Share

Kabanata 4

Matagal kaming natahimik paglayo noong lalaki. Nakaupo lamang kami sa buhangin habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

I want to ask, why is he doing this?

He is being so kind.

"Ganoon ba talaga kayo?" tanong nito pagbabasag sa katahimikan. Sumulyap ako sa kanya na malayo ang tingin sa harapan namin.

He clenched his jaw and Adam's apple moved. He has a perfect jawline that fits perfectly on him, he looks so manly. He has hard features. He looks arrogant and always furious because of his deep set of eyes.

"Anong ibig mong sabihin?" paos na boses na tanong ko, habang namamangha pa rin sa kanya.

Napaawang ang labi ko nang bigla itong humarap sa akin. Nagulat ako at bigla akong napayuko.

"You met your friends, but why don't you seem happy?"

Napakagat ako sa aking ibabang labi.

"Is it obvious?" Napahinto ako sa tanong ko at napangisi na lang. "True friends never exist in Valencia, Rad. You belong if you meet their expectations like; fame, money and power." I stopped and looked at him and brows furrowed with confusion.

Alam ko hindi niya maintindihan iyon. Ibang-iba ang katayuan namin sa buhay kumpara sa kanila, pero tunay ang kaligayahan na natatamasa nila.

Tumayo ako sa buhangin at tumaas ang tingin nito sa akin. Nakangiti akong tumingin sa kanya.

Tulad ko, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko.

Do I need to sacrifice my life just for the safety of my family? Do I need to do this?

"Kaya ka ba bumaba dahil sasamahan mo akong lumangoy?" nagagalak na tanong ko.

Hindi ito ang tamang oras para kaawaan ang sarili ko. Masyadong maganda ang tanawin upang magmukmok at isipin ang mga bagay-bagay.

"You can swim, while I am waiting--"

"Oh! Please, Rad. Hindi ko alam baka huli na ang pagpunta ko rito. We should at least enjoy every seconds of it." Tawa ko habang hinihila ang kamay nito upang tumayo.

Sinimangutan ko siya nang tumayo lamang siya sa dagat at hinayaan na akong lumangoy. Nakahalukipkip ito habang tahimik na nakatayo.

"Sana maulit pa ‘to..." sabi ko bago ako pagbuksan ng kasambahay ng pinto ng kotse. "Salamat, Rad."

Hindi ko mapagkakaila ang ligaya na nararamdaman ko.

Sa bawat kasama ko siya pakiramdam ko malaya kong nagagawa ang mga bagay na gusto ko. Walang limitasyon, walang matang nakabantay.

It’s just me, my real me.

I was waiting to Perla to tell me what to do while I was eating my breakfast. My heart was full of excitement when she walked towards me. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganitong excitement sa paglabas ko. Hindi ko na mapigilan na may pagkakataon na naman akong makagala na hindi nila nalalaman.

Hindi ko alam kung bakit buong-buo ang tiwala ni Perla kay Rad. Wala silang iniisip na puwede niya akong ipasyal o dalhin sa lugar kung saan ko gusto. Kung puwede lang akong tumakas, hindi na ako mahihirapan pa.

Kinuyom ko ang mga palad ko, isa lang ang siguradong paraan para ako makawala rito. Iyon ay kung babalik si Rafaella. Pero kahit na anong hanap ko, hindi ko pa rin siya makita. Walang ni isang nakakaalam kung nasaan siya, even dad hired a private investigator to find her. Nakalimutan ko, matalino nga pala ang kakambal ko at alam niyang hahanapin siya ng magulang namin.

"After your breakfast Senyora Abella, may yoga class ka. Mamayang hapon ay magpa-pratice ka ng proper etiquette sa paglalakad at tamang manners sa hapag kainan." Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya.

"Wait? Etiquette classes? Alam ko na ‘yon."

"Ang sabi ni Donya Angelita, kailangan mong muling matutunan ‘yon." Tiniim ko ang labi ko at tumango.

