Share

CHAPTER TWELVE

CHAPTER TWELVE

"Pa, why did you lie?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na akusahan si papa kahit hindi ko pa naman nasisigurado kung nagsisinungaling nga siya. Nagsisi ako nang una ngunit naisip ko rin na may posibilidad na mahuli ko siya kung sakali.

Narinig ko ang mabibigat na paghinga ni papa mula sa kabilang linya.

"Pa, sagutin mo ang tanong ko." wika kong muli nang naramdaman kong wala siyang balak magsalita.

"Uh..." sagot mula sa kabilang linya.

"Pa, ayoko sanang makarinig ng anumang kasinungalingan pa."

"C-cindy, anak..."

"Tell me Pa, nasa'n ka?"

"P-pwede bang bukas na lang tayo mag usa-"

"Bakit pa kailangan ipagpabukas Pa?"

Sandaling tumahimik ang paligid. Rinig kong mas bumigat ang mga paghinga ni papa. Gayundin naman ang sa akin.

"Pa..." hindi ko na napigilan ang sarili ko at nanginginig ang boses ko.

"Fine. Naglalasing ako. So... Sorry. I promised not to drink pero... mapilit sila e." natigilan ako.

"Pa..."

"Talk to you tomorrow, medyo tipsy na" saad ni papa saka ngumisi.

Hindi ako pinatulog ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Tila nakipagpatagalan akong gising sa mga kuwago at ako pa ang nanalo. Gusto kong matulog ngunit hindi ko magawa.  May kung anong bagay na nagpapaalala ng mga nangyari kanina. Alam ko ring may itinatago si papa.

Kinabukasan ay nadatnan kong nakaupo si Dhaeny sa dining area at hinihimas ang ulo niya.

"Seriously?! Ginawa ko iyon lahat?!"

"Oo nga! Kung tama ang bilang ko pang 82 mo nang tanong iyan." sagot naman ni Flynt na natatawa.

"Arghh! Why so stupid Dhaeny gurl...." ani Dhaeny habang sinsabunutan ang sarili. "Napakaganda mong nilalang tapos ganiyan ka." tuloy pa niya at sabay kami ni Flynt na napatikhim.

Lumakad ako papalapit at umupo sa tabi ni Dhaeny.

"Oh, good morning Cindy! Start your day with a smile!" sambit ni Flynt na nakangiti.

Hindi ko man inisip ay awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"Iyan! Smiles are the best thing to have in mornings. Anyway, nakialam na ako sa kusina niyo." sambit niya habang kumakamot sa ulo.

Doon ay napansin kong wala muli siyang damit pang itaas at apron lamang. Pinagmasdan ko ang dahan dahan niyang pagngisi at hindi ko maialis ang mata ko sa magandang hubog ng katawan niya. Dumagdag pa ang pagkakabasa niya sa pawis. Kaysarap talagang gumising kung ganyan ang bubungad sa umaga. Char.

"Huy!" bulyaw ni Flynt sa akin with matching snap.

"Uh, s-sige! M-masarap ka naman e." wala sa sariling sagot ko.

Ngumisi lalo si Flynt.

"M-magluto." saad ko at napatalikod ako. "Naalala mo yung adobo? The best!" biro ko para ilayo ang topic.

"Ikaw ah!" tugon sakin ni Flynt at tumuro pa.

"A-ano nga palang niluluto mo?"

"Hindi man friday ngayon, ginisang munggo ang ihahain ko. Just wait and see and taste." saad niya at bumalik sa pagluluto.

Humarap naman ako kay Dhaeny na nakasubsob pa rin sa lamesa. Mahigpit ang hawak niya sa buhok niya at iniuuntog pa ang ulo niya.

"Gurl. Hindi ka ba magt-thank you sa akin?" tanong ko kay Dhaeny.

"Thank you? Salamat yun di'ba?" tanong niya. "Bakit naman?"

"Hoy babae. Baka nakakalimutan mo panty ko ang isinuot mo kagabi!"

"Shh, correction, hanggang ngayon." saad niya nang takpan ang bibig ko gamit ang kaniyang hintuturo.

Sumabog ang tawa ko. "Kadiri ka gurl... Sa'yo na nga iyan. By the way, ang daya mo, dalawang beses ka lang kumindat" sambit ko at nag pout.

