Share

Chapter 10

MAG-IISANG LINGGO na magmula ang unang pag-ta-trabaho ni Rosalia sa bar ng knayng Boss na si Mival. Naging maayos ang kanyang trabaho at ang naging unang sahod niya noon ay pinadala niya sa kan'yang pamilya. 

"Opo, Inay, nag-iingat naman po ako rito. Saka alam niyo Inay, ang yayaman ng mga tao dito, 'yun nga lang medyo mahirap po silang pakisamahan." Sabi ni Rosalia mula sa kabilang linya kausap ang kanyang Ina. "Kumusta na po pala si Itay, Inay? Kayo po diyan?"

 Papasok siya ngayon sa bar at hinanap ag sekretarya na si Mis. Gail upang mag-check ng attendance. 

Ina niya: 

[Basta, mag-iingat ka pa rin diyan. Saka, okay lang kami rito. H'wag ka na munang mag-alala sa amin, nakauwi na rin kami sa bahay... Ang sabi ng doctor sa Itay mo ay nagiging maayos naman ang lagay niya at hindi na ganoon kalala ang sakit niya.]

"Opo, Inay. Mag-iingat rin po kayo diyan," agad na nakita ni Rosalia ang sekretarya ng si Gail kaya agaditong patakbong lumapit. "Sige na po, Inay. Kailangan ko na pong mag-trabaho." Pinatay ni Rosalia ang tawag ng magpaalam na rin ang kanyang Ina sa kanya. 

"Miss Gail!" Sigaw niya habang papalapit sa sekretarya.

"Oh, right. Mabuti naman at narito ka na." Sabi ni Gail. "Oh, pirmahan mo na 'to para maayos ko na attendance niyo ngayon." I wouldn't Binigay ni Gail ang folder kay Rosalia na nakasulat ang mga pangalan ng empleyado sa bar. 

Pinirmahan agad iyon ni Rosalia. "Salamat po Miss Gail." Nakangiting sabi niya kay Gail. "Ah, Miss Gail nasaan po pala si Elyn?" 

Umirap si Gail, "Nasa taas, kinakausap ni Sir Teff, may kailangan lang siyang gawin mamaya para sa visitors." 

"Para saan po?" Takang tanong ni Rosalia rito. Anong visitors? Mayroon na naman silang visitors? 

Simula ng mag-tampo si Elyn sa kanya noong unang sahod ay palaging hindi maayos maka-usap si Elyn. At pag narating ang iba pang bisita ng kanilang boss ay palagi niyang hindi nakikita si Elyn. Ang pinag-tataka pa niya ay ang nangyari kagabi, nakita niya si Elyn sa isang sasakyan na nakangiti. Hanggang sa lumala na iniiwasan na siya pa-minsan-minsan ni Elyn. 

Lungkot tuloy ang naramdaman ni Rosalia na baka siya ang dahilan ng pag-I was nito sa kanya.

 

"Do you not know? Elyn served wine to Sir Mival's co-workers. And I heard, sa kasama niya mag-serve ng alak, that the man had invited her to pay her one night. That's what happened last night." Napakibit balikat si Gail na natatawa. "Sayang nga, dapat ako 'yon! Ang gwapo ng lalaki na nag bayad sa kanya."

Mas lalong kumunot ang noo ni Rosalia. "Pano naman po nasali si Sir Mival? Pati po ba siya a binayaran rin si Elyn para sa masamang gawain?" Hindi na natiis ni Rosalia na hindi mainis. 

Natakot siya para kay Elyn dahil isa rin itong walang alam sa mga gawin na iyon. At ang pinata taka ni Rosalia ay kung bakit nasa office ni Mival si Elyn?

"Ano ka ba, Rosalia?! Sinong tatanggi sa 50 thousands? At girl! Gwapo ang nag-aya sa kanya, mga kasing edad niya lang. I heard nga na natuloy daw iyon. Nawala kasi si Elyn kagabi." Sabi ni Gail na kunot na rin ang noo. "Wait, why am I talking to you? It's time to leave. You started working well. Many customers are coming now."

Natulalang sinundan na lang nang tingin ni Rosalia ang sekretaryang si Gail maka-alis. Napabuntong hininga na lamang siya saka tinungo ang maliit na kwarto para sa mga employee at kinuha ang kanyang kaikliang apron saka tinali pa-boknay ang kanyang buhok.

Binuksan ni Rosalia ang pinto at sa hindi inaasahan ay nakita niya ang kanina pa niyang hinahanap. 

"Elyn!" Tuwang sinalubong ng yakap ni Rosalia si Elyn saka ito tiningnan na wala pang kinikibo. "Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." 

