Share

Chapter 9

Dalawang araw na matapos ang pag-uusap naming iyon ni Wade, ngunit parang sariwa pa rin sa akin ang usapang iyon. Halos gabi-gabi akong hindi makatulog ng maayos dahil sa isiping iyon.

The hell, nagbigay pa siya ng problema at iisipin.

Hapon na nang napagdesisyunan ko nang umuwi sa bahay, gusto ko nang magpahinga dahil na rin sa pagod at puyat nitong mga nakaraang araw. Idagdag mo pa ang mga problema ko at si Wade.

Papalabas na ako ng building nang mamataan ko si Athena sa hindi kalayuan na nagmamadaling pumunta sa may parking lot habang hindi maipinta ang kaniyang mukha. Halos madapa siya sa kakatakbo na para bang may humahabol sa kaniya.

At dahil na rin sa dakilang pagka-usisera ko ay sinundan ko siya. Hindi ko alam pero parang may nag-uudyok sa akin na sundan ko siya sa may parking area.

Pagkarating ko sa may parking lot ay nakita ko siyang huminto sa may tapat ng isang Mercedes Benz na kulay gray, at mayamaya pa'y may lumabas na isang naka-americanang lalaki mula sa may driver's s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status