Share

KABANATA 13

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at nagawa ko ang isang bagay na hindi ko akalain na magagawa ko.

Maybe I was too overwhelmed when I stood up and just walk towards him then I did it without thinking. Ang aking mga kamay ay unti-unting pumulupot sa kanyang bewang at mahigpit siyang niyakap. Sinandal ko pa ang aking ulo sa kanyang dibdib kaya rinig na rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso.

It takes a moment of silence. Walang kahit sino ang nagsalita at hinayaan ko lang ang sarili kong nakayakap sa kanya. Hindi rin naman niya ako tinulak at hinayaan lang ako na mas lalo kong ikinatuwa. 

"Zander?" mahinhin kong tawag. Nagawa ko ring magsalita.

"Hmm?"

Humigpit ang aking yakap sa kanya. "Thank you for finding me," I sincerely said.

"I didn't look for you," he just said.

Natigilan ako at unti-unti umangat ang tingin hanggang sa magtama ang aming tingin.

"No?" tanong ko na sinagot niya ng iling.

Tila may bumuhos ng malamig na tubig sa akin at nanigas. Halos mamula ang aking mukha sa hiya at nanghihinang tinanggal ang pagkakayakap sa kanya. Napaatras ako at tumalikod sa kanya. I'm too embarassed to even look at him.

Nakakahiyang isipin na nagawa ko pa siyang yakapin dahil akala ko ay hinanap niya ako at sa labis na tuwa ko ay niyakap ko pa siya tapos malalaman ko na hindi naman pala talaga niya ako hinanap, then what is he doing here?

Sinasabi ko na nga ba wala talaga akong mapapala--hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng marinig ko siyang magsalita.

"Before I look for you, my eyes just found you." Nang sabihin niya iyon ay bigla naman ang pagkabog ng aking dibdib.

Natigilan ako at takang hinarap siya.

Nagtama ang aming tingin. "I was already here when my mom called, she told me that you're still aren't home and wants me to find you but while on the call I suddenly saw you on the bench looking at the sky," he said.

I know it doesn't mean anything, but why do I feel something? Why is my heartfelt flattered?

Imbes na makaramdam ng galit ay iba ang aking naramdaman, hindi ko alam kung ano iyon basta hindi ko alam kung bakit biglang masaya ako nang siya ang makahanap sa akin.

Nakangit akong lumapit sa kanya. Kumapit ako sa kanyang braso at malambing na tumingin sa kanya. 

Halatang natigilan ito sa aking kinilos at nagtatakang tumingin sa akin.

"Gutom na ako bilhan mo ako ng makakain," sabi ko sabay hila sa kanya sa isang kainan.

Wala na siyang nagawa at nagpatianod na lang sa akin.

Napahawak ako sa aking tiyan ng maramdaman ko kung gaano ako kabusog sa kinain ko. Nagtungo kami sa isang open place na kainan. This is actually my first time eating in this kind of place. Hindi ko naman kasi naranasan o sinubukan ang kumain sa isang karinderya pero minsan na akong nakakain sa isang fast food chain. Pero masasabi kong hindi naman mukhang karinderya ang kinainan namin. It has a vibe like a restaurant at ang cute lang ng ambiance parang pang-couple ang datingin, sadly hindi naman kami couple.

Napatingin ako kay Zander na nakatingin lang sa akin, actually ako lang naman ang kumain tapos na raw kasi siya kaya nagkibit-balikat na lang ako at hindi na siya pinagtuunan pa ng pansin.

"I'm so full," sabi ko sabay himas pa sa tiyan.

"Sino ba naman ang hindi mabubusog kung naubos mo halos ang isang bucket ng chicken wings," sabi niya sa akin.

Napanguso ako at walang nasabi dahil totoo naman. Maraming kainan dito, pero dito ako na-attract because they have a lot food that you can choose.

So napili kong kainin ang isang bucket of chicken wings with different flavors. I just suddenly crave it.

"Pwede ba itong iuwi?" parang bata kong tanong. Nanghihinayang kasi ako kung iiwan ko lang. Sobra kasing akong nasarapan dito kaya gusto kong iuwi.

