”What happened to the engagement last night?” agad na bungad ni Angelina noong sagutin ko ang tawag.
Nagtagal ang party kagabi kaya naman sobrang late ko ng nakatulog, tinanghali tuloy ako ng gising ngayong umaga. Nahiya pa nga ako kasi sabi sa akin ni Guada ay hihintayin daw dapat ako nina Mrs.Fridgette at Don Sergio sa breakfast ngunit nang malamang tulog na tulog pa ako ay hinayaan na lang muna.
“Ayos lang naman,” sagot ko sa kaniya habang nagbibihis ako. “Talaga bang okay lang na itinuloy ang engagement? Baka kasi mas mahirapan ka nito sa planong pagtanggi sa kasal dahil nangyari na ang engagement.”
“Okay lang ‘yon. At isa pa ay wala kang karapatang pakialaman ang desisyon ko. Just do what I says, I don’t need your opinion! Hindi kita binayaran para riyan.”
Nakinig na lang ako sa mga sinasabi niya at hindi na sumagot pa. Mas lalo lang kasi siyang maiinis kapag sumagot pa ako kaya mas mabuting manahimik na lang.
“One thing pala, if my Dad will try to call nor text you, ignore him.”
“Huh? Bakit naman?” lito kong tanong sa kaniya.
Narinig ko ang sarkastiko niyang tawa sa kabilang linya, “Nagtatanong ka pa talaga? You think that I didn’t notice that you two are growing close and he is very fond of you? I can see it, Francesca. Alam kong desperado ka para sa pera pero ‘wag ka sanang magpakababa at pumayag na maging kabit ni Dad.”
“Hindi kita maintindihan, Angelina. Walang namamagitan sa amin ni Sir Arnaldo—“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binabaan niya na ako.
Mabilis ang mga naging hininga ko ng dahil sa mga sinabi ni Angelina. Hindi ako makapaniwala na ganoon ang iniisip niya.
Oo, medyo malapit kami ni Sir Arnaldo sa isa’t isa pero walang namamagitan sa aming dalawa. Sadyang mabait lang siya at magaan ang loob ko sa kaniya kaya komportable akong makipagkuwentuhan sa kaniya. At wala namang malisya ang mga pakikitungong ginagawa sa akin ni Sir Arnaldo.
Hindi ko na nakilala ang tunay kong ama dahil bago pa lang ako ipanganak ay nagkahiwalay na sila ni mama at hindi rin sinabi sa akin ni mama ang totoong katauhan ng aking ama, kahit na noong nag-aagaw buhay siya at tuluyan ng bawian ng buhay noong limang taong gulang pa lang ako. Kaya nga napunta ako sa puder nina Nanay Isang at Tatay Isko dahil wala naman na akong kilalalang ibang kamag-anak at silang dalawa ay malapit na kaibigan ng mama ko.
Inalis ko na lang muna iyon sa isipan ko dahil kailangan ko na nga palang bumaba dahil sabi sa akin ni Guada ay magsasabay daw kami ni Damon sa breakfast ngayon, tinanghali rin siyang nagising kagaya ko.
“Ipinapakatok ka na sana ni Sir Damon,” sabi sa akin ni Guada noong makasalubong ko siya.“Naroon na ba siya sa hapag?” Ipinagpatuloy ko ang paglalakad, sumunod agad sa akin si Guadalupe.
“Oo, kanina ka pa nga hinihintay n’on eh.”
Nang makarating kami sa dining area ay naroon na nga si Damon. Agad niyang inangat ang paningin sa akin nang maramdaman ang presensya ko. Binalewala ko naman siya at naupo na sa silyang hinila ni Guada para sa akin.
Tahimik naming sinimulan ang pagkain ng breakfast. Medyo naiilang pa ako dahil napapansin ko ang madalas niyang pagtingin sa akin. Gusto ko man siyang komprontahin pero nakakahiya naman lalo pa’t narito rin sa dining area ang ilan nilang kasambahay at nag-aabang sa mga maaari naming iutos.
Malapit na kaming matapos sa agahan nang may bigla na lang pumasok na isang babae sa dining area.
Bagsak na bagsak ang itim niyang buhok, nakasuot siya ngayon ng isang manipis at napakaiksing red dress na fit na fit sa hourglass shape niyang katawan, at ang bawat yapak niya ay dinig na dinig dahil sa suot niyang itim at pointed na stilettos.
Napansin kong diretso kay Damon ang kaniyang paningin kaya mukhang ito talaga ang sadya niya.
