Share

CHAPTER 4

CHAPTER 4

CLEMENTINE DESCHAMPS

"Aray! Hindi na ko makahinga!" Reklamo ko sa kanila.

"K-Kaunting hila na lang po, Madame." Tugon naman sa akin ni Fantine.

"Aray!" D***g ko nang higpitan niya pa lalo ang suot kong corset.

"Ayos na." Masyang tugon ni Isabelle.

Sinuotan naman na ako ng magarbong damit ni Julie. Kulay lilang damit na nabuburdahan ng mga rosas. Habang ang suot ko namang sapatos ay may takong na kulay rosas at napapalamutian ng mga batong amethyst.

"Huwag niyo ko lalagyan ng ganyan." Tugon ko sa kanila nang aktong lalagyan na nila ako ng pampaganda sa mukha.

"Pangako po. Kaunti lang." Tugon sa akin ni Fantine.

"Susuotan pa namin kayo ng alahas." Tugon naman ni Julie habang pinapakita pa sa akin ang mga dala niyang gamit.

Pakiramdam ko pinapahirapan nila ako kahit binibihisan lang naman nila ako.

Huminga ako ng malalim. "Sige na nga. Basta kaunti lang."

"Sige po." Masayang tugon ni Fantine.

Umupo na ako sa salamin habang nilalagyan nila ng pampaganda ang mukha at inaayos ang buhok ko.

"Ano 'yan?" Tanong ko sa kanila matapos lagyan ng kung ano ang buhok ko.

"Pulbos po, Madame." Sagot naman ni Fantine.

Tae? Para saan naman?

[Both men and women powdered their hair or wig throughout the 17th and 18th centuries. Powdering was introduced when King Henry IV of France (1589-1610) used dark powder on his greying hair.]

"Kukulotin po namin kayo." Tugon naman ni Julie.

"Ang tawag po rito sa ginagawa namin sa inyong buhok ay tete de mouton." Paliwanag ni Isabelle.

[Generally petite and arranged close to the head, the "tete de mouton" or "sheep's head" style was particularly popular at the time and was characterized by soft curls with little or no height. This style can be seen in many of Madame Pompadour's portraits. (Mme. Pompadour is the mistress of Louis XIV.) The tête de mouton received its name during the reign of Louis XIV.]

"Mas ayos na 'yan kaysa sa mga nakikita ko sa iba. Ang taas ng buhok nila tapos ang dami pang nakalagay. Ako nabibigatan sa kanila e." Reklamo ko na nakapagpatawa sa kanila.

"Madame, gusto daw po ng hari na suotin niyo 'to." Sabi ni Fantine at pinakita sa akin ang isang kwintas.

"Gawa po 'yan sa mga perlas galing ng Asya at purong diyamante po ang dekorasyon sa gitna." Paliwanag niya at isinuot ito sa akin.

Hays. Ayoko suotin pero wala naman akong magagawa. Ang arte kasi ng hari. Akala mo naman siya ang magsusuot.

"Tapos na po." Tugon sa akin ni Fantine.

Scratch! Scratch!

"Bakit hindi na lang sila kumatok? Ang sakit sa tenga kapag kinakayod nila yung pinto e."

[At Versailles, something as basic as knocking on a door was highly regulated and ritualized. Tapping on a door with knuckles was a faux-pas (words or behaviour that are a social mistake or not polite) instead, courtiers had to scratch on door frames with their fingernails. This more discreet system was the only way someone could announce their presence to a room.

As a result of this method, courtiers grew out one of their fingernails specifically to scratch on doors.]

"Bawal po, Madame." Nakangiting tugon ni Fantine.

Si Julie na ang nagkusang magbukas upang papasukin ang doktor at ang mga katulong nito.

"Magandang umaga, Madame." Bati nila sa akin at nagbigay-galang.

"Magandang umaga." Bati ko pabalik.

Ilang minuto ang lumipas habang sinusuri ng doktor ang kalagayan ko.

"Mas maayos na ang kalagayan ng kamay mo kaysa kahapon." Tugon nito.

