Lexie’s POV “Don’t just stand there! Get after her!” I heard from Mr. Hilton in an angry tone, while holding his injured forehead because it was hit there earlier when I hit him on his face using my gun.Halos bumangga na ako sa mga taong nagkakagulo dahil sa pagmamadali ko na makalayo sa kanilang lahat.Tulad ko ay nag-uunahan din ang mga ito na makahanap ng mapagtataguan upang hindi matamaan ng bala.Nang mga sandaling ito ay pakiramdam ko wala na akong kakampi at lahat na lang ng tao sa aking paligid ay nais akong patayin.Hinihingal na ako ngunit patuloy pa rin akong tumatakbo na kung minsan ay kumukubli sa mga pader na aking nadadaanan, upang makaiwas sa mga bala mula sa mga kasamahan ko. Natigilan ako ng isang lalaki ang nakatayo sa aking harapan at nakatutok ang baril nito sa akin, pakiramdam ko ay huminto sa pag-ikot ang mundo ko at kailangan ko ng harapin ang aking kamatayan.Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay na bumaon sa katawan ko ang bala ng baril
Lexie’s POV “Q-Quinlan? May problema ba? Si Momma? Nakausap mo ba s’ya? Ipinaliwanag mo ba na wala akong kasalanan? sigurado ako na nag-aalala na iyon sa akin.” Magkasunod na tanong ko sa kan’ya na may bahid ng pag-aalala, ngunit kapansin-pansin ang pagiging seryoso at tahimik nito.Kinabahan akong bigla at kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling ito.Natigilan akong bigla ng napagtanto ko ang mga posibleng mangyari. “H-hindi! Si Momma! kailangan ako ni Momma.” Mabilis kong tinakbo ang hagdan upang puntahan ang aking Ina.Ngunit hindi pa ako naka-kalapit sa hagdan ay naramdaman ko na pumulupot ang braso ni Quinlan sa aking baywang saka niyakap ako nito ng mahigpit.“Tama na Lexie, wala na tayong magagawa.” Malungkot na pahayag ni Quinlan.“Hindi! Hindi ako papayag! Hindi ang Momma ko, wala siyang kasalanan! Ako ang may kasalanan ng lahat dapat ako ang parusahan nila!” Galit kong sigaw na pilit kumawala sa mahigpit na yakap ng aking nobyo. “Ano ba! Bitawan mo ako
“Gov, bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon at itatama ko ang lahat, pangako hindi na ako uulit!” Nagmamakaawang pakiusap ng isang lalaki na nasa edad forty five, ngunit ang taong kaharap niya ay hindi mo kakikitaan ng awa o ng anumang expression.Lumapit ang isa sa kan’yang tauhan at sinalinan ng alak ang wine glass nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa.“Ang lakas ng loob mo na nakawan ako? Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga taong katulad mo?” Seryosong tanong nito bago dinampot ang isang mamahaling stick ng sigarilyo, mabilis na lumapit ang kanyang tauhan at kaagad na sinindihan ito. Humithit ito bago ibinuga ang usok mula sa kanyang bibig.“Kunin n’yo ang lahat ng kanyang ari-arian at ito na rin ang huling pagkakataon na makikita ko ang mukha mo dito sa Montenegro.” Galit niyang utos sa kanyang mga tauhan. Namutla ang mukha ng lalaki at hindi makapaniwala na tumingin ito sa kanya.Kilala ng lahat ang Governor ng Montenegro bilang malupit at walang puso lalo na pagdating
Chloe’s POV “Umamin ka nga sa akin, may relasyon ba kayo ng lalaking iyon?” Galit na tanong sa akin ni Emerzon. “Wala! Maniwala ka sa akin, Babe, hindi ko talaga kilala ang lalaking iyon!” Umiiyak kong sabi sa kanya bago lumapit sa aking nobyo at niyakap ito ng mahigpit. “Alam mo naman na ikaw lang ang lalaki sa buhay ko at hindi ko magagawang ipagpalit ka dahil mahal na mahal kita.” Halos pumiyok na ang boses ko sa pagsasalita, naramdaman ko ang mga kamay nito sa aking likuran hanggang sa yakapin ako nito ng mahigpit. “Hindi ko kaya kapag nawala ka sa akin Chloe, mangako ka na hindi mo ako iiwan o ipagpapalit sa ibang lalaki.” Masuyo nitong sabi habang hinahalikan nito ang ulo ko.“Pangako mahal ko, ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko dito sa mundo.” Mga katagang binitawan ko sa kanya mula sa kaibuturan ng aking puso bago ngumiti ng matamis sa aking nobyo.Bumaba ang mukha nito upang ako ay hagkan sa labi kaya pinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang ma
