Alas sais na ng gabi subalit hindi pa dumarating si Jarred. Nagluluto ako ngayon para sa hapunan. Naalala ko ang beaf steak na niluto ko. Nagustuhan kaya niya ang niluto ko? Nasarapan ba siya sa niluto ko? Hays. Malalaman ko rin mamaya pagdating niya.
Nagluluto ako ngayon ng adobong manok. One of my favorite. Kailangan kasi kapag nakauwi na siya nakapagluto na ako at tapos na sa mga gawaing bahay. Nakakapagod talaga. Hindi ako sanay sa ganito.
Pakiramdam ko magkakasakit ako sa pagod na nararamdam ko. Natigil ako sa pagluluto nang may maulinigan akong yabag papalapit sakin. Lumingon ako para tingnan kung sino iyon. Si Jarred na matamang nakatingin sakin. Humarap ako sa kaniya at nginitian siya.
"Magandang gabi po Sir." bati ko sa kaniya.
Hindi man lang siya ngumiti sakin pabalik. Ano pa ba aasahan ko? Malamang ang malamig na pakikitungo niya sakin. Akala ko ayos na kami noong nakaraan araw lalo at nag-sorry siya. Pero hindi pala. Hindi kaya naisip niya na mali ang ginawa niya at hindi siya dapat humingi ng sorry sakin?
Madaming tanong sa aking isipan na si Jarred lang ang makakasagot. Nang hindi pa rin siya nagsasalita at nakatingin lang sakin ay tumalikod na ako para tingnan ang niluluto ko at para maiwasan ang kabang nararamdaman ko. Oo, aaminin ko. Kahit ganito siya sakin. Apektado pa rin ako ng presensya niya.
Bumuntong-hininga siya na para bang nahihirapan. Natigilan ako. Bakit naman siya mahihirapan? Malamang gustong-gusto niya ang mga pagpapahirap na ginagawa niya sakin. Bigla kong naisip ang naging usapan nila ng lalaking kasama niya kanina sa Office. Nakarinig ako ng dalawang yabag na marahil aalis na siya kaya nagsalita na ako bago pa siya makaalis.
"Sir Jarred. Pwede magtanong?" tanong ko. Tsaka humarap sa kaniya. Nakatalikod pa ito nang makaharap ako sa kaniya.
"Ano yun Jasmine?" mariin ang pagkakabanggit niya nang aking pangalan. Lumunok muna ako bago nagsalita.
"Alam ba ng kasama mong lalaki kanina sa Office kung sino ako?" tanong ko. Naghintay ako nang sagot niya. Akala ko hindi na siya magsasalita ngunit lumingon siya subalit hindi ako abot ng kaniyang paningin.
"Hindi. Hindi ko sinabi sa kaniya. Magbibihis lang ako at kakain na tayo. Pakibilisan nalang ang pagluluto. Nagugutom na ako." wika niya. Tsaka nagtuloy-tuloy na sa paglabas ng kusina. Napabuntong-hininga ako sa nalaman at the same time gumaan ang aking pakiramdam.
--
Sabay kaming kumakain ni Jarred. Magkaharap kami ngayon sa mesa. Ano kayang iniisip niya ngayon. Mukhang nagustuhan naman niya ang niluto kong adobong manok, dahil magana siyang kumakain. Napangiti ako sa isiping iyon. Biglang nag-angat ng tingin si Jarred at nahuli akong nakangiti. Kumunot ang noo niya.
"Hindi ko gusto ang ulam na prine-pare mo sakin kaninang tanghali. Kaya ang nangyari si Vince ang kumain. Bumili nalang ako ng lutong ulam sa kalapit na karinderya dahil rush hour na rin yun." wika niya.
Napatingin ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata. Bakit pa niya ako pinagod magluto ng lunch niya kung hindi rin naman pala niya gusto ang niluto ko. Hindi naman siya nagsabi kung ano lulutuin. Niluto ko yun dahil yun ang paborito niya. Paanong hindi niya nagustuhan. Tapos malalaman ko iba pala ang kumain. Nakaramdam ako ng kirot sa aking d****b.
"Diba paborito mo yun? Paanong hindi mo nagustuhan? Kapag nagdadala ako ng beaf steak noong college na luto ni Mom gustong-gusto mo. Bakit ngayon hindi na ba?" tanong niya.