"Tama po kayo."

"Basta huwag lang magagalaw ay tuloy lang ang paggaling mo." Paalala nito.

"Maraming salamat po." Sagot ko rito.

Nagpaalam na ito sa akin at umalis.

"Tara na po." Aya sa akin ni Fantine.

"Saan? Akala ko ba kakain na ko?" Tanong ko.

"Opo. Kasabay po ng hari at reyna." Sagot nito.

Huh? Niloloko niyo ba ko?

"Wala ba talagang oras dito para sa sarili ko lang?" Tanong ko sa kanila.

"Pasensya na po, Madame." Sagot ni Fantine sa akin habang nakangiti pa rin.

Napahilot ako sa sintido ko.

"Tara na nga." Tugon ko sa kanila at padabog na tumayo.

Nauna na si Fantine sa paglalakad, dahil siya naman ang susundan ko papunta sa kung saan man yung sinasabi nila na sasabay akong kumain sa hari at reyna.

Pagkapasok ko ay nagsitinginan silang lahat sa akin. Mula sa mga naghahain ng pagkain nila hanggang sa mga opisyal ng palasyo. May ibang hindi natutuwa pero may ibang walang pakialam. Isa lang talaga ang demonyong nagagawa pang ngumiti sa ganitong sitwasyon, ang hari.

"Magandang umaga, mon amour (my love)." Bati nito sa akin at lumapit.

Mon amour? Nakakadiri naman. Kilabutan sana siya.

"Walang maganda sa umaga. Lalo na at ikaw ang nakita ko." Bulong ko rito.

Hindi na niya pinansin pa ang sinabi ko. "Tumabi ka sa kanan ko."

Hindi na ko nag-inarte pa at sinunod na lang ang sinabi niya. Binigyan nila ako ng upuan sa tabi niya at doon ako pumwesto.

"Kadiri naman 'to! Itapon niyo nga 'to!" Maarteng tugon ng reyna.

Madali naman siyang sinunod ng iba at talagang tinapon nga nila 'to. Gusto ko siyang sampalin dahil sa ginawa niya.

Anong nakakadiri doon? Bobo ba siya? Ipalunok ko kaya sa kaniya 'yon hanggang sa hindi na siya makahinga?

"Clementine." Tugon sa akin ng hari.

Hindi ko napansin na bumakat na pala ang kuko ko sa kamay ko sa sobrang pagkakuyom ng kamao ko. Kaunti na lang ay magsusugat na.

"Kumain ka na." Tugon sa akin ng hari at isinubo sa akin ang isang biscuit.

Dahil nabigla ako sa ginawa niya ay muntik na kong mabulunan. Natawa naman siya sa nangyari sa akin.

Nakakatawa 'yon? Sakalin kaya kita?

"Kumain ka rin. Halatang nagkukulang ka sa nutrisyon sa kitid ng utak mo." Tugon ko sa kaniya at sinubo sa kaniya ang isang buong malaking biscuit

"Masarap diba?" Madiin kong tugon sa kaniya.

Pinilit niyang ngitian ako habang pilit rin na nginunguya ang biscuit.

Doon lang pumasok sa isip ko na ang dami nga palang tao rito at ngayon ay nakatingin sila sa amin. Akala siguro nila ang saya ko, hindi nila alam na kung kumukulo ang dugo nila sa akin ay triple ang nararamdaman ko sa hari nila.

"Ahem." Pag-ubo naman ng reyna.

Napataas ang kilay ko sa ginawa niya. Nakakatawa naman. Nagseselos ba 'to?

"Kumain ka rin para naman sumaya ka. Hindi yung lagi kang galit." Tugon naman ng hari sa akin.

Talagang hindi niya pinansin ang reyna. Wala talaga 'tong pake.

"Kahit na ilang pagkain pa ang ubusin ko, hindi mauubos ang inis ko sa'yo." Nakangiting tugon ko.

Tinuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na sila pinansin pa, maging ang mga taong nanunuod sa pagkain namin ngayon.