"Wala ba akong schedule ngayon na lalabas ng mansyon? I mean meeting some people?" Itinaas ko ang kilay ko at nakita ko ang pagdaan ng pagtataka sa mga mata ni Perla.

Alam ko naninibago siya sa akin, dahil she knows me very well. I hate going out and meeting people here in Valencia. I'd rather stay home. We always argue before because of that, but right now it is different. If going out means being with Rad, and being with my true self. Well, I see no problem with that.

Tumikhim ako para mawala ang pagtataka niya.

"Is that all?" muling tanong ko.

"Iyon ang buong activity mo ngayong araw." Tumango-tango ako at tamad na kinain ang breakfast ko.

So hindi ako makakalabas ngayon at hindi ko makikita si Rad? Nakaramdam ako ng lungkot doon. Gaya ng sabi ni Perla ginugol ko ang buong umaga ko sa yoga lesson. Siguro ay mas mabuti na ito para magkaroon ako ng peace of mind sa kakaisip sa maraming bagay. Lalo na at kailangan kong mag-isip kung paano makatakas dito. Mali, kung paano ko baguhin ang desisyon ni Esteban.

Pero panaka-naka ay hindi nawawala sa isipan ko si Rad.

"Uh, Katya?" tawag ko sa kanya.

Kakapasok lang nito sa aking silid upang bigyan ng makakain ang trainor ko. Ito ang nagtuturo sa akin sa etiquette class.

"Hmm?" Lumapit ito sa akin at nagtatanong ang mga mata.

"Si-Si Rad? Nakita mo ba?" hindi mapigilang tanong ko.

I can't help myself but I want to see him right now. My activities were so tight that I didn't have time to breathe.

Nanlaki ang mata nito sa tanong ko at biglang natawa. "Mukhang nagiging malapit kayo ni Rad, Señorita.”

Umismid ako sa sinabi niya at umiwas sa kanya. "Nasa rancho at nagpapakain ng mga kabayo."

I pretend that I didn't hear what she said, at kunwari inabala ang sarili sa cellphone ko dahil sa pilyang ngiti nito sa akin. Hindi ko mapigilang ngumiti nang nakalabas na ito.

Buong hapon ay pinipilit kong sumulyap sa balcony ng silid ang kaso ay nasa kabilang banda ang maliit na rancho namin. Nagbabakasakali na dumaan siya rito. Ngumuso ako noong matapos kami ay hindi ko man lang siya nasilayan.

Tatlong araw na hindi ako lumalabas ng mansyon dahil sa mga iniwan ni Mama na kailangan kong gawin. Ibig sabihin ay tatlong araw na rin nang huli kong makita si Rad.

"Okay, we call it a day," saad ng trainor ko.

Sumulyap ako sa wall clock at alas singco pa lamang. Maaga kami natapos ngayon dahil iilan na lang ang dapat kong malaman. Hindi naman kasi bago sa akin ang mga lesson dahil bata pa ako ay tinuturo na ito sa amin. Hindi ko lang talaga makuha kung bakit pinapaulit ito ni Mama.

I rushed to take a bath and change my clothes. I have enough time to roam the hacienda.

"Senyora, saan ka pupunta?" salubong na tanong ni Perla sa akin pagbaba ko ng hagdan.

Huminga ako nang malalim bago siya sinagot. "Magpapahangin lang sa labas. Tutal ay maaga naman natapos ang lesson ko ngayong araw."

Tatlong araw na rin akong hindi nakakalabas. Siguro naman ay kailangan ko munang makalanghap nang sariwang hangin.

"Ipapatawag kita kapag oras na ng hapunan." Napangiti ako sa sinabi nito at hindi na siya tinapunan ng tingin.

Mabilis akong lumabas ng mansyon at inikot ito upang makapunta sa malawak naming hacienda. Habang nasa likod naman ng mansyon ang malawak na dagat. May nakasalubong akong mga trabahador na bumati sa akin, pamilyar ang mukha ngunit hindi ko naman sila kilala. Ngiti lang ang tanging pagbati ko sa kanila.