Chloe’s POVIsang buwan na ang lumipas mula ng makausap namin si Mr. Hilton at hanggang ngayon ay hindi na ito muling nagpakita pa sa amin, kaya naging panatag na ang loob ko.Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili dahil may pasok ako ngayon sa school. Third year college na ako sa kursong Fashion design dahil talent ko ang lumikha ng mga iba’t -ibang disenyo ng damit. Marami rin akong collection ng mga mamahaling damit na nagmula pa sa iba’t-ibang bansa, iyon ang kinahiligan ko simula ng bata pa lang ako.Kapag weekdays ay sumasabak ako sa pagmomodelo kaya kahit papaano ay may sarili akong income, hindi pa naman ako ganun ka-sikat dahil baguhan pa lang ako sa mundo ng modeling.Nang makuntento na ako sa aking ayos ay lumabas na ako ng kwarto, napahinto ako sa paghakbang ng marinig ko ang mataas na boses ni Daddy mula sa nakaawang na pintuan ng library. “My God! Gumawa ka ng paraan para makakuha ng appointment upang makausap ko si Mr. Henz, hindi siya pwedeng umatras sa co
Mr. Tanner’s POV“Mr. Welsh, matagal na tayong magbusiness partner, ngunit bakit ngayon mo pa ako iiwan kung kailan kailangan kita? Baka pwedeng pag-usapan natin ito, alam mo naman na fifty percent ng shares sa kumpanya ay pag-aari mo, at halos na sayo ang pondo ng malaking project ng kumpanya ko kapag nag pull-out ka ay tuluyan ng babagsak ang mga negosyo ko! Wala akong maalala na naging kasalanan ko sa’yo para talikuran mo ako sa ganitong sitwasyon.” Galit kong tanong sa kan’ya, gusto ko ng sumabog sa matinding galit ngunit sinisikap ko pa rin na magpakahinahon.“P-Pasensya ka na Mr. Tanner ngunit humaharap sa matinding crisis ang kumpanya ko, at iyon lang ang naiisip kong paraan para maisalba ito. Hindi ko na kakayanin pang pondohan ang mga project ng kumpanya mo, subukan mo na lang muna na maghanap ng bagong investor.May alam ako na pwedeng makatulong sa iyo at sigurado ako na hindi ka mabibigo kapag lumapit ka sa kan’ya.Pasensya ka na Pare, iyon na lamang ang kaya kong gaw
Chloe’s POV“Chin up Chloe! And try to smile. Okay, there you go.” Pagkatapos ng ilang shot ay tiningnan ng photographer ang mga kuha ko saka ito lumapit sa akin.“May problema ka ba? Halos nakailang take tayo puro walang buhay ang mga kuha mo.” Nag-aalala na tanong niya sa akin.“P-pasensya na masama kasi ang pakiramdam ko.” sagot ko sa kanya.“Mabuti pa ay ituloy na lang natin ito bukas at magpahinga ka na lang muna,” sabi nito sa akin bago siya tumalikod at humakbang palayo.Photoshoot kasi namin ngayon at dahil sa problemang kinakaharap ay tila wala ako sa aking sarili. Dahil nakatuon ang isip ko sa mga negosyo ng aming pamilya na nanganganib ng mawala sa amin at ang nalalapit na kasal ko kay Mr. Hilton.Natigilan ako ng biglang nagkagulo ang mga kasamahan kong modelo at halos hindi magkandaugaga sa paglalagay ng kanilang mga make-up ang mga ito, sinisigurado na presentable ang kanilang mga ayos. Lumapit ako sa baguhang modelo na si Myrna upang magtanong.“Anong meron at nata
Chloe’s POV “And now, you may kiss the bride,” the Judge said after a long ceremony he declared that we are officially married and now I’m Mrs. Hilton, the Governor’s wife.We have a civil wedding at tanging ang aking ama at ilang witness ang nakasaksi ng aming kasal.Hindi pumayag si Mr. Hilton na maging engrande ang kasal dahil gusto niya na maging pribado ang lahat ng tungkol sa kan’yang buhay may asawa at pabor naman ito sa akin.Kilala kasi sa buong bansa si Mr. Hilton at sigurado na kami ang magiging laman ng mga headline kung sakali at iyon ang pinaka-iiwasan ko rin.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin alam ni Emerzon na ikinasal na ako at nang huli kaming nagkita ay nakipaghiwalay na ako sa kanya.Nang mga sandaling iyon ay para akong mamamatay sa matinding sakit ngunit alang-alang sa aking ama ay pinilit kong maging matapang.Halos hindi matanggap ng binata ng makipag-break ako sa kanya, lumuhod pa ito sa aking harapan at nagmakaawa na huwag ko siyang iwan ngunit tinalikur