Araw-araw laging may nanunuod sa kanila. Hindi ba sila nangingilabot?

"Kapag wala kang magawa ay pwede mo namang libutin ang palasyo. Hindi mo kailangang magkulong sa kwarto mo." Sabi ng hari.

"Kung hindi ba naman laging may nakatingin sa akin edi sana alam ko na ang bawat pasilyo ng palasyo." Sagot ko.

"Edi tumakas ka. Ang dali lang e."

"Edi ikaw na ang magaling. Akala mo naman ang dali lang maligaw dito kapag tumakas ako."

"Huwag ka na magreklamo. Hindi mo naman pala kaya mag-isa."

"Huwag mo na kong kausapin. Wala ka namang kwenta."

"Kumain ka na nga lang."

"Kakain talaga ako." Sagot ko at muling binaling ang atensyon ko sa pagkain.

Kainis. Lutuin ko siya e.

"Ang alam ko ay wala ka namang bisita mamaya kaya gamitin mo ang oras mo para maglibot." Tugon niya.

"Galing. Nagbago agad ang isip?"

"Gusto mo baguhin ko uli?"

"Sinabi ko ba?"

Bago pa kami mag-away uli, tumayo na ko. Pero pagkatayo ko naman, nagsibulungan ang mga tao dito.

Ano ba talaga kayo? Tao o bubuyog?

"Saan ka pupunta?" Tanong nito sa akin.

"Gagala." Simpleng sagot ko.

"Umupo ka muna. Hindi pa kami tapos kumain."

"Ano ngayon?"

Hinanap ng mga mata ko sila Fantine, Julie, at Isabelle. Tumungo sila sa akin nang mapansin ko sila. Hindi na ko nakipagsagutan pa at umalis na ko roon habang nakasunod sa akin ang tatlo.

"Madame, hindi po kayo dapat umalis doom habang hindi pa tapos kumain ang hari at reyna." Tugon sa akin ni Fantine.

"Bawal pong umalis habang di pa tapos ang mga taong mas mataas ang posisyon sa inyo." Paliwanag naman ni Julie.

"Anong mga pwedeng puntahan dito?" Tanong ko upang mabago ang usapan.

"Ang hardin po, Madame." Sagot naman sa akin ni Isabelle.

"Sa Grand Trianon kaya?" Tugon naman ni Julie.

Halatang nagliwanag ang mga mukha ng mga kasama ko nang marinig ang sinabi niya.

"Oo nga!" Sabay na tugon ni Fantine at Isabelle.

[The Grand Trianon is a château (palace) situated in the northwestern part of the Domain of Versailles. It was built at the request of King Louis XIV of France (r. 1643–1715), as a retreat for himself and his maîtresse en titre of the time, the Marquise de Montespan (1640–1707), and as a place where he and invited guests could take light meals (collations) away from the strict étiquette of the Court.

"A little palace of pink marble and porphyry, with marvellous gardens," wrote Jules Hardouin-Mansart.]

"Bakit ang saya niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Madame, diba ayaw mo ng striktong pamantayan sa palasyo? Mas gugustuhin mo roon!" Sagot ni Julie.

"At-saka napakaganda roon! Napakaraming bulaklak at gawa sa kulay rosas na marmol ang palasyo! Kahit sinong babae ay mas gugustuhin na roon manatili!" Tugon naman ni Isabelle.

"Doon po ba tayo, Madame?" Tanong ni Fantine.

"Sige na nga." Sumusuko kong tugon.

Ilang sandali kaming naglakad papunta roon at ang unang bumungad sa akin ay ang bukod tanging hardin nito at ang kulay mismo ng palasyo na kulay rosas.

"Pumasok na po tayo." Pag-akay sa akin ni Fantine.

Pumasok kami sa loob at sinalubong kami ng limang tagapaglingkod.

"Magandang umaga, Madame de Bijou." Bati nila sa akin at tumungo.

"Magandang umaga." Sagot ko.

Kahit na hindi naman talaga maganda ang umaga ko.