"Sa tingin mo sa kalagayan ko kagabi, makakakindat pa ako? 'Ni hindi na nga ako makapagisip ng maayos kagab-"

"Shh, hanggang ngayon." saad ko at tinakpan ang bibig niya gamit ang hintuturo ko.

"Ayan ka na naman. Plagiarism ka na naman. Line ko iyan e!"

Instead of answering, I just stuck out my tounge to mock her more. Few more while and Flynt came rushing with his phone.

"Oh?" tanong ko.

"Dexie's on the phone. Pakihalo naman sandali nung niluluto ko." saad niya at inabot ang sandok sa akin.

Nagpatuloy siya palabas at pumunta na ako sa kusina. Nadatnan kong kumukulo ang munggo sa kaserola ngunit matigas pa ito. Tinakpan ko muna iyon at bumalik sa dining area. Ilang sandali pa ay bumalik ako sa kusina at nagsimulang mag-hiwa ng sibuyas. Habang naghihiwa ako ay bumalik na si Flynt.

"Si... Dexie ba may b-boyfriend?" wala sa sariling tanong ko.

"Uh, wala. Tibo yata yun e." sagot ni Flynt at tumawa.

"Really? Ang ganda pa naman ng name niya." saad ko. "Matagal na ba kayo magkakilala?"

"Not that long. Pero since I was on the recovery stage after the accident, she was always by my side."

"Oohh, so close talaga kayo?"

"Hmm, back in high school, sobrang dalang namin mag usap. Although hindi talaga ako nakikipag-usap madalas. Pero iyon lang ang kwento nila sa akin. Hindi ko rin alam e." sambit niya habang kumakamot sa ulo.

Tumayo siya at nagsimula na muling magluto. Nakita kong naggisa siya ng sibuyas at kung ano-ano. Ako naman ay nakatayo sa isang sulok habang pinanonood siya.

"Uh, ok lang ba sa'yo na napag-uusapan yung about sa amnesia mo? I mean, sobrang traumatic nung experience mo." wika ko habang nakahalukipkip.

"I don't see any reason para maging uncomfortable. Traumatic siya, oo. Pero natutuwa nga akong mag share na kahit sobrang imposible, nakasurvive ako."

"Do you mind sharing what exactly happened that night?"

"Seryoso ka ba? Ako ba talaga yung may amnesia o ikaw? Nakalimutan mong may amnesia ako" ani Flynt habang tumatawa.

"Sorry.” sagot ko at ngumisi.

"Pero according sa reports, durog na durog daw iyong kotse na sinasakyan ko. Eighteen wheeler truck versus kotse ba naman, malamang madudurog iyon." natatawang kwento niya. "Sabi nila, papunta daw ako no’n sa isang date, nakasuot pa nga ko ng formal wear na pinanghiram pa ng nanay ko. Mabuti nga at walang nadamay dun sa aksidente, ako lang ang muntik nang mamatay, pero atleast, I survived."

Hindi ako nakapagsalita. Iniisip ko kung paano niya nakakayanan i-narrate ang ganyang karanasan niya.

"Ang iniisip ko, bakit lagi na lang nawawalan ng preno ang mga sasakyan? Hindi ba nila chine-check bago umalis?" mahina siyang tumawa. "Buti hindi sumabog yung gasoline station na pinagbanggaan ng truck."

"At ang mabuti sa lahat, nakasurvive ka." sambit ko.

"Pero may amnesia." saad niyang tumatawa.

Maya-maya pa ay nakita kong ibinuhos niya ang munggo mula sa kaserola ngunit hindi niya inalis ang pinaglagaan.

"Wait wait wait! Flynt!"

Ibinuhos niyang lahat bago lumingon sa akin.

"Bakit?"

"Uh, inaalis kasi yung tubig nun." saad ko.

"Huh? Inaalis ba yun? Akala ko yun na ang magiging sabaw?"

"Uh, hind-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tumalikod sya at kumuha ng strainer.

"Oh anong gagawin mo?" tarantang tanong ko.

"Aalisin ko yung tubig." sagot niya.

"What?"

"Ibubuhos ko na lang at uulit ako sa paggigisa."