Oo, kapag nagluluto si Mom ng ulam para sakin. Pero madalang lang iyon dahil abala din siya sa kompanya. Minsan niya lang ako ipagluto ng ulam pero beaf steak ang laki kong inererekomenda na iluto niya dahil yun ang paborito ni Jarred. Pakiramdam ko napahiya ako. Ni hindi man lang niya tinikman ang niluto ko bago man lang sana siya bumili ng ibang putahe. Nasasaktan na talaga ako. Tumikhim siya bago nagsalita.
"People changed Jasmine. Hindi sa lahat ng pagkakataon paborito natin sa isang bahay. Maaring ngayon gusto mo pero kapag nagtagal di na pala. Diba? Noong una gusto mo pero tinapon mo lang na parang wala lang dahil hindi sa lahat ng pagkakataon magugustuhan natin iyon. You got my point?" wika niya.
Sinalubong niya ang mga titig niya. Ako ba ang tinutukoy niya sa mga sinabi niya. Sasabihin ko ba ang tunay na rason? Sabagay, kahit sabihin ko naman alam ko naman na di siya maniniwala at di ako pakikinggan. Tumango nalang ako para hindi na humaba pa ang usapan namin.
Baka kapag sumagot ako makatikim lang ako ng maaanghang na salita galing sa kaniya.
Itinuon ko muli ang atensyon ko sa kinakain. Nakita ko na di nito ginagalaw an pagkain niya kaya tiningnan ko siya. Nahuli ko siyang nakatitig sakin. At nakita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot. Nagulat siya. Bumuntong-hininga siya at ibinaba ang mga kubyertos na hawak sa plato tsaka tumayo.
"Tapos na ko." wika niya tsaka naglakad palabas ng kusina.
Napaisip ako. Bakit ganun ang nakita ko sa kaniyang mga mata. Bakit siya nalungkot. Natapos ako sa paghuhugas ng pinggan at paglilinis ng kusina bago nagpasyang pumunta sa aking kwarto. Nang makarating ako doon. Hindi ko na mapigilan ang umiyak. Pinaghirapan ko ang beef steak na yun para sa kaniya. Ginawa kong espesyal yun para sa kaniya pero hindi pala niya kinain.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ng cellphone ang pangalan ni Celine Lagrado. Hindi ko sinabi sa kaniya ang nangyayari sakin ngayon. She was my closest friend. Baka mamaya mag-alala siya sakin ng sobra kapag kwento ko lahat ng nangyayari sakin. I knew her very well. Alam niya kung gaano ako nasaktan sa paghihiwalay namin Jarred.
And she always there to comfort me. Alam kong magtatampo siya kapag nalaman pa niya sa ibang tao, kaya mas maganda kung sasabihin ko sa kaniya. Napakagat-labi ako. Di ko pa siya makakausap naiiyak na ako. I press the answer button and placed the cellphone in my ear.
"Thanks God! You answered it." wika niya. Huh? Tiningnan ko saglit ang cellphone at naka- 20 missed calls siya! Hindi ko naman pwede gamitin ang cellphone kapag oras ng trabaho.
"Sorry busy lang Celine." wika niya.
"Busy sa pag-aasikaso sa bahay ni Jarred. Tama?" tanong niya sakin. Napakagat-labi ako. Paano niya nalaman. Oh shet! Marahil tinanong niya sina Mom at Dad. Nang hindi ako sumagot ay muli siyang nagsalita.
"I knew it already. Why you do that? Ginagawan ka ba niya ng di maganda?" tanong niya sakin. Hindi ko alam kung magsasabi ba ako sa kaniya o sasarilinin ko nalang. Napabuntong-hininga ako. Mas mabuti kung sasabihin ko nalang.
"I'm sorry Celine. Ayaw ko lang naman mag-alala ka. Kaya diko na sinabi sayo." wika ko. Alam ko na nagtatampo na siya ngayon.
"Bakit di mo sinabi sakin? Edi sana nakatulong ako. Jasmine you are my best friend. And I care about you. Ramdam ko kasi na parang hindi maganda pakikitungo sayo." sabi niya. Paano naman nito nasabi yun?
"Bakit mo naman nasabi Celine?"
"I called you lunch pero di mo sumasagot ang tawag. Dapat meron kang break time sa sarili mo hindi lang lagi trabaho. So I knew it already. We should talk another day. Magkita tayo Jasmine. Madami tayong pag-uusapan. I miss you so much. Ikwento mo lahat ng mga dapat ikwento sa araw na yun." wika niya tsaka binaba ang tawag. Hindi ko na nasabi ang mga dapat kong sabihin. Ayos lang iyon ang mahalaga alam niya na.