"Pinaghanda po kayo ng hari ng silid na maaaring tuluyan niyo." Tugon sa akin ng isang matandang babae.

"Ihatid mo kami." Sabi ni Fantine sa kaniya.

Muli itong tumungo bago kami ihatid kung nasaan ang silid na sinasabi nila.

"Narito na po tayo." Tugon nito sa akin.

Binuksan naman ni Julie at Isabelle ang malaking pinto ng silid. Pumasok kami rito at nakita ang mas simpleng silid kaysa sa tinutuluyan ko roon. Mahal pa rin tignan pero mas simple. Nakaagaw lang talaga ng pansin ko ang malaking larawan sa taas ng fireplace.

"Ang ganda niyo sa larawan, Madame." Puri sa akin ni Julie.

"Matanong ko nga. Sinong nagpipinta ng mga larawan dito?" Tanong ko.

"Hindi niyo po alam? Ang hari po mismo ang nagpinta ng mga larawan niyo at siya rin po ang nag-ukit ng inyong iskultura." Sagot sa akin ni Fantine.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nila.

Ibig sabihin magaling pala sa sining ang loko-lokong 'yon?

"Hindi lang po mahilig sa pagpinta at pag-ukit ang hari, mahilig rin siya sa mga palabas, sayaw, at pag-awit. Mahilig din siya sa mga bagay na may relasyon sa agham at matematika. Naglalaan rin po siya ng araw para sa pagsasanay ng espada." Pahabol pa ni Fantine.

Nagtanong lang ako kung sino nagpinta ang dami na agad sinabi. Edi siya na magaling.

"Madame, ano nga po palang mga hilig niyo?" Biglang tanong ni Isabelle.

"Hindi kayo maniniwala."

"Ano po?" Pagpilit naman sa akin ni Julie.

"Mag-alaga ng kabayo at magsanay ng espada. Mag-aral ng mga halaman at magbasa ng mga librong pang-medisina." Sagot ko.

"Woah." Namamahang tugon nila sa akin.

"Kung nanalo lang sana kami sa rebelyon ay nais kong maging doktor pagkatapos." Tugon ko.

"Babaeng doktor..." Mahinang tugon ni Isabelle.

"Gusto kong malaman nila na ang mga babae ay hindi lang asawa, anak, at ina. Ang mga babae ay isa ring instrumento na pwedeng baguhin ang mundo gaya ng mga kalalakihan. Hindi ko sinasabing ang lahat ng ginagawa ng mga lalaki ay kaya natin, imposible. Ngunit may nagagawa rin tayo na hindi kayang gawin ng mga lalaki. Kung habangbuhay na mababa lang tingin sa mga kababaihan at lalaki ang titingalain sa mundong ito, ang mga lalaki lang ang uunlad at maiiwan tayo." Paliwanag ko.

"Kaya po siguro kayo nagustuhan ng hari..." Rinig kong tugon ni Julie.

Natawa ako sa sinabi niya kasi hindi rin naman imposible. Pero hindi ko naman masasabing gusto niya ko. Siguro gusto niya nga ako, gustong asarin.

"Nakapunta na po ba kayo sa isang salon, Madame?" Tanong sa akin ni Fantine.

[A salon is a gathering of people under the roof of an inspiring host, held partly to amuse one another and partly to refine the taste and increase the knowledge of the participants through conversation.]

"Hindi pa." Sagot ko.

"Madame, pumunta po kayo. Marami po kayong maibibigay sa iba."

"Bakit hindi tayo mag-umpisa ng salon ngayon?" Nakangiting tanong ko sa kanila.

Magkakatabing silang umupo sa sofa na nasa harap ng kama ko at ako naman ay umupo sa kama mismo.

"Mag-umpisa tayo sa madali." Tugon ko. "Mahalaga ba ang edukasyon?"

Tumango naman sila.

Ngumiti ako. "Bakit?"