Sa halip na sumagot ay napasapo na lang ako sa noo ko.

"Wag na. Okay na siguro iyan." saad ko at napapikit.

Ilang sandali pa ay nasa hapag kainan na kaming tatlo.

"For our menu, kaning denurado at munggo... na medyo palpak. Eat well!" saad ni Flynt habang nakapikit.

Hindi kagaya ng una ay hindi na ako nagtaka. Hinayaan ko na lamang siya at ako'y nagsimula nang kumain.

"Ano ba 'to? Bakit malabnaw?" tanong ni Dhaeny na parang nagtataka ang mukha.

"Munggo, bulag ka ba?" tanong ko.

"Bingi ka ba? Sinabi ko na." Flynt.

Nang matapos ay nagpaalam na sila at umuwi. Ako naman ay naiwang mag isa. Nagkulong ako sa kwarto at namuhay bilang kamote. Nakabaon lang ako sa kama at hindi gumawa ng kahit na ano.

Hindi ko namalayan ang mga araw na lumipas. Nakareceive ako ng email na in two weeks ay magaganap na ang graduation ceremony. Hindi ako makapaniwala na matapos ang ilang taon ng pag aaral ay nakatapos na ako. Malaya na ako ngayon mamuhay bilang ganap na kamote.

Dalawang araw ang nakalipas ay bumalik na si ate Eva at ilang oras lang ay umuwi na si Papa. Hindi ko alam kung bakit pero awkward ang paligid. Si ate Eva ay linis lang ng linis at si Papa naman ay napansin kong nagpahatid sa lab niya.

"Bakit dito ka dumiretso Pa?" tanong ko habang nakatayo sa pintuan ng lab.

Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa isang deck ng lab apparatuses.

"Sorry..." sagot niya dahilan para biglang maguluhan ako.

"Pa..." nanginginig na usal ko. "Don't tell me... tama ang hinala ko."

"S-sorry... I was not with my colleagues and I... Uh... We weren't hanging out." I heard papa started sobbing.

Napasapo ako sa noo ko at unti-unting lumabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng luha.

"Tell me Pa. Sabihin mong mali ang iniisip ko." nag-crack ang boses ko at sumikip ang d****b ko.

Narinig ko ang mahabang buntong hininga ni papa.

"Yes." diretso niyang sagot. "Umalis ako hindi dahil sa hang out or bond together or any freaking reason. I went to Switzerland, still looking for the cure." nakatalikod man si papa ay ramdam ko ang bigat ng damdamin niya.

"Pa! Alam mong ayaw ko na ng kahit ano tungkol diyan at alam mo kung ano ang dahilan."

"Cindy... I'm so sorry... I know nagkamali ako and I was so selfish but please... please hear me out."

"Pa naman! Mom and Candice died because of that damn thing!" sambit ko habang lumalakad papalapit sa kaniya.

"Tone down your voice. Please... I know I lied but please give me the respect I deserve."

"Fine...” bigkas ko sabay ngiting mapait. “ I ain't a big thing here. Afterall sa inyo lang umiikot ang lahat." wika ko at nag-unahang tumulo ang mga luha ko.

“Of course not!”

I scoffed.

“Kung talagang may pake kayo sa akin, you won’t take another try. You won’t risk your life and my chance to be with you longer.”

"Cindy please. I badly want to stop this shit! Napapagod na ako mabuhay with this paralysis. Hindi lang ito para sa akin, dahil ginagawa ko ito kasi gusto kong maging tunay na tatay sa'yo. Yung tatay na nakakatayo at nakakapaglakad. You know what, I get jealous everytime I see fathers who can work hard for their families. Oo, nahihirapan ako pero in the end, kinakaya ko naman e, pero ikaw ang nahihirapan. Nawala ang mom at kapatid mo tapos ganito pa ako. I'm doing this for you." saad ni papa at humarap sa akin. Nakita kong bumubuhos ang luha mula sa kanyang mata.

"Pa, I can't get the point… Masaya nama-"

"Cindy stop. You don't get the point because you are stopping yourself to do so!"

"I really don't! So please let me to."

"Don't fool me. Alam kong alam mo."

Binuksan ko ang bibig ko pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung alam ko nga ba talaga ang ipinupunto niya.

