03-01-15
Nasanay ako sa bangis ng tigre sa kagubatan, sanay akong masaktan ng tigreng iyon ngunit isang araw nakita ko ang baboy ramo na sinasaktan ang parehong tigre na nanakit sa akin. Nasasaktan ako at nag-aalala para sa tigre. Mahal ko ang tigreng iyon.
-Sierra
03-02-15
Punong puno ka ng metapora, mahilig ka sa tayutay, ngunit nais kong malaman mo na hindi lahat ng problema at kaisipan ay nararapat mong ipagdamdam at alalahanin. Masyado ng mabigat ang palayok na hawak mo, 'wag mo ng dagdagan pa, sa halip ay kumalma ka. Kalma, Sierra.
-Quirou
03-11-15
Salamat, Quirou! Ikaw? Wala ka bang nais na ibahagi? Mainit ngayon at nakakapagod umakyat dito sa bundok? Maiintindihan ko kung di ka makakasagot sa mga sulat ko minsan.
Kumusta ka naman pala? Ibahagi mo sa akin ang ilang parte ng iyong buhay.
-Sierra
03-12-15
Walang anuman, Sierra. Masaya ako sa kung anong meron sa buhay ko at mas naging masaya
"Quirou?" hindi makapaniwala kong tanong."Ikinagagalak kong makilala ka, Sierra." Naglalaro pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi niya.Hindi ko kailan man inasahan na may makakatagpo akong ganito kakisig na nilalang, sanay akong makakita ng makisig sa telebisyon ngunit sa ganito kalapit ay nakakatulala.Nakakahiyang titigan ang mahahaba niyang pilikmata na mas mahaba pa nga siguro sa akin. Umangkop naman iyon sa makapal niyang kilay at sa matangos niyang ilong na parang bibihira sa mga purong Pilipino. At sa labi niya ay may di maalis na ngiti, dumagdag sa kakisigan niya ang mga ngiting iyon at ang biloy niya sa kaliwang pisngi.Paano pa kaya pag nagseryoso siya? Baka katulad ng kadalasang sabihin ng mga kasing edad ko, baka maihi na ako sa kilig."Sa ganyang paraan ka ba bumati sa isang kaibigan? Tititigan mo na lang ba ako, Sierra?" wika niya na k
Maingay ang silid aralan namin kaya nagdesisyon akong lumabas na lang muna, bakante kasi ang skedyul namin ngayon. Alas diyes pa lang ngunit parang alas dose na dahil sa init ng araw. Bahagya ko munang ipinusod ang hanggang tuhod kong buhok. Saka ako naghanap ng pwesto na pwede kong upuan, magsusulat na lang ako.Isang upuan sa lilim ng puno sa likod ng silid aralan namin ang nakita ko, maingay pa rin pero hindi na gaano. Malakas ang himig ng mga dahon dito, at maingay din ang mga kulisap. Magandang pwesto nga."Hi! Pwede ba akong tumabi sa'yo?" Isang babaing nakangiti ang lumapit sa akin, naka-pony tail ito at medyo weird ang fashion sense, malaking bilog na hikaw, pulseras na parang sa manghuhula, at kwintas na patong patong. Hindi siguro ako kilala ng babaing ito, hindi kasi natakot sa akin."Pangako! Di ako mag-iingay! Magbabasa lang ako, tahimik ka kaya ikaw ang nilapitan ko. Ako nga pala si Razee! Gawin mo lang ang
Umaawit ang mga ibon sa puno ng kaymito sa aming bakuran. May mga maya roon, at mayroon ding naliligaw na mga itim na kalapati, ngunit umaalis agad pag nakikita nilang teritoryo na iyon ng mga maya. Tipid akong napangiti, sa totoo lang ay hindi naman sila ang tinitingnan ko kanina pero nawili na rin akong tingnan sila. Nabaling lang sa kanila ang aking paningin, pero mas napangiti pa nila ako kaysa sa tinitingnan ko.Mataman akong nakatitig sa labas, nagmamasid sa kung ano ang nasa baba. Mula sa ikalawang palapag ng aming bahay ay inoobserbahan ko ang mga dumaraan at paparating na sasakyan. Ilang sandali na lang ay magdidilim na.Magga-gabi na ngunit wala pa rin sina mama. Sabado na, at Huwebes pa ng gabi sila umalis. Saan kaya sila nagpunta? Sana kahit ang konting impormasyon man lang na 'yon ay nalaman ko para di ako gaanong nag-aalala ngayon.Kinuha ko muli ang aking kwaderno at nagbasa ng nagbasa. Pinipilit kong ituon ang konsentrasyon ko r
Halos tatlong oras kaming nag-ikot-ikot kagabi. Tumambay lang kami saglit sa mga pasyalan, at kumain. Gayunpaman ay sobrang naging masaya ako, unang pagkakataon ko 'yon na mahawakan ang oras at kalayaan ko. Masaya pala talagang maging malaya.Mas napangiti ako nang maalala ko ang kakulitan at pagiging malambing ni Quirou, hindi niya talaga binitawan ang kamay ko sa buong oras na magkasama kami, maliban na lang pag nagdadrive siya. Hiyang hiya ako sa namamawis kong kamay, pwede palang maging masaya sa nakakailang na pangyayari.Hanggang ngayon ay naiwan ang ngiting hatid ng ala-ala ng nangyari kagabi. Kung may pagkakataon, sana ay maulit iyon. Mas lalo akong napangiti sa mga ideya na pumasok sa isip ko, ngunit isang siko ang naramdaman ko sa aking tagiliran, siniko ako ng kapatid ko."Nakangiti ka na naman, nakatingin na sa'yo si mama. Yari ka," mapang-asar na bulong sa akin ni Ana.Sa edad nito ay pantay lang ang tangka