Gusto ko pa sanang bumili kaso wala akong pera at saka nakakahiya naman kung magpapabili pa ako sa kanya.

This is also my first time asking for a take-out na hindi ko naubos. Hindi naman kasi ako nagte-take out sa isang high end restaurant.

Nahihiya akong mag-angat ng tingin ng mapagtanto ko ang aking sinabi, mamaya isipin pa niyang patay-gutom ako.

Hindi siya sumagot kaya malungkot na tumingin na lang ako sa tira kong pagkain. Busog na kasi ako kaya hindi ko na kaya pang kumain.

"Here!" Napaangat ako ng tingin ng marinig ko siyang magsalita. Akala ko ako ang sinasabihan niya pero napangiti ako halos ng makitang isang waiter ata ang tinatawag niya.

"Can we take this out?" tanong niya sa lalaking waiter.

Tumango ang lalaki. "Yes sir, saglit lang po at ibabalot ko lang po ito," sabi nito at akmang aalis na ng magsalita pa si Zander.

"And I'll order another bucket with different flavors, take-out."

Lumapad ang ngiti sa aking labi at tuwang-tuwa na tumingin kay Zander.

"Para sa akin iyon?" tanong ko pagkaalis ng waiter.

Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Nope."

Napasimangot ako at inis na sumandal sa upuan ko. 

"You already have yours, ni hindi pa nga ako tumikim," dagdag pa niya.

Napahalukipkip na lang ako at parang batang nagta-tantrums.

Hating gabi na kaming nakauwi saglit pa kasi kaming lumibot, gusto na ngang umuwi ni Zander pero buti napilit ko.

Habang bumabyahe ay sarap na sarap pa akong pumapapak ng chicken wings. Niloloko lang pala ako ni Zander, kasi binigay niya rin sa akin lahat. Akalain mo iyon marunong din palang magbiro itong yelo ito.

Tulog na ang mga tao ng makauwi kami. Na-inform na rin naman kasi sila na nahanap na ako ni Zander kaya hindi na sila nagabalang maghintay pa.

Nagpaalam na ako kay Zander at tuwang-tuwang nagtungo sa aking kuwarto. Hindi ko bitbit ang chicke wings at nilagay na muna ni Zander sa ref para pwede pang initin bukas.

Kinabukasan ay maaga akong bumaba patungong kusina. Six pa lang ay gising na ako, dumeretso na ako sa kusina para kunin ang tira kong chicken wings. Baka kasi may kung sino pang kumain kaya kukunin ko na iyon at iinitin bago pa kainin ng iba.

Walang tao sa kusina kasi ngiti-ngiti kong binuksan ang ref at hinanap ang bucket ng chicken wings, ngunit wala akong makita kahit anino nito kaya unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi.

Tinignan ko pa ang bawat sulok ng ref nagbabakasakaling baka hindi ko lang ito nakita kahit sa freezer ay wala ito. I'm sure na dito nilagay ni Zander iyong bucket, kaya saan iyon napunta? Don't tell me--No!

No one should eat my chicken wings!

Dali-dali akong naglakad palabas ng kusina. Mahuli ko lang kung sino man ang kumuha ng pagmamay-ari ko ay siguradong mawawalan ng kaligayahan.

Sa sobrang pag-iisip ko sa kung sino man ang kumuha ng pagkain ko ay hindi ko namalayan na may tao pala sa may pinto palabas ng kusina at nabangga ko siya.

Sapo ang ilong na tumingin ako sa kung sino ang nabangga ko.

It's Zander.

"Aray naman!" reklamo ko.

"Stupid," sabi niya na nagpasimangot sa akin.

"Harang-harang ka sa daan tabi nga muna," tinulak ko siya at nilagpasan siya. "Malaman ko lang talaga kung sino kumuha ng pagkain ko malalagot ka sa akin," sabi ko pa habang nagpalakad at hinahanap siya.