Hindi nga ako nagkamali dahil nang tuluyan itong makalapit ay agad na iniangkla ng babae ang makikinis niyang braso sa braso ni Damon. Nilingon ko ang mga kasambahay, hindi ako nakakita ng gulat sa kanilang mga mukha kaya malamang ay sanay na sila sa mga ganitong eksena. Napailing-iling na lang ako at uminom ng kape.
“Is it true that you are engage?!” panimula ng babae, halos magwala. “Why didn’t you tell me? Kung hindi pa naibalita ni Tita Fridgette kay Mommy ay hindi ko pa malalaman. Bakit ka pumayag, paano na lang ako, ha?! I told you that I will marry you soon.”
Kumpirmado nga. Mukhang isa ang babaeng ito sa napakaraming babae ni Damon.
“Luisana, leave,” kalmado pa ang boses ni Damon habang pilit na inaalis ang braso ng babae sa braso niya. “My fiancée and I are having our breakfast. Iniistorbo mo kami.”
Ng dahil sa sinabi ni Damon ay mukhang doon lang napansin ng babae ang presensya ko. Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan ako nang masama. Ang ganda-ganda niya sana kaso nga lang ay masama ang ugali.
“Don’t worry, Angelina. She’s leaving,” Binalingan ako ni Damon.
Hindi na lang ako sumagot at binigyan siya ng masamang tingin. Nakaka-disappoint naman na kahit hanggang dito ay nakararating ang mga babae niya. ‘Yong isa sa garahe, at ang babaeng ito naman ay narito na sa dining area, baka naman sa susunod niyan ay nasa kwarto niya na. O baka naman may nakarating na roon?
“So you’re Angelina…Damon’s fiancée,” Sinenyasan niya ang isang kasambahay na nakaabang, daglian naman iyong gumalaw para malagyan ng juice ang basong naroon sa harapan. “What’s your family business?”
Ayoko sanang sumagot pero may kung ano sa aking nagtulak para sagutin ang babae, “Our family owns a chain of hotels, we also have farms and ranches.”
“And what can you contribute to Damon’s business with that?” nakangising tanong niya, nang-iinsulto. “I really think that you are not the one suitable to be his wife, no offense meant. Ako ay may alam na sa pagpapatakbo ng planta dahil isa rin akong geothermal engineer kagaya ni Damon, stock holder din ang pamilya ko sa planta nila. Kaya sa ating dalawa ay ako ang mas nababagay sa kaniya.”
Ngumisi rin ako kahit na ang totoo ay napipikon na, “Well if that’s the case then bakit hindi ikaw ang napili bilang fiancée niya? Baka nag-iilusyon ka lang na ikaw ang nababagay kay Damon kahit na hindi naman talaga.”Sinadya kong ilapag sa lamesa ang kamay ko para maipakita sa kaniya ang heirloom ring na ibinigay sa akin ni Damon kagabi. Kitang-kita ang satisfaction sa mukha ko nang makita ang iritasyon at pagka-inggit sa mukha ng babae.
“I really think you should leave now, Luisana. And please, don’t come here again uninvited. Understand?”
Nalukot pa lalo ang mukha ni Luisana ng dahil sa sinabi ni Damon. Umiigting ang panga niya at kung nakamamatay lang ang masamang tingin, malamang ay kanina pa ako bumagsak sa sahig.
…“Luisana Ferrera Almadovar, 24 years old at galing sa prominenteng pamilya. Anak siya ng gobernador sa kabilang lalawigan at ex-fling ni Damon,” pagbabalita sa akin ni Guadalupe. “At sa tingin ko’y asahan mo na ang madalas na pagpunta niyon dito since malapit ang pamilya nila sa mga Dela Rue.”
Noong matapos akong mag-breakfast ay nagpresinta si Guada na magri-research daw siya tungkol sa babae kanina. Akala ko nga ay mahihirapan siya pero dahil sumali na sa ilang national pageants at kasalukuyan pang modelo ay medyo sikat si Luisana kaya maraming articles kaming nahanap tungkol sa kaniya.
“Sure ka bang naging fling lang talaga ‘yon ni Damon at hindi naging girlfriend?” tanong ko.
“Sure akong fling lang kasi hindi naman nagi-girlfriend ‘yang si Sir Damon ‘di ba? At kung naging girlfriend ay mababalita ‘yan for sure lalo na’t sikat na sikat si Sir sa business world…‘One of the hottest business tycoon in Asia’!” nanlalaki ang matang ipinakita sa akin ni Guada ‘yong isang article kung saan nangunguna si Damon sa pagiging hottest business tycoon in Asia kuno.
