!? Marami pa tayong kailangang tapusin!" Tunog inis na sabi ng isa pa.

Nang marinig kong umalis na sila ay tsaka ako lumabas sa pinatataguan ko para lumapit sa isa sa box.

Kinuha ko ang isang tracking device na kasing liit ng beads and laki. Nilagyan ko ang tig-isang box kada row ng mga kahon.

Tumango ako kay Nate nang matapos kong gawin iyon. Lumakad na kami papunta sa sasakyan kung nasaan nag-aabang sila Mr and Mrs Zalua.

Mabilis kaming sumakay ni Nate at mabilis naman na pinatakbo ni Mr Zalua ang kotse.

"What's inside? Are we correct?" Si Mrs Zalua.

"Yes. Confirmed. There's a lot of drugs inside that warehouse."

"Their transaction is cancelled and they're planning to deliver it to the warehouse somewhere near the port" I said.

Mukhang napa-isip naman si Mr Zalua ng sabihin ko ang port. Sa lugar na ito ay possibleng may port dito ngunit saan?

Tiyak na marami ang daanan papunta sa mga port dahil foon sumasakay ang mga tao na nakatira sa lugar na ito.

"I scanned the whole city and here, it says that there's 4 ports. Lahat ay sakayan ng public to travel." Si Mrs Zalua.

Nakakamangha ang galing at bilis n'ya sa pag scan ng lugar! Bilib na talaga ako sa kung anong kaya nilang gawin dalawa. Marami akong natututuhan sakanilang dalawa na makakatulong saakin balang araw.

Chineck ko ang mga ginagawa ni Mrs Zalua na nakaupo sa front seat. Napakabilis n'ya pumindot at alam n'ya na ang lahat ng ilalagay para maka hack ng system which is incredibly awesome!

"But what if hindi talaga port na madaling makita ng publiko ang tinutukoy nila?" Si Nate.

Tinignan ko ang map na nasa screen ng laptop ni Mrs Zalua. Kita doon ang mapa ng lugar na ito.

"Wait! Bakit parang may bawas ang part na ito?" Tanong ko nang mapansin.

May tinipa si Mrs Zalua upang pilitin na i-zoom ang part na iyon ngunit palagi nalang na dedeny ang pag access. It means, hindi n'ya na hahack ang system na magbibigay ng map sa lugar na iyon.

Nagkatinginan kaming dalawa at halata saaming mga mata na parehas kami ng iniisip na bagay.

"Ang alam ko ay ang part na 'yan is dead end at sarado."

Dead end? But why? Paano magkaka dead end d'ya, eh, may kalapit na lugar ang side na iyan.

"Bangin?" Tanong ko.

Tumango si Mrs Zalua. Nagpatuloy s'ya sa tipa para subukan ulit ngunit ayaw. Hindi ko na rin sinubukan dahil alam ko nan na hindi din gagana ang pag hack ko kung hindi gumana ang kay Mrs Zalua.

Bangin? But what's underneath? A hole? Or....a water!?

"Malapit ang parte na iyan sa isang port, right?" I asked.

Napatingin saakin si Nate nang mahimigan ang kakaiba kong pagtatanong. Miski si Mrs Zalua ay agarang chineck kung tama ang sinabi ko.

"Yes"

Then, it's there!

"Nandiyan ang warehouse!" Desidido kong sabi.

Napatingin sila saakin na tila nag-iisip sila ng dahilan kung tama ba ako. Tinignan ni Nate ang mapa na nasa laptop ni Mrs. Zalua.

"Kung tama ang sinasabi mo, then, Let's wait them....here" tinuro n'ya ang isang daan papunta sa dead end part na sinasabi ni Mrs. Zalua.

Tumango si Mrs. Chia at sinabi kay Mr. Zalua ang plano. Agarang tumango si Mr. Zalua at pinaharurot ang sasakyan n'ya papunta doon.

Kung tama ako ay mahaharangan namin sila doon. We need some things para doon and make sure that there's a back up plan.

"Mrs. Zalua, can you call the corporation in this place? Tell them to come. We need a back up" I asked before turning to Nate.

"We'll stop them using this car, then wait a bit. I'll give you a signal then, go to Sebastian." I said, giving him an order.

Tumango s'ya at mangha akong tinignan. Umayos s'ya ng upo bago ngumiti. "Copy, Agent Carper. Damn, you're really good at this, Huh?" Pang-aasar n'ya.

Siniko ko s'ya dahilan para tatawa-tawa s'yang tumingin saakin. Pinandilatan ko s'ya ng mata at tinawanan. "Buti nga sa'yo" sabi ko.