Naglakad ako palabas ng bahay at nagsimulang maghanap doon. Sa paglalakad ko ay natigilan ako ng makakita ako ng isang buto.

"Someone stole your food."

"Ay buto!" Gulat akong humarap sa nagsalita. 

Si Zander iyon na nakatingin sa akin at nakataas nanaman ang kilay.

Naiinis na hinampas ko siya sa braso. Mahina lang naman iyon kaya wala siyang naging reaksyon. Bato talaga kahit kailan.

"Huwag mo nga akong ginugulat," sabi ko. Tinalikuran ko na siya at nagsimula ulit maghanap. Wala ako sa mood para kausapin siya.

Naramdaman ko ang yabag sa aking likod kaya natigilan ako at tumingin muli sa aking likod. Nangunot ang noo ko ng naroon pa rin si Zander at mukhang sumusunod sa akin.

Hindi ko na pinansin pa kung anong trip niya at nagtungo na lang sa hardin. Doon ay nakita ko si tita na nagdidilig ng halaman.

"Tita--Ay!" Mabilis akong napatikom ng bibig ng maalalang naroroon pala si Zander at nakatingin sa akin na kunot ang noo.

Umiwas na ako ng tingin at dali-daling lumapit sa nanay nila.

"Good morning po!" bati ko.

Ngumiti naman siya sa akin at bumati rin.

"Madam," akmang magrereklamo siya ng pasimple kong nginuso si Zander. Ngumiti naman siya at mukhang nakuha ang punto ko. "Ano, may nakita po ba kayong kahit sino na may bitbit na kinakain? Chicken wings ganoon po?" tanong ko.

"Sa iyo ba iyon?" Mabilis akong tumango.

Napangiwi siya at may tinuro sa kung saan. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya at nakita ang isang lalaki na nakatalikod sa amin ngunit kahit nakatalikod ay kilala ko ang likod na iyon.

Napabuga ako ng hangin at nagpaalam na kay madam. Hindi na ako nakapag-isip pa at agad na hinablot ang kanyang tenga.

"Aaah! Ouch!" reklamo niya habang hinihila ko ang tenga niya.

"Matias Jose, sinabi ko na sayong kapag sinagad mo ako kinabukasan mo na ang babasagin ko," inis kong sabi.

Wala na akong pakialam kung pinapanood ako nila Zander at nanay niya. Mamaya na pang akong hihingi ng pasensiya.

"Ouch! Bitiw na! A-ano nanaman bang ginawa ko?" sabi niya habang hinihimas ang tengang piningot ko.

Nameywang ako sa harap niya. "Kinain mo lang naman ang chicken wings ko!"

Natigilan siya at takang tumingin sa bucket na nasa mesa.

"Sa iyo 'to?" turo niya sa pagkain na halos paubos na. Mas lalo tuloy akong nanggigil doon.

Tumango ako.

"Nasaan ang patunay mo? Baka inaangkin mo lang ito at gusto mo lang makakain ng makita mo ito kagabi. Tapos gumising ka ng maaga para kunin ito."

Sinipa ko siya sa tuhod. Mahina lang iyon pero maarte siyang napaaray.

Inirapan ko siya. "Ikaw mapanghusga ka, bakit hindi mo tanungin ang kapatid mo?"

"Sino?"

Nginuso ko si Zander na nakatingin sa amin.

"Binili niya sa akin iyan kagabi!"

Tumingin siya kay Zander. " Kuya! Binili mo ito para kay Zea?"

Ngisi-ngisi ako ng tumango si Zander. Napakamot tuloy siya sa baba niya.

"Paano iyan paubos na?" pang-aasar pa niya sabay yakap sa bucket.

Naningkit ang mata ko. "Malapit na akong masagad Matias Jose kaya huwag mo akong subukan."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Try me," mayabang pa niyang sabi.

Ngumisi ako at tumingin kay tita.

"Madam, ayos lang naman siguro kung isa sa anak mo ang mawalan ka ng future apo? Baka kasi kung saan-saan lang din naman pumapasok sa butas iyong jun-jun niya. Mas okay na sigurong walang makinabang kung wala aang silbi?" paalam ko kay tita.