Binalewala ko ang article na iyon at hinayaan na lang si Guada. Nilunod ko ang aking sarili sa mga malalalim na isipin tungkol sa kalagayan ni Tatay Isko at sa mga maaaring mangyari sa mga susunod na araw kaya hindi ko namalayan ang pagkalabit sa akin ni Guadalupe, kung hindi niya pa tinampal ang braso ko ay siguradong hindi ko talaga siya mapapansin.
“Ano?”
Ipinakita niya sa akin ang bagong article na nahanap niya, “Kailangan mo sigurong mag-iingat kay Luisana. May history siya ng violence at maraming beses ng nasangkot sa cat fight ng dahil kay Sir Damon…obsessed ‘ata siya kay Sir.”
Sa buong maghapon na iyon ay wala akong ginawa kundi ang manatili sa kwarto. Wala naman kasi akong maisip na paglibangan at wala rin dito ang mga Dela Rue. Hindi mawala sa isipan ko iyong nabasa naming article kanina tungkol kay Luisana Almadovar, hindi lang isa iyon kundi marami. Madalas nga siyang nasasali sa away at si Damon kadalasan ang dahil niyon.
Obsessed kaya talaga siya? Hindi imposible kasi mukhang gustong-gusto niya talaga si Damon. Kinakabahan tuloy ako, hindi dahil baka saktan niya rin ako physically kagaya ng ibang babaeng nalilink kay Damon, natatakot ako kasi paano kung malaman niya iyong sikreto ko? Na nagpapanggap lang naman ako bilang si Angelina, at hindi naman ako ang totoong fiancée ni Damon.
“Francesca, dumating na si Ma’am Fridegette. Bumaba ka na roon at may mga binili raw siya para sa ‘yo,” sabi sa akin ni Guada.
“Sige, bababa na ako.”
Agad na akong tumayo at nag-ayos ng sarili para sa pagbaba.
“Oh that is okay, I understand! Alam kong importante rin ang inaayos niyo ni Arnaldo riyan sa US kaya talagang naiintindihan namin. Ayos lang naman iyon at napaghandaan naman namin nang maayos. Don’t worry about them, I think they will learn to love each other eventually!” pababa na ako nang marinig ko ang boses ni Mrs.Dela Rue na parang may kausap.
Noong tuluyan na akong makababa ay nakita kong hawak niya ang kaniyang cellphone at may katawagan. Nakaupo si Mrs.Dela Rue sa sofa at nasa may paanan niya ang iba’t ibang paper bags, iba’t ibang kulay at iba’t iba rin ang laki.
“Angelina is very beautiful and kind, I really like her for my son. Mabuti na lang talaga at pumayag ako sa proposal mo, we will be in-laws soon!”
Agad akong nakaramdam ng kaba at unti-unting bumagal ang paglalakad. Sino ang katawagan ni Mrs.Dela Rue? Hindi kaya…
“Pero make sure na makadadalo ka sa kasal, Rowena. Magtatampo talaga ako kung hindi!”
Tama nga ang hinala ko. Si Ma’am Rowena Smith ang katawagan niya, ang mommy ni Angelina! Aatras na sana ako at maglalakad pabalik sa kwarto ngunit nakita na ako ni Mrs.Dela Rue bago ko pa man iyon magawa. Kumaway siya sa akin at sinenyasan na lumapit ako sa kaniya.
“Angelina is here…” imporma ni Mrs.Dela Rue sa kabilang linya. “You want to talk to her? Okay I will give her the phone right now.”
Nanlaki ang mga mata ko at agad na nanuyo ang lalamunan ng dahil sa kaba. Ano nang gagawin ko? Makikilala ni Ma’am Rowena ang boses ko, mabubuking ako!
Nakangiting inabot sa akin ni Mrs.Dela Rue ang cellphone, “Your Mom wants to talk to you, she said na hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya.”
Bahagyang nanginginig ang kamay ko nang tanggapin ko ang cellphone. Kinagat ko ang labi ko, dinig na dinig ang malalakas na tambol ng aking puso.
Dahan-dahan kong inilapit sa aking tenga ang cellphone.
“Hello, anak. Why aren’t you answering my calls? Are you enjoying your fiance’s company so much that you have forgotten your mother?” saad ni Ma’am Rowena sa kabilang linya.