We have farms of different fruits and vegetables and we are supplying goods in the whole Visayas. Our plantation supplies are limited to foreign customers.

Bago ka tuluyang makapasok sa mga puno ay may maliit na rancho si Papa kung saan ang mga kabayo niya. Apat ang kanya, habang si Cloud lamang ang sa akin. Nagbabalak na rin si Papa na mag-alaga ng mga ito para rin pagkakitaan. Libangan din kasi nito ang horseback riding. Si Mang Densyo noon ang nag-aasikaso sa mga ito.

Naalala ko noong namatay ang una kong kabayo, tanging si Mang Densyo lamang ang nararamdaman ang pagdadalamhati ko. Habang si Mama ay masayang-masaya dahil hihinto na ako sa pangangabayo. Para kasi sa kanya ang horseback riding ay para sa lalaki lang. Kaming mga babae ay sa mga light activities lang daw.

Pero noong nanganak ang isang kabayo ni Papa, binigay niya ito sa akin na ipinangalan kong Cloud. As usual, Mama was so mad. To the point that she cursed me for being her daughter dahil hindi ko ginagawa ang mga bagay na gusto niya. She wants me to attend ballet because one of the daughters of her colleagues went to America to present our country.

"Magandang hapon po, Senyora Abella," bati sa akin ng isang matandang lalaki na may dalang sako.

"Magandang hapon din po."

Noong nakalayo na ito sa akin ay mabilis akong naglakad upang silipin kung nasa loob nga siya.

I saw a small hole in the wood where I can check if his inside the ranch. Dahil wala si Mang Densyo at siya ang pumalit, malamang ay siya ngayon ang nangangalaga sa mga ito. Nanlaki ang mata ko nang masilayan ang malapad nitong likod na pinapaliguan ang isa sa mga kabayo ni Papa.

My heart started to beat so fast. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita.

"Senyora?"

Nagulat ako nang may tumawag sa akin. Napangiwi ako na baka narinig niya ito kahit nasa loob siya. Isang trabahador na kasing tanda ko na parang nagulat pa nang makita ako. Bigla pa itong yumuko.

"Magandang hapon po, Senyora. Ma-may kailangan po ba kayo?" kinakabahang tanong nito.

Mabilis akong lumayo sa butas. Nakakahiya dahil sa ganoon tagpo pa niya ako nakita. Napilitan akong ngumiti sa kanya kahit na nakakahiya.

"Uh, wala naman. I'm just checking..."

"Puwede po kayong pumasok, Senyora," agap nito at naglakad patungo sa pintuan upang buksan ito.

"Huwag na!" mabilis na sagot ko ngunit huli na dahil binuksan niya na ito.

My mouth parted when I saw him half naked. Nakasuot lamang ito nang kupas na maong pants at nakatupi sa dulo, at tsinelas. I guess, much better because I have a full view of him.

"Rad? Nandito si Senyora Abella. Ikaw na ang bahala," saad ng trabahador bago may kinuha sa loob at nagpaalam din kalaunan.

Lumunok ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. Malalim ang titig nito sa akin at hindi ko mabasa ang nasa isipan niya. I can't even think what to do or say because I'm so preoccupied on his muscled and toned body. Kabadong-kabado ako sa hindi malamang dahilan, para akong nahuli sa akto at hindi alam ang palusot ko. I need to think fast.

"Uh, I was just checking the horse." I defended myself.

He nodded slowly and went back to what he's doing. Nagbuntonghininga ako at dahan-dahang pumasok sa loob. Tapos na niya itong paliguan at ipinasok na niya ito sa kulungan nito.

I have no plan to check on Cloud, but because I don't want him to conclude that I went here because of him. I walked at the end of the right side of the aisle where Cloud is.

Napasapo ako sa aking noo.

Bakit nga ba ako nandito?

