Share

XXI

Josh's point of view.

"What a nice traitorous act, Josh" Wika sa akin ni Kit.

Nandidito ako sa kwarto niya, dinala nila ako dito matapos nila kaming mahuli. Iginapos nila ako ng mahigpit dahilan para mas dumaloy ang dugo mula sa natamo kong sugat ng matamaan ako ng bala sa braso. 

"At least, I'm not a murderer" Ganti ko sa kanya. 

"Fuck off. Dahil sa ginawa mo, hindi lang sarili mo ang ipinahamak mo Josh. Buong pamilya mo ang sinugal mo. Baka nakakalimutan mo, si Algo ang mas makapangyarihan kaysa sa tatay mo! Pare parehas kayo! Mga tanga!" Sumbat niya sakin. 

I chuckled a bit after hearing those. 

"So you're not just a murderer or kidnapper. You're also a backstabber, magaling kang mag mukhang mabait sa harapan ni dad, but you're fake" Deretsang saad ko dito hanggang sa maramdaman ko ang madulas na pagdapo ng kamao niya sa mukha ko. 

Masakit, pero hindi iyon pangmalakasan. Muli ko itong tinignan at nilabanan ang mga tingin niya. 

"Trying hard? Hanggang diyan lang ba ang kaya mo? Napaka angas mo umasta pero tanga ka sumapak" 

Numipis pa lalo ang mga labi niya at akmang bibigyan pa ko ng isang suntok pero bumukas na ang pinto. 

"Tinawagan na namin si Algo, bukas ay nadidito na siya" Bungad ni mike.

"Perfect" Komento ni kit.

"Siya nga pala, yung mga babae. Pagsamahin mo na sila. At ihiwalay mo sa Mar--"

"F*ck you kit" Putol ko sa anumang sasabihin nito. 

"Di mo magugustuhan ang gagawin ko sayo" Matapang na pagbabanta ko rito. 

Natawa siya sa sinabi ko. "Yun ay kung may magagawa ka pa" Pang aasar niya sakin saka ako tinulikuran at sabay silang umalis ni Mike. 

"Dumbass"

Mara's point of view.

Nakatulala lang akong nakatitig sa orasan. Mataman kong pinagmamasdan ang mahinang pagtakbo nito. 

10:47 pm

Nakahiga lang ako, pilit na pinapakalma ang sarili. Kahit pa kanina pa ko kinakain ng kaba. Ganon din si Lia. Hindi na kami binalikan ni Josh o ni Iyah man lang matapos naming marinig yung dalawang magkakasunod na putok ng baril. 

At that moment, I knew something bad happened. 

Nasaan kana Josh.

Kanina pa din hindi tumitigil sa pagtulo ang mga luha ko, nanginginig ako at di ko kayang tumigil lalo't hindi ko alam kung nasaan sila. Nakalabas ba sila Iyah? Bakit hindi pa rin bumabalik si Josh? 

Huli na ba ang lahat?

Napabalikwas ako at mabilis na bumangon nang marinig ko ang ingay ng mga kandado sa labas. Sinilip ko kung anong nangyayare. At gano'n na lang ang pagtataka ko nang isa isa nilang binubuksan ang mga pinto at nilalabas ang mga babae. 

Hanggang sa makarating sila sa kwarto ni Lia. Narinig ko ang mga sigawan nila pero wala silang magawa.

"San niyo kami dadalhin?!" Napapikit ako nang marinig ang mga sigawan nila Lia. Marahan kong naikuyom ang kamao. 

Nilabas sila sa kani kanilang mga kwarto at iginiya palabas ng hallway. Ako lang ang natira. Naluluha akong bumalik sa kama at pasalampak na nahiga. 

Heto na naman.

Panibagong gulo.

Hindi na'ko nagulat nang sandaling mabuksan ang kwarto ko at hindi na si Josh ang naroroon. 

"Zion..." Naibulalas ko. 

"Come with us, Mara. Face your punishments" Anito na siyang lalong nagpaagos ng luha ko. 

Di na 'ko pumalag nang hawakan niya ang magkabilang kamay ko at inalalayan akong makalabas. Di na'ko lumaban. At kusa na lang sumunod sa kanila. Ayoko nang makipag matigasan pa, matagal na kong pagod mag makaawa. Kung wala na talaga kaming oras, kung wala nang pag-asa, bahala na. 

Now, I'm preparing myself to face the consequences of something I never did.

Hindi naman ako sumali sa kahit na anong laban, pero bakit parang lagi akong talo? Kung wala naman akong dapat ikatalo?