Nanuyo ang lalamunan ko habang nag-iisip sa kung ano ba ang maaari kong sabihin o kung dapat bang may sabihin ako dahil nakasisiguro akong isang salita ko lang ay mabubuking niya ako. “Sweetie…still there?” muling nagsalita si Ma’am Rowena dahil sa matagal kong pananahimik. “Are you alright? Why aren’t you answering me?” Wala talaga akong ideya sa kung ano ang gagawin ko. Hindi ako maaaring magsalita ngunit kung mananahimik naman ako ay magtataka siya. Rinig na rinig ko ang malalakas na tambol sa aking dibdib. Napatingin ako kay Mrs.Dela Rue, nakangiti siya sa akin ngayon at parang ini-encourage ako na makipagusap sa aking ‘ina’. Ibinuka ko ang labi ko, magsasalita na sana kasabay ng pagbabakasakaling hindi niya mapansin ang aking boses ngunit bago pa man mangyari iyon ay nakarinig na ako ng pag-uusap sa kabilang linya, mukhang sekretarya niya iyon. “I'll just call you some other time, sweetie. I need to take care of something. Enjoy your stay there, I love
Lumipas ang ilang araw at mukhang nagkaayos na ang magkapatid kasi bumalik na sa normal ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Nagkausap na rin kami ni Damon pero siniguro kong hindi niya na ulit ako mahihila pa sa kwarto niya dahil sigurado akong may balak na naman siya kapag doon kami nag-usap. “No more flirting with other men. Akin ka na, sa akin lang,” sinabi niya iyon sa akin. Magpoprotesta sana ako kasi hindi ko gusto ang sinabi niya. Tao ako at hindi bagay na maaaring angkinin, may sarili akong pag-iisip at desisyon, walang ibang nagmamay-ari sa akin kundi ang sarili ko lang. Gusto kong ipaglaban sa kaniya iyon pero sa huli ay tumango na lang ako sa sinabi niya para matapos na ang usapan. Napagtanto ko rin na kahit pa iprotesta ko ‘yong pinaniniwalaan ko ay wala rin namang silbi kasi hindi naman ako ang magpapakasal sa kaniya. Mabuti na rin iyon kasi kung ako ang nasa kalagayan ni Angelina ay hindi ko ‘ata makakayanan ang level ng possessiveness ni Damon
Bumabyahe na kami pabalik sa Sorsogon ni Gustave pero patuloy pa ring lumilipad ang isipan ko tungkol sa nadatnan namin kanina. Hindi ko maitago ang iritasyon magpahanggang ngayon.Hindi ko maintindihan. Hindi ba dapat ay wala naman akong pakialam kasi nagpapanggap lang naman ako, hindi naman ako ang totoong magpapakasal kay Damon. Pero bakit ako nakararamdam ng ganito? Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya gusto kaya bakit?Hindi ko tipo ang mga lalaking kagaya niya. Maraming bagay sa kaniya ang ayaw ko at isa pa ay masyadong malayo ang estado namin sa buhay. Marami pa akong bagay na kailangang pagtuonan ng pansin kaya wala pa akong oras sa pag-ibig, at kung magmamahal man ako pagdating ng araw ay nasisiguro kong hindi iyon katulad ni Damon.Naguguluhan ako at iritado. Kinumbinsi ko na lang ang sarili ko na nakararamdam ako ng ganito ngayon kasi napaka-unfair niya talaga. Nag-away kami nitong nakaraan dahil sinabi niya ay nakikipaglandian ako sa kapatid n
Ilang minuto na mula nang lumabas si Luisana ngunit narito pa rin ako sa banyo at tulala. Kinakabahan ako nang husto ng dahil sa nalaman. Pinaimbestigahan niya ako at natatakot ako na baka sa mga oras na ‘to ay alam niya ng hindi talaga ako si Angelina Smith at nagpapanggap lang dahil sa pera. Hindi ako mapakali at imbes na mag-overthink ng iba’t ibang senaryo ay mas pinili ko na lang na tawagan si Angelina upang sabihin sa kaniya ang tungkol dito. “Don’t mind her. I am sure that she’s making fun of you. Pinatanggal ko na ang mga articles online kung saan featured ako at pareho na rin tayong walang social media accounts kaya naman malabo ang sinasabi niya,” paliwanag ni Angelina nang matapos kong ikuwento sa kaniya ang tungkol sa sinabi ni Luisana. “Mayaman din si Luisana. Paano kung nagbayad siya ng propesiyunal na imbestigador. Mabubuking tayo!” Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Angelina mula sa kabilang linya, “That woman is just probably obsessed with
Nang unti-unti ng bumabalik ang diwa sa akin ay ang tunog ng paghampas ng alon ang una kong narinig. Noong tuluyan na akong nagising ay bigla ko na lang naramdaman ang pananakit ng ulo. Napadaing ako at unti-unti ng iminulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko’y binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit! Unang titig ko pa lang sa kisame ay nasisiguro ko ng wala ako sa kwartong kinuha ni Stave para sa akin. Mabilis akong bumangon at nagpalinga-linga sa paligid. Nasaan ako?! Nagsimula na akong makaramdam ng kaba, nalasing ako kagabi tapos bigla na lang akong magigising sa ibang kwarto! Agad kong ibinaba ang paningin sa aking katawan, nakahinga ako nang maluwag noong makitang may suot pa rin akong damit. Ngunit nang mapansin ko ang long sleeves na nakasuot sa akin ay unti-unting bumalik sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Dumating si Damon. Iniligtas niya ako. Nag-away kami at sa huli ay…hinalikan niya ako! Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi.