"A-ah, d-diyan lang kay s-sir." Walang emosyon na sabi ni Elyn kay Rosalia. Nilampasan niya ang dalaga saka mabilis na kinuha ang nakasabit na kanyang apron.

 "Elyn, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang sinundan ni Rosalia si Elyn ng makalabas.

Kumapal ang make-up ni Elyn. Kitang-kita ang ka-pulahan ng labi at nagkakapalang kilay. Hindi tuloy maiwasang ni Rosalia na hindi kabahan. 

"Elyn, pwede ba tayong mag-usap? Kahit saglit lang."

"M-mamaya na lang siguro, Rosalia. Maraming customer sa loob." Sabi ni Elyn sa kanya na katulad kanina ay seryoso pa rin ang mukha nito. 

Umiba ng derek'syon si Elyn ng makapasok sila sa mismong bar na tinatawag. Sobrang dami ng tao. Nagsisigawan. Mayroon pang mga nakikitang naghahalikan si Rosalia habang nasayaw. 

Nag-iba ng Derek's yon si Elyn kaya agd niya iyong sinundan. 

"Elyn mag-usap naman tayo," sigaw ni Rosalia habang hinahawi niya ang mga taong nadadanggi siya.

 "U-umalis ka na muna, Rosalia. Okay lang ako." Sabi ni Elyn ng hindi ito lumilingon. 

"Pero ngayon natin kailangan mag-usap, baka ano nang nangyayari sa 'yo-"

"Ahh! What the-"

Napatigil si Rosalia nang masagi niya ang isang babae naka-red dress. Gulat ito sa nangyari. Natapon sa d****b ng babae ang alak at nahulog naman ang baso sa sahig kaya Natigilan ang ilang na sayaw malapit sa kanila.

"S-sorry, hindi ko sinasadya!" Mabilis na kinuha ni Rosalia ang mga bubog na nasa sahig. Pulang ilaw lamang ang bumaba lot sa paligid, na halos hindi na makita ang mga bubog sa sahig ngunit patuloy pa rin siya sa pagkuha roon. 

"Oh my God! Ang t*nga mo!" 

Napatigil si Rosalia sa pagkuha ng mga bubog sabat tingala sa babaeng nabunggo niya. "Hindi ko po sinasadya, ma'am. Pasensya na po." Bumalik si Rosalia sa pagkuha ng mga bubog at sa pag-hawak nito ay naramdaman niyang nahiwa ang kanyang balat sa kamay. 

"Rosalia!" Ramdam niyang nilapitan siya ni Elyn saka siya akbayan. 

Nakatitig lamang si Rosalia sa daliri niyang patuloy sa patagas ng dugo. 

"Ayan, ang t*nga talaga! Bakit ba may ganitong bbabae rito, ha?!" Iritadong sabi ng babae habang inis na pinupunusan ang kanyang d****b na basang-basa ng alak.

"Hoy! Hindi t*nga si Rosalia, ha?! Kung natingin ka rin kasi sa daan, 'edi sana hindi ka niya nasagi!"

"Elyn tama na." Awat ni Rosalia sa kaibigan. Mas lalo siyang napayuko at makaramdam ng hiya sa mga sinasabi ng babae sa kanya. Nagbulungan rin ang mga taong nasa paligid nila at naririnig ang pangalan niya. 

"Excuse me, anong nangyayari rito?!"

Napa-angat nang tingin si Rosalia sa biglang pagdating ng sekretarya ng si Gail. Mas nakaramdam siya ng matinding kaba. 

"Ma'am Gail, Tingnan mo kasi itong babaeng ito, sinisigawan si Rosalia!" Parang batang tinuturo ni Elyn ang ababeng nabunggo ni Rosalia. 

Kunot ang noo ni Gail na tumingin sa babae. Ngunit ang kunot na noo ay napalitan ng pag-taas ng kilay. "Lalaine?" Hindi makapaniwalang sabi ni Gail. 

"Oh look, who''s here," sarkistong napatawa si Lalaine. "Ang mang-aagaw ng boyfriend na may girlfriend na!" 

Nagkatinginan si Rosalia at si Elyn. Hindi rin maunawaan ng dalawa kung bakit doon na napunta ang usapan. Tumingin si Rosalia sa paligid nang makitang kaka-unti na lamang ang mga taong nakatingin sa kanila. 

Nakakabingi ang tutog. Mga hiyawan ng mga kababaihang nasisiyahan, kung kaya't hindi sila gaanong agaw pansin. 

"Kasalanan ko bang ako ang nagustuhan ni Mival?!" 

Kumunot ang noo ni Rosalia sa narinig. "Bakit nasali sa usapan si Sir Mival, Elyn?" Tanong niya sa katabi niyang si Elyn na nagtataka rin.