Napahiga ako sa kama. Kapag nalaman niya na pinapahirapan ako ni Jarred. Siguradong mag-aalburuto iyon at baka sugurin si Jarred. Hindi ako humiram ng pera sa kanila dahil ayaw ko. Tiyak na magdududa siya kapag humiram ako ng pera sa kaniya. Kilala niya ako. Alam niya kung gaano ako kasinop sa pera. At hindi siya mangingiming pahiramin ako. Maliit na bagay sa kanila ang 200 million pero di ko kayang abusuhin ang kabaitan niya. Dahil madami na siyang nagawa para sakin.
Bigla kong naalala ang mga panahong nasa kolehiyo pa lamang kami ni Jarred. Mga panahon na una kaming nagkakilala. Panahon na mahal na mahal pa niya ako. Yung ako yung babaeng nagbibigay sa kaniya ng inspirasyon. Napangiti ako habang inaalala ang mga pagkakataong iyon.COLLEGE DAYS,"Jasmine. Look! May bagong mukha!" wika sakin ni Celine at kinalabit ako.Mula sa ginagawang pagrereview sa note ay napabaling ang tingin ko sa unahan kong saan nakatingin si Celine. Nakita ko ang isang lalaki na patungo sa kinauupuan namin. Hindi maikakaila na gwapo talaga siya. Nang magtama ang aming mga mata ay agad akong nagbaba ng tingin.Pakiramdam ko bigla akong nahiya. Natigilan ako. Bakit naman ako mahihiya? Ako? si Jasmine Saderra? Mahihiya? Hindi pwede. Kunwari nagreview nalang ako sa notes ko at hindi na muling tiningnan ang lalaki."Oy! Tiningnan ka niya." wika ni Celine sa ak
Nasa hardin ako nang paaralan nang mga pagkakataong yun. Nakaupo sa isa sa mga upuan na may mesa at sinasagutan ang assignment namin mamaya. Isa ito sa gusto kong parte ng paaralan. Tahimik at payapa. Medyo malayo kasi ito sa compound nang paaralan. Nagsusulat ako sa aking notebook nang lumapit sakin si Jarred.Hindi ko siya pinansin. Naiisip ko pa rin yung babae na kasama niya sa Gee Mall. Oo, at wala akong karapatang magselos pero hindi ko mapigilan. Umupo siya sa tabi ko at idinantay ang kamay sa mesa."Napakaseryuso natin ngayon ah?" puna niya sakin.Huminto ako sa pagsusulat at liningon siya. Binigyan niya ako nang isang matamis na ngiti ngunit diko yun masuklian, naiinis pa rin ako. Napansin ata iyon ni Jarred dahil biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Bumuntong-hininga siya."May problema ba Jasmine? May nagawa ba akong mali? Sa pagkakatanda ko okay lang naman tayo dib
NARITO kami ni Jarred sa hardin ng paaralan at kasalukuyang nagrereview para sa darating na exam. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil ang isipan ko ay nasa sinabi ni Mama. Ano ba ang dapat kong idahilan? Natatakot ako na baka kamuhian ako ni Jarred. Natatakot ako na mapoot siya sakin. Pero ito lang ang tanging paraan para hindi mawala ang Scholarship niya.Masakit man para sakin itong gagawin ko. Kailangan, dahil para sa kinabukasan niya ang nakasalalay dito. Huminga muna ako nang malalim tsaka siya tiningnan na abala parin sa pagrereview. Anim na buwan na kaming magkasintahan ni Jarred. Sa tagal naming iyon, minahal ko siya ng sobra. Biglang nalaglag ang isang butil ng luha sa aking mga mata. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng aking palad. Mukhang napansin ni Jarred iyon dahil bumaling siya sakin."Heart, umiiyak ka ba?" tanong niya sakin habang titig na titig saking mga mata. Umiling ako."Napuwing lan
Naputol ako sa pagbabalik-tanaw dahil sa marahang pagkatok sa pintuan ng kwarto. Napabuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan para buksan iyon. Si Jarred ba ang kumakatok? Ano sadya niya? Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad si Jarred sa aking harapan. Pulang-pula ang mata nito. Nakainom ba ito?"Sir Jarred? Bakit po?" tanong ko. Pumasok siya sa kwarto at nagulat ako nang bigla nalang niya ako isinandal sa pader. Pinakatitigan niya akong mabuti. Lumunok muna ako."Sir ba--" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya."Bakit Jasmine? Bakit mo ako iniwan?" wika niya sakin. Naaamoy ko ang alak sa kaniyang hininga. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya ang dahilan kung bakit ko siya iniwan."Dahil kailangan, Jarred." wika ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Tumawa siya nang mapakla."Hindi ko alam kung ano mayroon sayo. Dahil ha