“Sa tingin mo ay alam na kaya ni Luisana ang totoo?” Sandaling nag-isip si Guada. Narito kami ngayon sa kwarto ko at sinabi ko sa kaniya iyong nangyari noong gabing nakausap ko si Luisana. Kahit na in-assure na ako ni Angelina ay hindi ko pa rin maiwasang mangamba tungkol doon. Nararamdaman ko kasi na may alam na talaga si Luisana kasi hindi naman niya bibitawan ang mga salitang ‘yon kung wala, ‘di ba? At malaking problema iyon kung sakaling may alam nga siya. Kung totoo ang hinala ko na alam niyang nagpapanggap lang ako bilang si Angelina Smith ay paniguradong gagamitin niya ang kaalamang iyon upang sirain ako. Desperada siya at handang gawin ang lahat makuha lang si Damon. “Baka naman nagsisinungaling lang siya para pag-isipin ka?” hindi rin sigurado si Guada sa sagot niya. “Paano kung hindi? Paano kung alam niya na talagang nagpapanggap lang ako?” Itinikom ko ang nanginginig sa kabang kamay. Lumapit sa akin si Guada at marahang hinaplos ang aking buhok, “Hindi ko rin alam, Fr
“Tapos na!” Iminulat ko ang aking mga mata nang sabihin iyon ni Guada. Agad na bumungad sa paningin ko ang repleksiyon ng aking mukha mula sa salamin. “Kahit anong ayos ang gawin sa ‘yo ay ang ganda-ganda mo pa rin!” papuri ni Guadalupe. Hindi ko nga lang alam kong nagsasabi ba siya ng totoo o sinabi niya lang iyon dahil siya ang nag-ayos sa akin ngayon. Pero hindi ko maipagkakaila. Magaling siyang mag-make up at mag-ayos ng buhok, maganda rin ang taste ni Guada sa mga damit kaya siya ang madalas na namimili ng mga isinusuot ko rito. Tumayo ako at pinagmasdan sa salamin ang aking kabuohan. Kinulot ng kaonti ni Guada ang buhok ko kaya naman mistula iyong umaalon, may kung ano rin siyang inilagay rito kanina kaya pansin ko ang pagkintab nito. Hindi naman makapal ang make-up ko ngayon, ayaw ko rin kasi ng ganoon at ayon naman kay Guada ay mas bagay talaga sa akin ang natural look dahil may natural contour na raw ang mukha ko at natural ding mapupula ang labi. Nang pasadahan ko ng
“Hindi ka ba bababa?” takhang tanong sa akin ni Guada. Binalingan ko siya saglit at umiling bago muling ibinalik ang atensyon sa pag-aayos ng damit sa closet. Nagpatay-malisya ako pero ramdam na ramdam kong nakatitig pa rin sa akin si Guadalupe at maaaring nagtatataka sa mga ikinikilos ko. “Magtapat ka nga. Bakit pakiramdam ko ay iniiwasan mo si Sir Damon?” pagdududa niya. “Hindi ko siya iniiwasan ah!” Lumapit sa akin si Guada, nakataas ang isang kilay, “Talaga? Bakit noong breakfast ay nagkunwari ka pang tulog noong sabihin kong hinihintay ka niya? Noong lunch naman ay hindi mo sinasagot ang tawag niya? Noong meryenda ay hindi ka rin bumaba at nagkunwari kang antok at pagod kahit halos wala ka namang ginawa buong maghapon. At ngayon namang dinner ay ayaw mong bumaba dahil…abala ka sa pagtutupi ng mga damit kahit gabi na?” Napanguso ako. Kilalang-kilala na ako ni Guada kaya alam kong wala ng silbi para magsinungaling ako sa kaniya, pero mas lalo namang hindi ko kayang sabihin sa