"Dahil ang edukasyon ang sagot sa kamangmangan. Hindi lang ito nakakapagbigay ng kaalaman, pinapataas din nito ang tiwala sa sarili ng isang tao. Dahil kung ang isang tao ay may alam, hinding-hindi siya papayag magpaloko." Sagot ni Fantine.

"Isa pa, kailangan din natin ng edukasyon sa araw-araw. Hindi rin tayo makakaisip ng mas maganda pa para pagandahin ang isang bagay kung wala tayong edukasyon." Sagot naman ni Julie.

"Ang sabi sa akin ng aking ina, kapag marunong ang isang tao ay alam niya kung ano ang tama at mali. Kung talagang edukado kang tao, gagawin mo ang tama dahil alam mong walang mabuting maidudulot ang mali. Makakatulong ang edukasyon, hindi lang para sa sarili kundi para sa bayan." Tugon ni Isabelle.

"Tama kayo. Isa ang edukasyon sa pundasyon ng isang bansa. Ngunit bakit sa ngayon ay mayayaman lamang ang nakakapag-aral? Mga mayayaman lang ba ang pundasyon ng bansa?" Tugon ko.

"Hindi lang basta mayaman, mga lalaki lang din ang nakakapasok sa eskwela at nakakapagpalitan ng kaalaman." Pagsang-ayon sa akin ni Isabelle.

"Sa aming lugar, mabibilang lamang sa daliri ang makikita mong babaeng nakakapagsulat at nakakapagbasa. Hindi na pinaghihirapan pang turuan dahil para sa kanila ay pangbahay lamang ang mga babae. Ikakasal at mananatili lamang sa bahay ang mga ito kaya hindi nila kailangang mag-aral." Muli kong tugon.

"Kung mga lalaki lang ang mabibigyan ng edukasyon, mga lalaki lang rin ang makakaalam ng tama at mali. Malay ba natin kung ilang babae sa kasalukuyan ang niloloko dahil sa kamangmangan." Sagot ni Fantine.

"Madaling sabihin ng mga lalaki na may ginagawa rin sila para sa atin dahil hindi natin kayang gawin. Ngunit mas alam natin kung ano ang para dapat sa atin dahil tayo ang mga babae at hindi sila." Sagot naman ni Julie.

"Isa pa, nabanggit niyo kanina na ang edukasyon ay isa sa mga pundasyon ng isang bansa. Kung mas maraming edukado, mas tataas at titibay ang pundasyon ng isang bansa." Sagot ko.

"Kung mabibigyan tayong lahat ng sapat na edukasyon, lalo na ang mga kababaihan at mahihirap, ay hindi malayong umunlad ang ating mga sarili maging ang ating bayan." Tugon ni Isabelle.

"Pero paano makakapag-aral ang lahat?" Tanong ni Julie.

"Simple. Pampublikong paaralan." Sagot ko.

"Pampubliko? Paano tatakbo ang paaralang 'yan?" Tanong ni Fantine.

"Noong bago pa mag-umpisa ang rebolusyon, nagtuturo ako sa mga batang kalye paano magsulat at magbasa. May bayad ba ko? Wala."

"Ngunit paano kung napakadaming estudyante? Hindi rin naman ganoon kadaling papayag ang guro na magturo na walang kapalit. Hindi nila ipagpapalit ang buhay at kinabukasan nila para lamang sa kinabukasan ng iba." Tugon naman ni Isabelle.

"Hindi ba't nagbabayad sila ng buwis? Ibalik natin sa kanila." Sagot ko.

"Sa tingin ko rin ay hindi lang mga buwis ang magagamit natin upang pag-aralin ang mga bata. Maaaring may mga magbigay rin ng tulong sa paaralan gaya ng mga gamit at pandagdag na salapi." Sabi naman ni Fantine.

"May isa ring solusyon. Maaari rin tayong magtayo ng pribadong paaralan para sa mga mayayaman, at ang mga sobrang salapi na malilikom mula roon ay maaaring maitulong sa pampubliko." Sagot ko naman.

"Teka. Bakit parang nagpaplano naman tayong magtayo ng paaralan? Paalala lang, nag-uusap lang tayo." Sabi naman ni Julie.