"Sikuhin ko tagiliran mo diyan, eh." Bulong n'ya na narinig ko.

Agad kong pasimpleng tinakpan ang t'yan ko kung saan may benda. Damn, I almost forgot about this.

Habang nasa sasakyan kami ay inayos namin ang mga kailangan. Natawagan na ang corp. Para sa hinihingi naming back up.

I'm sure malaki ang mahuhuli namin ngayon, sa pagkakarinig ko ay worth a Billion pesos ang mawawala sakanila kapag nahuli sila.

Well, ngayon na kayo mahuhuli! And I'll make sure na hindi lamang si Sebastian ang mahuhuli kung hindi si Philip Solomon din.

"Let's go"

Bumaba kami ni Nate ng sasakyan. Tumango kami sa mag-asawa bagonsila nagmaneho papunta sa pwesto nila.

Dahan-dahan kaming nag-tago sa mga puno ni Nate. Nag-lagay ako ng maliliit na pako sa kalsada na dadaanan nila para sa kanilang mga sasakyan.

Hinanda ko din ang baril ko. Chineck ko ang bala kung madami pa.

"How many missions did you accomplished?" Nate suddenly asked.

Napatingin ako sakaniya. Kumuha ako ng dahon sa isang puno at nilapag sa lupa bago umupo.

"More than what you think" I said.

Umupo din s'ya sa tabi ko at tinignan ang baril ko. Napatingin naman ako sa baril n'ya.

May kakaibang design iyon na tila customized ito. Mayroon doon na ibon na sa tingin ko ay phoenix.

"Where did you get that gun?" I asked out of curiosity.

Tinignan n'ya ang baril n'ya bago tumingin saakin. "It's from my brother" tumingin s'ya sa kawalan.

"I want a gun like that" biro ko.

"What are you? A jealous kid?" Asar n'ya pabalik.

A jealous kid? Really? Gusto ko s'yang simangutan dahil sa sinabi n'ya. Mukha ba akong bata!?

Natahimik kami nang ilang segundo. Bigla kong naisip ang tanong na matagal nang gumugulo saakin.

"Nate.." tawag ko.

Nahinto s'ya sa kaniyang ginagawa at tumingin saakin. Inangat n'ya ang isang kilay n'ya. Nakita ko ang pag straight ng kaniyang labi.

"Bakit mo tinanggap ang offer nila sa'yo?" Tanong ko.

Nangunot ang kaniyang noo dahil doon. Napabuntong hininga ako dahil sa reaksyon n'ya.

"The SAC's offer to be my partner in this mission" ngayon ay tunog mataray na ako.

Natahimik s'ya. Nakatulala sa aming harapan. Ilang sandali ay tumingin s'ya saakin kasama ang kakaiba na n'yang mata.

Ilang segundo kong naramdaman na parang hindi s'ya si Nate. Ilang segundo kong naramdaman ang pag-iiba n'ya.

May kakaibang kaba na dinulot iyon saakin. Kaba na hindi ko maipaliwanag kung bakit ko naramdaman.

"I-"

"They're here, Agents!" Si Mrs. Zalua galing saaming ear device.

Nagkatinginan kami ni Nate bago kami tumayo. Nagtago ako sa puno at hinanda ang sarili.

Narinig namin ang tunog ng sasakyan na papalapit saaming pwesto. Mukhang apat na sasakyan iyon. Isa na truck at tatlong guards.

Sinilip ko ang mga sasakyan. Nakita ko na ang nasa unahan ay ang isang kotse, sa gitna ang truck at sa magkabilang gilid nito ay ang kotse ni Sebastian at isa pang kotse ng guards.

Tinanguan ko si Nate bago humiwalay sakaniya. I positioned myself. I'm aming my gun sa guards.

Nang sa wakas ay daanan nila ang mga pako. Napahinto silang lahat. Lumabas ang isang guard at tinignan ang mga pako.

Sinenyasan n'ya ang mga kasamahan n'ya para bumaba at linisin iyon. Nagtago ako nang maigi nang makita ang pagtingin nila sa paligid. Lahat sila ay may bitbit na baril.

"3...2...1.."

"Now" sabi ko sa ear device.

Rinig namin ang mabilis na magtakbo ng sasakyan nila Mr. Zalua at binangga ang nasa unahan na sasakyan.

Naalerto silang lahat at pinagbabaril ang sasakyan nila Mr. Zalua. Isang lalaki ang lumapit doon at tinignan ang loob.

"Walang tao, boss!" Sigaw n'ya.