"Sabi ko na! Si Miss Gail ang isa pang babae ni boss. Matagal na 'yong alam ng iba rito. Wala bang nagku-kwento sa' yo?"

Agad na muling si Rosalia bago tumingin sa dalawa. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala noong una niyang punta sa office ng kanyang boss. 

Imposible bang may nangyari roon sa office dahil sa tagal bago mabuksan ang pinto noon? 

"Teka nga, bakit sa akin napunta ang usapan?! Ano naman kasi sa 'yo kung ako ang gusto ni Mival?!" Iritadong sabi ni Gail, naka-pamewang pa ito. Tumingin ito sa gawi nila Rosalia "Ano bang nangyayari rito?! Elyn?! Rosalia?!"

"Tss! Nasagi ng babaeng 'yan ang glass ko." Tinuro ni Lalaine si Rosalia. "And look at my dress! Basang-basa! I want to report this! Ang tanga ng empleyado niyo! Hindi tumitingin sa dinaraanan-"

"Eh, Miss Lalaine, kayo po ang hindi tumitingin sa dinaraanan! Alam ko po iyon dahil ako rin ang nauuna maglakad, at nasa likod ko lang si Rosalia." Bwelta ni Elyn ngunit pinigilan siya ni Rosalia sa kamay. 

"Pasensya na po talaga," pagmama-kaawa ni Rosalia saka pinag-dikit ang mga palad nito kahit na may sugat ang kanan niyang kamay, na ngayon ay natakpan niya ng panyo na bigay ni Elyn. "Hindi ko naman po sinasada, Miss Gail, Miss Lalaine. May kadiliman na po ang paligid kaya hindi ko po kayo agad nakita. Sorry po-"

"No! I won't change my mind. Kailangan kong sabihan si Mival na tanggalin ka sa trabaho!" Putol nito sa sinasabi ni Rosalia. "Ang mahal ng dress ko na 'to tapos natapunan mo lang! mabuti sana kung mayaman ka! Mukhang hindi naman!"

Parang may sumampal na katotohanan kay Rosalia. Napayuko na lamang siya. Nagsisimula na ring manakit ang mata niya dahilan para mamuo ang luha sa mga mata niya. Panay naman ang bulong ni Elyn sa tainga niya na wala lang ang sinasabi ni Lalaine, ngunit hindi mapipigilan ni Rosalia ang mga narinig na masakit na salita kay Lalaine. 

Pero ang alam niya sa sarili ay sa hirap na ito, dito niya mararanasan ang tunay na tagumapay. Sa pagsisikap at hirap na kailangan munang lampasan. 

"Sandali nga. Sandali nga. Nag-sorry na si Rosalia sa 'yo, ah. Ano pang pinuputok ng nguso mo diyan?!" Sabat bigla ni Gail na ikinabigla pa ni Elyn. Napa-angat naman nang tingin si Rosalia dahil sa narinig. 

"How dare you!" Napuno ng galit si Laline at mabilis na sinugod si Gail na nakangiti ngunit mabilis itong napigilan ng malaking tao. 

"Ano! Ano, ha?! H'wag mong inaaway mga empleyado rito!" Sigaw ni Gail na inawat rin ng lalaking malaki ang katawan. 

Gulat na  napatingin sa paligid si Rosalia nang makitang ang tatlong kalalakihan na nakapalibot na sa kanila. Nagsi-atrasan ang mga taong nasayaw malapit sa kanila ngunit ang tugtog ay mas luamakas. 

"Mag boss, 'yan! Hulihin niyo' yang naka-red. Inaaway kami-"

"Kayong apat. Sumunod kayo sa amin. Pinapahanap kayo ni Sir Mival." Malaking boses na sabi ng lalaking nasa gitna ni Rosalia at Gail. 

"Ouch! I said, don't touch me, you idiot!" Reklamo ni Laline nang dalhin sila ng tatlong lalaki sa office ni Mival. 

 

"Ang arte! Aray ano ba?!" Sigaw naman ni Gail nang isunod siyang ipasok. 

"Boss, narito na ang apat. Muntik na silang magsa-bunutan." Sabi ng lalaking nakahawak sa braso ni Rosalia. Huling pinasok si Rosalia ng lalaki. Hindi siya nagreklamo dahil sa matalim na titig sa kanilang apat ng kanilang boss na nakaupo sa swivel chair.

 "Alright. Now leave." Maotoridad na sabi ni Mival sa mga lalaki. 

"Masusunod boss."

Nang maisarado ang pinto ay isa-isang tiningnan ni Mival ang apat hanggang sa matigil iyon kay Rosalia. Walang sinong umimik maski na si Rosalia na nakayulo lang at tinatago pa sa kanyang likuran ang sugat sa kanang kamay. 