Magandang ideya.

"Salamat, Julie." Tugon ko sa kaniya.

"M-Madame, seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Isabelle.

"Oo naman. Kakausapin ko ang hari mamaya." Sagot ko.

"Maraming salamat po, Madame." Tugon naman sa akin ni Fantine at tumungo.

Halatang naguguluhan pa rin ang dalawa pero ginaya na lang nila sa pagtungo si Fantine.

---

Mag-isa akong pumasok sa silid kung saan nagtatanghalian ang hari ngayon at umupo ako sa kabilang dulo ng lamesa.

"Anong sasabihin mo?" Tanong nito sa akin.

"Halata ba talaga sa mukha ko?" Tanong ko pabalik.

"Oo. Ang pangit mo e." Sagot nito.

Pinilit kong ngumiti. "Oo at hindi lang naman ang isasagot mo. Ang hilig mong magdagdag ng kung ano."

"Anong ngang sasabihin mo?"

"Magtatayo ako ng paaralan." Sagot ko na nakapagpatigil sa kaniya.

"Anong klase?" Tanong niya.

"Pampubliko, para sa mga mahihirap na mamamayan." Sagot ko.

"Mamamayan? Babae at lalaki?" Tanong niyang muli.

"Oo." Diretsong sagot ko.

Napapalakpak naman siya dahil sa naging desisyon ko.

"Magaling, Madame. Magaling." Puri niya sa akin.

"Ibig sabihin ba ay pumapayag ka?" Tanong ko.

"Kahit anong sabihin mo ay papayag ako." Tugon niya. "Pero hindi ako sigurado kung papayag ang iba."

"Anong plano mo?" Tanong ko rito.

"Wala naman akong ibang magagawa kundi mag-umpisa ng pagpupulong. Pumunta ka bukas." Sagot niya.

Huh? Bakit kailangan nandoon pa ako?

"Syempre, ideya mo 'yan. Kaya dapat naroon ka." Sagot niya.

"Ideya ko o gusto mo lang na ipakita ako sa mga tao mo?"

"Pareho." Diretso niyang sagot.

Tumayo siya at naglakad papalapit sa akin.

"Planuhin mo ng maayos ang mga sasabihin mo." Tugon niya at hinawakan ang leeg ko. "Ayokong ipahiya mo ko."

"Kung ayaw mo edi tulungan mo ko. Gusto mo kasi laging nasa iba ang sisi." Sagot ko sa kaniya.

Napataas ang kilay niya sa sinabi ko.

"Ah!" Sigaw ko nang bigla niya kong itayo at hilahin palapit sa kaniya.

"Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw lang nakasagot sa akin ng ganiyan." Bulong niya sa akin.

"Bitawan mo nga ko." Tugon ko sa kaniya habang pilit na umaalis ako sa kaniyang mga bisig.

"Hindi mo ba naiintindihan? Ngayon lang ako pumwersa ng babae sa buong buhay ko. Habang mas lalo mong nilalayo ang sarili mo sa akin, mas gusto kong nilalapit ang sarili ko sa'yo."

Napapikit ako nang maramdaman ang kamay niyang naglalakbay sa likod ko pababa sa balakang ko.

"Pero alam mo din ba? Hindi kita kayang pilitin. Lumaki akong natutuwa sa pagdurusa ng iba pero ikaw... May kung ano sa puso ko na kumikirot kapag nakikita kitang nahihirapan." Tugon niya at binitawan ako.

Hindi na niya ko hinayaang magsalita at nauna na siyang umalis sa kwartong ito.

Ano 'yon? Seryoso ba 'yon?

Kung sa ibang pagkakataon ko lang siya nakilala ay iisipin kong may gusto siya sa'kin pero sa ganitong paraan kami nagkakilala. Hindi ako pwedeng mahulog sa mga salita niyang wala namang kabuluhan.

Ang sabi ng iba, France ang bansa ng pag-ibig. Hindi nila alam, walang puwang ang pag-ibig sa lugar na ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status