Gusto ko lang mabuhay ng tahimik, maabot lahat ng pinapangarap ko, pero bakit kailangan akong pahirapan ng ganito? Ilang beses akong humingi ng tulong mula sa itaas. Pero bakit hindi niya ko naririnig? Nagbahagi ako ng kabutihan sa iba, pero bakit hindi ako magawang suklian ng buhay? 

Why? Why do we need to suffer like this? Though we just want to live our lives to the fullest. 

Dinala nila ko sa unang kwartong napasukan ko sa lugar na 'to. Ang kwartong katapat ng underground. Ang kwarto kung saan pwede kong masilayan ang kakarampot na liwanag na nagmumula sa buwan at mga bituin. Ang kwartong nakasaksi ng unang mga luha ko sa lugar na 'to. Sa isang iglap, nanumbalik ang pakiramdam nang una akong mapadpad dito, ngayong ako lang mag-isa, natatakot na naman ako. 

Mas mahina ang ilaw at sobrang dilim ng bawat sulok. 

"Where's Lia?" Walang ganang tanong ko nito nang tumalikod siya sakin at akmang palabas na ng kwarto. 

Kaming dalawa na lang ang natitira sa kwarto, nauna nang umalis ang mga kasamahan niya. Dahan dahan siyang humarap at matamang tinitigan ang mga mata ko. 

"Pasensya kana. Pero sa tingin ko, hindi na kayo magkikita pang muli, Mara." Aniya. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako. 

O nakita ko talagang sa mga mata niya ang awa. Napayuko ako nang maramdaman kong umiinit na naman ang gilid ng mga mata ko. 

"B-bakit kailangan naming maranasan 'to

?" Nauutal kong tanong at muli kong binalik ang tingin ko sa kanya. 

Parang kinuryente ang buong katawan ko nang mapansin kong natigilan ito, walang pinagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Pero ang mga mata niya, may dinidiktang kakaiba. 

Wala sa inaasta niya ngayon ang pagkatao ng Zion na nakilala ko. Walang tapang at galit na makikita sa kanya. Napakagat labi ako nang mapansin ko ang parang pagkinang ng mga mata niya. Mga luha, mga luhang pinipigilan niya. 

"We're only doing our jobs. I'm sorry" Buong boses na pagkakasabi niya. Pero di maitatangging ang lambot ng tono nito. 

Halatang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya. Hanggang sa tumalikod na ito at naglakad palabas ng kwarto saka iyon kinandado. Iniwan akong mag isa. 

Josh's point of view.

Nagising ako dahil sa ingay gawa nang marahang pagbukas ng pinto. Nang silayan ko ang bulto sa harap nito ay bumungad sakin ang tatlong tauhan ni Kit. 

Naramdaman kong may sumigid na sakit sa ulo't tagiliran ko, maging ang mga mata ko ay nanlalabo. Pero sinikap kong palinawin ang paningin ko.

Lumapit sila sa'kin at dahan dahang kinalas ang lubid na nakapulupot sa buong katawan ko saka ako inalalayan patayo. Sinimulan nila akong iginiya palabas ng kwarto. 

Pero bago ko pa mailapat ang mga paa ko sa labas ay bigla nang nagdilim ang paningin ko. Hilong hilo ako at sobrang sakit ng tagiliran ko. Nang hawakan ko ang tagiliran ay nakapa ko ang sugat na natamo ko nang barilin ako ni Kit. 

Sinikap kong lumakad pero di ko na kaya. 

Tuluyan nang bumigay ang tuhod ko. Napabitiw ako sa kapit nila at natumba. At unti unting nagdilim ang buong paligid. 

Narinig ko pang ang pagsigaw nila ng pangalan ko hanggang sa wala na rin akong marinig. 

_______________________________________________

Zion's voice is the first thing I heard after I gained my consciousness. 

"How are you feeling?" Seryosong tanong nito. Napalingon ako sa tagiliran ko nang maramdamang hawak niya iyon. 

He wrapped a bandage around my waist. 

"I-im fine, where's Mara?" Balik tanong ko sa kanya nang ilibot ko ang paningin ko at puro mga babaeng nakaupo sa isang sulok ang nakita ko, nandoon si Lia. Nag aalala itong nakatingin sakin. Nakagapos ang mga kamay nila sa likod at may mga nakataling panyo sa bibig. 

Pero si Mara.

Wala siya...

Napalingon kaming lahat nang bilang bumukas ang pinto at nakabungad doon si Kit.

Kasama si dad. Sinalubong ang mga mata ko, galit na galit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status