Bumigat ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung magagalit ako o magsisisi. Hindi ko alam kung saan lulugar. Naiintindihan kong pagod na siya magsuffer sa paralysis at sa traumatic memories ni mom. Alam kong nahihirapan siya at gusto na niyang matapos na iyon. Ngunit paano ako? Kapag gumaling na siya, ang kapalit no'n ay ang lahat ng memories ni mom. At kapag nakalimutan na niya si mom, ako na lang ang mahihirapan? Ang malulungkot every once in a while? Hindi ako humahadlang sa kagustuhan niyang gumaling pero napakaraming beses na siya sumubok. I want him to have the cure at some point, mahirap man isipin na kailangan niya malimutan ang lahat about mom.

Pumasok ako sa kwarto ko at iniwan si papa. Hindi ako umiimik kahit kanino. Napapagod ang isip ko at nahihirapan na ang puso ko at gusto ko na magpahinga pero may kung anong pumipigil. Ilang balde na ring luha ang inilabas ko na animo'y isa akong bida sa teleserye na inapi ng mga mahadera.

Ilang oras na ang lumipas ay parang hindi ako pinakakalma ng nararamdaman ko. Sobrang bigat talaga. Hindi ako makapag-decide kung sasang-ayon ba ako na burahin na ni papa ang lahat ng alaala kay mom para magawa niya ang mga gusto niya para sa akin o pipigilan siya sa paghanap ng cure sa bipartite souls case niya para manatili ang lahat kay papa… pati ang sakit. Hindi ko maintindihan, sobrang gulo. Kayhirap isipin na kapag mayroon kang bipartite souls case ay hindi magiging ganoon kadali ang lovelife mo. Makakatuluyan mo nga ang taong para sa'yo pero once na mamatay siya ay titigil na ang pagtibok ng puso mo, meaning hindi ka na makakaramdam ng kahit na anong pagmamahal, o hindi naman kaya ay katulad ng kay papa, mags-suffer sa paralysis at sa mga naiwang memories.

Hindi ko alam pero may kung anong nagtulak sa akin para umalis. Tila gusto ko munang lisanin ang bahay dahil sobrang dami nang nangyayari. Nakakasuffocate na. Sinubukan kong contact-in si Dhaeny ngunit hindi sinasagot. Maging si Flynt. Napakakapal naman ng mukha ko kung si Harvey ang tatawagan ko.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari ngunit natagpuan ko ang sarili ko na naglalakad sa gitna ng dilim. Walang kahit na anong dala kundi isang maliit na bag at isang patpat. Lumalakad ako sa kalsada sa kalagitnaan ng gabi at walang kahit na anong ilaw. Sinunod ko lang ang sinabing direksyon sa akin hanggang sa may matanaw akong isang pamilyar na pigura. Sa gitna ng dilim ay tila nagliwanag ang imahe ng isang matipunong lalaking may maayos na tindig, habang nakaupo sa kaniyang wheelchair.

"Zach..." usal ko sa pangalan niya.

Nang makita ako ay agad gumuhit ang ngiti sa kaniyang mapula pulang labi. Tumakbo akong papalapit at niyakap ko siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pero nag-umpisang tumulo ang luha ko. Hindi naman siya nagsalita at hinagod lang ang likod ko. Tila sinasalo ang lahat ng sama ng loob ko. Pinakinggan niya lang ang lahat ng hikbi ko. Walang anumang salita ang lumabas sa aking bibig ngunit nailabas ko ang bigat ng nararamdaman ko. Gayundin siya, hindi sya umusal ng kahit isang salita ngunit napakalma niya ako. Wari'y hinahaplos niya ang puso ko sa bawat paghagod niya sa likod ko. Ilang minuto kaming nanatiling ganoon hanggang sa kumalma ako at kumalas sa pagkakayakap.

"Salamat..." walang ibang lumabas na salita sa bibig ko kundi iyon.

Ngumiti naman siya sa akin na tila nagpapahiwatig ng kasiguraduhan.

"What are friends for? Tara sa loob."

Ilang minuto nang pumasok kami ay hindi pa rin kami nag uusap. Nagpalibot libot lamang ang aking paningin sa bahay ni Zach. Hindi siya kalakihan at hindi rin ganoon karami ang gamit. Nabanggit niya naman sa amin once na tatlo lang sila sa bahay. Madalas pa ay wala ang ate niya.