Napailing ako at inabot ang mahaba at malambot na kulay puting buhok ni Cloud upang suklayin gamit ang aking mga daliri. Pasimple akong sumulyap kay Rad na inaayos ang hose na ginamit niya.

What now? After this what do I do?

Nahagip ko ang hininga ko at mabilis kong inilipat ang tingin kay Cloud nang tumingin ito sa gawi ko.

Nakakahiya! Baka akala niya ay siya talaga ang pakay ko rito kaya ako nandito. Nami-miss ko tuloy mangabayo habang hinihimas ko ang ulo ng kabayo ko.

Simula nang umuwi ako galing Cebu ay hindi pa ako muling nangabayo. Hindi ko rin naman alam kung papayagan ako ni Mama. Ibang-iba na kasi ngayon, noon kahit umitim ako sa pangangabayo walang problema sa kanya. As long as Rafaella wasn't with me. Nagkibit-balikat ako, siguro one of these days.

"Mahilig ka pala sa kabayo," baritonong saad nito.

I pulled myself back in too much emotion before I answered. Hindi ko na paghandaan iyon.

"Oo. Siguro nakuha ko kay Papa,” nahihiyang sagot ko at dahan-dahang tumingin sa kanya.

Tumango ito nang marahan. "You know how to ride it?" tanong nito at naglakad palapit sa akin.

Kumabog ang dibdib ko at iniwas ang tingin dahil hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito.

"Uh-Oo."

Should I ask kung marunong din ba siya? Hindi ba ako nagmumukhang trying hard gumawa ng topic para may mapag-usapan?

My heart was uncontrollably beating, and he might hear it. Why am I here in the first place?

Ilang araw akong nakakulong sa mansyon at hindi mapakali na gusto ko siyang makita. Ngayon na nandito na siya sa harapan ko ano ngayon? Ano ba dapat ang gagawin ko?

I slowly glanced at him.

Ang lalim ng mga mata nito at pakiramdam ko ay mawawala ako sa aking sarili. Nagwawala ang mga paruparo sa tiyan ko. Hindi ko maintindihan pakiramdam ko ay namamawis ako nang malamig. Huminga ako nang malalim at tipid na ngumiti.

"I have to go..." I walked towards him, and I stopped when I felt his right hand on my wrist.

Kumunot ang noo nito at dumaan ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "You're sweating. Are you okay?"

Mabilis kong pinunasan ang butil ng pawis sa aking noo. "O-Oo naman, medyo mainit lang. Mauuna na ako."

Pilit akong ngumiti bago tuluyang lumabas. Hindi ko napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Hinawakan ko ang dibdib ko na sobrang bilis ng tibok nito.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang naglakad.

Hindi nababagay si Rad dito. The way he talks and his looks don't really suit. He seems out of place. Umiling-iling na lamang ako sa mga naiisip ko.

Naglakad ako papasok ng mansyon. May mga bumati sa akin ngunit hindi ko sila pinansin. Noong nasa kwarto na ako ay umupo ako sa malaking kama, naguguluhan sa mga nararamdaman ko.

Why was I even there? And why am I looking for him?

Napatili ako at humiga sa aking kama.

My gosh, Abella! When did you start to admire a man?

Tinakpan ko ng unan ang aking mukha.

Ilang beses mo pa lang siyang nakasama at... at nagkaganyan ka na? Get a hold of yourself. He is being nice and... and errr sweet?

I should not be concluding things. I mean he might have felt sorry for me? Or naaawa lang siya? Oh, obligado kasi masyado na akong nagdadrama sa kanya. Shocks! I need to clear my mind, I should not be thinking about him. I have many things to do, I have two more months to think about how I will get rid of Esteban.

‘Yon dapat ‘yong alalahanin ko, hindi kung ano-ano.

Even Rad can't help me to runaway from this things, at ayoko ko siyang madamay. Alam ko ang kakayahan ng pamilya ni Esteban. Sila ang pinaka mayaman dito sa Bohol. Kaya alam kong hindi basta-basta ang gagawin ko. I need to focus. Hindi ngayon ang oras para mag-isip sa mga bagay-bagay. At hindi ngayon ang tamang panahon para magkagusto sa isang tao.