Bumibilis ang tibok ng puso ni Rosalia nang masilip na nakatingin pa rin sa kanya ang kanyang boss. Bumalik ulit siya sa pagyuko kasabay ng pagrinig na mahinang tawa. 

"Sir, ano hong nakakatawa?" Tanong ni Elyn na nasa kanan ni Rosalia. 

"Oh, nothing. None of your business." Tumayo si Mival sa kanyang kina-uupuan at pumunta sa harap bago sumandal sa mesa nito. "So what the f*ck are you doing-" 

"Love! Kasi itong tatlo, inaaway nila ako. Tingnan mo damit ko, oh! So dirty na!"

"Tumigil ka nga! Ang sama kasi ng ugali mo! Saka don't call Sir Mival, love. Nakakadiring pakinggan sa 'yo!" Bwelta ni Gail sa sinahi ni Lalaine. 

"Tama! Saka ang bastos ng bibig niyang babae na 'yan sir... Ano kung hindi ka kayang bayaran ni Rosalia dahil diyan sa natapunan niya damit mo?" Sabat naman ni Elyn. 

Napatili si Lalaine at nagpapadyak pa ito. "Love! Sinisigawan nila-"

"Shut up!" Natahimik ang tatlo dahil sa malakas na sigaw ni Mival. "Hindi kayong tatlo ang tinatanong ko."

Napa-angat nang tingin si Rosalia. Gulat pa nitong binilang kung ilan sila, pero apat lang sila. Napalubok siya kasabay nang pagtingin sa kanyang boss na seryoso ang tingin sa kanya habang nakasandla ito sa lamesa at nakapamulsa. Naka-cross pa ang mga paa. 

"A-ako po sir?" Utal na sambit ni Rosalia. Tinuro pa ang sarili at mamataang ang kamay niyang may sugat ang naituro niya. 

"Anong nangyari diyan?"

"A-ah, wala sir," ilang na napatawa si Rosalia sabay tago ng kamay nito sa likod. 

"Ay, nako sir! Si Lalaine po ang may gawa." Sabat bigla ni Elyn. 

"I said, shut up, Ms. Elyn." Humingang malalim ang kanilang boss saka umayos nang tayo. "I have an important meeting later. Hindi ko aaksayahin ang oras ko sa inyo. Hindi na ako magappaligoy-ligoy pa... Bawas ang sahod niyo ngayong buwan."

"Pero sir-"

"No buts, Ms. Gail! Secretary pa naman kita. I'm so disappointed with you! Akala ko ay aawatin mo sila." Singhal nito kay Gail. "At kayong kayong dalawa, Elyn at Rosalia. Sa susunod mag-ingat kayo!"

"Opo sir, sorry po. Hindi ko naman po talaga sinasadya. Sadyang hindi ko lang nakita si Ma'am Lalaine na nasa gilid ko na pala." Panghihingi ng tawad ni Rosalia ngunti sinenyasan lamang siya ng kanyang boss na tumigil sa pagsasalita. 

"Hindi ko kailangan ng paliwanag, Miss Rosalia. Pinagkakatiwalaan ko kayo, at ikaw, kahit baguhan ka." Natahimik saglit ang kanilang boss bago tumuloy sa pagsasalita. 

"H'wag niyo sanang idadamay ang girlfriend ko sa ka-t*ngahan niyong tatlo." Singhal nito na tinutukoy ay sina Gail, Elyn at Rosalia. 

Napakagat labi si Rosalia dahil sa narinig at bahagyang napayuko. Normal lang iyon na ipagtanggol ng kanilang boss ang girlfriend nito. 

"Makaka-alis na kayo." Sambit muli ng kanilang boss. 

Hinawakan ni Rosalia ang doorknob nang may lungkot at dismaya na nararamdaman. Hindi naman niya ginusto ang nangyati pero naka-apekto pa rin iyin sa sahod niya. Sana pala ay nag-sorry na lamang siya. 

"Except sa 'yo, Love. May pag-uusapan tayo." Pahabol pa ng kanilang boss. 

Malakas na napatili si Lalaine at sinugod ng yakap si Mival. 

Lumabas sina Rosalia nang sabay-sabay na napa-buntong hininga. 

"Sorry, hindi ko sinasadya ang nangyari." Hindi na napigilan ni Rosalia na maiyak kahit na iyon lamang ang naging parusa nila. 

Ma-swerte pa sila ngayon at hindi sila tinanggal sa trabaho. Ngunit may lungkot ng mabawasan ang kanilang sahod na hindi alam kung magkano. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status