"Hindi hahayaan ni nanay na mabawasan ang future apo niya," pagmamalaki pa niya.

Nawala ang ngisi sa labi ni Matias ng mag-thumbs up ang nanay nila.

Napangisi ako.

"Paano ba iyan, ayos lang daw sa mommy mo. Boto pa siya sa akin sa gagawin ko."

"Hmmp! Kung mahuhuli mo ako," sabi niya sabay takbo.

Mabilis ko siyang hinuli at paikot-ikot kami sa hardin. Nakatingin lamang sa amin ang dalawa at hinayaan.

Nang mapagod ay tinaggal ko ang tsinelas ko at malakas itong binato sa kanya.

Napa-'yes' ako ng tamaan siya sa likod at napatigil sa pagtakbo na mukhang nasaktan. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para sumampa sa likod niya at gigil na sinakal siya ng braso ko.

"Akala mo hindi kita mahuhuli, I can do anything just to get what's mine kaya humanda ka sa akin ngayon."

"S-stop! I can't breathe!"

"Sabihin mong papalitan mo ang kinain mo!"

"No! Magpabili ka na lang ulit kay kuya."

Hinigpitan ko ang sakal sa kanya sabay kinagat pa ang tenga niya. Para tuloy kaming batang nag-aaway.

"Aaah! Fine! Papalitan ko na!"

"Two buckets!" Demand ko.

"Aba't sobra ka na!"

Diniinan ko pa ang kagat sa tenga niya.

"Aah! O-oo na, oo na. Two buckets na! Bitaw na masakit!"

Napangisi ako at binitiwan na ang tenga niya. Akmang bababa na sana ako ng kusa akong umangat sa ere.

Napanganga ako sa gulat ng makitang si Zander pala ang bumuhat sa akin at nilayo ako kay Matias.

"Too childish."

Inirapan ko lang siya at napahalukipkip.

"It's mine! Childish or not, basta sa akin hindi ako papayag na may umagaw non sa akin!" Matalim pa ang tingin ko kay Matias na napapahimas pa sa tenga niyang kinagat ko.

Pinakita ko ang kamao sa kanya. 

"Two buckets of chicken wings, before lunch dapat nandito na." 

"Parang chicken wings lang, ang damot."

Akmang kukunin ko pa ang isang tsinelas ko at ibabato sa kanya ng pigilan ako ni Zander kaya tumalim na lang ang tingin ko sa kanya.

Napatingin pa ako kay Zander ng lumuhod ito at sinuot sa akin ang isang tsinelas na binato ko kay Matias kanina.

Wala kay Zander ang atensyon ko sa ginawa niya dahil focus pa rin ako kay Matias na biglang ngumisi.

"Uyyy!" pang-aasar pa niya.

"Anong inu-uyy mo diyan? Umalis-alis ka sa harapan ko pasalamat ka hindi ko nabasag yan," sabay nguso ko sa pagitan ng hita niya.

Tumayo na sa tabi ko si Zander kaya napatingin ako sa kanya saglit na nakatingin sa akin kaya muli akong bumaling kay Matias.

"Bahala ka na nga diyan!" sabi niya sabay alis na.

"Yung chicken wings ko!" pahabol ko pa.

Nang makaalis siya ay ngisi-ngisi ako pero nawala iyon ng mapatingin ako kay Zander at natigilan ng mapagtanto kung anong ginawa niya kanina.

Halos mamula ako sa hiya ng maalala kung paano niya sinuot ang tsinelas niya sa akin.

Umiwas ako ng tingin.

"Bye!" paalam ko at umalis na.

Nang makalayo ay napahawak ako sa aking dibdib. My heart suddenly beats so fast.

What's wrong with him? And why am I feeling this?

VixiusVixxen

Sana magustuhan niyo po! This is a daily update kaya sana ay patuloy kayo sa pag-aabang at magbasa. Pamasko niyo na sa akin! Thank you po!

| 1
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jonel Zonio
wala na po bang update?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status