Ugh! Bakit hindi ko na lang ibuntong kay Esteban ang nararamdaman ko? I've never been so excited to see him. Kung gusto ko lang sana siya wala na sanang problema pa ang kasal na yan. Pero kahit anong pilit ko walang lugar na pagmamahal para sa kanya sa puso ko.

Hanggang sa pag-uwi nila Mama ay hindi na ako lumabas pa ng mansyon. Hindi ko na rin binalak pang puntahan si Rad.

Ginugol ko ang oras ko sa mga bagong lesson na ibinigay ng trainor ko. Ngayon ay maging ang iba't-ibang sayaw sa Valencia sa tuwing may pagtitipon ay tinuro niya sa akin upang paghahanda sa nalalapit na malaking pagtitipon sa pag-uwi ng mga anak ng gobernador.

Napansin ko isang araw si Rad na nakasakay sa isang kabayo ni Papa habang nasa dalampasigan ito.

Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ito.

"Baka malusaw yan," komento ni Katya sa akin at naramdaman ko ang pagsiko nito sa aking bewang.

Nilipat ko ang tingin ko sa mga puno ng niyog sa dalampasigan.

"Huh?"

"Nako! Matagal mo na akong kaibigan, Bella. Bata pa tayo no, kilala na kita. Ngayon lang kita nakitang ganyan, huh?"

Kumunot ang noo ko at pinatong ang baba sa aking kamay na nasa railings.

"Anong pinagsasabi mo?!"

Muli ay huminto ang tingin ko kay Rad.

Bakit ko nga ba itatanong kung marunong siyang mangabayo? Siya nga ang naghatid sa akin noon sa talon. Ngayon mas malaya ko siyang nasisilayan.

"Kumikinang ang mga mata mo, Señorita!" natatawang pahayag nito. Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya.

"Nababaliw ka na, Katya!"

"Hindi kita masisisi. Siya ang laging laman ng mga kuwento ng mga kasambahay natin dito." She giggled. "Hindi naman kasi mapagkakaila na natatangi ang kakisigan ni Rad. Bagay naman kayo kahit mukhang matanda siya ng ilang taon sayo."

Pinipigilan kong ngumiti sa kanyang huling sinabi. Ngunit hindi nawala sa isip ko ang sinabi niya na siya ang laman ng kuwento ng mga kasambahay. Tulad ko ba ay namamangha sila sa kanya?

"Ewan ko sayo!" Nguso ko at naglakad papasok ng silid.

"Pero alam mo naman hindi ba? Na hindi kayo puwede, Senyora?" Natigilan ako sa sinabi ni Katya at tumingin sa kanya na nakatingin pa kay Rad.

Nanginig ang ibabang labi ko at umiwas ng tingin. "Of course, alam ko naman iyon."

Kumirot ang dibdib ko sa sinabi ko at nagbuntonghininga.

Sumunod si Katya sa akin. Umupo ako sa malaking kama ko habang hinihintay ang designer na magsusukat sa aking katawan.

"Ayoko lang na maulit iyong kay Rafaella, Bella." Napahinto ako sa sinabi ni Katya at tumahimik.

Galit ako kay Ella, pero alam ko naman kung gaano kaming tatlong malapit sa isa't isa noon. Sinuklay nito ang mahaba kong buhok at tumingin kay Katya na pilit na ngumiti.

Naalala ko noon bago nangyari ang lahat ng ito. Nagkagusto si Ella sa isang estranghero na nagmula sa Manila. Isa itong negosyante na personal na bumisita rito sa Valencia para sa negosyo nila. Si Rafaella noon ang namamahala sa hacienda habang ako ay nasa Cebu at pinili na doon na lang manirahan na malayo sa lugar na ito.

Hindi ko alam ang buong kuwento. Si Katya lahat ng nakasaksi kung papaano sa kauna-unahang pagkakataon ay nahulog ito sa lalaki.