Masarap na dumadampi sa aking ilong ang amoy ng aking kwaderno, nakayuko ako at nag-iisip. Alas dose na ngunit di pa rin ako nakakapag-isip. Wala kaming pasok ngayong hapon ngunit gusto kong makita si Quirou, kung mananatili ako sa bahay ay hindi kami magtatagpo. Nag-isip ako ng mga posible kong gawin para makaalis sa bahay habang nakahiga ako at nakapatong sa aking mukha ang aking bukas na kwaderno.Paano ako lalabas ng walang tanong mula sa aking ina? Ayokong magsinungaling, paano ba? Pinadyak ko ang aking paa sa ere, ginalaw ko ang aking mga kamay, baka makapag-isip ako sa paraang ganito. Makalipas ang ilang segundo ay bigla na lang akong bumangon, nalaglag ang aking kwaderno sa aking kandungan na ikinatawa ko.May ideyang pumasok sa isip ko.Di ko yata matatagalan na di makita si Quirou ngayong araw na ito. Gusto ko siyang makita. Nangingiti ako sa ideya na magtatagpo ang mga mata namin, tapos ay hahawakan niya ang mga kamay ko. Di ak
Tahimik ang bahay pag-uwi ko, walang nagtatalong Shawie at Ana, wala rin akong narinig na pag-iinarte mula kay Shano. Nakakapagtaka ito at medyo nakakagulat. Nang tuluyan akong makapasok ay saka ko napansing wala palang tao sa bahay."Nasaan na naman kaya sila?" mahinang bulong ko.Pinulot ko ang mga nagkalat na laruan sa lapag, mga transformer na laruan at power rangers. Paniguradong kay Shano ito. Nasaan na ba sila? Gusto kong makatanggap ng maraming halik kay Shano ngayon.Naglinis na lang muna ako ng bahay at nagluto na rin habang naghihintay sa kanila, ngunit anong oras na ay wala pa ring bakas nila. Saan ba sila pumunta?Sa pagod marahil sa byahe at paglilinis ay di ko namalayang bumagsak na pala ang talukap ng mga mata ko habang nakahiga ako sa mahabang upuan sa sala.Hindi ko alam kung gaano kahaba ang tulog ko pero nagising ako nang maramdaman ko ang marahang pagdausdos ng isang kamay sa aking braso paakyat sa
Maingay na ang kapaligiran habang nakatitig ako sa kawalan. Taliwas dito ay walang giyerang nagaganap sa aking kalooban, mula ng makilala ko si Quirou ay nabawasan ang pag-ikot ng mga negatibong bagay sa aking isipan.Nabawasan lang ngunit hindi naubos, patong-patong na kalituhan at mga katanungan pa rin ang dumadalaw sa akin sa gabi? Tuwina ay naghahari sa akin ang takot at kaba, ngunit hindi katulad noon ay mayroon ng taong handang makinig sa kin, nandiyan na si Quirou. Kahit papaano ay nababawasan na ang bigat.Para siyang malamyos na musikang pilit na dumadampi sa aking pandinig habang may mga taong sumisigaw sa akin. Isa siyang pagtanggap sa aking nakalakhang pagtanggi mula sa mga tao sa paligid ko.Nang sumapit na ang Linggo ay maaga akong gumising at nagluto. Maaga rin akong naglaba. Alas tres pa lamang ay kumikilos na ako sa loob ng bahay, kaya alas syete pa lang ay tapos na ako.Nakapaghanda na ako
"Q-Quirou... Hindi ako makahinga."Tuloy-tuloy pa rin ang mabilis na pagpintig ng aking puso. Masarap ang yakap ni Quirou, ang pagdikit ng katawan namin, ang init niyon, at ang sayang hatid nito. Masarap sana at gusto ko pang humirit ng isa pang oras, kaso baka kasi makita kami nina tita at Quin sa ganitong ayos. Nakakahiya.Anumang oras ay posible pa naman na mapadpad ang kahit sino kina Quin o tita dito. Sa totoo lang ay ni hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang inaakto ni Quirou.Dahan-dahan niya naman akong binitawan. Isa ito sa mga katangian niyang gusto ko, ang pagiging laging mahinahon. Ngumiti ako sa kaniya."Pasensya na, nag-aalala lang kasi ako sa'yo," saka nahaluan ng pag-aalala at konting bakas ng takot ang kaniyang boses. Sunod-sunod niya ring tiningnan ang aking braso, kamay, siko, at mukha. Nakakagulat... Ano ba ang meron at nagkakaganito siya?"May problema ba? Walang nangyari sa akin." Dinugtungan ko pa ng tawa ang sinab