Bumaba si Sebastian sa kaniyang kotse. May dala itong baril. Tinignan n'ya ang mga tao n'ya na alerto na. Galit s'yang tumingin sa sira nilang sasakyan sa harapan.

Hindi na sila madaling makakadaan doon. "Kumalat kayo! Hanapin n'yo ang may gawa nito!" Galit n'yang sigaw.

Bago pa man makakalat ng tuluyan ang mga tao n'ya ay isa-isa ko na sila binaril. Nakatago pa rin ako sa puno habang isa-isa silang natutumba.

"Doon!" Sigaw nang isa na nakakita saakin.

Shit!

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at pinagbabaril sila. Lumabas din sila Mr. Zalua at bumato ng smoke sa kanila dahilan para mabulag silang lahat.

Lumapit na ako sa mga lalaki at isa-isa silang tinumba. Rinig ko ang isa-isang pagkaubos ng mga bala nila kakabarik saamin.

Nawala ang smoke at tumambad saamin ang makalat na lugar. Wala na ang mga lalaki. Lahat na sila ay nakahiga sa lupa.

Nakita ko si Nate na hawak ang tulog na si Sebastian. Tumango s'ya saakin dahilan para tanguan ko din s'ya.

Tinignan ko sila Mr. Zalua at nakita na sayang-saya sila sa dami ng napatay. Mukhang nasiyahan sila sa misyon na ito.

"Let's g-"

"Wait!" Tinignan ko si Mr. Zalua na nakatingin sa harapan. Tila may tinatanaw ito.

"Oh shit! Nakatawag sila ng back up!" Sigaw nito saamin.

Binalik ko ang baril ko sa lalagyan at pinulot ang baril ng lalaking nakahandusay.

"Let's end this shit" I said.

Hinanda ko ang sarili ko sa mga paparating. Bumaba sila sa kotse nila at pinaputukan kami. Mabilis akong bumawi at nag-tago sa isang kotse.

Pinagbabaril namin silang lahat. Kita ko pa ang pagbabaril ni Mrs. Zakua gamit ang dalawang baril.

"I think, I heard something" Mrs Zalua said to me.

Kinindatan n'ya ako bago bumalik sa pagbaril sa mga lalaki sa unahan. Tumayo ako at pinagbabaril sila. Yumuko ako nang muntikan na akong tamaan ng bala. Nagtago ako sa likod ng kotse ni Sebastian kung nasaan si Nate na bumabaril din.

"Nandito na sila" si Nate at tumingin saaming likudan.

I saw many cars approaching to our direction. May logo ito ng SAC.

Mabilis silang bumaba sa sasakyan at pinaulanan ng bala ang kalaban. Isa-isa silang kumibot saamin at may dalang bullet proof na sheild.

May isang lalaki na nag check ng truck. Napanganga s'ya nang makita ang laman no'n.

Tumingin s'ya saakin at kay Nate bago yumuko. Tinanguan namin s'ya bago sinenyasan para kunin sila Mrs. Zalua.

"Yes, Agent!" Sigaw n'ya.

Isa-isa nilang hinuli ang mga lalaki. Nakita pa namin ang ibang sasakyan na umalis papunta sa daan kung saan nanggaling ang back up ng mga sindikato.

Ibinigay ni Nate si Sebastian sa mga agents ng SAC. Pumunta naman ako sa pwesto nila Mrs. Zalua para icheck sila.

"You did great, Agents." They said.

Nakita ko na bahagyang tinatakpan ni Mrs. Zalua ang kaniyang braso. Nakita ko ang mantsa ng dugo doon.

"Are you okay?" I asked.

Tumango s'ya bago ngumiti. "Yeah. Daplis lamang ito." Sabi n'ya.

Tumingin ako kay Nate na halata ang pagod. Tsk. I'm sure hindi s'ya ganito kadaling mapagod. He's used to this kind of encounter.

"Hey! Are you okay?" Pag check ko sakaniya.

"Yup" sabi n'ya bago pumunta sa isang lalaki. Kinausap n'ya ito at may binigay sakaniyang susi ang lalaki.

"Let's go. Time to go back to our main mission" sabi n'ya.

"I'll drive. Hahatid ko kayo sa hotel n'yo. Uuwi na din kami para magamot ko si Chia" si Mr. Zalua.

Tumango si Nate at binigay ang susi kay Mr. Troy. Nag-lakad naman ako papunta sa mukhang head nila.

"Hi. I'm Agent Carper from manila SAC. Send me the report of this incident. I want it to my room tomorrow" mataray kong sabi bago s'ya nilagpasan at sumakay sa kotse kung nasaan sila Nate.

"Taray" bulong ni Nate.

"Shut up"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status