Nang malaman ni mama ang tungkol dito ay nagpasya sila na ipangako ito kay Esteban. Noon pa lang ay ginagawa na ni mama ang lahat para mapalapit siya sa apo ng gobernador. Hindi ko mawari kung gaano siya nasaktan sa nangyari, ngunit ng dahil din sa kanya kung bakit ako nahihirapan ng ganito.

Hindi ko alam na kaya nitong magpanggap bilang ako sa harapan ni Esteban, maging kay Don Herman. Nagawa nitong tumakas upang sundan ang estranghero.

Gabing-gabi na ngunit hindi pa ako makatulog kaya nagpasya akong sumilip sa balkonahe. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Tahimik akong nakatingin sa malawak na dagat. Hindi pa rin mawala sa isipan ko iyong pag-uusap namin ni Katya. Siguro ay tama siya, itong kakaibang nararamdaman ko ay kailangan ng itigil. Pinangunahan lang siguro ako ng emosyon, masyado lang akong namangha. Wala naman iyong ibang kahulugan.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone na hawak ko dahil may nag-message.

From Unknown number:

I hope I know what's on your mind.

Kumunot ang noo ko at nilibot ang mata sa buong paligid ngunit wala akong nakitang tao dahil gabi na. Hindi rin naman pamilyar ang numero sa akin.

From Unknown number :

Can't sleep?

Hindi pa ako nag-reply may panibagong mensahe na naman. Akmang magtitipa pa ako ng reply ng bigla itong tumawag. Nagdadalawang isip ako na sagutin dahil hindi ko naman kilala. Nakatingin lamang ako sa screen ng cellphone ko at hinahayaan ito. Noong namatay ang tawag ay tumunog na naman ito dahil sa panibagong mensahe.

From Unknown number :

That's good, you should not answer phone calls of unknown people who just call you.

Natawa ako sa sinabi nito at akmang maglalakad na papasok ng silid ko ng bigla muli itong tumawag. Ngayon ay sinagot ko na ito para malaman kung sino ito.

"Sino 'to?" tanong ko sabay balik kung nasaan ako kanina.

Niyakap ko muli ang aking katawan dahil sa lamig ng hangin.

"Abella..."

Nahagip ko ang hininga ko nang ang pamilyar na mababang boses ni Rad ang narinig ko sa kabilang linya.

Lumunok ako nang ilang beses bago siya sagutin. Paano niya pala nalaman ang number ko?

"Rad..."

Ilang araw ko rin siyang iniwasan. Sinasadya ko na hindi lumalabas ng mansyon kahit na nababagot na ako rito.

Pero bakit ko nga ba siya iniiwasan?

"You've been so busy these past few days," saad nito sa paos na boses. Napapikit ako dahil hindi ko mapigilang kiligin.

Ugh! I miss his voice.

"Uh, yeah. You know I need to get ready for my... wedding," malungkot na sagot ko.

Narinig ko ang pagbuntonghininga nito.

"You should rest now." Bigla akong nakaramdam ng kaligayahan sa sinabi niya.

Does he care?

"Where are you?"

Inilibot ko muli ang mga mata ko sa paligid, ngayon ay umusbong ang kagustuhan kong makita siya. Kahit saglit lang, walang ibang intensyon.

Gabing-gabi na at gising pa siya. Mayroon kaming munting bahay sa gitna ng mga manggahan para sa mga trabahador na malayo pa ang mga bahay. Doon kaya siya natutulog? O, umuuwi pa siya sa bahay nila Mang Densyo?

I heard him chuckle. "See you tomorrow, Senyora Abella."

Napakagat ako sa ibabang labi at napahinto sa paghahanap nang pinatay na nito ang tawag. Nagbuntonghininga ako at nakaw na tumingin sa paligid umaasang makikita siya bago tuluyang pumasok sa loob ng silid.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vaneza Cañeza Galang
sayang nabasa ko na hang kabanata 60 kaso back to zero ako.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status