Inihatid niya na ako sa isang kwarto at sinabing maaari raw ako mag-stay kahit gaano katagal na gustuhin ko. Sinabi niya ring okay lang kung bukas ko na i-open ang lahat o kahit hindi na. As long as comfortable raw ako ay okay lang. Magkatabi lang ang aming kwarto para raw kung may kailangan man ako ay madali siyang makakalapit.

Hindi naging madali sa umpisa. Sobrang limited lang ng mga galaw ko sa loob ng bahay. Ipinaparamdam naman ni Zach na walang dapat ikailang.

Nagtagal ako kina Zach. Hindi ko lubos akalain na hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin ako umuuwi. Mabigat pa rin ang loob ko at hindi ko alam kung kailan ako babalik. Wala pa akong lakas ng loob harapin sila. Nabalitaan ko rin na hinahanap ako nina papa at ate Eva ilang araw na pero sinabi ni Dhaeny na tumigil na sila dahil sinisigurado raw niya na okay lang ako pero hindi pa ako handa umuwi. Halos araw-araw din si Dhaeny dumadalaw sa akin kina Zach. Dahil doon ay naging mas malapit kami sa isa't isa.

Lumipas din ang graduation na parang walang nangyari. Nothing special. Magkasama lang kami ni Dhaeny sa bahay nina Flynt at may kaunting kasiyahan. Pero kahit anong pagpupumilit kong sumaya ay hindi ko magawa. Walang sandali ang lumipas na hindi ko iniisip ang tungkol kay papa.

Isang buwan pa akong nakitira kina Zach hanggang sa lumipat na ako sa isang mauupahan. Nakapagtrabaho ako sa isang milk tea shop at nagsimulang mamuhay mag isa. Kumikita ako ng sarili kong pera habang puspusan ang pag aaral para sa paparating na licensure exam.

May mga araw na magkasama kami ni Dhaeny mag review. Kapag wala siyang pasok sa flower shop. Nagpart time din ang gaga. Hanggang ngayon ay kina Flynt pa rin siya nakatira.

Matapos ang ilang buwang pagtitiis at pamumuhunan ng oras, pagod at salapi ay buong tapang namin hinarap ni Dhaeny ang licensure exam. At syempre, nakapasa kami.

Hindi mapapantayang saya ang naramdaman ko nang malaman na pumasa kami ni Dhaeny. Hindi nasayang ang lahat ng paghihirap namin. Kahit may mga gabing walang tulog at mga oras na nalilipasan na kami ng gutom ay kinaya namin. Iyon din ang nais naming ipabatid sa lahat ng nangangarap. Na kahit ano pa man ang pinagdadaanan mo sa mga panahong ito ay hindi iyan masasayang kung hindi ka susuko. Napatunayan kong mapapabuntong hininga ka nalang habang inaalala ang mga pinagdaanan mo. Mapapangiti at saka sasabihing proud ako sa sarili ko.

Nagkausap na kami ni papa pero nagdesisyon akong hindi na muna umuwi. Kailangan kong masanay na mag-isa.

Pumasok kami ni Dhaeny sa same hospital kung saan kami nag internship. Syempre para kasama si Harvey at Lyndon. Hindi naging madali sa umpisa. Ibang iba ang buhay as intern sa buhay as professional nurse. Normal day sa hospital, naglalakad ako sa pasilyo nang may tumawag sa akin.

"Cindy!" lumingon ako at nakita ang nakangiting si Yuki.

"I'm going back to Manila." saad niya at napayuko.

"G-good. Kailan alis mo?"

"Natin." Nakangiting usal niya.

"Huh?”

"Nabanggit mong gusto mo mag work sa Manila di'ba? Ito na ang chance mo. Inasikaso na namin ang papers mo. Gusto rin naman namin na makasama ka roon. Besides, hindi ka kayang iwan ni Harvey."

"Kasama si Harvey?"

"Yah. Actually siya ang dahilan ng lahat. Lilipat siya sa Manila kaya ako sasama. Ayoko naman maiwan dito, siya na nga lang relative ko sa buong Pilipinas. So ano? Game?"

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"Game."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status