- Jasmine Point Of View -Abala ako sa paghahanda nang agahan ni Jarred nang may tumikhim sa aking harapan. Nag-angat ako nang tingin at tiningnan kung sino iyon. Nagtama ang aming mga mata. Matiim siyang nakatitig sakin. Hindi ko maiwasang pangatugan ng tuhod dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Iba pa rin talaga ang epekto sakin ni Jarred. Takot ba itong nararamdaman ko?"Good Morning ulit Sir. Kain na po kayo." wika ko. Lumapit siya sa mesa at umupo. Tumayo ako sa gilid para maghintay ng iuutos niya. Tiningnan ako ni Jarred."Yes Sir. May kailangan po ba sila?" tanong ko."Join me. Sabay na tayo kumain. Mas masarap kumain kapag may kasama." wika niya. Sabagay, gutom na rin naman ako. Among oras na rin kasi."Salamat po Sir." wika ko at umupo sa harap niya. Nagsimula na akong kumuha ng kanin at ulam nang magsalita siya."Linggo ng
"WHAT?! Ginawa yun sayo ni Jarred?!"Gulat na sambit ni Celine matapos kong ikwento sa kaniya ang mga nangyari sakin sa mansiyon ni Jarred sa loob ng isang linggong pagiging katulong niya. Wala akong itinira, lahat sinabi ko. Si Celine lang ang bukod-tanging tao na pinagkakatiwalaan ko at napgsasabihan ko nang mga hinanakit ko sa buhay. Tumango ako bilang pagsang-ayon."Pero nitong mga nakaraang araw naman naging ayos naman ang pakikisama niya sakin. Pakiramdam ko nagbabago na ang pakikitungo niya sa akin. Kaya huwag mo na alalahanin Bes." wika ko."Dapat lang! Dahil kung hindi talagang malilintikan siya sakin. Susugurin ko siya sa opisina niya! Kilala mo ako Jas." wika niya na parang nangigigil. Naiintindihan ko naman siya. Bilang kaibigan, nandun yung pagmamalasakit niya sakin. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil."Ayos lang ako Bes. Huwag mo na ako alalahanin. Isang taon lang naman ang pagtratrabaho ko sa kaniya. Mabilis lang lilipas
Jarred Point Of ViewKitang-kita ko sa mga mata ni Jasmine ang sakit sa mga sinabi ko. Lalo na noong makita ko na tumulo ang kaniyang mga luha. Gusto Kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa inis na nararamdaman. Bakit ko ba siya sinigawan? Ano ba ang pumasok sa isip ko at sinabi ko ang mga bagay na iyon sa kaniya? Dahil ba sa nagseselos ako na makita siyang kasama niya si Vince?"Sh*t!" wika ko at tumalikod na ako at iniwan siya.Tinungo ko ang mini-bar nang aking kwarto at uminom. Nakaka-ilang inom palang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone na nasa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakitang si Sean ang tumatawag. Isa sa mga matalik kong kaibigan bukod kay Vince. Sinagot ko ang kaniyang tawag, iniligay iyon sa aking tainga para pakinggan ang sasabihin niya."Jarred, come here! Nandito ako sa Day & Night Club. Have some fun lalo at linggo naman. Join me! Hindi daw makakapunta si Vince, dahil may gagawin daw siya." wika niya.Nang m
Nang makarating ako sa mansiyon slash bahay ko, ipinasok ko agad ang sasakyan sa loob at ipinark iyon sa may garahe. Nang maipark ko ang sasakyan, lumabas ako at tinungo ang pintuan, nang mabuksan ko iyon. Nagulat ako sa nakita nang makapasok ako. Napabuntong-hininga ako tsaka ko nilapitan si Jasmine.Nakatulugan na niya ang paglilinis nang bahay. Nasa sofa siya nakaupo at nakasandal ang ulo sa headrest ng sofa. Ilang oras na kaya siyang nakatulog na ganiyang ang posisyon? Hindi ba siya nahirapan? Muli akong napabuntong-hininga. Bakit ba nagiging mabait ulit ako? Diba kaya ko nga siyang ginawang katulong ay dahil sa gusto kong maghiganti. Gusto ko siyang pahirapan. Pero babae pa rin siya. F*ck!Pero bakit nagiging malambot na ang puso ko pagdating sa kaniya? Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko dapat maramdaman ang mga bagay na ito, dahil nakakasira ito sa aking plano. Pero ngayon na nakikita ko siyang nahihirapan. Kahit ngayon lang maging mabait ako sa kaniya. Ka